Share

KABANATA 12

It's been months since I have been here. I don't know if my grandfather is still looking for me pero hanggang ngayon ay wala akong nababalitaan. Nakapagtataka lang na I still no updates that someone is looking for me. I know with grandfather's power and money, its easy for me to find me. Pero mabuti nga iyon kung sakaling sumuko na lang ito at hindi na ako hanapin, kahit ganoon ay hindi ako maaaring bumalik na lang na walang kasiguraduhan na iuurong ni lolo ang kasal. 

I also need to think a plan to stop the wedding, but first since its my day-off ay may oras ako para magpuntang bayan. Kailangan kong tawagan ang kaibigan ko na partner ko sa pag manage ng bar.

Naglakad ako palabas ng silid at hinanap si Jenna para magtanong kung paanong makapuntang bayan. Minsan na akong makapunta doon sa bayan ngunit may sasakyang ginamit at hindi ko naman kinabisado ang daan ngayon ay kailangan kong bumayahe mag-isa para hindi nila malaman kung ano ang pakay ko sa bayan.

Nahanap ko sila sa may hardin kung saan nagkumpol-kumpol sila Jenna kasama ang ibang mga katulong. Panay ang bulungan nila at parang bulate na hindi mapakali. Takang binaling ko ang aking tingin sa kanilang tinitignan at doon ko napagtanto kung bakit ganito sila umakto.

Well they're just watching the five adonis doing some exercise in the garden. Wala pang kapaguran ang mga ito?

Sino nga naman ang hindi mag-eenjoy sa view kung lahat sila ay hubad ang taas at kumikinang sa pawis ang kanilang mga katawan at dahil sa sikat na araw ay kitang-kita ang hubog ng kanilang mga katawan. Ano 'to pandesal sa umaga?

Napairap na lang ako sa hangin at nagpasya ng lumapit sa kila Jenna.

"Jenna," kalabit ko ng makalapit ako.

Lumingon naman siya at nagulat ng makita ako. "Oh, Zea? Bakit?"

Napalingon din ang iba sa akin at bumati. Ngumiti naman ako sa kanila at gumanti ng bati. Hinila ko medyo palayo si Jenna.

"Anong sasakyan ko papuntang bayan?" tanong ko.

"Isang sakay lang ng tricycle iyon, sabihin mo lang na bayan ang punta mo at alam na nila iyon. Bakit? May kailangan ka bang bilhin?"

Nag-isip ako ng palusot. "Hindi, may padadalhan lang ako ng pera sa bayan."

"Padadalhan mo ba ang lolo mo sa Maynila?" 

Tumango ako.

Ang alam ng lahat, isa akong mahirap na babae na taga-Maynila at may kasama akong lolo na may sakit. Wala na akong magulang at tanging kami na lang ang magkasama. Hindi rin nila alam na hindi naman talaga akong sumasahod noong una gaya ng sabi ni Zander pero nang malaman ni tita--madam na wala akong sweldo ay pinagalitan pa nito si Zander at binigay ng buo ang sahod ko kaya may malaki akong naipon ngayon pero hindi ko maaaring gastusin iyon.

I need to save so I can just resign and leave if I save enough. 

"Oo wala na daw kasi siyang pambili ng gamot kaya kailangan ko ng magpadala kaya aalis na muna ako ah? Nagpaalam naman na ako kila madam kaya kapag may iba pang naghanap sa akin ay sabihin mo may ginawa lang ako sa bayan pero huwag mo sabihin ang tungkol sa lolo ko ah?" paalala ko.

Walang alam sila madam at ang magkakapatid ang tungkol sa pekeng buhay ko at hanggat maaari ay ayaw kong malaman nila at baka mabuking pa ako kapag pina-imbestigahan nila ako kung sakali.

Hindi naman ako kwenestyon ni Jenna at tumango na lamang sa aking sinabi at saka na nagpaalam sa kanila.

Bago pa ako tuluyang umalis ay muli akong tumingin sa magkakapatid at ganoon na lang ang gulat ko ng magtama ang aming tingin ni Zander. Mabilis akong umiwas ng tingin at dali-daling umalis doon.

Gaya ng sabi ni Jenna ay sumakay ako ng isang tricycle at nagtungo sa bayan. Naghanap ako ng isang internet cafe at pumasok doon. Mabuti na at mayroong ganito sa ganitong lugar. I paid for an hour. Dali-dali ko namang mi-nessage sa isang app si Zara, my business partner and my only trusted friend.

I set up the headphone and waited for Zara to answer the video call.

Naka-ilang ring na pero hindi pa rin niya sinasagot ngunit bago pa man matapos ang tawag ay sinagot na niya ito.

Bakas ang gulat sa mukha ni Zara.

"Hey!" agaw ko ng atensyon ng mapansin na nakatulala lang siya.

"Stef? Is this really you?" She called me by my first name. Stefalia, I missed my name.

"Why? Mukha bang hindi ako ito? Do I look much darker than before?" Totoong medyo nabawasan ang puti ko simula ng magtungo ako sa lugar na ito.

Tila doon na nagising si Zara at gigil na nagsalita. "Stefalia! How dare you left me behind? My gosh ilang buwan kang nawala tapos ngayon mo lang ako nakuhang kontakin? Mabuti naalala mo pa akong tawagan. Nasaan ka ba ngayon? What happened?" sunod-sunod niyang tanong.

"Okay, I'll tell after you calm down, ang wrinkles mo lumalabas."

"Stefalia!"

Natawa naman ako. "Joke lang," tumukhim ako at nagsimulang magkwento. Sinabi ko sa kanya lahat at kung ano ang nangyari sa akin sa loob ng ilang buwan na pananatili ko dito.

"So that's what happened," pagtatapos ko.

"Wow! I can't believe you became a maid, Stefalia Zea Dela Verde, an heiress, owner of a luxurious bar, rich, and a bitch suddenly become a maid? I'm so shocked my friend."

Napairap ako sa inakto niya. "Don't be so shocked my friend, I never dream of this. I can't also believe that I will suddenly become a maid, but I have no choice. I rather choose to become a maid than being locked in a marriage."

Napatango-tango siya. "Sabagay kahit naman ako, so what now? Hanggang kailan ka diyan?"

"I don't know. Is lolo still looking for me? Any news?"

"I don't know now, pero one time ay may nanpunta sa mismong opisina natin at hinanap ka doon ko lang din nalaman na nawawala ka pero hindi ko alam ang tungkol sa pagpapakasal so wala talaga akong alam sa nangyari and told them na hindi ko alam kung nasaan ka," kwento niya.

"So they really looked for me," napaisip kong sabi. Tumingin akong muli kay Zara. "I need you to be my eyes there. I don't know how pero kailangan mong malaman ang kilos nila lolo or kahit ang mga tauhan niya."

"How?"

"You can go to our house and pretend like you are looking for me. Kausapin mo, magtanong ka about my whereabouts, basta alam mo na ang gagawin pero you need to be careful. I cannot just leave yet. I don't have enough money here kaya kailangan ko pang mag-ipon."

"Gusto mo bang padalhan kita?" tanong niya.

Umiling ako. "No, nalaman ni lolo ang iba kong accounts so there's a chance na she's also monitoring you so don't ever tell this to anyone."

Tumango naman siya sa akin. "Don't worry, I'll just update you, but your phone?"

"Just give me your number and I'll contact you. Hindi ko maaaring magamit ang phone ko."

Binigay naman niya ang contact number niya. Umabot ng isang oras ay natapos na ang usapan, malungkot akong nagpaalam sa kanya. 

"I missed you, wala na akong kasama ditong magparty, it's so boring without you here," malungkot na sabi niya.

"I missed you and my old life too, sige na bye!"

"Bye!"

Nang matapos ang tawag ay lumabas na ako sa internet cafe at naglakad-lakad. This is my first time wandering around here. Since day-off ko naman ay pwedeng akong gumala ngayon. Nakakatuwa lang na maraming mga tindahan dito at ang mumura lang ng mga bilihin. 

I saw a park nearby kaya nagtungo ako doon at naglakad-lakad. Natigil ako sa isang tindahan ng mga damit at nakakita ng isang bestida doon. I like the style and how simple it is.

"Hi ganda anong gusto mo? Marami kaming bestida na paniguradong babagay sa iyo," sabi niya kaya napangiti ako at kinuha ang nakakuha ng aking pansin.

"Magkano po ito?" tanong ko.

It's a white square neck dress na taas lang ng tuhod siguro ang haba ng palda.

"250 lang po iyan," sabi niya.

Gulat akong tumingin sa kanya. "As in two hundred fifty?" paninigurado ko.

Tumango naman siya. "Yan na po ang pinaka-mahal dito, nag-iisa lang ho kasi iyan."

I was so shocked to know the price. This is way too cheap than I expected, all my clothes are bought and their price is ranging above 5,000 pesos above. Mura na nga ang five thousand.

Kahit mura ay gusto ko ang dress kaya nais ko itong bilhin. Mabuti na lamang at nagdala ako ng five hundred. Five hundred lang talaga dahil wala naman talaga akong balak gumastos pero ayos lang naman kung bibili ako nito para may masuot din ako na hindi branded. Lahat kasi ng binitbit kong damit ay branded at pilit ko lang na tinatago na hindi talaga fake ang mga iyon sa mga kaibigan kong katulong.

Inabot ko ang saktong 250 pesos sa kanya. Binalot niya iyon sa plastic at binigay sa akin. Gusto ko pa sanang mamili kaya lang ay wala na akong pera kaya nagtingin-tingin na lang muna ako at nagkasya sa pasukat-sukat lang ng damit. Mabuti na lang ay pwede iyon, nang magsawa ay muli akong naglibot sa paligid at natigil din sa mga accesories. Nakita ako ng cute na hikaw na tig-50 lang kaya binili ko na rin ito.

Natuwa ako sa pamimili hanggang sa hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang pera. Ang balak kong pagkain sana ay napunta sa pagkabigo. Nawala sa isip ko na nag-commute nga lang pala ako papunta dito at ngayon ay wala na rin akong pamasahe pauwi.

Naglakad ako sa isang bench at inis na naupo doon. Napatingin ako sa kalangitan at napagtantong hapon na pala at mukhang malapit na ring mag-gabi. Gutom na gutom na rin ako at hindi na alam ang gagawin. 

Napatingin ako sa mga plastic na hawak ko at inis na napasunot sa aking buhok. Sabi ko magtitipid ako, but what is this? This is my problem when I suddenly get excited and enjoyed shopping, nalilimutan ko na ang limit at nabibili lahat ng gusto ko kaya kapag uuwi ako doon ko lang napagtatanto na marami pala akong nabibili.

What do I do now?

Hindi ko alam kung ilang oras akong nag-isip habang nakaupo sa bench at halos inabot na ako ng gabi ay hindi ko pa rin alam kung paano makakauwi. Nakalimutan ko rin kung anong street doon kila Zander kaya hindi rin ako pwedeng sumakay ng tricyle pauwi ng hindi alam ang daan. I don't even have a phone to call someone.

Nalipasan na rin ako ng gutom at hindi na makapag-isip dala ng panghihina. Mabuti na lamang at maliwanag dito sa park at napakaganda ng tanawin. Wala akong nagawa kung hindi ang tumingin sa buwan na unti-unti kumikinang sa kalangitan.

Bigla akong napaisip, kung anong mangyayari kapag naipakasal ako sa taong ni hindi ko nga kilala? What will be my life? Magiging mabuting asawa ba siya? Will he give my freedom? or Kung napipilitan rin ba siya sa kasalang ito? Ano bang makukuha ni lolo kapag nagpakasal ako? Kapangyarihan? lalawak ang negosyo niya? Maraming katanungan ang gumugulo sa aking isip. There is a lot of possibilities, pero mabuti na lamang ay nagawa kong makatakas. I cannot imagine my life being in a marriage.

I sighed. What time is it now? May naghahanap ba sa akin? I'm hoping that someone I knew will find me. Kung isa sa magkakapatid ang maghahanap sa akin, sino kaya? I'm sure hindi iyon si Zander.

"Do you know what time is it now? Do you even plan to sleep here?"

Natigilan ako at dahan-dahan nag-angat ng tingin nang makarinig ako ng pamilyar na boses nagpalinga-linga ako at napasimangot ng wala naman akong nakitang tao.

Did I just hear Zander's voice? Or I'm just halluci--

"At your back stupid." It's like a magic word that made me turn around and there I saw him. 

Halos hindi ako makapaniwala na may taong makakahanap sa akin and he's someone I'm not even expecting to see pero kahit ganoon ay labis ang tuwa ang naramdaman ko ng may taong nakahanap sakin and it feels like he's my savior at this moment, ni hindi ko na nga pinansin na tinawag niya akong stupid because I'm too happy to even bother.

"Zander..."

VixiusVixxen

Sana magustuhan niyo po! This is a daily update kaya sana ay patuloy kayo sa pag-aabang at magbasa. Pamasko niyo na sa akin! Thank you po!

| Sukai

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status