Share

Chapter 9: Mood Swing

Medyo maagang nagising si Nahara kinabukasan. Dahil wala naman siyang damit na pamalit, nilabhan muna niya ang t-shirt na ipinahiram ni Rain sa kanya pagkatapos niyang maligo at ang itim na roba ang kanyang sinuot palabas ng silid.

Kagaya noong nakaraan, tahimik ang buong paligid ng bahay. Napalingon siya sa silid ni Rain. Gising na kaya ito? Nais man niyang silipin ay pinigilan niya ang kanyang sarili at dumiresto na sa kusina. Naghanap siya ng pwedeng lulutuin subalit tanging dalawang itlog lang ang naroon at isang balot ng cream bread.

Naisipan na lang niyang gawing sunny side up ang dalawang itlog at i-toasted bread ang tinapay. Nagtimpla na nadin siya ng kape. Hindi niya maiwasang mapangiti. Sobrang tagal na niyang pinangarap na maranasan ang ganitong bagay. Yung malaya siyang nakakagalaw. Hindi siya makapaniwalang magagawa pa niya ito.

Inayos niya ang mesa para sa kanyang bagong amo para kapag bumaba ito ay ready na ang pagkain. Pagpihit niya paharap ay siya namang pagpasok ni R
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status