Share

3: Ulam

Habang nasa biyahe ay bigla kong naalala ang panaginip ko.Nagustuhan ni Theron ang luto ko sa panaginip,ibig sabihin may posibilidad ding magustuhan niya talaga ang luto ko?Ano kayang iluluto ko,adobo ba?

O kaya ay tanungin ko nalang siya mamaya kung anong paborito niya.Tama!

“Ma’am,nandito na po tayo”napatingin ako kay kuya Warren nang magsalita siya.Tinanguan ko lang siya at lumabas na.Binilisan ko ang lakad pagkababa ko ng sasakyan. Halos tumakbo na nga ako pero hindi ko ginawa dahil naka heels ako.

Nang makarating sa room ay pumasok ako agad,kaya hindi ko napansin na may teacher sa harap.Napapahiyang umupo ako sa desk ko.

“Sorry Miss,I’m late”paghingi ko ng paumanhin dahil mukhang nagalit ang dragon.

“And why is that,Ms. Collins?Stand up”

Mabilis akong tumayo habang nakatungo.

“I-I woke up late,Miss”

I heard her laugh sarcastically.Napatingin ako sa kanya.Pati ang mga kaklase ako ay napabungisngis kahit wala namang nakakatawa,mga sipsip.

“Then?What are you going to do?Is it my fault?”

Napapikit ako sa inis sa isinagot niya.Anong what am I going to do?Edi wala!Nangyari na eh!

“I didn’t blame you,Miss”sagot ko na ikinasama pa ng mukha niya.Mas lalong naging maugong ang tawanan ng mga kaklase ko.Narinig ko tumawa ng mahina si Theron kaya mabilis akong napatingin sa kanya.Then I saw him smirking a bit.

“Who are looking at,Collins?Face in front!”Bigla akong napaharap ulit sa kanya.Alam kong halata na sa mukha ko ang pagka irita at maaaring ikagalit niya pa lalo ito,pero wala akong pakialam dahil siya ang nagsimula.

“Who said you can answer me like that?!”Sigaw niya na nakapagpatahimik sa lahat.I sighed out of frustration.Kahit kailan ay napakapabida ni Miss Lacson!

“I’m sorry,Miss”tanging sagot ko para paupuin niya na ako.She just glared at me.Halos matawa ako dahil akala niya ay matatakot niya ako.

Nagpatuloy ang discussion nang wala ako sa mood.Paglabas niya ay biglang tumawa si Lia.Napatingin ako sa kanya.

“Tapang mo talaga eh,no?”Sabi niya na tinapik tapik pa ang likod ko.

I flipped my hair and shrugged my shoulders.

 “Well…Ako pa ba?”sagot ko na mas ikinatawa niya.

Hindi pa dumadating ang next subject namin kaya libre pa kaming mag kwentuhan.

Habang nag kukuwento si Lia ay napatingin ako kay Theron.He’s talking to one of our classmates.

“Wait lang ah”sabi ko kay Lia.

“Huh?Bakit?”

 Imbis na sagutin siya ay tumayo na ako at lumapit kay Theron.Umupo ako sa bakanteng upuan at nginitian siya.Napatingin siya saakin na nagtataka at naiinis.

“Hi!” I even waved my hands.He just looked at me.

“What do you want?”tanong niya at ibinalik ang tingin sa harap.As if I am not here.Hindi ko iyon pinansin at mas inilapit pa ang upuan sa kanya.

“Well,aside from you,I want to know your favorite dish”

He then looked at me like I’m just a weird creature annoying him.

“Leave-”

“Good morning,class”bigla kaming napatingin sa harap.Dumating na yung second subject namin.Wala na akong choice kung hindi maupo rito sa buong subject.

I looked at Theron mischievously but he just ignored me.

I went closer to him to whisper something.

“Seems like I’ll be your seatmate in this whole subject”

He still didn’t look at me. Instead,he raised his hand up.

“Sir,Rachel is not in her proper seat. She’s annoying me here.Please make her go back to her seat”

Gulat akong napatingin sa kanya.Why is he always like that?Hindi naman ako manggugulo.Gusto ko lang naman malaman ang paborito niya.Ganito ba siya kailap sa mga babae?O saakin lang?

“Rachel,go back to your seat”

Labag sa loob akong bumalik sa upuan ko.Hindi ko na ulit siya nilingon pa.

Kapag si Xandra ay hindi naman siya ganon ka suplado.Ngumingiti pa nga.

Sa kalagitnaan ng pag iisip ay bigla akong napangisi.

Whatever happens,you will be mine.

Kailangan kong makahanap ng paraan para malaman ang paboritong pagkain niya.Kailangan kong matutong magluto para sa kanya.

Natapos ang buong morning class sa paglalaan ko ng mga plano ko.Papunta ako ngayon sa cafeteria.Nauna na saakin ang tatlo.Sinadya ko talagang magpahuli para masabayan si Theron.Nang makita siyang naglalakad ay mabilis akong pumunta sa kanya.

“Bakit mo ginawa yon kanina?”Tanong ko sa kanya pagkalapit.

Hindi niya ako sinagot at sa halip ay mas binilisan ang lakad niya,ngunit kung ano ang bilis niya ay pinapantayan ko rin.Kumapit pa ako sa braso niya pero mabilis niya iyong iniwaksi.Napahiya akong ngumiti sa kanya.

“Get lost.You’re annoying”iyon lang ang sinabi niya at mabilis na umalis.

Hindi ko na siya hinabol pa dahil baka magalit pa.Sa halip ay dumeretso na ako kung saan sina Karl.Nakabusangot akong umupo at hindi sila pinansin.

“Hindi ka pinansin no?”panunukso pa ni Mari.Hindi ko siya pinansin at kumain na lang nang dumating si Lia.

“Marunong kayong magluto?”tanong ko sa kanila.Bigla silang nag angat ng tingin sa akin.

“Para saan?Gusto mo mag luto?”tanong ni Karl na abala sa pag tetext.

“Sabi kasi nila,ipagluto mo daw yung guy para ma in love sayo,kaya ipagluluto ko si Theron.Kaso hindi ko pa alam kung anong gusto niya eh”

Ilang segundo ang lumipas na hindi sila sumasagot kaya napatingin ako sa kanila. Laglag ang pangang nakatingin sila sa akin.Maang ko silang tiningnan.

“Tulungan niyo kong malaman kung anong ulam gusto niya”sabi ko sa kanila.

“Delikado ka na,ah”Panunukso ni Lia pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

“Ayun,ayun siya”turo ni Karl sa kung saan.Tiningnan namin kung sino ang tinuturo niya.Nang makita kung sino ito ay tinanong ko siya kung bakit.

“Tingnan mo kung anong ulam niya.Kung anong ulam ang makita mo,yun yon”

Bahagya akong napaisip sa sinabi niya.Oo nga no?Ba’t hindi ko naisip iyon?Nginitian ko siya at agad na tumayo.

Hindi na ako nag aksaya ng panahon at bitbit ang plato ko,tumungo ako kung saan ang table ni Theron.

A mischievous smile plastered in my face when I sat down in front of him.Akmang tatayo siya ng hawakan ko ang palapulsuhan niya.Nagpumiglas siya pero mas hinigpitan ko ang hawak ko.

I saw how his jaw clenched out of frustration.Hinigpitan ko lalo ang hawak ko pero mas malakas pa rin siya.

“Stay here.If you’ll stay,I won’t bother you for the rest of the day”sabi ko sa kanya nang kinuha niya ang tray niya at handa nang umalis.

Hindi niya ako pinansin at patuloy na umalis.I sighed deeply.

Ayaw niya talaga sayo,Rachel.Bakit ka pa ba nagpupumilit?

Pero kung hindi ako magpupumilit,hindi ko siya makukuha.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain at pilit na hindi inisip ang paglayo niya.Ang importante naman ay nalaman ko na ang iluluto ko sa kanya.Wala sa sariling napanigsi ako.

Hindi magtatagal ay saakin ka rin babagsak,Theron.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status