Share

89 - Over

Biglang binitawan ni Laura ang hawak niyang baril at napaupo na lang habang sapo ang mukhang luhaan. Nang lingunin ko si Connor ay nakatiya na ito sa lupa at duguan. May tama ito sa bandang tiyan.

Tumayo naman si Alejandro at inalalayan niya akong tumayo na rin. Hiwakan niya ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit.

"It's over, you are safe now,"bulong nito sa akin habang hinahalikan ang noo ko at hinahagod ang ulo ko.

Mahigpit na napayakap ako sa kanya. Saka lang parang nag-sink in sa akin ang lahat, parang bigla akong nakaramdam ng panghihina. Nagmala-action star ako kanina, nakalimutan kong buntis nga pala ako. Mabuti na lang at walang nangyari sa dinadala ko.

Saka pa lang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilang tumulo dahil pinipilit kong maging matapang sa harap ni Connor.

Mabilis na kumilos ang mga pulis na naroroon at nang masigurado nang mga ito na humihinga pa si Connor ay mabilis nila itong isinakay sa stretcher. Napatingin na lang ako sa papalayong mobile car.

Hab
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Analiza Tigre
thank you for the update author Sana mamaya agad may update
goodnovel comment avatar
Sarang❤
Thanks Author ...
goodnovel comment avatar
Merlita Quidaben
thank you s update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status