Share

Chosen for Pleasure (R18) Slave Market Series 1
Chosen for Pleasure (R18) Slave Market Series 1
Author: The Unknown Side

Chapter 1

Noella’s Point of View

Isang balita ang halos magpalugmok sa akin.

Nalaman ko mula sa aming abogado na wala nang pag-asang makaligtas pa ang hacienda na pag-aari na tanging natitira ng namayapa kong ama sa aming mag-ina. Kukunin na raw ng bangko ang buong hacienda at wala kaming ibang mapupuntahan dahil ito na lang ang nag-iisang ari-arian na natira sa amin.

Ginawa ko naman ang lahat upang makabayad sa malaking pagkakautang namin sa bangko subalit kulang pa rin ang pagsisikap ko. Ang mga tauhan sa farm, ay unti-unti na rin nagsiwalaan dahil halos wala na kaming maisahod at nagkaroon pa ng malakas na bagyo dahilan ng pagkakasira ng halos lahat ng mga tanim naming mga prutas at puno na pinangkukunan naming ng pangkabuhayan.

Nakakaiyak subalit wala na akong magawa kundi tanggapin na lang ang katotohanang mawawala na sa amin ang lahat.

“Hindi maaari!” malakas na sigaw ni Mama nang sabihin ko ang balita sa kaniya.

Nakuha tuloy niya ang pansin ng mga iilan naming kasambahay sa bahay na sasabihan ko na rin nang hindi magandang balita mamaya matapos naming mag-usap ni Mama kaya lang ay mukhang hindi madaling matatapos ang pag-uusap namin ni Mama lalo pa at mukhang magwawala na siya dahil sa sinabi kong masamang balita.

“Saan tayo pupulutin sa oras na mawala sa atin ang hacienda? Ano ang sasabihin sa akin ng mga amiga ko sa oras na malaman nilang nalugi na tayo at nakuha ng bangko ang lahat ng ari-arian natin?” tanong ni Mama at ikinaikot ng mga mata ko. “Nakakahiya, Noella! Gumawa ka nang paraan!” sigaw ni Mama at waring gusto na niyang maiyak habang nagwawala.

Nakadama ako ng inis dahil mas iniisip pa ni Mama ang kahihiyan kaysa sa kahihinatnan ng buhay nila at sa lungkot at sakit na mawawala ang haciendang pinaghirapan ni Papa, noong nabubuhay pa. Sa panahon ng kagipitan ay sarili pa rin ni Mama ang iniisip niya at hindi man lang siya makaisip nang paraan upang makatulong.

“Wala na akong magagawa, Mama. Sinubukan ko naman noong ako na ang nagpapatakbo ng hacienda pero dahil sa bagyo na sumira ng farm natin ay unti-unti tayong nabaon sa utang at ngayon, ay gusto nang kunin ng bangko ang hacienda dahil ito naman ang ginamit natin noon para makautang tayo. Wala na akong matatakbuhan pa,” nagpapakumbabang tugon ko kahit nakadama ako ng inis kay Mama.

“Wala ka kasing silbi! Akala ko ba matalino ka? Pero bakit itong hacienda ay hindi mo man lang mapatakbo nang maayos?” galit na tanong ni Mama sa akin. “Hindi ako papayag na maghirap!” sigaw pa ni Mama saka umalis sa harapan ko.

Nanghihinang napaupo ako sa sofa sa sala matapos iwanan ni Mama. Wala na talaga akong magagawa kahit pa ayaw tanggapin ni Mama ang kinahinatnan ng buhay namin ay doon pa rin kami papunta, ang mawalan ng ari-arian at mamuhay na hindi katulad ng nakasanayan namin.

Sa edad kong bente-sais hanggang ngayon ay hindi ko pa nararanasang magkaroon ng karelasyon kahit maraming nanliligaw sa akin dahil simula nang mawala si Papa limang-taon na ang nakakalipas ay sa akin na naipasa ang responsibilidad ng hacienda na ito dahil wala naman maaasahan kay Mama. Wala siyang alam pagdating a pagpapatakbo ng farm namin at bilang nag-iisang anak, ay sinalo ko ang lahat ng walang reklamo. Mabuti na lang talaga ay bata pa lang ako ay nasanay na ako ni Papa sa pagpapatakbo ng negosyo namin kaya kahit nawala siya ay napatakbo ko ito nang maayos.

May farm kami ng mga gulay at prutas, may malawak na fishpond, bakahan at mga kabayo na nagbigay sa amin ng nakakariwasang buhay subalit dahil sa malakas na bagyo, isang-taon na ang lumilipas ay lahat ng iyon ay nasira at namatay ang mga alaga naming hayop. Inuna ko ang kaligtasan ng mga tauhan ko kaysa sa pangkabuhayan namin dahil mas mahalaga naman talaga ang buhay pero dahil din doon ay nagkandautang-utang kami at kinailangan ko ring magpasahod sa mga tao para naman hindi sila magutom. Inakala ko na makakayanan kong bumangon sa bagyo na iyon subalit hindi pala dahil heto na nga ngayon at makukuha na ang buong hacienda at pangkabuhayan namin ng bangko sa laki ng utang namin.

Matapos kong mag-isip-isip ay tumayo na muli ako upang kausapin naman ang mga kasambahay at ilan sa tauhan ko sa bahay para sabihin ang masamang balita at pag-aayusin ko na sila ng mga gamit nila dahil aalis na kami sa bahay na ito. Nagkaiyakan pa dahil matatagal na rin nanilbihan sa amin ang ibang kasambahay at naging malapit ako sa kanila ay nalungkot din sila sa kinahinatnan naming mag-ina at binigyan siya ng maiinit na yakap.

Matapos makipag-usap ay umakyat na ako sa kwarto ko saka nag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko sa pag-alis namin. May mga alahas akong maaring maibenta para sa pagsisimula ng panibagong buhay namin at sa paghahanap na rin ng trabaho sa labas ng hacienda. Hidi ko alam kung kakayanin ko dahil nagkaisip at lumaki na ako sa hacienda at dito na rin ako nagtrabaho nang makapagtapos ng pag-aaral.

Sana kayanin ko.

Pero nandiyan si Maya na malapit kong pinsan at sabi niya ay tutulungan niya akong makahanap ng bagong trabaho at mauupahang bahay para may matirhan kami sa oras na tuluyan kaming umalis dito. Nag-eempake na rin ako sa paghahanda pero maglalagi pa kami ng isang lingo rito sa bahay dahil marami pa akong aasikasuhin at iyon ang hiningi kong palugit sa bangko para maayos ang lahat ng dapat ayusin.

Hindi lumabas ng kwarto si Mama hanggang sumapit ng gabi kaya sinadya ko na siya sa kwarto at kinatok ko na pero hindi naman siya nagbukas ng pinto. Pinihit ko na lang ang pinto at madilim na kwarto ang sumalubong sa akin at pagbukas ko ng ilaw ay nakaupo si Mama sa kama at nakasuot ng mamahaling damit at alahas sa katawan na ipinagtaka ko.

“Ma, bakit hindi ka pa bumababa? Kakain na tayo,” tanong ko sa ina.

“Hindi ako maaaring maghirap! Hindi!” tugon ni Mama sa akin dahilan para mapakunot ang noo ko.

“Tama na muna ang kakaisip nang kung ano. Bumaba na tayo para kumain—“

“Hindi mo dapat pinabayaan na malugi ang negosyo natin, Noella! Paano ako mabubuhay nang mahirap? Hindi ko kakayanin iyon at ayokong maging kahihiyan ang buhay natin sa lahat ng mga tao!” galit na sigaw ni Mama.

Tumayo pa siya at parang wala sa sariling naglakad-lakad sa kwarto.

“Mas mabuti pang mamatay kaysa maghirap!” sigaw pa ni Mama sa akin na kinalaki ng mga mata ko sa gulat.

Dahil lang sa kayamanan na hindi naman niya pinaghirapan at wala naman siyang naging kahit 'konting ambag dahil puro sariling pagpapaligaya lang ni Mama ang inisip at ginagawa ay mas gugustuhan na niyang mamatay kaysa maghirap?

“Mama!” gilalas ko. “Hindi ko naman hahayaan na magutom tayo. Magtatrabaho ako para mabuhay tayo!”

“Pero kulang pa iyon!” sigaw ni Mama. “Ayokong mawala sa hacienda! Ayokong maghirap at maging katatawanan—“

“Puro iyan na lang ba ang nasa isip mo? Hindi mo man lang ba iisipin ang kalugkutan nararamdaman ko dahil mawawala sa atin ang bahay at hacienda na tanging naiwang alaala ni Papa?” masama ang loob na sumbat ko na kay Mama.

“Because of you, we will lose it all! If you had just been intelligent and used your brain, we wouldn't have lost everything! You're just smart in class, but you're stupid when it comes to running a business!” galit na paninisi ni Mama sa akin.

Hindi ko napigilan ang luhang bumagsak sa mga mata ko.

“I did everything to make the business run smoothly, Mama! But what can I do if the storm has ruined everything and we are mired in debt?” hindi mapigilang sagot ko kay Mama.

Huminto sa paglalakad si Mama at matalim na tumingin sa akin. Nagulat ako sa talim ng tingin niya sa akin dahil mukha na itong ibang tao at sa tingin ko ay parang nawawala na ang ina sa sarili.

“Gumawa ka nag paraan, Noella! Hindi ako aalis sa bahay na ito at magiging mahirap!” galit na sabi ni Mama sa kaniya.

Marahas akong napabuntonghininga saka tinalikuran si Mama at umalis sa kwarto niya.

Nakadama lang ako ng sama ng loob dahil kahit sa panahon ng pangangailangan ay wala pa rin kahit kokonting maibigay sa kaniya ang ina. Noon pa man ay laging sarili na ni Mama ang iniisip at kahit kailan ay hindi ko naramdaman ang pagiging mapagmahal niyang ina sa akin. Kung wala siguro sa buhay ko noon si Papa ay hindi ko mararamdaman ang pagmamahal ng isang magulang dahil sa kakulangan ni Mama niyon sa akin.

Mas naramdaman ko nga ang pagmamahal ng Yaya ko kaysa sa kaniya. Palaging luho na lang niya ang mahalaga sa kaniya at ang sasabihin ng ibang tao sa kaniya.

“Wala naman na akong magagawa dahil noon pa man ay ganiyan na siya. Sa oras na kailangan na talaga naming umalis kahit magwala si Mama ay wala na rin naman siyang choice kundi umalis at sumama sa akin,” sabi ko sa sarili.

Kinabukasan ay isa-isa nang umalis ang mga kasambahay at tauhan ko sa bahay namin. Si Mama naman ay hindi lumalaba sa kwarto kaya ako na ang personal na nagpaalam sa mga kasambahay at tauhan at nagbigay na rin ng huling sahod sa kanila.

Hindi ganoon kalaki at kulang iyon sa tagal ng paglilingkod sa amin pero hindi naman sila nagreklamo dahil wala nang ilalaki pa iyon at kailangan din naming magtira para sa amin ni Mama.

Nang tumahimik ang buong bahay ay sa paningin ko ay bigla siyang nawalan ng buhay dahil wala ng ibang tao kundi ako at si Mama, na nasa kwarto at mas nadama ko ang lungkot. Napakatahimik na kasi ng bahay at wala ng nag-uusap na kasambahay sa paligid, wala ng naglalakad-lakad sa buong bahay at kahit malaking gate nila ay wala ng mga guwardiyang nagbabantay at nagroronda sa buong paligid.

Mapait akong napangiti dahil solo ko lang ang nadadama kong kalungkutan ngayon at wala man lang na dumamay sa akin kahit ang sarili kong ina na mas pinili pang magkulong at hindi tanggapin ang nangyari sa buhay namin.

Pinakatitigan ko ang buong paligid saka ako lumakad paakyat sa ikalawang palapag at nagpunta sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at mayamaya ay hindi ko napigilang ang pagtulo ng mga luha ko.

“Sorry, Papa. Because of me, you lost everything you worked for,” humihikbing sabi ko saka isinubsob ang mukha sa kama.

Ngayon na lang ako umiyak dahil pinatatag ko ang sarili sa harap ng mga tao sa paligid. Ayokong mas magmukhang kaawa-awa sa kanila kahit pa umiiyak sila sa harapan ko at naaawa sa kinahinatnan ng buhay namin. Wala na rin naman kasing magagawa ang pag-iyak sa harapan nila kaya mas pinili kong maging matatag na lang.

Minabuti ko na ring magpahinga muna dahil ilang-araw na akong pagod sa kakaasikaso ng mga dapat ayusin bago tuluyang iwanan ang hacienda kaya ngayon matapos umiyak at nakatulog ako at naging malalim pa iyon na dahilan nang pagkakabalikwas ko ng gising nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

Pagtingin ko sa paligid ng kwarto ay madilim na at nagulat ako na inabot na pala ng gabi ang pamamahinga ko sa kwarto. Natulog ako ng alas-kwatro ng hapon at nagising ako ng alas-otso na ang oras nang tignan ko sa relo ko.

Muli ay napatingin ako sa pinto dahil sa kumakatok at tumayo ako saka lumakad papunta ng pinto at binuksan iyon.

Nagulat ako at nanlaki ang mga mata dahil hindi si Mama ang napagbuksan ko ng pinto kundi dalawang naglalakihang malalaking tao na nakasuot ng kulay itim na T-shirt at pants ang sumalubong sa akin.

“S-sino kayo?” tanong ko at kinabahan dahil walang ibang tao na nasa bahay kundi kami lang ni Mama.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nylamer Dolumut
ganda ng story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status