Share

KABANATA 4

STEFALIA ZEA DELA VERDE

"Who the hell are you?" Tila nanigas naman ako sa aking kinatatayuan ng makarinig ng boses mula sa aking likuran.

Napakagat naman ako sa aking labi at unti-unting pumihit upang harapin ang taong iyon.

Halos mapatanga ako ng makita ang taong pinagmulan ng boses na iyon.

Pakiramdam ko parang siya na ata ang pinakagwapong lalaking nakita ko buong buhay ko. Maraming nagtangkang manligaw sa akin na sikat at may maipagmamalaki ngunit sa lahat ata ng mga iyon, maging ang mga artista sa Pilipinas ay talbog ng napakagwapong nilalang na ito.

Mula sa blonde nitong buhok, makinis na mukha na animo'y ni pores o tigyawat ay takot man lang tubuan, ang makakapal nitong kilay at korteng-korte na dinaig pa ang kilay ng babae, ganun din ang makakapal at malalantik nitong pilikmata. Ang matangos nitong ilong na proud na proud sa sobrang tangos. Napababa naman ang tingin ko sa kanyang labi. Nakatiim lamang ito ngunit kitang-kita naman kung gaano ito kapula.

Hindi ko naman maiwasan makaramdam ng inggit dahil mapula lang naman ang labi ko kapag may liptint o lipstick na nakalagay. Natural na maputla talaga ang labi ko kaya kapag wala akong make-up ay nagmumukha akong may sakit.

Ngunit ang mas nakakapansin ay ang kanyang mata na hindi nababakasan ng kahit anong emosyon. Diretso kung makatingin at napakalamig ganon din sa paraan ng pananalita nito.

"Stop drooling."  Napakurap-kurap naman ako at tila natauhan ng magsalita ang taong aking pinagnanasaan--este pinagmamasdan.

Shit! Compose yourself Stefie! Tumikhim naman ako at iniiwas ang tingin sa kanya na parang walang nangyari ngunit ng maalala ko naman ang sinabi nito ay muli akong napabaling sa kanya.

"H-hoy! Kapal mo naman. Hindi kita pinagnanasaan noh!" Maang-maangan ko. Halos mabatukan ko pa nga ang sarili ko ng mautal ko at tila namaluktot bigla ang aking dila.

He arched his eyebrow to me. "Sinabi ko bang pinagnanasaan mo ko?"

Aba't! "Iyon ang pinaparating mo eh. Ang kapal mo naman sa ganda kong ito le-level sa itsura mong yan? FYI hindi ko type ang may mais na buhok." Pang-aasar ko ngunit tila masyadong siyang bato dahil parang di man lang naapektuhan sa sinabi ko dahilan upang palihim akong napasimangot.

"Wag mong ibahin ang usapan. Tresspasing ka. Alam mo bang pwede kitang kasuhan?"

Halos manlaki ang aking mata ng marinig ko iyon. Kasuhan? Trespassing? Pinanigkitan ko siya ng mata. "Bakit sino ka ba?"

"The owner of this land. You're stepping in my property and I can sue you for just entering without my permission." Seryoso niyang sabi.

Napaingos naman ako. I crossed my arm below my chest and raised one of my eyebrow. "Pasensiya na po ah. Hindi ko naman po kasi kasalanan na bukas ang gate."

"Hindi naman kasi porket bukas ay papasok na lang ng basta-basta." Sarkastiko niyang sabi.

Tama nga naman! Stupid! Inikutan ko na lamang siya ng mata at patay malisyang sinukbit muli ang aking bag bago nagsimulang maglakad ngunit natigil ako ng may humawak sa aking braso. Kunot-noo ko siyang tinignan bago napatingin sa kamay niyang may hawak sa aking braso.

"Where the hell are you going?"

"Aalis ano pa nga ba? Aalis na po ako sa teritoryo niyo, ipagpaumanhin niyo kung naligaw ako sa iyong lupain at pumasok ng walang paalam kaya kung maaari ay pakibitawan na ang aking kamay ng ako'y makaalis na."

"At sa tingin mo hahayaan kitang umalis?" Napaamang na lamang ako ng walang babala ako nitong hinila papunta sa kung saan.

Nagpumiglas ako sa hawak niya ngunit parang mas humigpit lamang iyon kaya hindi ko maiwasang mapangiwi. "Aray! Ano ba nasasaktan ako!" Naiinis kong reklamo.

Ngunit tila naging bingi siya at hindi man lang ako pinansin. Patuloy lang ako sa pagpumiglas at pagreklamo, kala ko makakahinga na ako ng maluwag ng tumigil kami ngunit tila kakaibang emosyon ang aking naramdaman ng makita kung gaano kalamig at seryoso ang mata nito.

Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng nerbiyos at kaba sa isiping baka nainis ito at bigla na lamang akong saktan.

In the first place ay hindi kami magkakilala personally kaya hindi ko alam ang pwede niyang gawin.

Bigla na lamang akong natahimik at wala ng ginawa kundi hayaan siyang kaladkarin ako sa kung saan. Halos mapaang naman ako ng mapagtanto kung saan niya ako dadalhin.

Pumasok lang naman kami sa napakalaking hacienda na kanina ko pa pinagmamasdan. Tama nga na siya ang may-ari ng lupa at isa syang haciendero.

Pagkapasok pa lang namin sa malaking gate ay bumungad na agad sa akin ang napakalaking fountain sa gitna ng daan. Nangingintab ito na animo'y binalutan ng dyamante.

Napaka-fresh talaga ng paligid. Maraming halaman at iba't ibang klase ng bulaklak. Halatang alagang-alaga dahil sa mamukadkad nitong pagtubo.

Pagpasok naman namin ng hacienda ay namangha din ako dahil kahit napakasimple ng disenyo ay elegante pa rin  ang paligid. Its so classy at the same time modern.

"Really ikaw ba talaga ang may-ari nito? Baka naman isa ka lang sa mga taga-silbi dito. Mapagkamalan pa tayong magnanakaw o ano."

Dedma. Kita mo toh. Kung matangkad lang ako ay binatukan ko na toh. Kahiya naman kasi hanggang d****b niya lang ako. Parang nasa 6 footer ata ang tangkad ng lalaking 'to.

Napanguso na lamang ako at hinayaan na libangin ang sarili.

Saan ba talaga ako dadalhin ng taong 'to? Maya't maya pa ay may nakita akong isang matanda na sa tingin ko ay nasa may 50's na tanda. Nakasuot ito ng pangkatulong at bahagya pang yumukod sa lalaking may hila-hila sa akin.

Nagulat naman ako ng bigla akong hinaltak ng h*******k na ito dahilan upang mawalan ako ng balanse at dahil mabigat din ang aking bitbit ay napasubsob ako sa sahig.

The heck! Aargh! Sakit ng tuhod ko. Masama ko naman siyang tinignan ngunit gaya ng una ay wala itong pakielam na nakatingin sa akin bago lumipat ang tingin sa matandang katulong.

"Get her change. She'll start working here."

"Work? What the heck are saying?! Ako? Sa ganda kong 'to pagtra-trabahunin mo ko? FYI I am Ste--" Should I say my real name? Baka mahanap ako ni lolo. "Zea Sancheco!"

Tinaasan niya lamang ako ng kilay. "So?"

I greeted my teeth in annoyance. "Idedemanda kita!"

Humalikipkip naman siya at parang nagyayabang na tumingin sa akin. "Well then let's sue each other. I'll sue you too for trespassing? Should I call my lawyer now? Wait... Let me take a call."

"No!" Waaah! Joke lang naman. Kapag nangyari yon paniguradong mahahanap ako ni lolo. Pinag-isipan kong mabuti ang pangyayari, kung hahayaan kong maging katulong ako dito may chance na mahihirapan akong hanapin ni lolo, tsaka pa saan ako pupulutin incase na umalis ako? Wala akong tirahan at isang dayo lamang sa lugar na ito. Kung papayag ako baka magkakapera pa ako. "Fine! Payag na ko, pero anong benefits ko sa paninilbihan ko dito?"

"Free food and shelter." Napasimangot ako.

"No money?" Ano yun? Naghihirap ako dito para lang may tirhan ako at makakain. Eh di parang ang mangyayari ay ang serbisyong ibibigay ko ay kapalit ng pagkain at tirahan lang.

"Instant hired maid servant  ka na nga magdedemand ka pa? If you don't want feel free to stay in the jail."

I sighed in defeat. "Fine again! I will be your goddamn instant hired maid servant. Where's my room then?" I sarcastically said.

"Tama ba ako ng rinig? May bagong katulong kuya?" Nangunot ang aking noo at nabaling sa kung saan ang nagsalita. Napatingin naman ako kay kupal ngunit nanatiling diretso ang tingin nito sa akin at hindi man lang pinansin ang nagsalita hanggang sa makita ko ang bulto ng isang lalaki sa kanyang likuran.

Nang tuluyan kong makita ang lalaking iyon ay hindi ko rin maiwasan ang mapatitig sa kanya.

Kapatid siya ng kupal na 'to? Kung ikukumpara mas bata ang edad nito at mukhang malayo sa ugali ni kupal dahil mas maamo ito at mukhang masiyahin. Kasing gwapo din ni kupal. Myghad! Bakit nagtatago ang mga tulad nila dito!

Nang magkatapat kami ay napatingala rin ako dahil sa tangkad niya. Hanggang balikat niya lamang ako. Nagulat naman ako ng bigla nitong kinuha ang aking kamay at nilapit sa kanya bibig upang h****n.

"Tila may isang anghel na bumaba sa lupa ang napadpad sa ganitong klaseng lugar. Ikinagagalak kitang makilala, magandang binibini. Ako nga pala si Matias Jose Montealegre. Maaari mo akong tawaging Math o honey kung iyong nanaisin." Okay. Turned off! Binabawi ko na yung sinabi kong maamong mukha. Isa rin siyang demonyo! Playboy! Salot sa lipunan ng mga babae!

Naiinis na binawi ko ang aking kamay mula sa kanya ngunit ngumisi lamang ito sa naging reaksyon ko.

"Kuya!" Napatungin ako kay kupal ng batukan nito si mr. playboy.

"Leave!" Mr. playboy looked at me then winked. Matalim ko naman siyang tinignan.

"Di bale. Magkikita pa naman tayo. Paalam binibini!"

"Sige na samahan mo na siya sa kanyang magiging kwarto at ituro ang dapat ituro." Seryosong sabi niya bago walang sabing umalis.

Nagpapadyak sa inis na tinignan siya ng masama. Antipatiko! Kupal! Mayabang! Walang hiya! Lahat na!

"Kung ako sa iyo ay titigilan ko ang ganyang ugali lalo na kapag kaharap mo ang buong pamilya." Napatingin ako sa matandang babae ng magsalita ito. Tinaasan ko siya ng kilay. Wapakels kung matanda siya, still mas angat pa rin ako sa kanya. "Hindi mo ko madadaan sa ganyan bata. Ako ang mayordoma dito kaya mas mataas ako sayo. Oh siya, bilis bilis ang kilos ng makapagsimula ka na." Mataray nitong sabi at tumalikod.

Kung alam lang niya. Inikutan ko na lamang siya ng mata at bagot na sumunod sa kanya para ihanda ang sarili.

Hindi ko rin maiwasan ang mapailing. This will be a hellish short time living here. Tsk.

"Lahat ng tao dito sa hacienda, mga katulong, trabahador, magsasaka lahat maging ang ating amo ay maagang nagigising. Ala-singko pa lang ng madaling araw ay gising na at naghahanda na para sa magiging araw. Ala-sais naman kadalasan ang ating amo lalo na ang panganay na anak na si sir Zander. Mahilig itong maglibot sa bukid gamit ang kanyang kabayo upang siguruhin na maayos ang pamamalakad at trabaho ng bawat trabahador." Naglalakad na kami ngayon papunta sa kusina. Nililibot namin ang buong hacienda upang maging pamilyar lang ako sa lugar at malaman ang gagawin ko.

Nababagot lamang ako habang nagsasalita siya and the heck lang talaga, lumaki akong ako ang pinagsisilbihan kaya anong alam ko sa paglilinis o anupamang gawaing bahay na yan tapos.... this outfit--aaargh! I hate this why do I need to wear this? This like the outfit I saw in some anime movie.

Napakainit nitong suotin, 'coz its longsleeve blouse and theres an apron attach in the dress. Its color is white and black.

Wala na lang sa sariling napapaypay ako sa sarili dahil sa init. Nasa may hallway na kasi kami palabas ng hacienda. Papunta na kami ngayon sa may garden.

"My ghad! What kind of outfit is this!? Napakainit! Required ba talaga ang ganito. Why there is such this kind of maid outfit. Sinong h*******k ang nagpauso nito, its really old style talaga." Naiinis na bulong ko ngunit sadyang matalas ata ang pandinig ni tanda kaya napahinto ito ganon din ako. Nasa likod niya kasi ako.

Matalim itong tumingin sa akin. "Katulong ka dito kaya wala kang karapatang magreklamo! Pasamalamat ka na lang tinanggap ka ni sir Zander dito. Ewan ko nga sa kanya kung anong nakita niya sa isang tulad mong maarte para tanggapin ka dito. Ni hindi naman sila naghahanap ng katulong. Ewan ko lang kung anong ginawa mo para maparito ka."

Aba't namumuro na ang dila ng babaeng ito ah! Hindi porket talaga matanda siya hindi ko siya papatulan.

Nameywang ako at mataray din siyang tinignan. "Hoy tanda! Wala akong pake kung mayordoma ka dito. Napapaisip nga rin ako kung ano rin ang nakita nila sa isang tulad mong mataray na uugod-ugod para mapunta sa ganyang posisyon. Iinisip ko nga kanina na baka isa kang mangkukulam at ginayuma mo ang boss dito para makarating ka sa kinatatayuan mo. So don't me tanda, even I have lower position than yours doesn't mean I will let you boss me around and talk to me like that. Mayordoma ka lang hindi ikaw ang boss." Napangisi na lamang ako sa aking sarili ng makita ko kung paano nagbago ang hilatya ng pagmumukha nito, halatang napikon sa sinabi ko.

"Sisiguraduhin kong makakarating to kay sir Zander! Lalo na sa nakakataas. Walang galang!" Galit na sabi nito at nagmamartyang umalis.

Why the hell does this have to happen to me? How unlucky!

05-16-21

To be continued...

Chapter 5

© V I X I U S  V I X X E N 2 0 2 1

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status