Share

CHAPTER 3

Agarang isinaksak ni Angelo ang kaniyang cellphone. Habang nagchacharge ay tinapos naman niya ang kaniyang gawain upang makauwe ng maaga at makapaghanda sa naturang dinner nila kasama ang guro ng anak.

Makalipas ang halos dalawang oras ay nakatapos na den siya sa mga gawain niya at sa wakas ay fully charged na din ang kaniyang cellphone.

Agaran niyang binuksan ang mensahe na mula kay Loraine. Kinakabahan siya sa maaaring reply ng dalaga sa kaniya.

“Sige po daddy Angelo, isasabay ko na lang po pagpunta sa inyo si Angela para hindi ka na po mag-abala pang sumundo sa kaniya,” reply sa kaniya ng kachat na si Loraine.

“Salamat po ma’am and see you,” agaran niyang reply dito saka mabilis na inayos ang mga kagamitan niya.

Paglabas niya ng opisina ay dumiretso siya sa palengke upang mamili ng mga sangkap na gagamitin niya sa pag luluto ng kaldereta at sisig. Bumili din siya ng gawaing buko salad at cake.

Pagdating niya sa bahay nila ay agad niyang hinanda at niluto ang nais niyang lutuin. Matapos niyang magluto ay inihanda at ginayakan niya ang kanilang lamesa.

Nang makita niyang presentable na ang kanilang hapag kainan ay agaran na siyang tumungo sa kaniyang kwarto. May tig-isa silang kwarto ng anak na kapwa may sarisariling banyo.

Naligo agad siya ay naglagay ng Gatsby sa buhok saka isinuot ang maong short na kulay black na tinernohan niya ng kulay blue na polo shirt. Naglagay den siya ng pabango.

Halos ipalago na nga niya ang pabango sa buo niyang katawan.

Kinakabahan siya kung paano kakausapin ang guro ng anak. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nadarama.

Mabilis na lumipas ang oras at dumating na nga ang kaniyang anak kasama si Loraine na guro nito.

Agad na nagmano si Angela sa ama saka pumasok sa k,warto nito para magbihis.

“Ma’am, tuloy po kayo,” nahihiyang sambit ni Angelo sa guro ng anak.

Agad namang pumasok ang guro na si Loraine. Ipinaghila niya ito ng upuan upang makaupo. Mayamaya lamang ay dumating na ang anak niya kung kaya naman ay nagsimula na silang kumain.

Magkatapat ng upuan sina Loraine at Angela habang nasa gitna nmn nila si Angelo. Nagkakwentuhan sila habang kumakain sila.

Matapos kumain ay nagpaalam na si Angela na matutulog na ito sapagkat inaantok na.

Nagtungo naman sa sala sina Angelo at Loraine. Nagulat si Loraine ng makita ang litrato ng second cousin niyang si Angel.

“Sino siya? Siya ba ang yumao mong asawa na ina ni Angela?” inosenteng tanong nito sa lalaki.

“Oo, siya si Angel, ang mommy ni Angela,” sagot naman niya ditto.

“Ah, ang tagal kong hindi nakita iyang second cousin kong si Angel. Magmula ng lumayas iyan ay hindi na ako nagkaroon ng balita sa kaniya. Nakakalungkot naman, wala na pala siya. Hindi ko man lamang siya nasilayan sa kaniyang huling sandali dito sa mundo,” malungkot na saad ni Loraine na siyang ikinagulat ni Angelo.

“Magpinsan kayo ng aking yumaong asawa?” gulat nitong tanong.

“Oo, hindi ba niya nabanggit sa iyo?” tanong ni Loraine sa kaniya.

“Wala siyang nabanggit, ang totoo niyan wala akong alam tungkol sa pamilya niya. Hindi ko din alam na naglayas pala siya.” sagot naman ni Angelo.

Nagkakwentuhan pa sila hanggang sa kinailangan nang umuwi ni Loraine sapagkat may klase pa ito kinabukasan.

Nang dahil sa natuklasan ni Angelo ay napagpasyahan nitong iwasan na ang guro ng anak sapagkat ayaw na niyang masaktan pang muli kung sakaling umibig siya rito.

Lahat ng pag-iwas ay ginawa na niya.

Pumupunta na lamang siya sa school ng anak kung kailangan. Nagpokus siyang muli sa trabaho at sa kaniyang anak.

Isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli silang nagkita sa opisina ng kaibigan. At magmula ng araw na iyon ay palagi na niyang nakikita si Loraine sa kumpanya ng kaibigan kasama ang kaibigan niyang si Hubert.

Isang araw ay ipinakilala sa kaniya ni Hubert si Loraine. Hindi kasi alam ng kaibigan niya na magkakilala sila.

“Bro, si Loraine pala”nakangiting sambit ng kaibigan niya

“Si Angelo, kaibigan ko,” dagdag pa nito.

“Nice to meet you Ms. Loraine,” saad niya saka nakipag-shake-hands.

Lumipas ang mga araw at palagi na niyang nakikita at nakakasama sa kumpanya si Loraine. Kahit sa mga outing nila ay kasama ito.

Isang araw, nagkaroon ng outing ang kumpanya nil sa Palawan subalit hindi makakapunta si Hubert kung kaya naman ay si Loraine ang naging proxy nito na makakasama ni Angelo.

Gusto sanang magreklamo ni Angelo sa kaibigan subalit wala siyang lakas ng loob. Hindi kase alam ng kaibigan niya ang past na mayroon sila ni Loraine.

One-week silang magkakasama ni Loraine sa Palawan. Naguguluhan siya sa kaniyang nararamdaman. Inaamin niya sa sarili na mahal na nga niya si Loraine noong una pa lamang. Sa makalipas na ilang buwan na di nila pagkikita ay hindi nawala ang nararamdaman niya para sa dalaga. Isinantabi na lamang niyang muli ang nararamdaman niya.

Agad siyang umuwi at hinabilin ang anak sa kaibigan niyang si Hubert. Bakasyon naman na ng anak kaya hindi na niya aalalahanin ang pagpasok nito sa eskwela.

Matapos ihabilin ang anak sa kaibigan ay agad siyang naggayak ng mga damit na dadalahin niya. Naghanda lamang siya ng pitong formal na damit na gagamitin niya sa meeting at pitong pambahay. Isinilid niya lahat sa maliit niyang maleta kasama ang mga sabon at shampoo na maaari niyang kailanganin doon.

Nagpahinga siya matapos maggayak ng dadalahin, tapos na rin kase siyang maligo at magbihis. Makalipas lamang ang halos limang minuto ay dumating na ang sundo niya.

May maghahatid kase sa kanilang dalawa ni Loraine sa private airplane ng kumpanya ni Hubert na ngayon ay nasa Airport na. Dinaanan muna nila si Loraine sa bahay nito na isang barangay lang ang layo sa bahay nina Angelo.

Tinulungan naman niya itong magbuhat ng maleta nito. Dalawang maliit na maleta ang dala ni Loraine.

“Ano kayang dala nito at inabot ng dalawang maleta? “tanong ni Angelo sa isipan niya habang sila ay nasa biyahe. Magkatabi lamang sila ni Loraine at kapwa tahimik lamang hanggang sa makarating ng Airport.

Muli niyang tinulungan ang dalaga hanggang sa makasakay sila ng eroplano. Nagpasalamat naman siya sa naghatid sa kanila. Makalipas ang isang oras na paglipad ng eroplano ay nakarating na sila sa airport at may sumundo sa kanila patungo sa resort sa Palawan na pupuntahan nila.

Kapwa sila nagulantang sa nalaman. Iisang kwarto lamang pala ang available para sa kanilang dalawa sapagkat ang akala ay si Hubert at Angelo ang magkasama.

Wala silang nagawa kung ‘di ang magsama sa iisang kwarto. Pitong araw silang malalagay sa ganoong sitwasyon.

“Sige ma’am sa sofa na lamang po ako matutulog, ayos lang naman po sa akin, ikaw na lamang sa kama,” sambit niya sa gurong kasama niya.

“Ano ka ba naman, ayos lang naman sa akin kung magkatabi tayo, naniniwala naman ako na wala kang gagawin sa aking masama hindi ba?” saad ni Loraine kay Angelo.

“Sigurado ka? Oo naman wala akong gagawing masama”sagot naman niya dito.

Matapos mag halfbath ng dalawa ay sabay na silang nahiga at nagpahinga. Napaaga ang kanilang pagtulog sa unang araw nila dahil sa pagod sa biyahe. Magkatabi silang natulog sa kama ng araw na iyon. Alas-singko na ng hapon ng kapwa sila magising.

Matapos nilang maghilamos ay sabay na silang tumungo sa mini restaurant ng resort upang kumain.

Matapos nilang kumain ay pabalik na sana sila ng kwarto nila subalit nahumaling silang pumasok sa mini bar na tila kabu ukas pa lamang sapagkat wala pang masyadong tao.

Nagkayayaan silang uminom ng gabing iyon. Pampatulog lamang sana dahil kinabukasan pa naman magsisimula ang kanilang trabaho.

Mabilis na lumipas ang oras at mag-aalas-otso na agad ng gabi. Medyo tinatamaan na ang dalawa sa alak na iniinom nila ngunit ayaw pa nilang huminto.

Biglang nagsalita ang DJ na nasa unahan.

“Everyone inside this bar, sa pagkapatay ng ilaw ay bibilang ako ng tatlo at kung sinong nasa harapan ninyo ay hahalikan ninyo, lights off please,” sambit ng DJ kasabay ng pagkamatay ng ilaw

“Isa, Dalawa, Tatlo,” bilang ng DJ.

Kasabay ng pagbilang ng DJ ay sinunod ni Angelo ang sinabi ng Dj. Hinalikan niya ang nasa harapan niya kahit hindi niya alam kung sino iyon.

At sa pagbukas muli ng ilaw sa loob ng bar na iyon ay nanlaki ang kaniyang mata ng makita kung sino ang babaeng hinalikan niya sa labi.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
hahaha si Agela cguro nhlkan ny
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status