Share

Cloud Walker
Cloud Walker
Author: gangbi

1: Xandra

“Love,come here” said by a tall and handsome man in front of me.I looked at him and did what he told me.

“Ano nanaman?” tanong ko,nagkukunwaring galit.

He chuckled and hugged me.He rested his chin on my shoulder and pouted. He looked at me with so much adoration and uttered the three words.

“I love you more” I replied and kissed him.He chuckled and hugged me more.

“Rachel”

“What do you want to do,love?Do you want to eat something?”Theron asked. He stood up from the couch to get the TV remote.

“Rachel…”

“I want some ice cream.Strawberry flavor”I pouted and looked at him.He smiled at me and kissed my cheeks.Napangiti ako roon.

“Mmkay,I’ll find a strawberry ice cream for my baby”He went inside his room to get his wallet and went out of his condo unit.

“Rachel!Are you with us?”

Napatingin ako sa prof namin nang sumigaw siya.Napahiya akong tumayo habang naka tungo.

“Yes…S-sir?”tanong ko na hindi pa rin maka tingin sa harap.May mga naririnig akong bulungan pero hindi ko sila pinansin.I heard our prof sighed.

“Are you okay?what’s with you,Rachel?Kanina pa kita tinatawag!”

Tinawag ba ako?Hindi ko napansin…

“S-sorry sir.Masama lang po ang pakiramdam ko”Pagdadahilan ko kahit hindi naman iyon totoo.

“Fix yourself.Ilang araw ka nang ganyan.”Sir Torres said and left the class.

Umupo ako agad pagka alis niya.Kainis,panira ng moment.

“Huy!Ano?Okay ka lang?”Tanong ni Lia sakin.I looked at her and saw how worried she is.Tinanguan ko lang siya at humiga sa desk ko.

“Hey…Look what I got!A strawberry ice cream!”Theron immediately said after coming back.Ipinakita niya sa akin ang hawak niyang plastic bag na naglalaman ng ice cream.Napangiti ako at tumayo mula sa pagkaka upo para salubungin siya.Agad niyang inilagay ang ice cream sa mesa at kumuha ng kutsara.

“Ba’t isang kutsara lang?Ayaw mo?”Tanong ko sa kanya at umupo na sa kitchen island.

He shook his head while grinning at me.Base sa mukha niya ay alam kong may pinaplano ito.He sat beside me and opened the ice cream.

Kumuha siya ng scoop at tinutok sa akin ang kutsara.

“Aahh”He suddenly said and opened his mouth as if he can convince me to imitate him.

Sinunod ko ang gusto niya at nakita ko kung paano mas lumaki ang ngiti niya dahil doon.Pati ako tuloy ay nahawa sa ngiti niya.Patuloy niya akong sinubuan hanggang sa maubos namin ang ice cream.

I smiled while imagining the scenario.Pero agad iyong naglaho nang mapagtanto na kahit kailan ay hindi magkakatotoo iyon.Biglang sumama ang timpla ko sa naisip.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at humarap sa likod. Then I saw Theron writing something.

He’s looking at his paper with no emotion at all.Ang buhok niya ay bahagyang tinanabunan ang mga mata niya dahil sa pagkakayuko.He then combed his brownish hair using his hands,Making me finally see his beautiful black eyes.

Theron Angelo Hernandez,The man every girls wants.Even me,He also caught my attention.But he’s not entertaining me kaya heto ako,hanggang imagine nalang.Naisip ko ngang baka mabaliw ako sa sobrang pag iimagine pero wala eh,I really want him to be with me,kahit sa imahinasyon ko lang.

“Baka matunaw yan”Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa gilid ko. Sinamaan ko siya ng tingin na tinawanan niya lang.

“Umalis ka nga”Iritadong sabi ko sa kanya na tinutulak pa siya pabalik sa upuan niya.

“Pahingi papel”Sabi niya at akmang kukunin na ang papel ko nang bigla kong hampasin ang kamay niya.He pouted and showed me his puppy eyes na hindi naman bagay sa kanya.

“You look like dumb,Karl.Stop it”I rolled my eyes on him pero hindi niya iyon pinansin.

“Sige naaaa”

“Wala na,may pangalan ko na lahat”

Bigla siyang natawa sa sinabi ko kaya naman binatukan ko siya.

“Ano ka?Elementary?At saka may Correction pen naman ako”Tumaas baba ang kilay niya at ipinakita pa saakin ang correction pen niya.Napatampal na lang ako sa mukha.

Binigay ko na sa kanya ang hinihingi niya at pinaalis na siya dahil nakakainis ang mukha niya.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang next subject teacher namin.Boring naman ang subject kaya matutulog na lang ako.At saka ipagpapatuloy ko pa ang mag iimagine ko.

Akmang hihiga na ako sa desk ko nang sinaway ako ng prof namin.Nakakainis!Gusto nang ipagpatuloy yung pag iimagine ko!

Sa sobrang boring ng klase ay hindi ako nakinig.I’m just looking in front kaya akala ni Ms. Valdez ay nakikinig ako pero ang totoo ay napupunta nanaman ako sa ibang dimensiyon

“Loveeee” I hugged him from behind while he’s cooking.He’s topless and wearing an apron. He chuckled and held my hands.

“What’s wrong,babe?”He asked

“Nothing much,why?Can’t I hug you?”

“Of course you can.Who said my baby can’t hug me?”

I looked at him,nakakunot ang noo niya habang nagluluto.Gosh!I never knew someone can be this hot while cooking.But well,lucky me.

“Gwapo mo naman”

“Ngayon mo lang nalaman?”

I just laughed and rested my head on his back.

Nabalik ako sa ulirat nang nagpaalam na ang teacher namin.Nag ligpit na kaagad ako ng gamit para mag lunch.Palabas na ako nang makita ko si Theron palapit sa akin. Agad akong kinabahan.

Gosh!Anong sasabihin niya?Aayain niya ba akong mag lunch?I quickly finger combed my straight hair na hanggang shoulder ko lang and fixed my self before he could even come at me.

“Hi,Theron!”I greeted him and showed my biggest smile.He just looked at me blankly and continued walking.

Napakunot ang noo ko.Tiningnang ko kung saan siya pumunta at nakita kong pumunta siya kay Xandra.Hindi ko alam ang pinag uusapan nila but I saw him smile a bit.I felt a knife stabbed in my heart by just looking at them.

Gusto ba niya si Xandra?

“Hoy tara na”

Napatingin ako kay Karl na nasa may pintuan na.Kahit nagdadalawang isip pa ay sumunod na ako sa kanya.

Habang papunta sa cafeteria ay wala akong kibo.Alam kong napapansin iyon ni Karl pero wala akong pakialam.

I never saw him interested in other girls before.I never saw him smiled to a girl. Does he like her?Or am I just overthinking things?

I don’t know.Baka naman wala lang iyon?

Nang makarating sa cafeteria ay hinanap na namin kung nasaan si Lia at Mari.Tuwing lunch ay dapat may mauna saaming pumunta dito para makahanap agad ng mauupuan namin.

Si Karl ay dumeretso na sa line ay ako naman ay tumungo kila Lia.

“Oh,anong mukha yan?”Pamungad saakin ni Mari. Hindi ko siya pinansin at umupo na lang.

“Mukhang nginitian ni Theron si Xandra”Sabat ni Lia na tawa ng tawa.Nang malaman ni Mari ay hindi ko alam kung natatawa o nagulat siya.Natatawa siya tapos nanlalaki ang mga mata.

“Seryoso?Baka gusto niya si Xandra?”

“Baka sila na?”

Tiningnan ko sila ng masama pero hindi natinag.Patuloy pa rin sila sa pang aasar hanggang sa bumalik si Karl.

Binilisan ko ang pagkain at hindi na sila pinansin.Nakakainis!Paano kung may gusto nga talaga siya kay Xandra?

Habang kumakain ay patuloy pa rin sila sa pagdadaldalan.Hindi naman ako makasali dahil ako mismo ang pinaguusapan nila.

“Uy hala,yung boyfriend Xandra oh”

Napatingin ako sa tinuro ni Lia.Nang makita kung sino ang tinuturo niya ay agad kong inabot ang buhok niya at sinabunutan siya.Tawa pa rin siya ng tawa kahit sobrang gulo na ng buhok niya.Pati sila Karl ay tinutukso na rin ako. Tuloy ay pinagtitinginan kami ng ilang estudyante dahil ang ingay namin.

“Hala,wag kayong maingay”Biglang saway ni Karl samin.Napatingin kami sa kanya habang nakakunot ang noo.

“Bakit?”Tanong ni Mari

“Nandiyan na yung girlfriend”Bulong saamin ni Karl.Napatingin din kami sa tinitignan ni Karl.Nakita nga naming umupo siya sa table ni Theron.

Umupo siya sa table ni Theron?!

Napatingin akong muli sa gawi nila para siguruhing tama ang nakikita ko.Bakit sila magkasama?!

Tawa pa rin nang tawa ang tatlo habang ako ay parang pinagsakluban ng langit at lupa.Binilisan ko ang pagkain at hindi na muling tumingin kila Theron.

Matapos kumain ay bumalik na agad ako sa room.Hindi ko na hinintay matapos sila Lia.Naiinis ako at hindi ko alam kung saan ibubuntong ang galit ko.

Pero ano bang karapatan kong magalit?

Eh ano naman kung magagalit ako?Hindi naman ako gagawa ng ikakapahamak ko.

Pagbalik ko sa room ay umupo ako agad sa desk ko at pinagkrus ang mga braso.Masama kong tiningnan ang lahat.

Nakita kong bumalik na si Theron nang walang kasama.Buti naman at hindi na bumuntot pa si Xandra.Naiinis ako kahit alam kong hindi naman dapat.

Hinarap ko si Theron at tiningnan ng masama.Masamang masama.He noticed me and just raised his thick eyebrow.

Ang inis ko ay biglang naglaho.I looked directly at his eyes. Gosh,why is he so handsome?He then looked away and left the room.

Buong afternoon class ay wala ako sa mood.Hindi ko alam kung bakit ganito ako.Hindi ko rin alam kung paano natapos ang araw na hindi ko namalayan.

“Huy,kalma lang ha?Baka pagpasok mo bukas ay nagpa short hair ka na”

Habang naglalakad kami palabas ay hirit pa rin ng hirit ang tatlo.

“Ah talaga Lia pakyu”

Mas lalo pa silang natawa at mas binilisan ko pa ang lakad ko dahil nakakarindi na sila.Iniwan ko na sila nang makita ko na ang sundo ko.I quickly entered the car and saw them ran towards us.

“Hi,tito!”Bati ni Mari kay Papa.Lia and Karl also greeted dad.My father replied to them with a wave.Pero nang magtama ang mga tingin namin,ang kanilang mga ngiti ay napalitan ng ngisi.

“Pa,let’s go”Tawag pansin ko kay papa.

“Tito,alam niyo ba?Iyong anak niyo po broken.Maglalaslas daw siya dahil hindi na siya mahal ni Theron”Singit ni Karl habang tawa pa rin nang tawa,tuloy ay pati si papa natawa na rin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status