Share

CHAPTER 8

"Ang suwerte naman pala ni Angela sa daddy niya" saad ni Loraine

"Mas suwerte po ako sa kaniya ma'am" pigil ang luhang sambit ni Angelo.

Muling nabalot sila ng katahimikan hanggang sa makarating na sila sa bahay ni Loraine. Matapos bumaba at makapasok ng dalaga sa bahay nila ay agad ng umalis at bumalik si Angelo pauwe sa kanilang bahay.

Madaling-araw na ng makarating si Angelo sa maynila kung saan siya nakatira. Agad siyang pumasok sa kanilang bahay ng dahan-dahan gamit ang kaniyang Susi at agad ring isinara ang kanilang gate at pinto. Siniguro niyang nakalock na ang mga ito bago siya umakyat sa kaniyang kwarto.

"Good morning nay" bati ni Angela sa matanda sabay halik sa pisnge nito.

"Good morning iha, anong nais mong agahan at ng maipaghanda kita?" saad ng matanda habang nagpapainit ng tubig sa kusina.

"Silog nalang po nay, Si daddy po, nakaalis na?" tanong ni Angela sa matanda

"Tulog pa ang daddy mo, inumaga na yata ng uwe yun kagabi kaya hayaan mo nalang muna siyang matulog, kumain kana at saka ka maglaro sa playground mo para hindi ka magutom sa paglalaro" saad ng matanda sa bata

"Sige po nay, pero nay saan po galing si daddy kagabi? Saka anong oras na po kami nakauwe kagabi nina daddy? Si ma'am Loraine po, saan natulog?" sunod sunod na tanong ni Angela sa tagapag-alaga niya.

"Gabi na kayo nakauwe kagabi, tapos pagkauwe niyo ay ihinatid ng daddy mo ang teacher Loraine mo kaya inumaga na kase malayo ang pinaghatiran niya sa iyong teacher Loraine" Paliwanag ng matanda sa alaga nitong si Angela.

"Ahh ganon po ba nay, sige po nay manonood po muna ako ng cartoons habang nagluluto pa po kayo, sabay na po tayo nay sa pagkain po ahh" saad ng bata saka nagmadali sa pagpunta sa sala at binuksan ang telebisyon nila at nagsearch ng learning tutorial for grade four na palabas.

Nag-asikaso na ang matanda ng pagkain na nais ng kaniyang alaga.

Naghiwa siya ng bawang habang nagpiprito ng longganisa. Matapos maluto ang longganisa ay hiniwa din niya ito ng maliliit saka dinurog ang kanilang natirang kanin.

Isinalang niya ang kawali at saka iginisa ang bawang sa mainit na mantika saka inilagay ang dinurog na kanin saka hinaluan ng longganisa at itlog.

Matapos hanguin ang sinangag ay isinalin niya ito sa malaking lagayan. At muling nagsalang ng kawali upang magprito ng tatlong itlog.

Pagkatapos nitong magluto ay inihanda na nito ang pagkain ng alaga saka lumabas ng kusina upang tawagin na ang alaga.

"Angela, halika na muna, kumain na muna tayo bago ka magpatuloy sa panonood mo" saad ng matanda sa alaga

"sige pi nay, susunod na po" saad ni Angela saka pansamantalang itinigil ang pinapanood at sumunod na sa matanda sa kusina.

Sabay na kumain ang dalawa at sarap na sarap si Angela sa kaniyang kinakain dahil isa ito sa paborito niyang kainin kapag umaga.

"Nay, ang sarap mo po talaga magluto, hindi po nakakasawa" masayang sambit ni Angela sa tagapag-alaga niya.

"Haynaku, ikaw talagang bata ka, nambola ka pa. Kunain ka nalang ng kumain riyan at heto oh madami pa dito kung nais mo pang humirit" saad ng matanda sabay turo sa nasa sandukan.

"Hindi po bola iyon nay, masarap po talaga ang luto niyo" sambit muli ni Angela

"Oh siya, sige na kumain ka na ng kumain diyan" saad ng matanda ng matapos itong kumain saka naghugas ng kaniyang pinagkainan.

Matapos kumain ni Angela ay siya na ang nagkusang naghugas ng pinagkainan niya bago siya muling bumalik sa kaniyang panonood.

Matapos anghalos dalawang oras na panonood ni Angela ay nagising na ang kaniyang ama.

"Hello anak, kumain kana ba ng umagahan?" Tanong ni Angelo sa anak sabay halik sa noo ulo nito

"Yes po daddy, kumain na po ako, kain kana din po daddy, may pagkain na pong hinanda si nanay Lorry sa lamesa po.

" Osige anak, kakain na muna ako at papasok pa ako sa trabaho mamayang hapon"saad ni Angelo sa anak bago umalis at pumunta sa kusina.

"Okay po dad, eatwell po" saad ni Angela sa ama

Kumain si Angelo sa kusina at saka muling umakyat sa kaniyang kwarto upang maggayak dahil alas-onse na ng siya ay magising.

Matapos maggayak ay nagpaalam na ito sa anak na aalis na at pupunta sa trabaho.

Eksaktong alas-dose trenta ng siya ay makarating sa kanilang opisina.

Agad na sinimulan ni Angelo ang kaniyang mga gawain na natambak na dahil tinanghali siya ng pasok.

KNOCK KNOCK KNOCK

Napaatigil si Angelo sa ginagawa dahil sa kung sinong kumatok.

"Tuloy" seryosong saad ni Angelo sa kumatok ng hindi nag-abalang lingunin ito at ipinagpatuloy lamang ang ginagawa.

"Good afternoon daddy Angelo" bati ng kakapasok lamang.

"Good morning din Ms. Loraine, ikaw pala iyan, anong kailangan mo ma'am? Gulat na saad nito na hindi inaasahang magkikita silang muli ng babaeng nais na talaga niyang iwasan.

" Ahh wala naman akong kailangan, nais ko lang sana ibigay sa iyo itong niluto kong menudo baka kase hindi ka pa nananghalian, pa thank you ko na sa iyo sa paghatid mo sa akin kagabi" saad ni Loraine kay Angelo.

"Salamat, sana hindi kana nag-abala pa" saad ni Angelo dito

"Ayos lang yun, ano kaba? Halika subuan na kita para hindi kana magambala sa ginagawa mo" saad ni Loraine habang binubuksan ang malutuan na dala niya na naglalaman ng pagkain na ihinanda niya para sa lalaki.

"Hi-hindi na, ako na lang, kaya ko na, salamat salamat" kabadong saad ni Angelo saka akmang kukuhanin kay Loraine ang kutsarang hawak nito.

"Ako na para ituloy mo na iyang ginagawa mo" malambing na saad ni Loraine na hindi maintindihan ni Angelo kung bakit iyon ginagawa ng dalaga.

"Hindi na, busog pa naman ako, mamaya ko na lamang iyan kakainin kapag nagutom ako, saka baka makita pa tayo ni Hubert, kung ano pa isipin nun, pasensya na talaga ma'am, salamat dito" saad ni Angelo at saka kinuha ang pagkain sa dalaga at itinago sa kabilang table niya at muling ipinagpatuloy ang ginagawa.

Walang nagawa si Loraine kundi ang lumbas na sa opisina ni Angelo at bumalik sa opisina niya.

Matapos umalis ng dalaga sa opisina ni Angelo ay agad na nilock ni Angelo ang opisina niya at saka napahawak sa kaniyang lamesa.

"Tama lang ang ginawa mo Angelo. Bawal kang mahulog sa kaniya kase kasintahan na siya ng kaibigan mo. Mabait lang talaga siya at walang Kahulugan iyong mga ginawa niya kaya pigilan mo ang puso mong umibig sa kaniya.Huwag ka nang magpakatanga pa Angelo, wake up whoa "saad ni Angelo sa sarili habang pinipigilan ang pusong bumibilis ang tibok sa dalaga.

LORAINE'S POV

KNOCK KNOCK KNOCK

Kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Angelo matapos kong masilayan ang kaniyang pagdating.

"Tuloy" seryosong saad ni Angelo sa akin ng hindi manlang nag-abalang lingunin ako at ipinagpatuloy lamang ang kaniyang ginagawa.

"Good afternoon daddy Angelo" bati ko dito pagkasara ko sa pintuan. .

"Good morning din Ms. Loraine, ikaw pala iyan, anong kailangan mo ma'am? Gulat na saad nito sa akin na para bang hindi inaasahang makikita niya ako.

" Ahh wala naman akong kailangan, nais ko lang sana ibigay sa iyo itong niluto kong menudo baka kase hindi ka pa nananghalian, pa thank you ko na sa iyo sa paghatid mo sa akin kagabi" saad ko kay Angelo saka iniabot ang dala kong pagkain.

"Salamat, sana hindi kana nag-abala pa" saad ni Angelo sa akin.

"Ayos lang yun, ano kaba? Halika subuan na kita para hindi kana magambala sa ginagawa mo" saad ko habang binubuksan ang malutuan na dala ko na naglalaman ng pagkain na ihinanda ko para sa kaniya.

"Hi-hindi na, ako na lang, kaya ko na, salamat salamat" saad ni Angelo saka akmang kukuhanin sa akin ang kutsarang hawak ko.

"Ako na para ituloy mo na iyang ginagawa mo" sad ko sa kaniya sabay amba ng subo dito.

"Hindi na, busog pa naman ako, mamaya ko na lamang iyan kakainin kapag nagutom ako, saka baka makita pa tayo ni Hubert, kung ano pa isipin nun, pasensya na talaga ma'am, salamat dito" saad ni Angelo at saka kinuha ang pagkain sa akin at itinago sa kabilang table niya at muling ipinagpatuloy ang ginagawa.

Wala akong nagawa kundi ang lumbas na sa opisina ni Angelo at bumalik sa opisina ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status