Share

CHAPTER 55

CHAPTER 55

CLEMENTINE DESCHAMPS

"Madame," usal ni Fantine. "Nandito si Duchesse Celine."

"Papasukin n'yo siya."

Nang binigay ko ang permiso ko ay dali-dali nilang binuksan ang pinto ng aking silid upang makapasok ang duchesse. 'Di ko napigilang mapangiti nang makita siya. Nakasuot siya ng kulay pulang damit na binagayan niya ng mga kulay itim na mga alahas na may kulay pulang mga bato. Bagay na bagay sa kaniya ang ayos niya.

"Clementine," wika niya bago ako yakapin nang mahigpit.

"Duchesse Celine, dahan-dahan lang po," usal naman ni Fantine. "Kakaayos lang po namin kay Madame. Malapit na po ang oras ng kasal. Baka mamaya po ay mahuli siya nagulo ang ayos niya."

Dahil sa sinabi ni Fantine ay binitawan ako ng duchesse. "Sabi ko nga," tugon pa niya.

Tinignan kong muli ang itsura ko sa salamin. Nakasuot ako ng kulay berdeng damit na binagayan nila ng mga gintong alahas. Kung ako ang tatanungin ay sobra 'tong mga pinasuot nila sa'kin, ngunit dahil espesyal ang araw ngayon ay pumayag din ak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status