Share

FOOC | 1

“Tumigil ka nga! Nakakasakal na ‘yang pagseselos mo na wala namang basehan!”

Awtomatikong napahinto sa paghakbang ang paa ko papasok sa bahay nang maulinigan ko ang sigaw na ‘yon. Sigurado akong nasa ikalawang palapag nanggagaling ang ingay pero dahil sa lakas noon, at dala na rin na walang ibang tao sa loob, ay aakalain mong nasa salas lang nagmumula iyon. 

Bumuntong-hininga ako at tumalikod. Lumabas ulit ako sa gate at naupo sa may gilid ng daan para magpalipas muna ng oras. Kakauwi ko lang galing school at gusto ko sanang magpahinga saglit dahil pagod ako sa tryout ng softball. Pero nakakawalang gana ang sumalubong sa ‘kin. 

Tumingala ako sa kalangitan at pinagmasdan kung paano tabunan ng kadiliman ang kulay kahel na langit. 

Hindi iilang beses kong nadatnan ang ganoong eksena. Madalas nga ay magtatalo sila sa harapan ko, o ‘yong alam nilang nakikinig ako sa debate nila. 

Kasal sila nang lagay na ‘yan. Akala ko noon, kapag sinabing kasal, nagmamahalan na... Ayaw na nilang maghiwalay. Gusto ay magkasama sila habambuhay. Iyong tipong wala nang makakapigil sa kanila. Pero kabaligtaran ang nangyayari. 

Sakal. Iyon ang kinahantungan nila. Normal lang daw sa mag-asawa ang nag-aaway at may pinagtatalunan. Ganoon daw talaga kasi hindi naman maiiwasan ang ‘di nila pagkakaunawaan. Maiintindihan ko sana, pero bakit kailangang araw-araw? Kung hindi man, sobrang dalas naman nila kung magtalo. Parang hindi naman yata ganoon iyong mga kapitbahay namin. 

At kung ano ang pinag-aawayan nila? 

Madalas na pag-uwi ni Papa nang late. At ang pagkapraning ni Mama... Nagseselos siya nang walang dahilan o basehan. 

Hindi sa kinakampihan ko si Papa. Wala akong pinapanigan sa kanila. Pero nakakasawa na kasi. Paulit-ulit na lang. Sa halip na makausap ko sila tungkol sa kaganapan sa school o kahit kumustahin man lang ako, ay kailangan ko pang magpasensiya at manahimik na lang sa isang tabi. Ako ang kailangang mag-adjust para sa kanila. 

Nagbaba ako ng tingin at bumaling sa gate nang marinig ang tunog ng pagbukas noon. Hinintay ko kung sino ang lalabas at hindi nagtagal ay natanaw ko si Papa. Didiretso sana siya sa kotseng nakaparada sa kabilang gilid nang mapansin ako. He stilled for a moment and smiled at me like nothing happened inside the house. 

“Anong ginagawa mo riyan, anak? Kanina ka pa ba? Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?” sunod-sunod na tanong niya habang naglalakad sa pwesto ko. 

I remained sitting on the pavement while gawking at him. Tumango ako kalaunan at saktong tigil niya sa harapan ko. 

“Tapos na po kayo?” I asked back casually because I already got used with their nonstop quarrel. Parang mas normal pa nga sa ‘kin na nagtatalo sila kaysa ang makitang naglalambingan o nagkukumustahan.

Umawang ang mga labi niya at bumadha sa mukha ang pagkapahiya. “A-Anak—”

Pinigilan ko siya dahil alam ko na kung anong sasabihin niya... At ayaw ko nang marinig iyon. Nakakasawa. “I’ts okay. No need to feel sorry when this thing will happen again sooner or later.” Kinuha ko ang bagpack ko bago tumayo at hinarap siya nang maayos. Hindi na siya makatingin sa ‘kin nang diretso. Binalingan ko ang kotse niya. “Aalis ka po? Hindi ka sasabay sa ‘min sa dinner?” 

“Mainit pa ang dugo sa ‘kin ng Mama mo. Baka mauwi na naman kami sa... pagtatalo,” aniya at mahinang tumawa para itago ang kaba. 

Kumunot ang noo ko. “Kaya nga po mas dapat kang dito maghapunan, ‘di ba? Mas lalong maa-appreciate ni Mama kung sasabay ka, Papa. Baka nga mapanatag pa ‘yon at mawala ang selos na nararamdaman,” mahinahon kong paliwanag para buksan ang isipan niya at bigyan ng ideya sa kung ano ang dapat na gawin. 

As much as possible, I don’t want to be biased. Hindi lang sa sitwasyon kundi pati na rin sa kanila. Magkaaway sila ngayon at ang tanging magagawa ko ay mamagitan sa kanila at hindi na gatungan pa ang iringan para hindi na lumala. 

Masasabi kong maayos naman ang pamilya namin. Hindi sobrang yaman pero nasusunod ang mga kapritso tuwing gugustuhin. Ibinibigay nila ang kailangan ko sa school o kahit na anong bagay na kailangan ko. Hindi naman ako maluhong tao. Lahat ng hinihingi ko sa kanila ay importante at hindi layaw. 

Tahimik at masaya ang buhay namin noon. Kahit may konti silang tampuhan, naaayos din naman agad bago pa lumipas ang araw. Palagi kaming nagkukwentuhan at sabay pa kung kumain sa araw-araw. Hindi matatapos ang buong linggo na hindi kami namamasyal sa park, zoo, or mall. 

Pero nitong pumasok na ako sa high school, doon na nagsimula ang madalas nilang pagtatalo. Ang madalas na iyon ay nauwi sa minsan hanggang sa inaraw-araw na nila. 

Nag-iisa lang nila akong anak kaya wala akong kaagaw sa lahat. At sa tingin ko ay wala na silang balak na sundan pa ‘ko, lalo na ngayon sa sitwasyon nila. Wala namang problema kung wala akong kapatid, kaya lang sa nangyayari ngayon, hiniling ko na sana bunso na lang ako at may Kuya o Ate ako para may nakakausap ako o karamay sa ganitong problema. 

I was too young for this. I was only thirteen but I had to act as an adult just so I can settle and reprimand them in their issues. I was like their advisor. 

Nakakapundi talaga minsan ang ugali ni Mama. Selosa siya at mahilig mag-jump up sa conclusion kahit wala namang pinagmulan. She was getting paranoid on the thought that my father is cheating on her just because he gets home later than his off at work. Gumagawa siya ng sarili niyang ikakaselos. Hindi naman siya dating ganito dahil sa pagkakatanda ko, masayahin siya at kahit may pagkapilya, masasabi kong ang cool niya bilang isang ina.

Si Papa naman ay tahimik at palaging kalmado. Mabait siya at mahaba ang pasensiya. Isa siyang Architect kaya napapadalas talaga ang uwi niya nang gabi na. Minsan pa ay uuwi ng lasing o kaya kinabukasan na. 

Ang hirap tukuyin kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo. Kung iisipin ko kasi, malakas ang pakiramdam ng isang babae lalo na pagdating sa kaniyang asawa o kasintahan. Hindi ko man alam kung anong pakiramdam ‘yon dahil wala pa akong karanasan, nalaman ko naman ‘yon sa mga nababasa kong articles. Hindi ‘yon mapi-feel ni Mama kung wala talaga. 

Gusto kong unawain at panigan siya dahil may posibilidad naman na mangyari. 

But I was also thorn with the fact that my father can’t and won’t cheat. Wala iyon sa pagkatao ni Papa kaya siguro napuno na siya sa kakapilit ni Mama at sa paulit-ulit na pambibintang. After all, may hangganan ang lahat ng bagay. 

And I should have known that earlier. Para nakapaghanda ako.

He looked away and I know for sure that it was a silent rejection from him. And it pains me more than being hit by a metal bat.

I chuckled nonchalantly and stared at him disappointedly. “Huwag mo po sanang patunayan ang iniisip ko, Papa.” Tinalikuran ko na siya at huminto sa harapan ng gate. “Dahil ako ang unang tatalikod sa ‘yo kapag nangyari ‘yon.”

Hindi ko na siya pinigilan pang umalis nang gabing ‘yon. Wala rin namang mangyayari kung ipagpipilitan ko pa. Matanda na siya at alam na niya kung anong ginagawa niya. Bumalik din naman siya kinabukasan bitbit ang isang bungkos ng bulaklak at sinuyo si Mama. I witnessed that scene early in the morning. Parehas nang malamig ang kanilang mga ulo. 

Masaya rapat ako roon dahil nagkaayos na sila. Na naglalambingan na ulit sila. 

But I just can’t. 

Dahil inaasahan ko nang sigawan na naman ang sasalubong sa ‘kin ‘pag uwi ko. 

Hinablot ko agad ang bag ko pagka-dismiss ni Ma’am sa subject niya. Iyon na ang huling klase namin para sa araw na ‘yon at sa halip na umuwi na ako ay dumiretso agad ako sa ground ng school dahil iaanunsiyo na kung sino-sino ang pasok at kasali na maglalaro sa softball team. 

Alam nina Mama na sumali ako sa softball. Sinabi ko na lang na kailangan mag-participate sa kahit anong sports o kaya sa cheer and dance ang lahat ng students para sa darating na intramurals. Although, ramdam kong hindi lubos na payag si Mama sa ginawa kong ‘yon pero wala naman siyang magagawa dahil dagdag points din ‘yon sa grades namin. 

“Contes!”

I was the happiest when I heard my surname be called by our coach. Kasama ako sa team. Pagiging catcher ang nakuha kong posisyon sa field dahil na rin sa iyon na lang ang available na position. Walang may lakas ng loob na kumuha sa posisyong iyon dahil kumpara sa iba, iyon talaga ang pinakadelikado. Pero wala naman akong ibang choice dahil puno na ang ibang posisyon at may mga substitutes na rin para doon.

First time kong maglalaro ng softball, honestly. Noong elementary naman ako ay hindi ko nakahiligan ang sumali sa ganitong palaro. I don’t know. Siguro, kahit hindi required na may salihan na event, I will still join the softball team dahil gusto ko nang may mapaglilibangan. Compare sa ibang sports, softball intrigues me more. And I’m hoping that it will entertain me while studying. 

Before we were dismissed, nag-meeting muna kami about sa schedule ng incoming practices namin para hindi maapektuhan ang oras ng klase namin. Wala pang napipili kung sino ang pwedeng maging captain ng team dahil hindi pa nakikita ng coach ang buong potential namin at kung sino ang nararapat. Hindi naman big deal sa ‘kin kung sino ang maging capatain basta ba hindi ito magiging bias sa members. Dehado ako dahil halos magkakaibigan ang nasa team. Ako lang yata ang naligaw roon.

Pagkatapos ng meeting ay umuwi na rin agad ako. Wala naman akong ibang pupuntahan pa. Sa katunayan, bahay at school lang ako. Hindi ako mahilig gumala. I’m not an introvert person, though. Kasi ‘di naman ako takot makipag-socialize. Ewan ko. Tamad lang siguro ako or wala lang talagang interesante sa mga ganoong bagay. 

Kalmado ang presensiya sa loob ng bahay nang makapasok ako. Walang nagsisigawan. Pero may humahagikhik. Dumapo ang mga mata ko sa salas at natagpuan sina Mama at Papa na nagkukulitan habang may pinapanood sa telebisyon. 

Ayaw ko man silang istorbohin ay marahan pa rin akong lumapit at tumikhim. “Dito na po ako,” anunsiyo ko at nagmano sa kanila. 

“Magbihis ka na para makakain na tayo, anak.” sambit ni Papa na medyo ikinabigla ko pa. 

Tipid akong ngumiti. “Sige po.” 

Mabilis akong tumalikod sa kanila para hindi nila mabasa ang ekpresyon sa mukha ko. We used to be like this before. I used to love this kind of closeness. It overwhelmed me. 

But now, it felt like a strange feeling. Na para bang may kakaiba roon. Iniisip ko kung hanggang kailan ba sila ganiyan. Kung anong sunod na mangyayari. 

Still, I am hoping that this will never end. Na sana ganito na lang palagi. Wala namang masama kung umasa, ‘di ba?

Pero hindi pala tayo dapat nag-e-expect nang sobra-sobra, kasi masakit ang katotohanan. 

Dinampot ko agad ang mga gamit ko pagka-dismiss ni Ma’am sa subject niya. Iyon na ang huling klase namin para sa araw na ‘yon at sa halip na umuwi na ako ay dumiretso muna ako sa ground ng school dahil schedule ng practice namin sa softball. 

Pinaalam ko naman kina Mama na magkakaroon kami ng praktis pagkatapos ng klase at wala naman silang naging puna roon. Siguro dahil saktong magkasundo sila noong araw na sinabi ko ‘yon kaya wala silang pagtutol na ginawa. 

“Nandito na ba ang lahat?” tanong ni Coach habang pinapasadahan kami ng tingin. 

Binaba ko ang bag ko sa may bench kasama ng gamit ng iba bago lumapit sa kanila. We had a brief introductions and such before we proceeded to a practice game. 

We were only eleven members on a team kaya naman nag-request si Coach ng match sa sophomores. I heard na magaling daw ang mga ‘to kaya sila nag-champion last year. I got chills knowing na natalo nila ang dating sophomores, juniors at seniors. 

“Practice game lang ‘to, huwag seryosohin.”

“Bakit kasi sila pa ang makakalaban natin? I preferred the juniors.” 

“Oo nga, Cap. Parang makikipaglaro lang tayo sa mga bata nito.” 

Umawang ang mga labi ko sa narinig na usapan mula sa sophomores. Saktong nagawi ako banda sa may pwesto nila para uminom ng tubig dahil aaminin ko, kahit practice game lang ‘to, nakaramdam ako ng kaba. Tapos maririnig ko ang ganitong usapan? 

Palihim akong lumingon sa mga sophomores at nasaksihan ko kung paano sila ngumisi at magtawanan na para bang mga langgam lang kaming paglalaruan nila sa match. 

I grimaced. Tahimik akong bumalik sa ka-team ko at nagpanggap na walang narinig. 

Ganito ba talaga sila? They act and speak like they were entitled. Nanalo lang sila last year during Intramurals. It’s not like they won the first place on Regionals or Nationals. 

Dahil sa narinig ay mas ginanahan ako sa paglalaro. Nawala bigla ang kaba ko at napalitan iyon ng determinasyong manalo laban sa mga sophomores para patunayang hindi rapat sila nagyayabang at nangmamaliit ng iba o kahit sinomang makakalaban nila. 

“Dito!” sigaw ko sa pitcher namin nang makuha niya agad ang bola. Tumuntong ako sa home plate at nang masalo ang bola ay dinampi ko iyon sa kalaban na nagtangkang maka-home. 

“Out!” 

Gaya nga ng sinabi nang Captain nila, hindi sila nagseryoso at basta na lang pumapalo at tumatakbo. Gusto kong ipakita na hindi dapat kami maliitin dahil lang sa baguhan pa lang kami sa Campus.

I wanted them to taste their own medicine. And through my hands, I, together with my team, swear to defeat them when time comes. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status