Share

KABANATA 5

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog ng marinig ko ang malalakas na katok sa pinto ng kuwartong tinutulugan ko.

I can't even imagine that I am sleeping in a maid's room. Yeah right a freaking maid's quarter.

Tamad akong bumangon at mataray na sinalubong ang nagbubulabog ng masarap kong tulog.

"What? Do you want to destroy the door? Kung gusto mong sirain please wag itong pinto kung saan ako natutulog dahil hindi ko babayaran yan kapag nasira. Anyway, what's with loud banging on the door." I looked at the clock wall. "It's freaking 5:00 am." Halong pangaasar at sarkasmo na saad ko sa mayordoma.

Tumaas lamang ang kilay niya at tinaliman ako ng tingin.

"Alas-kuwatro pa lang gising na ang mga amo dito. Ikaw dapat ang mas maagang nagigising at naghahanda ng agahan at ng dapat linisin."

"Ahmm... You didn't tell me, I should wake up early than my amo. Then magluto ng agahan? Don't they have a chef here?"

Not that I don't cook. Of course alam ko kung paano magluto since like I said I'm trying to live by myself.

Lalong tumaas ang kilay niya. "Sinabi ko lahat ng dapat at hindi dapat gawin kahapon."

Napahawak ako sa aking bibig. "Oops! My bad. Maybe I forgot I'm sorry."

Tila nawalan na siya ng pasensiya at halata na ang pagkadisguto sa akin.

Nagkibit balikat na lang ako. I don't need to please her. Kung ayaw sa akin ng tao wala kong pakielam.

"Mag-ayos ka na lamang at magsimula ng maglinis. Nasa bakuran ang walis tingting at dustpan. Linisin mo ang bakuran at pagsamahin lahat ng kalat lalo na ang mga tuyong dahon." Utos niya sa akin.

Tumango-tango na lang ako para matapos ang usapan. I still want to sleep. Napagod ata ako sa biyahe at late na rin akong nakatulog dahil kuwarto atsaka baka namamahay ako. Well never in my life na natulog ako sa isang maid's quarter. Three times ang laki ng kama ko compare naman sa kama dito na hindi ka pwede magpagulong-gulog. Ilang beses pa nga akong muntik mahulog dahil sa liit ng kama. Actually malikot ako matulog kaya need ko ng malawak na kama.

Maybe I'll just sleep for another one hour. Then I'll start madali lang naman sigurong maglinis.

Hindi siya sumagot pa at basta na lamang akong iniwan. Napailing na lang ako at pagod na humilata sa kama. Marahil sa sobrang pagod ay mabilis akong nakatulog.

I woke up feeling refresh. Nakapikit akong bumangon at umunat-unat. "Sarap talagang matulog even I slept in this kind of bed."

"Then you should sleep more."

"Ay putcha!" Nagulat ako nang may biglang nagsalita. Ni hindi ko man lang napansin na nandun pala siya.

He's leaning on the side of the door. Nanatili ang kanyang tingin sa akin. Walang halong emosyon ang mababakas sa kanyang mata.

"Napasarap ata ang tulog mo." Sabi niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay sabay tingin sa oras. Napauwang na lamang ang aking labi ng makitang alas-nuebe na ng umaga. Tumikhim ako at umalis na ng kama.

"Don't worry maglilinis naman ako. I just need time to refresh you know para mahaba ang energy." Palusot ko na lamang.

Tinaasan niya naman ako ng kilay kaya ginantihan ko siya. Parang hindi pa naniniwala sa sinabi ko.

"Anong tingin yan? Why don't you shoo para makapagayos na ako." Pagtataboy ko sa kanya.

Hindi naman na siya nagsalita pa at akmang aalis na nang may naalala ako.

"Wait lang pala. I just remembered. Walang shower sa cr, so where can I take a bath?" Tanong ko sa kanya.

"Its a bathroom without a shower. May tabo at timba sa loob right?" Tumango ako. "You can use that."

"And the water? Walang water sa faucet. How am I going to take a bath?"

"Mag-igib ka." He just said then leave without saying kung saan ako magiigib.

Napasimangot ako at naiinis na kinuha ang tabo tsaka timba.

Naglakad ako palabas ng kuwarto bitbit ang timba at nagsimulang hanapin ang letseng gripo na yan.

Habang naghahanap ay may nakita akong isang I think a maid here since nakasuot siya ng damit na kagaya ng binigay sa akin. Naglilinis siya ng mga vase sa may hallway.

Nilapitan ko siya at kinalabit. "Hi" Bati ko sa kanya.

Mukhang nagulat naman siya at napatingin sa aking kabuuan ngunit nahinto ang kanyang tingin sa timbang hawak ko kaya inangat ko ito.

"Ahmm... Can I ask where can I get some water. I think sira ung faucet sa kuwarto ko kaya need ko mag-igib. Can you help me where to find it?" Mabait kong tanong sa kanya.

Ngumiti pa ako ng malapad para maging friendly look ako. I think ka age ko lang siya or mas bata pa siya sa akin. Muntik pa akong mapangiwi dahil sa tagal niyang hindi nakapagsalita. Natulala ata siya sa akin. Is my smile ugly? or maybe nagulat siya because she doesn't know me?

"Oh right! My bad I'm sorry. I'm ste--I mean Zea... Zea Sancheco. Sorry I approach you naabala pa kita sa work mo kasi nga di ba walang water talaga sa faucet kaya need ko mag-igib para makaligo at hindi ko alam kung saan ako mag-iigib kaya I asked you if can you help me find it please."

Napakurap-kurap naman siya at tila dun lang ata natauhan. Masyado ata akong naging madaldal. Anyway I really need to take a bath.

"A-ah! O-okay lang! Pasensiya na po nagulat lang po ako kala ko artista kumakausap sa akin." She finally talked.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Sus maliit na bagay char. Mukha lang akong artista pero hindi isa lang naman akong magandang katulong ngayon."

Natawa rin siya sa sinabi ko. "Pero hindi po kayo mukhang katulong kung wala lang po kayong hawak na timba nunkang maniniwala po ako na katulong kayo dito."

"Hindi talaga pero no choice need ko ng work. Mamamatay ako sa gutom. First time ko nga ngayon sa trabaho kaya ngayon mo lang ako nakita. Anyway san nga ba ako makakaigib?"

"Ay oo nga pala. Pasensiya na meron gripo sa may bakuran pwedeng mahigib don atsaka may poso din po malapit doon. Kaya lang nakakapagtaka na walang tubig eh kahit kailan naman hindi nawalan ng tubig dito." Nagkibit balikat ako sa sinabi niya.

"Well mukhang malas lang ako ngayon."

"Kung ganon kung gusto niyo po pwede ka munang maligo sa cr dun sa may kuwarto na tinutuluyan ko. Baka ipasuyo ko na lang po kay manong Ispe yung sayo para mapaayos." Suggest niya sa akin.

Parang nag-twinkle naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Oh my! Thank ghad I met you." Binaba ko ang hawak kong timba at tuwang hinawakan siya sa kamay. "Ano nga pa lang name mo?"

"Ay oo nga pala. Jenna Sta. Cruz, 22 years old. Kinagagalak kitang makilala." Pakilala niya.

Napangiti naman ako at nakipagbeso sa kanya na mukhang hindi niya inaasahan kaya nagulat siya.

"I'm sorry. Nagulat ata kita, sanay lang talaga akong b****o sa bagong kakilala ko. You know Manila girl." Hingi ko ng dispensa.

"Ayos lang po. Hindi naman sa hindi sanay. Nagulat lang po ako na makikipagbeso kayo sa akin. Sa itsura niyo po kasi talaga hindi kayo mukhang katulong mas mukha pa nga kayong amo dito eh. Atsaka sa paraan ng pananalita niyo parang yaman niyo tignan tapos ganun din sa presensiya niyo."

Napaiwas naman ako ng tingin at hindi maiwasan ng mapangiwi. I can't say to her that I'm not really a maid, but I have to.

"Sus bolahin mo pa ako. Syempre nakasanayan ko na ang ganito dahil sa dati kong trabaho at saka para magmukha naman akong sosyalin pero hindi talaga ako mayaman. Ganda ko lang ang puhunan ko."

"Iba pala talaga kapag galing Maynila parang gusto ko rin magtungo roon." Halata ang kainosentehan sa kanyang mata.

Umiling ako. "No girl. Marami mang trabaho sa Maynila pero mahirap pa rin makipagsapalaran lalo na sa mga taong makakasalamuha mo."

Tumango-tango naman siya. "Iyon din ang sabi sa akin ni inay."

"Tama kaya listen to your mother. Anyway don't po me nagmumukha akong matanda. Huwag masyadong formal parehas lang tayong katulong dito."

Nahihiya naman siya ngumiti sabay tango. Bitbit ang timba ay kumapit ako sa kanyang braso atsaka na siya hinila syempre hindi ko naman kabisado ang haciendang ito kaya siya rin ang sinundan ko.

Nakarating kami sa kanyang silid na katapat lang rin pala ng sa akin. Bakas sa mukha niya ang gulat ng malamang magkatapat lang kami ng kuwarto.

"Kaya pala sira at walang tubig sa silid mo." Sabi pagkatigil namin sa paglalakad.

"Bakit anong meron sa diyan?" Turo ko pa sa pinto ko.

"Wala naman kasing nakaupa diyan. Ilan lang naman kasi tayong katulong rito. Bale kung bibilangin lima na tayo." Binuksan niya pinto ng kanyang silid at inaya akong pumasok.

Dalawang double-deck na kama ang nasa loob kaya pala nahiwalay ako.

Itinuro niya ang kanyang kama. "Dito ako sa baba, sa itaas ko si Criselda tas sa kaliwa naman si Miya at sa taas si Kara. Mamaya ipapakilala kita sa kanila. Mababait ang mga iyon kaya wala kang magiging problema. Sayang lang at hindi kasya ang isa pang kama dito. Dito sana tayong lima. Loner ka sa kabilang kuwarto."

Napanguso ako at hindi maiwasan ang mainggit. Kung pwede nga lang gusto ko rin may kasama sa kuwarto.

"Sige na at hayun ang banyo. Pwede ka ng maligo doon. Hanggat hindi pa naayos ang sa iyo pwedeng dito ka muna maligo para hindi ka na mag-igib. Mauuna na muna ako at balikan ko lang ang naiwan kong trabaho. Kapag tapos na tayo at may bakanteng oras magkwentuhan tayo." Napangiti ako sabay tango.

Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam na rin sa isa't isa.

Minadali ko na rin ang paliligo para makapag simula na rin.

Nang matapos maligo ay sinuot ko na ang uniporme na binigay sa akin. Napatingin ako sa salamin at hindi makapaniwalang napakaganda ko pa rin kahit pang maid ang akin ayos. Kahit ano talagang suotin ko ay maganda pa rin ako. Feeling ko tuloy isa akong anime. Gusto ko sana kuhanan ng litrato ang sarili pero hindi ko naman pwedeng buksan ang cellphone ko kaya nakuntento na lang ako sa pag posing sa harap ng salamin.

Nang magsawa ay lumabas na ako ng kuwarto at hinanap na ang bakuran. Dumeretso na ako sa likod ng hacienda. Buti na lamang at hindi ako naligaw. Hindi kona rin kasi nakita si Jenna kanina kaya sariling sikap sa paghahanap.

Nang mahanap ang bakuran ay ganon na lang pagkalaglag ng aking panga at hindi makapaniwalang tumingin sa paligid.

Just like... What the hell!

I am literally shocked to see how messy there backyard is. Dried leaves are scattered everywhere and I am responsible to clean this mess? How am I going to clean this?

Magisa lang ba akong maglilinis nito at what am I going to used, walis ting-ting?

Tirik na tirik pa ang araw dahil halos magtatanghali na. Napabuga ako ng hangin at kinuha ang walis ting-ting na nakasandal sa dingding.

Ang lawak ng bakuran nila pero wala namang gamit. Sadyang bulok na dahon lang ang naroroon at ang mesa't upuan.

Nag tingin pa ako sa paligid kung may iba pa bang tao o may iba pa bang gamit panlinis akong pwede gamitin para mapabilis ang gawain pero bigo ako makakita ni isa kaya no choice akong nagtyagang ipunin ang mga tuyong dahon sa iisang lugar.

Hindi ko na nabilang ang oras kung gaano ako katagal sa pagwawalis. Pagod na ako samantalang hindi ko pa nakakalahati ang pagtitipon ng kalat.

Hingal akong napaupo sa damuhan at nagpahinga. Ramdam ko na ang uhaw at gutom. Nakalimutan kong kumain. Dapat nag-almusal muna ako at kung naalala ko lang sana ay nagpasama na ako kay Jenna.

Titiisin ko na lang siguro at tapusin ko na lang muna ito para hindi na ako tamarin. Kung hindi ko lang talaga ito kailangan nunkang gagawin ko ang mga ito.

Maganda na rin siguro ito at mahirapan silang hanapin ako. Paniguradong una nilang hahanapin ay mga hotels or mga lugar na madalas kong puntahan.

Nang makapagpahing ng sapat at muli nanaman akong bumalik sa trabaho at nagwalis ng nagwalis hanggang sa matapos ko ito. Natipon ko na ang lahat ng tuyong dahon.

Ano na ba ang susunod kong gawin? Napatingin ako sa paligid baka sakaling makita ko ang mataray na mayordoma o amo kong masungit. Nasaan na kaya ang mga iyon?

Mariin akong napapikit sa tindi ng sikat ng araw. Mahapdi na rin ang aking balat at nanlalagkit na sa pawis.

Paniguradong ang haggard ko na. I sighed. Suddenly, I missed my bathtub.

I want to take a bath again, but I am famished kaya dumeretso na lang ako sa kusina. Habang naglalakad ay hindi ako maiwasan ang magtaka. Marami kayang nakatira dito? Sa laki kasi ng hacienda ay halos ni anino ay wala pa akong nakita bukod kay Jenna. Saan kaya naglilinis ang iba? Ang mga amo ko? Si tanda? Saan naman kaya ang mga iyon.

Sinubukan ko ring hanapin si Jenna pero hindi ko rin siya nakita kaya ang kusina na lang ang hinanap ko. Akala ko ay wala rin akong makikitang tao roon ngunit nakakita ako ng isang pigura ng lalaki.

Nakatalikod siya sa akin and I think he's drinking water. Is he a worker too?

Hindi muna ako lumapit at tinignan muna siya. He doesn't have a shirt and he's sweaty. Hindi tuloy maiwasang pagmasdan ang katawan niya. He has a great body. Maybe he's a worker since his body is like that. Halatang batak sa trabaho o palaging nasa gym kaya ang ganda ng hubog ng katawan. Mas matangkad din siya sa akin, but he has a white skin.

Natapos na siyang uminom ngunit nanatiling nakatalikod sa akin kaya bago pa man niyang mahuling pinagmamasdan ko siya ay lumapit na ako at nagpasyang tanungin siya kung saan ako maaaring kumain.

Tumikhim ako at kinalabit siya sa braso. Napatingin siya sa akin at mukhang natigilan even me. When I finally saw his face, he doesn't look like a worker now, but a model. He looks so handsome and attractive even more because of his earing on the left side. It has a cross design.

Ngumiti ako. "Hello! May I ask--I mean nagtratrabaho ka din ba dito?" Tanong ko sa kanya.

Hindi makapaniwalang tumango siya sa akin. Hindi ko alam kung nagulat ba siya dahil ngayon niya lang ako nakita o dahil may dumi sa mukha ko. Maganda pa rin naman ako kahit hindi nakaayos. Hmmp.

"Pwede ko bang malaman kung saan ako pwedeng kumain?"

"Heaven." Sagot niya.

Nangunot ang noo ko. "Anong heaven? Pinagloloko mo ba ko. You mean like heaven--langit? Sira ka ba."

"No. I feel like I'm in heaven." Weirdong sabi nanaman niya.

"Huh?"

"I couldn't believe I'll meet an angel."

The fuck?!

Napasimangot ako. May sira ata sa utak itong nakausap ko.

"Don't fool me! Why don't you just tell me where can I eat. I am already hungry." Inis kong singhal sa kanya.

"You can just eat me. I'm all yours babe." Nanlaki ang mata ko at gigil na sinampal siya.

Nabigla ako sa ginawa ko pero maganda na rin iyon para matauhan siya. Wala ako sa mood makipag sabayan sa kanya. Kaya pala ganyan makatingin. Babaero naman pala. Tsk. I couldn't believe I'll a jerk here.

Sapo ang kanyang pisngi at gulat na napatingin sa akin.

"Why did you slap me!?"

Sasagutin ko pa sana siya ng may biglang nagsalita.

"What's happening here?" Parehas kaming napatingin sa may bukana ng kusina and there I saw him looking at us coldly.

To be continued...

Chapter 6

04-14-21

V I X I U S V I X X E N

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status