Share

Chapter 2

Noella's Point of View

Wala kaming ibang kasama ni Mama kaming dalawa lang na mga babae at mahihina na kayang gawan ng masama ng dalawag lalaking ito na naglalakihan ng katawan.

Hindi nagsalita ang dalawang lalake at nagulat ako nang lapitan nila ako at hinawakan nila ang dalawa kong kamay. Tig-isa sila at malakas na inilabas ng bahay kaya nagsisisigaw na ako sa takot at tinawag ko si Mama para saklolohan ako.

Hinila ako palakad pababa ng hagdanan at may lalaking nakaupo sa sofa sa sala kasama si Mama at walang emosyong nakatingin sila sa akin hanggang sa nailapit na ako sa kanila.

“M-Mama!” bulalas ko. “S-sino sila b-bakit nandito sila—“

“Sinabi ko nang gumawa ka nang paraan, Noella, para hindi tayo maghirap pero wala kang ginawa,” sabat ni Mama na ikinalaki ng mga mata ko.

“Siya na ba ang babae?” tanong ng lalaking katabi ni Mama na may ngisi sa labi.

Sa tantiya ni Noella ay hindi nalalayo sa edad niya ang lalake at may itsura siya at halatang mayaman dahil sa designer suit na suot at ganoon na rin sa mamahaling relo na nasa bisig niya.

Pero ano namang ginagawa nila rito saka bakit bigla na lang akong hinila ng dalawang malalaking lalake para lang pababain ako sa sala saka bakit ganoon ang sinabi sa akin ni Mama?

Puno ng katanungan ang isip ko pero dahil sa takot ay hindi ko magawang mailbas sa bibig ko.

“Siya na nga. Virgin pa iyan at nasisigurado ko dahil wala namang naging boyfriend iyan saka laging abala sa negosyo namin,” tugon ni Mama na ikinalaki ng mga mata ko.

“Mama, ano ito? Bakit sinasabi mo ang lahat ng iyon sa lalaking iyon?” tanong ko kay Mama.

“Dahil binenta ka sa amin ng Mama mo,” tugon ng lalake sa tanong ko.

“Ano?” gulat na bulalas ko saka nagpapalag sa dalawang lalaking may hawak sa akin. “Bitawan niyo nga ako!” sigaw ko pero mas diniin lang nila ang pagkakahawak sa akin.

“Malaking halaga ang binayad ko sa’yo kaya hindi ka namin maaaring pakawalan,” sabi ng lalake sa kaniya.

“Mama, ano ito? Bakit sinasabi ng lalaking iyan na ibinenta mo ako?” tanong ko kay Mama.

“Dahil ayokong maging mahirap! Sinabi ko na sa’yo iyon!” sigaw ni Mama sa akin.

“Mama, pero bakit kailangan mo akong ibenta!”

“Wala na akong choice! Siguro naman mapapabuti ka kagaya ko at baka makahanap ka ng kagaya ng Papa mo, na binili ako sa kanila at pinakasalan,” tugon ni Mama na waring wala na talagang pakealam sa akin.

Pero nagulat din ako sa sinabi ni Mama na binili siya ni Papa sa pinagbentahan din sa akin. Ibig sabihin galing din si Mama sa mga taong ito ay binili lang siya ni Papa?

“Umalis na tayo,” aya ng lalake.

Nakadama ako ng takot kaya nagpapalag na ako at nagsisigaw pero wala akong magawa dahil mas malakas ang dalawang lalake na humahawak sa akin at nahila na ako palakad.

“Mama!” sigaw ko at tumulo na ang mga luha ko.

Lumingon ako kay Mama para magmakaawa pero wala siyang emosyong nakatingin sa akin habang hinihila ako palabas sa bahay namin at isinakay ako sa itim na van sa labas ng gate.

Napakalayo ng kapit-bahay namin kaya wala talagang makakarinig o sasaklolo sa akin kahit nagsisigaw ako. 

Nang umandar ang sasakyan ng mga lalakeng dumukot sa akin ay tinakpan ng isa sa dalawang lalake na naka-itim ang mga mata ko at tinali ang mga kamay ko. Doon ay hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa mga mata ko dahil hindi ko alam ang mangyayari sa akin sa mga taong kumuha sa akin ngayong gabi.

“Sino ba kayo? B-bakit niyo ito ginagawa sa akin?” umiiyak na tanong ko sa kanila kahit hindi ko sigurado kung sasagutin nila ako.

“Tumatanggap lang kami ng mga magagandang babaeng ibenebenta sa amin at ang gumawa sa’yo niyan ay ang babaeng kumausap sa amin,” tugon ng isang lalake.

Alam kong ang lalaking iyon ay ang katabi ni Mama kanina dahil hindi niya makakalimutan ang boses niya at kahit ang pagmumukha niya.

“M-mali ang ginagawa niyo. P’wede kayong makulong dahil kidnapping itong ginagawa niyo sa akin!” matapang ko nang pananakot sa kanila.

Narinig kong humalakhak ang lalake kasabay pa ng dalawang lalaking sa tingin ko ay nasa tabi ko lang at ang humila sa akin sa kwarto pababa ng sala at palabas din ng bahay namin.

“Sa tingin mo ba basta na lang kaming maipapakulong ng katulad mo?” Iyon pa rin ang lalaking kausap kanina ni Mama at sa tingin ko ay ang nakakataas sa mga kasama ko ngayon. “Masiyadong malaki ang organisasyon namin at mayayaman ang nagmamay-ari niyon na kahit alagad ng batas ay kayang bayaran kaya hindi mo kami matatakot diyan sa pagbabanta mo.”

Napalunok ako sa takot na nadarama at wala pa ring tigil ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Hindi na rin naman nagsalita ang lalake at naramdaman ko na lang na huminto na ang sasakyan saka hinila na naman ako ng dalawang lalake palabas ng kotse.

Nagpapalag ako at nagsisigaw kaya dahil doon ay may nagtakip na ng tela sa bibig ko saka patuloy na hinila ako kung saan at nang tanggalin ang takip sa mga mata ko at bibig ko saka inalis ang tali sa mga kamay ko ay isang malaking kwarto ang pinagdalhan sa akin. Nasilaw pa ako sa ilaw ng kwarto kaya napapikit ako bago magmulat ng mga mata ay nakita niyang parang dressing room ang kwarto na iyon sa dami ng naka-display na mga iba’t-ibang uri ng pangbabaeng damit, may upuan na may nakaharap na salamin at sa mesa ay may iba’t-ibang uri ng mga make-up.

“Dothy,” tawag ng lalaking kumausap sa akin kanina at kaagad may lumapit na babaeng sa tingin ko ay nasa kuwarenta na ang edad. “Ikaw na ang bahala sa babaeng iyan at ikaw na rin magsabi ng mga dapat at hindi niya dapat gawin,” utos ng lalake sa tinawag niyang Dothy.

“Yes, boss,” tugon ng Dothy.

Tumingin sa akin ang lalakeng tinawag ng boss ng Dothy at ang kausap kanina ni Mama saka ngumisi ng nakakatakot.

“Huwag ka nang magtangkang tumakas dahil kahit saan ka magpunta ay mahahanap ka namin at buhay mo na ang kapalit pati ang Nanay mo na binayaran namin ng malaking halaga ay papatayin namin,” sabi niya sa akin dahilan para mangilabot ako sa sobrang takot.

Umalis na siya sa harapan ko kasama ang dalawang lalake na malalaki ang katawan ay nandoon pa rin ako at nakaupo sa sahig at patuloy na natulala sa takot.

“Tumayo ka na riyan, iha, at aayusan at papalitan na kita ng damit,” sabi ni Dothy sa akin.

Napatingin ako kay Dothy at nakita kong dumaan ang pagkaawa sa mukha niya sa akin saka inalalayan na akong tumayo.

“Nabaon ba sa utang ang magulang mo na kabahagi ng organisasyon na ito kaya ikaw ang kinuha nila bilang kabayaran?” tanong ni Dothy sa akin saka inalalayan paupo sa isang upuan at napatingin ako sa sarili sa harap ng salamin.

Magulo ang buhok at may bakas pa ng luha ang mga mata ko at mukha akong kaawa-awa.

“H-hindi. Binenta ako ni Mama,” tugon ko at tumulo na naman ang luha sa mga mata ko.

“Hindi lang ikaw ang ganiyan ang kwento ng mga babaeng dinadala rito,” tugon ni Dothy sa akin.

“A-ano ba ang organisasyon na ito? Ilegal ang ginagawa nilang pagdadala ng babae s-saka anong gagawin nila sa akin?” sunod-sunod na tanong ko kay Dothy.

“Ilegal nga pero dahil mga bilyonaryo at makakapangyarihan ang mga may-ari ay hindi matigil ang organisasyon na ito. Malaki at malawak ang organisasyon na ito, iha, at dito kung saan ka dinala ay tinatawag nilang Slave Market.”

“S-slave market? Nagbebenta sila ng babae para gawing slave?” gilalas na tanong ko at parang gustong humilab ng sikmura ko sa nalamang iyon.

“Oo. Pero depende sa mga customer kung anong gagawin sa inyo. May ilan na binili ng mga matatandang mayaman na ginagawa lang babae nila ang binibili, ang iba binibili ng mga business man na customer para gawing escort girl ng mga gobyerno o mayayaman na gusto ng magandang babae na mag-aliw sa kanila sa isang gabi na pinagkakakitaan din nila, mga entertainment company na ginagawang artista ang nabibiling babae at may ibang mga mayayamang lalake na bumibili rito ng babae para gawin nilang sex slave,” mahabang paliwanag ni Dothy. “Maswerte ka kung makahanap ka ng lalaking na gagawin kang sex slave at kapag pinagsawaan ka ay papalayain ka na dahil kapag ang nakabili sa’yo ay mga business man o entertainment siguradong gamit na gamit ka ng mga iyon hanggang sa huling hininga mo.”

Napahikbi na ako matapos ekwento ni Dothy iyon sa akin.

Natatakot ako para sa sarili ko at ano man doon na mapunta ang buhay ko ay hindi ko pa rin masasabing maswerte ako. Pinalaki ako ni Papa sa masaganang buhay pinag-aral at nakapagpatakbo ng malaking negosyo pagtapos ay magiging ganito ang buhay ko dahil sa sarili kong ina na binenta ako sa organisasyon na ito?

Biglang sa isang iglap, ay nagbago ang lahat at mukhang mas miserable pa sa inaasahan kong kahirapan na haharapin namin dahil sa pagkuha ng lahat ng ari-arian namin ng bangko ang magiging buhay ko dahil sa organisasyon na ito. Hindi ko akalain na magiging ganito ang buhay ko at ang tangi ko lang inaasahan ay mawawala sa akin ang lahat ng ari-arian ko, maghihirap lang kami ni Mama pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa dahil iniisip ko noon na magkasama naman kami ni Mama at alam kong malalagpasan namin iyon.

Mabuhay lang kami ng legal kahit mawala ang lahat ng ari-arian namin ay ayos lang sa akin. Plano ko naman magtrabaho para makakain at mabuhay kami kahit simple pero dahil sa ginawa ni Mama na pagbenta sa akin sa organisasyon na ito ay nagbago bigla ang lahat sa akin at mukhang mauuwi ako sa hindi magandang buhay.

Takot, kawalang pag-asa at sakit mula sa puso dahil sa ginawa sa akin ni Mama ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay nawasak ang puso ko dahil sa nangyari sa buhay ko at kagagawan pa ng sarili kong ina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status