Share

Chapter Eight

CHAPTER EIGHT

HINUBAD NI Tymo ang hoodie niya bago ito isinampay sa upuan niya bago siya tuluyang umupo. He's in their work office. Nagpatawag ng meeting ang president ng theater organization para sa upcoming big project nila. 

Tymo checked his phone. 

Sin calling…

"Saan na kayo?" tanong niya agad ng sagutin ang tawag. 

"Malapit na ba magsimula?" tanong nito, naririnig niya ang ingay ng mga sasakyan sa background nito pero rinig niya pa rin ng malinaw ang boses nito. "Baka mahuli kami kasi may aksidente rito. Traffic sobra, malayo pa naman kami 'di pwedeng maglakad na lang." mahabang anito.

"Hindi pa naman, baka makaabot pa kayo kasi may meeting pang iba 'yung president." 

Sin sighed in relief, "Buti naman, sana mga isang oras pa. Ipagdarasal ko 'yon." mayabang nitong tugon.

Natawa siya, "Bilisan niyo na lang, bano. Nakakahiya kapag late kayo." 

"Oo na, oo na. Bye!" 

Nang mawala sa kabilang linya ang kausap, agad niyang ibinulsa ang cellphone at tumitingin sa paligid. Iilan pa lang sila sa office at puro mga script writers lang, siguro tungkol sa story line pa lang ang paguusapan kaya hindi pa kasali sa meeting ang mga aktor. 

"Pasensya na raw sabi ni president kasi mukhang dalawang oras pa raw bago matapos ang meeting niya with higher ups, sana raw maintindihan niyo." pagkuha ni Ashley, isa sa mga officers ng organization nila ng attention nilang lahat.

Tymo just shook his head. Talaga ngang malakas sa taas si Sin gaya ng lagi nitong sinasabi sakanila. 

He heard everyone grunted before they stood up and left the office. Bumuntong hininga na lang siya at nagpasya na ring lumabas muna. 

He took his phone out and dialed Sin's number.

"Ang lakas mo talaga sa taas, bano. Saan na kayo? Sa cafeteria na lang tayo magkita-kita." bungad niya ng sagutin nito ang tawag niya.

"Ako pa ba! Sin lang pangalan ko pero 'di ako makasalanan kaya malakas ako sa taas!" natatawang anito. May pagyayabang sa boses.

He scoffed and ended the call without saying anything. 

Napatingin siya sa likod niya ng marinig ang pamilyar na boses. There, he saw Hussain talking with Lucas, ang kaibigan nitong napagkamalan niyang boyfriend nito.

Agad niyang iniwas ang tingin sa dalawa. The two seems very close, and somehow he felt his heart tightening. He couldn't understand why. 

He shrugged his thoughts off at naiilang na lang siyang naglakad papuntang cafeteria para doon na hintayin ang mga kaibigan niyang laging late.

Makalipas nang mahigit thirty minutes, nakatulog na lang siya sa lamesa at nagising ng marinig ang isang sigaw.

"Hoy, master!" dinig niyang sigaw ni Sin sa 'di kalayuan. 

He turned his head where he heard his voice at nakita niya si Sin na parang tangang kumakaway sakanya habang umiiwas naman sila Micka na parang hindi nila kilala si Sin. 

Nang makalapit ang mga ito sa lamesa niya, agad itong nagsi-upo. Sin sat on his left side while Micka sat on his right side, sa harap naman niya sila James, Xiara, at Tiffany.

"Gaano raw katagal 'yung meeting ni president sa higher ups?" tanong ni Xiara habang inaayos ang bag nito.

"Two hours kanina, ngayon one hour and fifteen minutes na lang."

"Tagal pa, mall kaya tayo? Pwede pa naman lumabas ng university diba?" pagtatanong ni James. 

Agad na binatukan ni Tiffany ni James. "Kaya tayo na-late dahil sayo e! Dami mong say sa buhay mo, jusko!" pagrereklamo nito at tinarayan si James.

Natawa na lang sila rito. James is always the late comer sa group nila, pinapatunayan daw niya ang Filipino time. 

"Kumusta naman pala ang collaboration projects niyo?" paglilihis ni Sin sa topic nila. 

"Ayos lang naman sakin kasi 'yung partner ko, magaling na sa deliverance, sainyo ba?" agad na sambit ni Xiara.

Micka pursed her lips. "Medyo ayos naman din 'yung akin, gaya ng iyo Xiara magaling siya sa deliverance kaso kapag dating sa memorization wala." naiiling na sabi nito.

Napatango-tango naman sila rito. Iyon ang dapat na maimprove agad ng mga actors nila para mas mabilis ang process ng mga rehearsals nila in the future.

"Sayo ba, Sin?"

"Ayos lang din, okay siya pero laging late kaya kinakapos kami lagi sa oras." Sin replied and clicked his tongue. 

"Same lang pala tayo, Sin!" natatawang singit ni Tiffany. 

Napatingin naman ang lahat sakanya ng hindi siya nagsalita. 

"Hoy, master! Ano 'yung iyo?" pamimilit ni Sin sakanya at niyugyog siya. 

Naiinis niyang tinulak si Sin bago nagsalita. "She's okay but it's her first time acting kaya 'di pa niya gaanong gamay. Buti na lang fast learner kaya 'di rin ako nahihirapan." pagkukwento niya. 

"Sino ba 'yan? Pwede pala 'yung new to acting ka lang talaga, akala ko kasi yung tinatanggap lang sa organization is 'yung may mga experience na." usisa ni Micka. 

"Bakit pa kailangan niyong malaman kung sino? Hindi niyo naman siya kilala panigurado."

"Malay mo lang naman!" pangungulit at sabay sabay na sabi nila kaya wala na siyang nagawa kundi sabihin. 

Hindi siya titigilan ng mga baliw niyang kaibigan kung hindi niya sasabihin kung sino ang partner niya sa collaboration.

"Hussain Sotelo, kilala niyo ba?" panghahamon niya.

Micka and Xiara gasped at bigla na lang siyang dinumog ng dalawa. 

"You mean, Hussain Amor Sotelo? Seryoso ka ba?" gulat na gulat na tanong sakanya ni Xiara.

"Oo nga! Legit ba 'yan? Baka naman scammer ka!" sabat ni Micka. 

Napakunot ang noo niya sa dalawa at naguguluhan niya silang tinignan. 

"You know her?" nalilitong tanong niya sa mga ito. 

Nagkatinginan naman si Micka at Xiara dahil sa tanong niya. "Of course, we do! Who wouldn't know the Sotelo's only princess and the iconic fashion cheerleader." mahinang sigaw ng dalawa sakanya.

"Edi kilala niyo na." 

"What's the fuss about her?" tanong ni Sin sa dalawa.

Xiara sighed and grinned.

"Well, she's everyone's ideal type lang naman. Any gender is present on her admirers list. Contrary on everyone's first impression about her, super layo niya roon, actually. She's very humble and down to earth tapos very softy din siya especially sa mga malalapit sakanya." kwento ni Xiara sakanila. 

"She's very pretty and kind hearted kaya nga isa siya sa mga girl crush namin ni Xiara." dagdag ni Micka. 

"She's also my girl crush." naiilang na singit ni Tiffany. 

Gulat na napatingin silang lahat dito. Mahirap makuha ang interest ni Tiffany dahil sa taas ng standard nito kaya nagulat silang lahat sa narinig. To think, Hussain got his girl friends interest. She's really something.

"Oh my gosh ka, Tiffany! Goals tayong tatlo!" masayang ani Xiara. 

"Mamaya na 'yang celebration with Tiffany, Xia. We need tea about Hussain dito kay Teusz!" singit ni Micka sa dalawang nagkukulitan. 

He sighed. Pati si Sin at James ay mukhang naghihintay na rin sa sasabihin niya. 

"Ano bang gusto niyong malaman?" pagtatanong niya. 

"How she is around you! Just about her noong rehearsal niyo!" excited na sabi ng tatlong babae.

He shook his head. Hindi talaga siya mahilig masyado mag kwento, siguro nga ito ang unang beses. 

He started telling them about the rehearsal and how Hussain acts around him at mukhang tuwang tuwa naman ang mga kasama niya sa mga kwento niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status