Share

2: Dream

Pagdating sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto ko para magbihis.I did my assignments and checked Theron’s social medias to see if he posted something new just like I usually do.I always do this whenever I have a free time,kahit hindi naman siya active sa social media.

And as what I expected,walang bago.Kulang na nga lang ay amagin ang soc meds niya.

I stared at his f******k profile picture.It was taken from a fast food chain. He was smiling while drinking his frappe.He’s wearing an oversized brown shirt and a gold necklace. His hair was in clean cut which suits his thick eyebrows and dark eyes. He also has a fair white skin. I sighed.

He may look like a snob because he doesn’t often smile at girls but when he smile,he looks like the most beautiful creature ever existed.

Gosh,here I am again with an another episode of complementing Theron too much.

Pero totoo naman!Theron is just too good to be true!

I laid on my bed and stared at his photo again.Bakit ba hindi mo ako magustuhan?Ano ba'ng dapat kong gawin para gustuhin mo ako,Theron?

I always get what I what.Don't expect me to give up.I will,and always have my ways so hang in there,babe.

I closed my phone and started thinking on how to make him fall in love with me.Should I make a love potion?Ipakulam ko kaya?I opened my laptop and searched something.

How to make a guy fall in love with you

I scrolled to see some answers.Halos lahat naman dito ay hindi nakakatulong!

Angela45:Sumbong mo sa mama niya pag hindi ka gusto

Raaaine:Sabihin mo tatay mo si Hagorn pag di ka ginusto

H0tdog123:Tinanong ko yung crush ko about his ideal type,sabi niya gusto niya daw yung strong tapos brave. Kaya ayon,sabi ko ako sa darna

Seriously?

I tried to find more answers until I saw the most decent one.

The way to a man’s heart is through his stomach

What does it mean?Do I have to rip off his stomach to get his heart?

I sighed.Itatanong ko na lang to mamaya kay mama.

I was busy browsing my phone when I heard a knock.I was lazy to get up so I just shouted at that person to get inside.It was nanay Saly,one of our house maid.

“Baba ka na daw,Rachel”nanay Saly told me,I just nodded and told her na susunod ako.

I went downstairs for the dinner and saw mama and papa on the table already.Nasaan na naman si Rafa?I quickly sat on one of the chairs and asked where Rafa is.

“He’s still upstairs,hija.Hayaan mo na at may tinatapos pa raw na laro,hintayin na lang natin.”papa replied.

Ilang sandali pa ay bumaba na si Rafa na nakabusangot.Malamang ay natalo nanaman.Pagkaupo niya ay nagsimula na kaming kumain.

Habang kumakain ay bigla kong naalala ang itatanong ko kay mama.

“Ma,I've read something somewhere.It says na the way to a man’s heart is through his stomach.What does that mean?”I curiously asked my mom.I saw them looked at me.

“Why are you suddenly curious about it,anak?Is it because of that Theron?”I cursed under my breath when I heard what papa said.Bakit kailangan niya pang sabihin dito?

“No-” I was about to answer when Rafa cut me off.

“Theron?Who’s that?”

“Isn’t that Tyler’s son,hija?”mama asked me.

I sighed before replying.Baka isipin nilang may gusto ako kay Theron kahit totoo naman.

“Mmm,he is.But it’s not because of him!I just…I’m just c-curious!”

Nakita kong kumunot ang noo ni mama.Maniwala kayo!

“There’s no need for you to shout,hija”

“Y-yeah…I’m sorry” Kamot batok akong sumagot.

I heard Rafa laughed.He then looked at me suspiciously.I glared at him.

“It means you should cook for him”

Napatingin ako kay mama nang magsalita siya.

“It is a common way to make a guy like you,hija”

Ganoon ba ‘yon?Wala sa sariling napatango ako.

Ipagluto?Ano namang iluluto ko eh hindi naman ako marunong mag luto?Dapat yung madali lang.Pancit canton kaya?O itlog?

Matapos kumain ay agad akong umakyat sa kwarto ko.Kailangan kong ipagluto si Theron.Pero kailangan ko munang malaman kung anong paborito niya kaya minessage ko siya.

Humiga ako sa kama ko at nagtipa ng mensahe.

Rachel Collins:Hi,Theron!

Nakita kong active siya pero ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin siya nagrereply.Baka busy siya?

Ilang minuto pa ay hindi pa rin siya nagrereply.Delivered naman ang message ko kaya imposibleng hindi nag notify sa kanya.Napagesisyunan kong mag hintay pa ng kaunti kahit medyo nababagot na ako.

Habang naghihintay ay hinanap ko ang pangalan ni Lia sa active list.Agad ko naman itong nakita at mabilis na pinindot ang profile niya.Nagtipa ako ng mensahe.

Rachel Collins:Hoy,gising ka pa?

Liandra Ynarez:Bakit?

Rachel Collins:How to make a guy fall in love,Lia?

Nagtaka ako nang hindi siya nagreply.Na seen naman niya ang message ko,ah?

'Lianda Ynarez is calling you on messenger'

Napatango ako.Kaya pala hindi nagreply.Mabilis kong pinindot ang answer button.

"Lia-"

"Gosh!I can't believe you're going crazy about that guy!"

Inilayo ko agad ang phone ko mula sa tenga ko dahil sa pagsigaw niya.

"I'm not!Nagtanong lang naman ako"napanguso ako at umupo mula sa pagkakahiga.

"You're not??Really??Ipinagtatabuyan ka na nga ng lalaki pinipilit mo pa!"

"Sus,he's just playing hard to get,Lia"

I heard her sigh."Ewan ko sayo,girl.Sige,may gagawin pa ako."

I closed my phone after the call.I am being desperate?Sobra na ba ako?Eh hindi pa nga ako nagsisimula eh?

Alright,then.Tingnan natin kung hanggang saan ka talaga,Theron.Let this game begin.Sooner or later,kailangan ko nang magsimula.

Napatawa ako habang nag-iisip.Hindi pa nga nagsisimula ay alam kong panalo na ako.

Tiningnan ko muli ang phone ko kung nagreply na ba si Theron.Napabuntong hininga ako.Wala pa rin.Ano kayang ginagawa niya?Nakakaramdam na ako ng antok pero pilit ko itong nilalabanan dahil hindi pa rin siya nagrereply.

“Love?Theron…”tawag ko habang kumakatok sa pinto ng unit niya.Ilang katok pa ay binuksan na niya ang pinto.

Ang kaninang nakabusangot na mukha niya ay mabilis na napalitan ng matamis na ngiti nang makita ako.

“Hey,come in”He opened the door more para makapasok ako.

He immediately hugged me the moment I entered his place.I smelled his manly scent which made him laugh.

“What’s inside that paper bag,hon?”Tanong niya matapos bumitiw sa yakap.I went to the kitchen and showed him what’s inside it.His smile widen and went to me.

“You cooked that?”Hindi makapaniwalang tanong niya.Proud akong tumango sa kanya.

“I don’t know what’s exactly your favorite kaya heto nalang.Kumakain ka naman ng adobo,hindi ba?”Tanong ko sa kanya habang binubuksan ang tupperware.

“Of course,kahit ano namang iluto mo ay masarap”Pambobola niya kaya inirapan ko siya.Kumuha siya ng kubyertos at kanin at umupo sa tabi ko.

I nervously looked at him while he’s tasting the food.First time ko magluto kaya baka pangit ang lasa.Hindi ko na rin natikman dahil sa sobrang excited.

He smiled at me and gave me a thumbs up after tasting it.Kumuha din ako ng kutsara para tikman ito.Masarap naman.

“Marunong ka nang magluto,pwede mo na akong pakasalan”sabi niya na naglalagay ng kanin sa plato naming dalawa.

Pabiro ko siyang inirapan at saka nagtuloy sa pagkain. Habang kumakain ay puro pa rin siya papuri tungkol sa luto ko.Tingin ko ay binobola niya lang ako. Hindi naman kasi gaanong masarap pero okay na.

While eating,I heard a sound.I don’t know where did it came from but I heard it.Napatingin ako sa paligid.

“Naririnig mo ba iyon?”tanong ko kay Theron habang kumakain kami.Napakunot ang noo niya sa tanong ko.

“Yung alin?”tanong niya pabalik

Narinig kong tumunog ulit ito.

“Yon!Yung tumunog!”Mukhang nakuha naman niya ang sinasabi ko kaya napatango siya.

“Alarm mo yon,hindi ba?Gumising ka na”

“Huh?”tanong ko sa kanya.Hindi ko siya maintindihan.Anong gumising?

“Hoy,Rachel!”

Naramdaman kong may yumuyugyog ng balikat ko kaya napabalikwas ako ng bangon.

“Ano?!”Inis na tanong ko kay Rafa.

“Anong ano?Late ka na.It’s already 8:30,ate. 8am class mo diba?”Napatingin ako sa wall clock ko.Hala!Late na ko!

Dali dali akong tumayo at pumasok sa banyo para maligo.Sa sobrang bilis ng pagligo na ginawa ko ay parang tubig na lang ang naipaligo ko.Hindi na ako kumain at hinanap na agad ang available driver na mag hahatid saakin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status