Share

FOOC | 3

“Anexelia Contes? Laya ka na!” sabi ng bantay sa jail booth. 

Tamad akong tumayo sa pagkakaupo sa bermuda at lumapit sa front desk. Seniors ang naka-assign sa jail booth. Juniors naman ay sa mga refreshments stalls. Tapos sophomores naman ang sa dedication booth at sound system. Kaming freshmen naman ay sa photo booth for remembrance and souvenirs. 

‘Yong mga walang sinalihan na kahit anong sports ang mga nag-aasikaso sa mga booths. Malaki rin ‘tong school, at dahil public, maraming mga students na pumapasok dito. Halos nasa lima hanggang pitong section kasi ang bawat grade level. 

“Who paid for me?” tanong ko dahil wala naman akong nasabihan sa team ko na nakulong ako. 

Third day na ng Intrams namin at nakakahiyang na-late ako ng pasok dahil nagkagulo na naman sa bahay. As usual. Auto pasok tuloy ako sa jail booth dahil bawal ang mga late. 

“Pogi, pero ‘di sinabi ang pangalan. Umalis agad,” pahayag ng bantay at inabot sa ‘kin ang ID after ko pumirma sa listahan katabi ng pangalan ko. 

Mabilis akong umalis doon dahil pinagtitinginan na rin ako. Nang makarating sa room namin ay agad akong napaisip kung sino ang nagbayad ng limang piso para sa ‘kin para makalaya. Ilang minuto rin ang tinagal ko roon sa loob. Ibang tao kasi ang kailangan magpiyansa para sa mga nakukulong. 

Wala naman akong ibang kakilala maliban sa teammates ko. Imposible rin naman na isa sa mga kaklase ko ‘yon. 

“Sama ka, Cap? Nood kami sa basketball,” yaya ng pitcher namin. 

Hapon pa naman ang laban namin kaya sumama na lang din ako sa kanila. Parang malungkot naman kung magmumukmok ako mag-isa gayong dapat nag-e-enjoy kami. Kasi pagkatapos ng Intrams, balik na naman sa pag-aaral at tambak na gawain.

“Pinasa kay Sandoval, tumira ng tres, pasok!” 

Halos mapuno ang gym sa dami ng nanonood. Panay tili rin ang karamihan sa mga babae. Tipong magagasgas na ang kanilang mga lalamunan. 

Naupo kami sa bleachers na malapit lang din sa entrance. Fourth quarter na ang naabutan namin at lamang ng sampung puntos ang team ng Panthers. 

Tahimik lang akong nanood doon dahil hindi naman ako mahilig sa basketball. Pero base sa palaging tinatawag ng commentator, mukhang ‘yong Sandoval na ‘yon ang best player of the game. Palaging nakaka-three points kapag nasa kaniya ang bola. 

Iyon lang din naman ang pagkakaintindi ko, kung sino ang maraming nai-shoot na bola, e ‘di siya ‘yong magaling. 

“May crush ba sa ‘yo si Sandoval, Cap?” tanong ni Natalia, ang pitcher namin, habang nakatingin sa bench ng Panthers. 

Kumunot ang noo ko at sumulyap doon. Nag-timeout ang team nila. I saw them talking at may itinuro sa gawi namin ang katabi ni Sandoval. Napatingin din ang huli at hindi ko sigurado kung nagtama ba ang mga mata namin. Mabilis kasi itong nag-iwas ng tingin.

“How would I know? Baka sa ‘yo may gusto,” I said cooly and shrugged. 

Maganda naman si Natalia. Siya iyong tipo ng babaeng ‘di magaslaw gumalaw. Kahit yata nagpi-pitch siya ay may composure pa rin. Matalino rin at may sinasabi sa buhay. Ang lamang ko lang siguro sa kaniya ay height. I was five-inches taller. Kaya natural lang na may magkagusto sa kaniya. 

Also, it wasn’t clear enough to assume something. Hindi ko naman kilala ‘yon. At ngayon ko lang naman ‘yon nakita. 

Malabo talaga.

Tinapos namin ang game. As expected, nanalo sila. Malaki ang lamang kaya nahirapan nang habulin. 

We remained on the bleachers because one of my teammates was waiting for someone... from that team. And then I realized that one of the Panthers was her boyfriend. 

Lima silang lumapit sa pwesto namin. I just stood there and listened to their conversations.  

“Pwede ba silang sumabay sa lunch?” It was our first baser na may boyfriend sa Panthers.

I don’t know why but they looked at me like the decision was on me. Napakurapkurap ako.  

Lumapit sa ‘kin si Natalia at umakbay kahit na kapos dahil sa height ko. “Hindi sanay ‘tong Captain namin sa ibang lalaki so baka... hindi siya papayag,” pahayag niya.

Bahagya naman akong nahiya dahil baka isipin nilang ang killjoy ko. Hindi ko naman hawak ang cafeteria ng school kaya wala namang kaso kung sasabay sila. Though, I appreciated that they considered my feelings.  

“Uh, sige. Ayos lang,” saad ko. 

Nauna na kaming maglakad ni Natalia. They tailed us behind. Medyo punuan sa cafeteria dahil lunch time na pero buti na lang at may nabakante agad pagkapasok namin kaya inukupa agad namin ‘yon. Hindi naman lahat ng students dito kumakain. ‘Yong iba umuuwi sa kanilang mga bahay while the others preferred to eat outside. Marami rin kasing kainan sa labas ng school.

Binaba lang muna namin ang mga gamit sa upuan bago pumila sa counter. May menu roon na naka-by set na ung pagkain, parang combo meal, ganoon. Set E lang ‘yong in-order ko dahil hindi rin ako malakas kumain. Tama lang para mabusog. Isa pa, may laban kami after ng lunch kaya ‘di ko kayang kumain ng marami.

I settled my food on the table and waited for the others. Mukhang nagdadalawang-isip pa sila sa kakainin. 

May naglapag ng pagkain sa harapan ko kaya napabaling ako rito. Si Sandoval. He sat down and glanced at me. 

“Hey,” bati niya. “You don’t mind if I sit here, hmm?” Tumango ako. He smiled boyishly and offered his hand. “Kristoff Sandoval, junior, and a Center. You can call me Kris,” pagpapakilala niya. 

I hesitated for a moment before shaking his hand. “Anexelia Contes, freshman. Catcher ako sa softball team namin.” 

“Hindi mo nalalaman pero... fan mo ako. I watched you play. Ang galing mo,” walang preno niyang sambit. 

Umawang ang mga labi ko at napatitig sa kaniya. Nagbaba rin ako ng tingin kalaunan. “Ikaw rin naman,” sabi ko at parehas na kaming natahimik dahil nagsiupuan na sila. 

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa field. Nagpahinga lang kami saglit sa benches para magpahulas ng kinain bago nag-warm up. 

Isa-isang nagdatingan ang kalaban namin. Kumpara sa sophomores na mga feeling entitled, mas friendly ang presence na ipinaparamdam sa ‘min ng juniors. Inaasar nga nila sina Sandoval dahil nasa benches namin ang mga ito na dapat ay roon sa kabila dahil... kalaban namin sila. 

“‘Wag niyong gagalingan, ha?” pabirong sambit ng Captain ng juniors. 

It was a friendly joke and wasn’t insulting despite the fact that they were ahead of us. Hindi lang dahil sa grade level. I watched them play against the seniors and they won. Magagaling din sila. 

“Tambakan niyo ‘yan! Mga hindi nanood ng basketball! Madaya!” kantiyaw pabalik nina Sandoval at nagtawanan sila. 

Palihim akong napangiti at medyo nabawasan ang kaba na nararamdaman ko. 

The game started at exactly 1:30 post meridiem. Tinawag ng Umpire ang parehas na Captain ‘tsaka nagpa-toss coin. I chose tail while the opponent was the head. Sinundan namin ang limangpiso na umikot sa ere hanggang sa bumagsak sa lupa. 

I mentally rejoiced when the tail appeared on our sights. 

“Taya po kami,” sabi ko at nakipagkamay sa kanila. “Let’s play fair and enjoy.” 

Lumapit na ako sa ka-teammates ko at sinabing taya kami. They all grinned at that. Mas maganda kasi talaga kung magiging taya muna sa unang inning. Naroon kasi agad ang advantage sa laro. Kumbaga, malalaman mo agad ang scores ng kalaban. You can control the game. At kapag kayo na ang papalo, pwede niyong lamangan agad ang kalaban.

Pero siyempre, wala pa ring kasiguraduhan ang pagkapanalo. 

After all, the result is not always absolute. 

Hangga’t hindi natatapos ang laban, wala pa ring kasiguraduhan ang lahat. You don’t always get what you have expected. Kasi maaari pang mabago ang takbo ng laro. 

Pumwesto na ‘ko sa may home plate pagkatapos magsuot ng protection gear sa katawan. Sinalo ko ang limang beses na pitch ni Natalia. It was a warm up to condition us bago sumalang ang batter.

“Unang batter!” sigaw ng Umpire na tumayo sa may hulihan ko para mag-timer at assist. 

Tatlong innings lang ‘to. Sa ikatlong inning, kami ang huling papalo. Walang kasiguraduhan kung ilang minuto o oras matatapos ang laban. Hindi tulad sa basketball na may oras kada quarter. Sa softball, depende ang haba ng laban sa mga players. Hangga’t hindi nakakatatlong out, patuloy pa rin ang laro at tatagal nang tatagal.

Malawak ang field, at dahil open field ‘yon, babad kaming lahat sa sikat ng araw. Mahapdi sa balat, oo. Pero wala namang magagawa kung mag-iinarte ka. Isa pa, pinili namin ang sport na ‘to kaya walang kaso kung umitim kami. Expected result na ‘yon. Walang puwang sa larong ‘to ang mga taong ayaw mapawisan at mabilad sa arawan. 

At dahil siguro ang field ang sentro ng Campus, maraming nanonood mula sa iba’t ibang area. May mga nakasilong sa ilalim ng puno ng mangga. Meron din sa mga benches, sa corridor, labas ng cafeteria, function hall, at mga nakasilip sa bintana ng mga rooms na malapit sa field. 

Nasa sukdulan na kami ng laban. Ramdam ko na ang pagod at pamamawis ko. Pero dalawa palang ang out sa kabilang team. At ilan na ang nagagawa nilang home. 

Last inning na. Sampu na ang lamang nila sa amin. Isang out na lang at kami na ang papalo. 

My mind was wandering. Hindi rin nakakatulong ang sigawan sa paligid. I tried hard to focus my attention on the ball. 

Natalia was ready to pitch. Bahagya akong lumuhod at ipinosisyon ang kaliwang kamay sa unahan, malapit sa batter. Sinenyas ko kay Natalia ang glove ko at nakuha naman agad niya ang ibig kong sabihin. 

Pwede naman sigurong dukutin ‘to. But... it’s too risky. Posibleng mahampas ako at makapuntos lang sila kung magiging pabaya ako. 

Aaminin kong nagiging desperada na ako dahil sa mga naiisip ko. Pero ano bang magagawa ko? Mas lalo lang lalaki ang agwat ng scores kung wala pa rin kaming ma-out sa kanila. 

Isang beses lang naman. Susubukan ko. Baka gumana. Kung suswertihin, baka makahabol kami.

Pero paano kung hindi? 

I shook my head. It’s okay. At least I tried, right? Kasi hindi ko rin naman malalaman ang resulta kung hindi ko susubukan. 

“Strike two!” sigaw ng Umpire. 

Nasalo ko ang bola at mabilis akong umabante nang makitang umawang sa unang base ang kalaban. This was the thrilling part of playing softball. Chasing. Parang nakikipagpatintero lang. Pero mabilis lang din na bumalik sa base ang kalaban. Naninigurado na hindi maa-out. Obviously, she knew I was faster than her. So it’s better be safe than sorry.

Hinagis ko na lang pabalik kay Natalia ang bola. I raised my forefinger to remind them na isa na lang, at kami na ang papalo. 

Returning to my position, I placed my hand nearer the batter. Kinakabahan ako pero desidido akong subukan. 

I don’t know why I’m doing this... why I’m risking something I will regret after, if ever I failed. Gusto ko lang naman maglaro. Pero habang tumatagal ako sa laban, I was becoming more competitive. 

Isang mabilis na ruweda mula kay Natalia, mas lalo kong nilapit ang kaliwang kamay ko na may suot na glove at dinakma ang bola sa mismong tapat ng bat. 

“Strike three! Out!” 

Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwalang tumitig sa bola na hawak ko. I gulped and I felt something was gushing inside of me that made me froze... and thrilled.  

“Nakita ko ‘yon. Pambihira ka naman,” naaaliw na puna ng Umpire. “Pero delikado pa rin. Kung uulitin mo ‘yon, hintayin mong igalaw ng batter ang bat bago mo dukutin. Kung uunahan mo kasi, malinaw na pandaraya na ‘yon.” Umiling ito pero bakas pa rin sa mukha ang pagkamangha sa ginawa ko. 

I took that as a useful tips. Ganoon pala. Nagawa ko naman nang maayos. Parang gusto ko ulit gawin pero... huli na. 

“Nice game,” nakangiting sambit ng junior Captain at muling nakipagkamay sa ‘kin. “May patutunguhan ka, bata.” sambit niya bago tumalikod. 

The game ended fairly. And we lose. 

Sumulyap ako sa scoreboard at nakaramdam ng panghihinayang. Hindi na rin masama ang naging resulta pero alam mo ‘yon... we almost closed the gap. Konti na lang... kaya bakit? 

Bakit ganito? 

Why do I feel frustrated? 

Binalingan ko ang mga ka-teammates ko. “Bawi na lang—” 

I paused on my track and the smile I plastered on my face gradually faded. 

Lahat sila nakayuko. Some were tearing and clenching their hands into a fist. 

Of course I know why. 

Dahil iyon na ang huling laban namin. And we have failed to make advance on the rankings. Isang laban lang ang naipanalo namin sa huli. Ibig sabihin, laglag na ‘yon.  

Intrams lang naman ‘to. Laro lang ang lahat. Sa sunod na linggo, balik normal na ulit. Pero bakit masakit sa pakiramdam? Kumikirot ang puso ko habang nakikita ang pagkabigo sa mga mukha ng ka-teammates ko. 

Bumuntong-hininga ako. Wala pa naman si Coach kasi pinatawag sila sa principal’s office.  Kaya walang ibang mag-a-advise sa amin kung hindi ako... kahit kailangan ko rin ‘yon.

I cleared my throat and composed myself. I masked a small smile on my face again as I faced them heads on. “Alam ko... ang nararamdaman ng bawat isa sa inyo. Alam ko kung ano ang mga iniisip niyo. Parehas lang tayo. Ako rin, gusto kong manalo. Nakakapagsisi na hindi natin binigay ang lahat ng makakaya natin. Nakakapanghinayang kasi bakit ganoon, konti na lang ang agwat sa scores natin, pero bakit hindi pa natin nahabol.” 

Huminto ako saglit at pinagmasdan sila. Nakaangat na ang mga ulo nila pero hindi pa rin ako sinasalubong ng tingin. Ilang buwan ko pa lang silang nakikilala pero may kakaiba sa samahang nabuo sa pagitan namin. Dahil siguro, ang bawat isa sa amin, ay iisa lang ang nais. 

Softball. 

“Magagaling tayo pero mas angat sila kaya tayo natalo. Mga bata pa tayo at kulang pa sa praktis. Maaaring ang ilan sa kanila, lumaban na sa ibang schools. Marami ng experience. Samantalang tayo, mga baguhan pa lang sa field na ‘to. Pero hindi naman ‘yon magiging basehan para magmukmok, ‘di ba? Oo, natalo tayo, at maaaring eto na ‘yong huling araw na makakapaglaro tayo sa isang match bago matapos ang taon. Pero may tatlong taon pa tayo sa junior high school. Hindi pa rito nagtatapos ang lahat. Gawin nating aral at motibasyon ang pagkatalo natin para mas gumaling pa tayo sa susunod.” 

Tumindig na sila nang maayos. Bakas pa rin ang pagkadismaya sa mga mukha pero lamang na ang kumpiyansa at dedikasyon. Ganiyan nga. Matuto tayong tumayo pagkatapos mabigo. 

“At sa susunod na lalaban ulit tayo, tayo naman ang mananalo.” I declared with finality on my tone.

Ibinuka ko ang mga braso ko at sinugod nila ako ng yakap. Para silang mga anak ko na humahagulgol at sinusumbong ang umaway sa kanila. Tumingala ako at pinigilang maluha. I closed my eyes for a moment and feel their warm hugs. 

Nang magmulat ako at magbaba ng tingin, I met his eyes, full of admiration. He was smiling all ears like he was proud of something... or of me.

“Good job, Captain.” I saw him mouthed before turning his back and walked away. 

Did I?

-

01/24/23

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status