Share

Kabanata 10

Knowing him

Hingal kong hinawi ang basang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko. Mariin kong tiningnan si Ariel na prenteng nakaupo sa gilid ng pool habang nakabanlaw ang binti sa tubig. "Madaya ka," nakalabi kong saad at lumangoy tungo sa hawakan ng hagdanan.

Hindi niya ako hinintay at agad na lumusong sa pool kanina. Gusto ko sanang magreklamo sa kaniya pero nakita kong wala siyang balak na huminto sa paglangoy, kaya wala akong nagawa kung 'di lumusong na lang din. Pagkatapos ko ng dalawang turn, nakita ko siyang nakangiti habang nakaupo sa gilid ng pool.

Tumawa siya at umusog nang kaunti palapit sa akin. Dumukwang siya para magpantay ang mukha namin. Nahigit ko ang hininga nang ngumisi siya. "It's fair enough," aniya.

"Nauna kang lumusong!" reklamo ko.

Nagkibit-balikat siya at umayos ng upo sa tabi ng pool. "I don't understand why can't you accept your defeat, but rest assured your stay here will be worth it." Tumaas ang sulok ng labi niya.

Bumuga ako ng hangin at umahon. Nakit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status