Share

CHAPTER 6

Sige po daddy, ubusin mo na po iyan, hinanda pa po iyan ni Ma'am Loraine para daw po sa inyo, ayiee si daddy, kinikilig na iyan" masyang sambit ni Angela sa ama

"Anak, tigilan mo na iyan ha, si ma'am Loraine mo ay kasintahan ng ninong Hubert mo, kaya sooner or later magiging ninang mo na din siya kaya huwag mo ng ireto sa akin si ma'am Loraine mo, baka magalit pa sa atin ang ninong mo kapag narinig niya" Paliwanag ni Angelo sa anak.

Nalungkot si Angela sa sinambit ng ama. Hindi siya makapaniwala na kasintahan iyon ng kaniyang ninong sapagkat kalat na sa paaralan na pinapasukan niya na inlove ang guro niya sa kaniyang daddy. Naguguluhan si Angela kung paano nangyare iyon ngunit hindi niya magawang itanong iyon sa kaniyang ama sa takot na siya ay mapagalitan nito.

Matapos kumain ni Angelo ay naligo na siya at naggayak ng mga gamit nila ni Angela. Ibabalik muna nila sa kanilang bahay ang mga gamit nila bago sila mamasyal.

"Bro, salamat sa pagbabantay sa anak ko ha, uuwe na muna kami. Ihahatid lang namin ang mga gamit namin sa bahay bago ko ipasyal itong inaanak mo, namimiss na namin magbonding mag-ama, alam mo na, tagal kong nawala eh" masayang pasasalamat ni Angelo sa kaibigan

"Wala yun, ano kaba, sige ingat kayo ha! Update mo ako kapag nakauwe na kayo" saad naman ni Hubert dito

"Sige sige" Saad ni Angelo saka sila tuluyang umalis sa bahay ng kaibigan.

"Anak, itago mo na muna iyang mga gamit mo sa iyong kwarto at itatagao ko den muna itong mga gamit ko then saka tayo mamamasyal".saad ni Angelo sa anak.

"Okay po daddy" masiglang saad ni Angela sa ama saka tuluyang dinala ang mga gamit niya sa kaniyang kwarto

Matapos ayusin ang mga gamit sa cabinet ng mag-ama ay kapwa na sila lumabas ng kani-kanilang mga kwarto. Agad silang umalis at nagtungo sa pinakamalapit na mall sa kanila.

"Saan mo gustong pumunta anak?" tanong ni Angelo sa anak

"daddy gusto ko pong maglaro doon sa mga claw, baka sakali pong makakuha tayo ng bagong stuff toy daddy" excited na sambit ng batang si Angela

"Okay sige anak, tara" saad ni Angelo saka iginiya ang anak patungo sa nasabing palaruan.

Masuwerte ang mag-ama sapagkat nakuha nila ang isang medium size na Unicorn sa claws na pinaglaruan nila.

"Daddy, doon naman po tayo sa baril, babarilin mo lang po yung nakahanay tapos makakakuha na po tayo ng malaking teddy bear" saad ni Angela sa ama

"Okay, tara, ready kana bang magkaroon ng bagong teddy bear?" tanong ni Angelo sa anak

"Yes po daddy, ready na po ako" excited nitong sambit at nagtatatalon pa.

"Edi tara na kung ready kana" saad ni Angelo sa anak saka sila sabay na tumungo sa lugar ng palaruan.

"Kuya magkano po?" tanong ni Angelo sa namamahala ng palaruan

"30 pesos po 12 na bala na po iyon, need niyo lang po mabaril ay atleast 10 po pero kung nabaril niyo po ang 12 na bala at lahat ay may natamaan at napatumba, ang prize po ay one Human size na teddy bear at 500 pesos po pero kung 10 lang naman po ay may prize po kayong makukuha which is the human size teddy bear "paliwanag ng lalaki kay Angelo

" Heto po bayad, good for 2(two) dozen na bala po"saad ni Angelo saka iniabot ang bayad na sixty(60) pesos.

Sa unang labindalawang bala ay nasapol ni Angelo lahat kung kaya naman ay agad na iniabot ang human size na teddy bear kasama ang five hundred (500) pesos. Muling itinira ni Angelo ang isang dosenang bala pa na meron siya at kagaya ng nauna ay tumama din lahat kung kaya naman ay muling pinapili ang anak niya kung anong nais nito.

Umuwe ang mag-ama na may dala-dalang dalawa human size teddy bear, isang unicorn at ang bagong mga damit na pinamili nila ng daddy niya.

Pinamili nina Angelo at Angela ang one thousand pesoa na napanalunan nila. Naging masaya si Angela sa pamamasyal nila ng ama.

"Salamat po daddy sa pagpasyal mo po sa akin" saad ng bata saka yumakap sa ama hanggang sa ito ay makatulog na sa pagod.

Pagdating nila sa bahay ay hindi na ginising pa ni Angelo ang anak bagkus ay binuhat na lamang niya itoat dinala sa kwarto.

KNOCK KNOCK KNOCK

Napabalikwas si Angelo sa pagkakahiga sa kaniyang kwarto matapos marinig ang malalakas na mga katok sa kanilang pintuan.

"Ohh Loraine ikaw pala iyan, anong meron? Napadalaw ka yata dito, may problema ba?" Tanong ni Angelo sa guro ng anak.

"Iaabot ko lang sana sayo itong sobre. Pinabibigay ni Hubert sa iyo" saad nito saka iniabot ang sobre

"salamat, magmeryenda ka na muna bago ka umalis" saad ni Angelo saka iginiya ang dalaga sa kusina at saka pinaghanda ng makakain

"Salamat sa pameryenda ahh, nag-abala ka pa" sambit ni Loraine habang kumakain ng Egg Sandwich

"Kumain kana ba ng hapunan? Baka hindi pa, ipagluluto kita" nag-aalalang tanong ni Angelo sa fiance ng kaibigan niya

"Tapos na, salamat" saad ni Loraine saka nagpaala. Na aalis na

"mauna na pla ako, may pupuntahan pa ako eh" paalam nito sa binata

"Sige ingat" samvit ni Angelo saka ihinatid ang dalaga sa labas ng gate.

Matapos ang kwentuhan ng dalawa ay agaran ng natulog si Angelo dahil na rin sa pagod sa buong maghapon.

Kinabukasan ay nagpunta sa grocery store si Angelo kasama ang anak na si Angela.

"Anak pumili ka na ng mga nais mo, basta huwag lang puro junk food ahh, masama sa katawan yun kapag marami" sambit ni Angelo sa anak.

Matapos mamili ng mag-ama ay umuqe na din silanh dalawa ng anak.

"Daddy ilalagay ko na p sa refrigerator yung mga drinks and yung mga pang ulam".

"Sige anak, magpahinga kana muna dahil alam kong napagod ka kanina sa pamimili.

Maagang nakatulog ang mag-ama. Napagod din kase si Angelo ng araw na iyon. Napagod siya sa pamimili dahil namili na sila ng anak niya ng mga pagkain nila na good for one month na.

Naalimpungatan si Angelo sa kaniyang pagkakatulog matapos tumunog ang kaniyang cellphone.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status