Share

CHAPTER 5

Sa pagbukas ni Angelo ng box ay napaluha siya sa gulat at sa saya dahil sa regalong ibinigay sa kaniya ng mahal at nag-iisa niyang anak na si Angela.

Isa itong box na may laman na one polo shirt na kulay skyblue, may isang pantalon din na tingin niya ay sakto sa kaniya, at isang relo na kulay itim saka tatlong kwintas na sa palagay niya ay family couple ito, yung para sa daddy ay may picture na ng daddy niya at yung sa anak naman is may picture na ni Angela but there's still one necklace na nakalaan dapat sa mommy pero dahil wala na ang mommy ni Angela ay bahagyang nalungkot si Angelo.

"Daddy those gifts are all for you. Yung necklace po na para sa mother, ibigay mo po iyan sa next girl na mamahalin mo, sa next girl na magiging stepmom ko po. And kapag may inibig kana pong muli Dad, magpipicture po tayo at yun na ang ilalagay natin sa loob ng mga kwintas po natin. Ilove you so much po daddy "malambing na sambit ng anak ni Angelo dahilan para maiyak ito. Agad niyang niyakap ang anak at saka palihim na lumuha dahil sa tuwa na may kasamang lungkot dahil ang babaeng iibigin niya sana ay fiance na ng best friend niya.

Hindi masabi at mailabas ni Angelo ang tunay niyang nararamdaman dahil ayaw niyang masaktan ang matalik niyang kaibigan. At ayaw din niyang maging sanhi ang nararamdaman niya upang mawalan siya ng trabaho na matagal na niyang pinaghirapan.

Sa kalagitnaan ng pagyayakapan ng mag-ama ay biglang dumating ang matalik niyang kaibigan na si Hubert.

"Bro, tama na iyang dramahan moment niyo ng inaanak ko. Kumain na muna tayo dahil ipinaghanda ko kayo ng hapunan. Maghapunan na muna tayo bago kayo magpahinga. Siya nga pala, dito na muna kayo matulog ahhh, bukas na kayo ng umaga umuwe." mahabang sambit ni Huber saka lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina.

Iniayos na muna ni Angelo ang mga pinakita sa kaniya ng anak na mga bagong damit, laruan at gamit nito saka ang maagang regalo ng kaniyang anak sa kaniya bago sila sabay na nagtungo sa kusina.

Pagdating nila sa kusina ay ipinaghila niya ng upuan ang anak bago siya umupo.

"Anak, eto oh kainin mo iyang kalabasa kasi pampalinaw iyan ng mata. Kumain ka din nitong iba pang gulay para maging healthy ka. Etong isda,dahan dahanin mo lang ang pagkain nito ahh para hindi ka matinik" sambit ni Angelo habang nilalagyan ng kanin at ulam ang anak.

"Salamat po daddy, ikaw din po kumain ka na din daddy, alam ko pong napagod at nagutom ka sa biyahe niyo po" sagot naman ng anak nitong si Angela saka mabilis na kumain.

"Bro, kamusta naman ang seminar niyo sa Palawan? Okay ba? May nakilala ka bang new chicks?" tatawa-tawang tanong ni Hubert sa kaibigan na may kasama pang kindat

"Siraulo ka talaga Hubert, gagaya mo naman ako sa iyo na masyadong babaero" natatawa namang sagot ni Angelo sa kaibigan.

"Alam mo kase bro, ang babae, pinapasaya tayo niyan diba Loraine?" saad naman ni Hubert saka kumindat kay Loraine habang nagtatanong

"Oo naman, siyempre pag may nagmamahal sa isang lalaki, sasaya talaga kayo" simpleng sagot naman ni Loraine

"ohh diba, kaya ikaw Angelo, tama kana sa bitter life mo, grow up, mambabae ka naman, so ano, wala ka talagang nameet man lang doon?" seryosong tanong ni Hubert sa kaibigan

"Alam mo, wala akong nakilala o naging chicks doon kase wala naman yun sa plano ko. Bagong kaibigan meron, isa, si Pat" simple pero makabuluhang sambit ni Angelo

"Ows sino naman iyang Pat na iyan ha? Maganda ba? Sexy ba?" nakangising tanong ni Hubert sa kaniya

"Maganda naman siya, sexy din, saka mabait pero kaibigan ko lang yun, diko siya chicks kase hindi naman ako chickboy kagaya mo" tatawa-tawang sagot ni Angelo

Natapos silang kumain ng masaya. Puro kase kalokohan ang tinatanong ni Hubert sa kaibigan kung kaya naman ay napuno ng tawanan ang kanilang hapag-kainan.

Matapos nilang kumain ay Agarang naglinis ng katawan si Angela saka ito pumasok ng kwarto para matulog. At dahil kauuwe lang galing Palawan nina Angelo at Loraine ay niyaya muna ni Hubert ang dalawa na uminom upang makapag-enjoy naman matapos ang nakaka-stress na linggo nila sa seminar.

"Hephephep wala munang matutulog sa ating tatlo, let's drink first, alam kong napagod kayo sa isang linggong nakaka-stress na seminar kaya ipinaghanda ko kayo ng maiinom" masiglang sambit ni Hubert ng Papasok na sana si Angelo sa Kwarto nila ng anak.

"Bro, pass muna ako, Spend ko muna yung time ko sa anak ko, ang tagal kong nawala eh" angal naman ni Angelo

"Anong pass pass ka diyan, gusto mo hampasin kita diyan, halika na doon sa sala, huwag ka ng umangal pa, tig-iisang bote lang tayo, promise" pamimilit ni Hubert kay Angelo saka mabilis na hinila ito patungo sa sala.

Agad na binuksan ni Hubert ang tatlong bote ng beer at binigyan ng tig-isa sina Loraine at Angelo.

Matapos ang ilang oras na pag-iinom nila habang nanonood ng movie ay nagkayayaan na silang matulog.Nauna nang tumungo ng kwarto si Angelo dahil inaantok na din siya.

"I Love You anak, pasensya kana kung hindi ko na maibibigay sa iyo ang nais mong magkaroon ulit ng mommy, maagang nawala ang mommy mo eh tapos yung dapat na magiging bago mong mommy masaya na sa piling ng ninong mo. Pasensya kana anak ha. Huwag mong kakalimutan na mahal na mahal kita"malungkot na sambit ni Angelo sa anak na ngayon ay tulog na saka niya ito hinalikan sa noo bago kumutan.

Natulog na din si Angelo matapos kumutan ang anak. Napasarap pa nga ang kaniyang tulog kung kaya naman ay tinanghali siya ng gising.

"Good morning daddy" masiglang sambit ng anak niya sa pagmulat ng kaniyang mata saka iniabot sa kaniya ang milk at egg sandwich bago siya nito halikan sa pisnge.

"Salamat dito anak, nag-abala ka pa, ikaw ba ay kumain na? Baka mamaya hindi ka pa nakain ahh" tanong ni Angelo sa anak

"Yes daddy, kumain na po ako, kasabay ko pong kumain sina ninong at Ma'am Loraine" saad naman nito

"Ahh mabuti naman kung ganon, sige pagkatapos kong kumain ay uuwe na tayo, day off ko ngayon kaya mamamasyal tayo, ipapasyal ka ni daddy" saad ni Angelo sa anak

"Sige po daddy, ubusin mo na po iyan, hinanda pa po iyan ni Ma'am Loraine para daw po sa inyo, ayiee si daddy, kinikilig na iyan" masyang sambit ni Angela sa ama

"Anak, tigilan mo na iyan ha, si ma'am Loraine mo ay kasintahan ng ninong Hubert mo, kaya sooner or later magiging ninang mo na din siya kaya huwag mo ng ireto sa akin si ma'am Loraine mo, baka magalit pa sa atin ang ninong mo kapag narinig niya" Paliwanag ni Angelo sa anak.

Nalungkot si Angela sa sinambit ng ama. Hindi siya makapaniwala na kasintahan iyon ng kaniyang ninong sapagkat kalat na sa paaralan na pinapasukan niya na inlove ang guro niya sa kaniyang daddy. Naguguluhan si Angela kung paano nangyare iyon ngunit hindi niya magawang itanong iyon sa kaniyang ama sa takot na siya ay mapagalitan nito.

Matapos kumain ni Angelo ay naligo na siya at naggayak ng mga gamit nila ni Angela. Ibabalik muna nila sa kanilang bahay ang mga gamit nila bago sila mamasyal.

"Bro, salamat sa pagbabantay sa anak ko ha, uuwe na muna kami. Ihahatid lang namin ang mga gamit namin sa bahay bago ko ipasyal itong inaanak mo, namimiss na namin magbonding mag-ama, alam mo na, tagal kong nawala eh" masayang pasasalamat ni Angelo sa kaibigan

"Wala yun, ano kaba, sige ingat kayo ha! Update mo ako kapag nakauwe na kayo" saad naman ni Hubert dito

"Sige sige" Saad ni Angelo saka sila tuluyang umalis sa bahay ng kaibigan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status