Share

Kabanata 4

Unwanted Guest 

Tumaas ang balahibo ko sa batok at mabilis na humakbang paalis ng dock. Pero bigla na lang akong nadapa. Napahiyaw ako at nanginginig na tumayo. Binilisan ko ang hakbang. Nabawasan lang ang panginginig ko nang umapak ang mga paa ko sa lupa. 

Kinagat ko ang ibabang labi at sumulyap sa dock. Walang tao. Pero sino ang nagsalita kanina? Niyakap ko ang sarili. 

Simula nang gabing iyon sa Boljoon, dalawang buwan nang nakalipas, may naririnig na akong kung ano-ano. Noong una ay hindi ko pinansin pero paminsan-minsan ay bigla na lang akong kinikilabutan lalo pa't ramdam ko ang mga matang nakasunod sa bawat galaw ko. Nitong nakaraang mga araw ay wala na akong naramdamang kakaiba kaya nakampante na ako, pero nang marinig ko ang boses na iyon sa dock... hindi ko maiwasang isipin na hindi pa nawawala ang takot ko sa gabing iyon. 

Ano mang misteryo ang nakabalot sa boses na iyon ay hindi ko na inisip. Mabilis kong inayos ang sarili at tumakbo pabalik sa Larica building. Tahimik akong naghintay sa family driver habang nakatingin sa bilog na buwan sa kalangitan.

~~~

Alas-onse na ng gabi nang makauwi ako sa bahay galing sa lungsod. Dumiretso na ako sa kuwarto dahil alam kong natutulog na si Mama. At habang nagbibihis ng nightgown, naramdaman ko ang pag-ihip ng malamig na hangin tungo sa gawi ko. Hindi ko iyon pinansin at agad na tumalon sa kama at nagtalukbong. 

Siguro dahil sa puyat kaya mabilis akong nakatulog sa gabing iyon. Kinabukasan, hinatid ako ng family driver tungo sa University. Pero nang umuwi ako nang tanghali, bigla na lang akong tinawag ni Mama. Bumisita raw si Kervy. 

Kurt Vincent ang pangalan niya. Early twenties pa pero may hinahawakan nang fifty condos na nakapangalan sa kaniya. Dahil sikat at may pera kaya hinayaan ni Mama na manligaw sa akin. The heck. E ayaw ko nga sa lalaking masyadong clingy.

"Ginagawa mo rito?" tanong ko at inabot ang tasa ng tea. Sumimsim ako at tumingin sa tanawin sa malayo.

"Bawal ba kitang bisitahin?" ngiti niyang tanong bago bumuga ng hangin nang makitang wala akong reaksyon sa biro niya. "Hindi ko na alam kung gagawin ko sa 'yo, Rishell."

Binaba ko ang tasa at bumuntong-hinga. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko sa kaniya. Paulit-ulit siyang bumibisita rito sa bahay at nakakairita na minsan. Hindi naman sinisita ni Mama kaya siguro namimihasa. 

Tinuro ko ang bundok na kitang-kita mula rito sa teresa ng bahay. "Kung mag-hike ka kaya? Doon, o. Libre sa bundok. Para magkaroon naman ng purpose ang buhay mo."

His lips twitched. "Rishell."

"Bakit ba palagi kang nandito, Kervy? Hindi ka naman kailangan dito sa bahay," sabi ko sabay halukipkip. Sumulyap ako sa kaniya. "Wag kang mamihasa. Nagiging hospitable lang si Mama kaya pinapatuloy ka rito."

Ngumiti siya at sinilid sa bulsa ng pantalon ang magkabilang kamay. "Hindi ba sinabi kong nanliligaw ako? Kaya ito, nagdala ako ng paborito mo." Kinuha niya 'yong eco bag na nakapatong sa mesa at binigay sa akin. Kunot-noo ko naman 'yong tinanggap. "Mga libro 'yan ng paborito mong author. Nakuwento mo sa akin noong isang araw na hindi ka naka-order ng libro. Kaya, ayan, binilhan kita," dagdag niya.

Sinilip ko ang loob ng eco bag at nawala ang kunot ng noo ko dahil sa apat na bagong libro. Mga bagong release na wala sa koleksyon ko roon sa katabing kuwarto ng opisina ni Papa. Kumurap ako at kinagat ang labi. "Oh, salamat." Tumaas ang gilid ng labi ko at nag-angat ng tingin kay Kervy. 

At dahil good mood ako, pinagbigyan ko siyang magkuwento tungkol sa kaibigan at boss niya. May tinatarget raw na lupa ang real estate monster na kaibigan niya doon sa Sudtonggan. Patango-tango lang ako habang sumusubo ng cake. Sa katunayan, hindi naman ako interesado sa boss niya. 

"Sandali lang, Rishel," sabi ni Kervy at dinukot sa bulsa ang phone niya. May sinagot itong tawag. "Anong balita?" Ilang minuto siyang nakinig sa kabilang linya. Tapos, bahagyang kumunot ang noo niya sabay sulyap saglit sa akin. "Sige, pupunta na ako riyan. Sabihan mo si Jaxx." Binaba niya ang tawag at ngumiti sa akin. "May emergency sa kompanya." Bumuntong-hinga siya. 

Ngumiti ako at sinenyasan siyang umalis. "Go, mas importante ang trabaho," ani ko at sumubo na naman ng cake. 

"Mas importante ka," natatawa niyang sambit at ginulo ang buhok ko bago siya naglakad paalis. 

Ngumuso ako sa ginawa niya at inayos ang nagulong buhok. At dahil forbidden goods ang dinala ni Kervy, agad ko itong tinago sa loob ng kuwarto ko. Plano kong dalhin ang mga 'yon sa port. 

Hinanap ko ang cellphone para sana mag-check ng updates sa paborito kong author at banda, pero naalala kong nahulog pala ang cellphone sa dock. Bumuga ako ng hangin. Kahit pa payag si Papa na bumili ako ng bagong cellphone, mahirap kombinsihin si Mama. 

Kaya tinawagan ko ang phone number ni Kervy gamit ang landline. Tatlong ring bago may sumagot sa kabilang linya. "Hello," boses ni Kervy.

"Hi. Are you driving right now?" tanong ko.

"Naka-stop sa red light. Bakit, Rishel?"

"Saan ka na ngayon?" 

"On the way to Sumaya Heights. This is the first time you call my number. May kailangan ka?"

Muntik na akong mabilaukan sa tanong niya. Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya at natampal ko ang sariling noo. Right. This is my first time na tumawag sa numero niya and of course, dahil may kailangan ako sa kaniya. Pero nakakahiya naman na umamin kaya umikhim ako at nakipag-usap sa kaniya tungkol sa ilang bagay bago dumiretso sa dahilan kung bakit ako tumawag. 

"I wanna ask if you can buy me a phone? But kung busy ka, nevermind."

Saglit siyang natahimik bago pumayag sa request ko. Lihim na lang akong bumuntong-hinga at sinagot ang tanong niya tungkol sa brand at kung ano-anu pa. 

"That's all, Kervy. Thank you. I'll compensate you soon."

"Kahit 'wag na," he said.

Hindi na ako nakipag-argumento sa kaniya at binaba na ang tawag. He's driving and it's dangerous. Humilata ako sa kama at pumikit saglit bago inabot ang bagong biling libro at nagbasa. 

HINDI AKO naghintay nang ilang oras dahil may kumatok sa pinto. Tumingin ako sa orasan sa dingding. Isang oras na pala akong nagbabasa. Binaba ko ang libro at pinagbuksan ang kumatok. 

Si Jemima. Siya ang bagong alalay dito sa bahay mula sa Lapu-Lapu. Siya 'yong tipikal na nagri-rebel sa magulang. Balita ko ay pinadala siya rito ng Lola niya para magtanda. Masyado raw kasing basagulera.  

"Miss, may nagpapabigay," aniya at inabot ang isang supot. Alam kong bagong cellphone iyon kaya tinanggap ko na. 

Tinanaw ko lang siyang humakbang palayo bago sinara ang pinto. Matapos kong magkumpuni ay agad akong nagbukas ng social media. Nagbrowse lang ako sa bagong updates ng Vine at pinusuan ang mga iyon. 

Ang nakakuha ng atensyon ko ay ang post ng isang fan. Mas marami raw fans si Ariel kaysa kay Levi. Tumaas ang kilay ko at nag-comment. What did I say? Siyempre, pinagtanggol ang idol kong si Levi. Ngumisi ako.

Nakakatuwa kasing makipag-away sa social media. They don't know me and I don't know them either, kaya malaya kong napapalabas lahat ng ideya ko. Unlike sa real life na kailangan kong maging maingat sa binibitiwang salita dahil sa iniingatang reputasyon. 

At nasa kalagitnaan ako ng fan war nang biglang namatay ang wifi. Napamura ako. Mabilis akong lumabas ng kuwarto bitbit ang cellphone. "Ma, patay na naman ang wifi!" naiinis kong sigaw. 

"Anong tono 'yan, Rishel?" sita ni Mama. "Kung hindi pa namatay ang wifi, hindi ka lalabas ng kuwarto? Magpunta ka na sa kusina at kumain."

Mabilis kong tinikom ang bibig lalo pa't nakita ko siya sa sala habang patingin-tingin sa modem. Hah. Alam kong pinatay ni Mama ang wifi para lumabas ako ng kuwarto. Napanguso ako. 

Kainis naman kasi. Anhaba na ng tinayp ko, pero hindi ko naman pala mai-comment. Tsk.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status