Share

Kabanata 57

Madilim ang itsura niya pero alam kong hindi sa akin nakadirekta ang galit niya kaya nakampante ako. "Thank goodness at nandito ka na!" masaya kong sambit at umupo.

Mabilis niya akong dinaluhan. "Let's go," sabi niya saka binuhat ako sa mga bisig.

Napahiyaw pa ako sa gulat at napatingin sa mukha niyang napakalapit. Bumilis ang tibok ng puso ko at uminit ang magkabilang pisngi. Iniwas ko ang tingin nang tumingin siya sa akin.

"Sa'n mo 'ko dadalhin?" tanong ko .

Napansin kong ginagayak niya ang daan tungo sa fire exit. Maya-maya pa ay nakalabas kami ng gusali at marahang humampas sa mukha ko ang preskong panggabing hangin. Nawala ang tensyon sa magkabilang balikat ko at inihilig ang ulo sa balikat ni Lyndon.

"Thank you," marahan kong bulong.

"Anong ginawa niya sa 'yo?" tanong niya.

"Nahimatay lang ako ng dalawang araw."

"Dalawang araw?" Mas lalong nandilim ang awra ni Lyndon. "Rishel, dalawang linggo kang nawawala! Hindi kita mahanap." Nagtagis ang bagang niya. "At malalaman ko lan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status