Share

CHAPTER 4

Matapos nilang kumain ay pabalik na sana sila ng kwarto nila subalit nahumaling silang pumasok sa mini bar na tila kabu ukas pa lamang sapagkat wala pang masyadong tao.

Nagkayayaan silang uminom ng gabing iyon. Pampatulog lamang sana dahil kinabukasan pa naman magsisimula ang kanilang trabaho.

Mabilis na lumipas ang oras at mag-aalas-otso na agad ng gabi. Medyo tinatamaan na ang dalawa sa alak na iniinom nila ngunit ayaw pa nilang huminto.

Biglang nagsalita ang DJ na nasa unahan.

“Everyone inside this bar, sa pagkapatay ng ilaw ay bibilang ako ng tatlo at kung sinong nasa harapan ninyo ay hahalikan ninyo, lights off please,” sambit ng DJ kasabay ng pagkamatay ng ilaw

“Isa, Dalawa, Tatlo,” bilang ng DJ.

Kasabay ng pagbilang ng DJ ay sinunod ni Angelo ang sinabi ng Dj. Hinalikan niya ang nasa harapan niya kahit hindi niya alam kung sino iyon.

At sa pagbukas muli ng ilaw sa loob ng bar na iyon ay nanlaki ang kaniyang mata ng makita kung sino ang babaeng hinalikan niya sa labi.

Isang babaeng matangkad, maputi at chinita. Halata sa babaeng ito na tila kagagaling lamang nito sa pag-iyak sapagkat namumugto pa ang mga mata nito.

"Miss, pasensya ka na, yung kiss, hindi ko sinasadya yun,sorry" kabadong sambit ni Angelo sa babae

"haynaku pogi, don't mind it, ayos lang iyon, anu kaba, by the. way ako pala si Patricia De Chavez, Pat for short" pakilala naman ni Pat kay Angelo saka inilahad ang kamay kay Angelo.

"Angelo Cruz Smith, Angelo for short" nakangiti naman niyang sambit saka nakipag shake hands sa babae.

"Ahmm, mag-isa kalang ba?" tanong ni pat kay Angelo

"may kasama ako, ka-workmates ko, kaso hindi ko alam kung nasaan na siya banda" sagot naman ni Angelo habang lumilinga sa paligid sa pag-asang makikita niya si Loraine.

"Ikaw? May kasama ba? Saka bakit parang tila umiyak ka yata?" pahabol na tanong naman ni Angelo

"Ahh oo may kasama ako kanina, boyfriend ko, ay mali ex na pala, nakipag-break siya sa akin kanina eh bago magsimulang bumilang si Mr. DJ Kaya ayun ending nagtatakbo ako para hindi niya masilayan ang pag-iyak ko kaso sa tapat mo ako napatigil kaya nangyare yung ano, yung kiss"mahabang Paliwanag nito kay Angelo

"Bakit naman nakipag - break sa iyo yung boyfriend mo?" tanong naman ni Angelo kay Pat

"He's inlove with my best friend, kaya siya nakipag hiwalay sa akin, plano na niyang ligawan si Mara, yung best friend ko, ayos lang naman sakin, Karma ko na yata ito kase niloko ko yung fiance ko, natukso ako sa iba, nakipag jowaan ako ng 2 months,patago pa ahhh, kaya ngayon magsosorry ako sa fiance ko at naging cheater ako".malungkot na sagot nito kay Angelo.

Lumipas ang mga oras at nagkakwentuhan pa ang dalawa. Naging malapit na din sila sa isa't isa. They became friends. Hanggang sa dumating na si Loraine at walang nagawa si Angelo kundi ipakilala ito sa bago niyang kaibigan.

"Pat, this Loraine, workmates ko. And Ms. Loraine, this is Patricia, Pat for short, new friend ko" pakilala nito sa dalawa na agad namang nag-shake hands.

Lumipas ang oras at nagkayayaan na silang bumalik sa kani-kanilang mga kwarto. At dahil magkasama sa Kwarto sina Loraine at Angelo ay sabay na silang bumalik.

"Hello anak" masayang bati ni Angelo sa anak na ka-video call niya

"Hello po daddy, kamusta kana po diyan?" saad naman ni Angela

"Ayos lang naman ako dito anak, ikaw ba kamusta kana? Hindi kaba nagpapasaway sa ninong mo?"pangangamusta naman nito sa anak niya

" Ayos lang naman po ako daddy, kanina po saka kahapon namasyal po kami ni ninong sa mall and ninong bought me new dolls. Binilhan din niya po ako ng mga bagong damit, sandals and bags po,sayang nga po daddy, wala ka dito, hindi ka po tuloy namin nakasama, may ipapakilala pa naman po sana si ninong sa iyo, magandang babae po daddy with a long straight hair "masiglang saad nito

" Huwag kang magpapasaway diyan sa ninong mo ha! Siraulo talaga iyang ninong mo, kung ano-anong sinasabi sa iyo. Asan pala si ninong Hubert mo? "tanong naman ni Angelo sa anak

" Ninong hinahanap ka po ni daddy "saad ni Angela sasa ninong ninong niya saka ibinigay ang cellphone sa ninong niya

" Bro, hinahanap mo daw ang gwapo mong kumpare? "bungad na tanong ni Hubert kay Angelo

" hoyy Hubert, kung ano-ano sinasabi mo sa bata ha, sasabihin ko ulit sa iyo, wala akong oras diyan sa mga babae mo kaya tigilan mo na ang pangungulit . Salamat pala sa pagbabantay sa anak ko, kamusta? Hindi ba pasaway?" sambit ni Angelo dito

"Naku bro, mas pasaway ka pa kaysa sa anak mo. Napakabait at napakalambing na bata talaga nitong inaanak ko" sagot naman nito

"Salamat bro, sige na matutulog na ako, may trabaho pa bukas eh" saad nito at saka pinatay ang tawag

"Goodluck sa inyo ni Loraine" pahabol pa ni Hubert bago niya tuluyang napatay ang tawag.

Agad silang nakatulog matapos nilang maglinis ng kanilang mga katawan. Kinabukasan naman ay maaga silang nagising at nagsimula na sila sa kanilang mga trabaho.

Nagsimula na silang dumalo sa iba't ibang meeting nila. Dumaloy ang buong linggo nila na ganoon ang ginagawa nila. Gigising ng maaga para mag trabaho at uuwe ng gabi para matulog pero bago siya matulog ay tinatawagan at kinakamusta muna niya ang nag-iisa niyang anak.

Natapos ang one week seminar sa Palawan na mahal pa rin ang fiance ng kaniyang best friend na naging kalandian niya noong una. Sumapit na nga ang araw para sila ay umuwe at bumalik sa kanilang opisina sa maynila.

"hello daddy, kamusta po? I miss you so much daddy" salubong na sambit ni Angela sa ama saka sinalubong ito ng mahigpit na yakap

"hello my little princess, my only one baby girl, kamusta ka naman kase si daddy ay okay lang, dapat ikaw din! Hindi ka ba nagpasaway kay ninong Hubert mo? Naging good girl ka ba sa kaniya?" mahabang tanong niya sa mahal na anak

"Ayos lang naman po ako daddy, maalaga din naman po si ninong. And he always treat me sa mall, he buys me a lot of foods, toys, and clothes. Dadyy come on I have something to show you po, ninong ask me what I wanna buy kanina po and I told him to buy a gift for you po kase diba po next week po ay birthday mo na so I wanna give you some gift po, so here daddy open it"mahabang saad ng anak at hinila ito patungo sa isang kwarto na sa palagay ni Angelo ay doon natutulog ang anak niya. Saka iniabot ni Angela sa ama niya ang isang gift na nasa box at nakabalot pa, medium size ang box na ito.

Sa pagbukas ni Angelo ng box ay napaluha siya sa gulat at sa saya dahil sa regalong ibinigay sa kaniya ng mahal at nag-iisa niyang anak na si Angela.

Isa itong box na may laman na one polo shirt na kulay skyblue, may isang pantalon din na tingin niya ay sakto sa kaniya, at isang relo na kulay itim saka tatlong kwintas na sa palagay niya ay family couple ito, yung para sa daddy ay may picture na ng daddy niya at yung sa anak naman is may picture na ni Angela but there's still one necklace na nakalaan dapat sa mommy pero dahil wala na ang mommy ni Angela ay bahagyang nalungkot si Angelo.

"Daddy those gifts are all for you. Yung necklace po na para sa mother, ibigay mo po iyan sa next girl na mamahalin mo, sa next girl na magiging stepmom ko po. And kapag may inibig kana pong muli Dad, magpipicture po tayo at yun na ang ilalagay natin sa loob ng mga kwintas po natin. Ilove you so much po daddy "malambing na sambit ng anak ni Angelo dahilan para maiyak ito.

Agad niyang niyakap ang anak at saka palihim na lumuha dahil sa tuwa na may kasamang lungkot dahil ang babaeng iibigin niya sana ay fiance na ng best friend niya.

Hindi masabi at mailabas ni Angelo ang tunay niyang nararamdaman dahil ayaw niyang masaktan ang matalik niyang kaibigan. At ayaw din niyang maging sanhi ang nararamdaman niya upang mawalan siya ng trabaho na matagal na niyang pinaghirapan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status