Share

Clash Of CEO: Mr. Wright's Other Half
Clash Of CEO: Mr. Wright's Other Half
Author: mooncake_o07

Chapter 1 – Mom's PLAN

Si Ezekiel Richard Wright ay isang hot bachelor, a top-tier architect sa buong mundo, he is a good-looking, and intelligent businessman ngunit sa kabila ng kanyang perpektong pagkatao, nothing good about him dahil isa siyang cold at arroganteng lalaki.

He was trained to do business at a young age and helps his father to closed many deals hanggang sa ma-establish niya ang W Design Studio at hinandle ito personally kasabay ng kanyang pag-aaral sa kolehiya. Lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa kanyang taglay na kakisigan ngunit nanatiling malayo ito sa kanila at nagsawalang kibo sa kanilang mga presensya.

“Bakit ganito ‘to?” walang emosyon niyang tanong.

“Mr. Wright, na-reschedule po ang activities niyo ngayon at na-move lahat bukas. Nasabihan ko na rin po ang mga client natin tungkol sa pagbabagong ito at pumayag naman po sila.” Balita ni Luke sa kanyang boss.

Nakaupo lamang si Ezekiel sa kanyang swivel chair na nakaharap sa salaming dingding at makikita ang kabuuan ng New York City, huminga siya ng malamim bago tumingin sa kanyang assistant.

Si Luke Valdez ay matagal ng nagtatrabaho sa kumpanya bilang assistant ni Ezekiel.

“What time will the plane arrive?” ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa kanyang desk.

“According to Mrs. Wright she will be in New York at 10:00 in the morning,” he replied, hindi sumagot si Ezekiel at pinaikot lamang ang hawak niyang panulat sa kanyang kamay.

“Also, sinabihan niya rin po aking paalalahanan kayo na pumunta ng maaga dahil ayaw niyang maghintay ng mahabang oras,” dagdag ni Luke, huminto si Ezekiel sa paglalaro ng kanyang pen at ipinatong ito sa mesa.

Kumunot ang kanyang noo at sumagot ng sarkastiko sa sinabi ng kanyang assistant, “kung ganun ang nais pala niya ay ako ang maghintay sa kanya, what a great idea. Isn’t it?”

“Yes, sir,” sagot niya ng hindi man lang pinag-isipan. Tinitigan siya ni Ezekiel na parang gusto siya nitong sakalin.

 Pilit na ngumiti si Luke sa kanyang amo at kabadong sumagot, “s—ir, sa palagay ko ay sobrang namimiss lang po kayo ni Mrs. Wright kaya gusto niya kayong makita pagbaba niya ng eroplano and I guess she’s been dying to see you.” Nakahinga ng maluwag si Luke matapos niyang makabuo ng katanggap-tanggap na dahilan para sa kanyang boss.

“Okay, let’s go,” he sighs at tumayo mula sa kanyang inuuupuan, kinuha niya ang kanyang coat na nakasabit sa likod ng silya at naglakad palabas ng opisina habang nakasunod ang kanyang assistant.

---

Makalipas ang mahabang oras ng biyahe, narating na rin nila ang JFK International airport. Nagtungo sila sa gate ng airport at doon naghintay sa pagdating ng kanyang ina.

Makalipas ang tatlumpung minutong paghihintay ay dumating na rin ang kanyang ina kasama ang dalawa niyang kapatid na sina Matthew at Zachary. Naglakad sila patungo sa kanyang direksyon, agad na kinuha ni Luke ang mga bagahe ni Mrs. Wright at inilagay sa likod ng sasakyan. 

“My dear son, I miss you so much!!” Eksaherada niyang sabi sabay yapos ng pagkahigpit-higpit sa anak.

 Si Mrs. Anastasia Wright ang ina ni Ezekiel’s, kahit na ang kanyang balat ay nagpapakita na ng senyales ng pagtanda ay hindi maitatangging maganda pa rin siya, siya ay totoong tao, masayahin, at isang mapagmahal na ina sa kanyang tatlong mga anak na lalaki at isang maintindihing misis sa kanyang mister. Siya ay isang kilalang mananayaw ng ballet at nakapagtanghal sa buong mundo kahit na siya ay retirado na sa kanyang career dahil sa kanyang edad ay ineenjoy pa rin niya ang kanyang buhay sa pamamagitan ng paglalakbay upang makita ang ganda ng mundo, sa pagsasayaw, at pagbabahagi ng kanyang kaalaman sa mga bata. Tinuturuan niya ang mga batang sumayaw sa iba’t-ibang bansa na kanyang mapuntahan at nagtayo rin siya ng paaralan na magtuturo ng ballet sa mga kabataan. Maswerte siya na magkaroon ng mga naggugwapuhang mga anak na lalaki, her older son is Ezekiel, the second is Matthew and her youngest son is Zachary.

Si Matthew Blaise Wright ay isang hot nerd bachelor, mahilig sa sport, at isang software engineer, bata siya ng tatlong taon kay Ezekiel, isang napakalambing at may mabuting kalooban.

Si Zachary Cyrax Wright ang pinakabata sa tatlo, a freelance model at mag-aaral ng medisina. Siya ay walang modong babaero, papalit-palit ng mga babae na parang nagbibihis lamang ng damit.Wala ni isang babae ang nagtagal sa kanya at ang pinakamatagal lamang na kanyang karelasyon ay nagwakas ng isang linggo.

“Sa wakas ay dumating ka na! Akala ko ay mababato na ako kakahintay sayo,” bulong niya. Bumitaw ang kanyang ina sa pagkakayakap sa kanyang anak at tumawa sa sinabi nito. 

“You’re kidding me, my son. Kung hindi ko lang alam ang ugali mo ay talaga namang masasaktan ako pero sorry dahil mas kilala kita higit sa pagkakakilala mo sa sarili mo,” she incredibly said and burst into a laugh.

“Dude, akala naming hindi ka darating para sunduin si mommy. Nagtext kasi ako sa’yo pero di mo ko nireplyan,” usal ni Matthew.

“Wala naman talaga sa plano ko ang pumunta dito kaya lang baka may isa na namang gumawa ng eksena sa kumpanya ko,” tugon niya habang nakatuon ang kanyang tingin sa kanyang ina, napangisi lang si Mrs. Wright sa kanya. “You know that I hate dramas,” dagdag ni Ezekiel.

Ngumiti si Matthew at inakbayan ang kanyang ina, sumandal ni Mrs. Wright ang kanyang ulo sa balikat ng anak, “Kuya Kiel, wag mong sabihana ang mommy natin ng ganyan baka sumama ang loob sayo ni mommy.” Saway ni Matthew sa kanyang nakatatandang kapatid na lalaki.

“Napakaswerte ko at nagkaroon ako ng isang malambing at makisig na anak at may pakialam sa nararamdaman ng isang ina,” butong hininga ni Mrs. Wright saka tumingin ng malambing sa anak niyang si Matthew.

Tumalikod si Ezekiel at naunang maglakad habang si Zachary naman ay humabol sa kanyang kuya, “I hate dramas too.” Bulong niya sa kuya.

----

Tahimik silang nakasakay sa loob ng kotse. Naramdaman ni Ezekiel ang paggaan ng kanyang ulo at pagbigat ng kanyang katawan. Isinandal niya ang kanyang katawan at ulo sa sandalan habang ang kanyang mga mata ay unti-unti ng sumasara… ngunit isang maingay na tunog ang gumising sa kanyang diwa at nagpalis ng kanyang antok.

Bumukas ang kanyang mga mata at hinanap kung saan nanggagaling ang tugtog, nakita niya si Zachary na hawak ang kanyang telepono,  his brother gave him an unsure smile ng makita nito ang galit na titig ng kanyang kuya.

“Stop playing on your phone,” istriktong utos ni Ezekiel sa kapatid.

“Okay,” tinanggalan niya ng tunog ang kanyang telepono at itinago sa kanyang bulsa,“bro, are you still suffering from insomnia?” tanong nito, tumingin Ezekiel sa kanya at sumang-ayon.

“How’s your study?” dagdag niya.

“I’m about to graduate this coming year,” proud na anunsiyo ni Zach.

“Masaya ko para sayo, congratulations!" Ezekiel says.

“Yan ang mga anak ko, mahuhusay!” dagdag ni Anastasia.

Nilingon ni Zachary ang kanyang ina na nakaupo sa likodan niya, “mom, kailan ang balik mo dun?”  pabiro niyang tanong.

Matthew and their mom become upset at his question; Nilingon ni Ezekiel ang kanyang walang ekspresyon na mukha na tila naghihintay rin sa isasagot ng kanyang ina.

Ngumiti ng malawak si Anastasia at sinagot ang sagot ng tatlo niyang mga anak,“aalis ako dito pagkatapos maikasal ng aking anak,” anunsyo niya.

Isang anunsyo ang gumulantang sa mga magkakapatid, napuno ng tanong ang kanilang isipan ngunit isang tanong lamang ang lumabas mula sa kanilang bibig at ang mga ngiti na kanina’y makikita salabi ni Zach ay parang bulang naglaho at naging hindi maipaliwanag na mukha.

“Sino ang magpapakasal kanino?” naguguluhan nilang tanong.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status