Casablanca Series I: Alexander and His Secrets

Casablanca Series I: Alexander and His Secrets

By:  DonyaLoryanna  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
17Mga Kabanata
382views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Halos pumutok ang litid ni Alexander nang malaman nyang ipapakasal siya ng ina sa isang babaeng bagong salta lang sa kanilang tahanan. Ni hindi niya alam kung saang pamilya ito galing at kung ano ang naging estado nito sa buhay. Kaya ang sagot niya ay "No!" Tumaas naman ang kilay ni Damira nang malaman niyang antipatiko pala ang mapapangasawa kahit na napakagandang lalaki nito. Nagsisisi siya kung bakit sumama pa siya kay Trinity na ina ni Alexander upang makatakas sa masalumuot niyang buhay. Sa nakakontrata nilang kasal, manaig kaya ang pag-ibig lalo na't puno ng sikreto ang pagkatao ni Alexander? Maprotektahan kaya niya ang babaeng madadamay sa isang sigalot na nangyari na dati sa babaeng dapat ay pakakasalan niya?

view more
Casablanca Series I: Alexander and His Secrets Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
Walang Komento
17 Kabanata
Kabanata 1
NAGISING ANG buong diwa ni Damira nang marinig niya ang kalansing ng kaldero sa ibaba. Tiningnan niya ang wall clock—alas singko y medya pa lamang ng umaga ngunit tila ba maagang magsisimula lang araw para sa kanya.Agad siyang bumangon kahit hindi pa nakapagsuklay. Mabilis niyang tinali ang magulong buhok habang nagmamadali na bumaba ng hagdan.“Buti naman nagising ka. Akala ko kailangan ko pang itapon ‘yong dalawang kaldero para bumaba ka na.”Si Lorna iyon. Tiyahin niya sa side ng ina. Forever nang nakataas ang mga kilay nito sa kanya, alam niya iyon. Siya naman ay forever nang ha-highblood-in lalo na’t ganito palagi ang isasalubong sa kanya mapa-umaga man o gabi.Thirty years na siyang naninirahan sa bahay ng tiyahin. Ayaw siyang pakawalan ng mga ito dahil siya lang ang nagbibigay sa kanila ng pera upang mabili ang luho at makapagsugal. Liban pa roon, may pagkakautang silang siya ang nagbabayad. Wala naman siyang choice dahil wala rin naman siyang mapupuntahan kung sakali.Pasalam
Magbasa pa
Kabanata 2
DUGUAN ang nguso, pikit ang isang mata, at may pasa ang panga—ganyan umuwi si Alexander sa masyon ng mga Casablanca ngayong gabi. Halos napatayo ang kanyang ina na si Trinity at napaawang naman ang labi ni Amaury na bunsong kapatid nito.“Sorry I am late for dinner…” aniya pa at saka tumabi sa kapatid.Makikita sa mukha ni Don Leopoldo ang galit ngunit hinawakan ni Trinity ang kanyang kamay.“Sa’n ka na naman nakipagbasagan ng mukha?” malamig na tanong niya.“U-umawat lang ako sa mga lasing do’n sa bar—““Bouncer ka na ngayon?” sarkastikong tanong niya habang nginunguya ang sirloin steak na nakahain ngayong gabi.“Dad…”“L-let’s eat first, okay? Mamaya na natin pag-usapan ‘yan. Nasa harap tayo ng pagkain,” saway sa kanila ng ginang at agad namang natahimik ang lahat.Dadalawa na nga lang ang anak niya, ganito pa ang nangyayari. Magmula noong mangyari ang isang masalimuot na bagay sa buhay ni Alexander, hindi niya na ito nakausap nang sarilinan. Umiiwas na ito sa kanya. Alam niya ang d
Magbasa pa
Kabanata 3
SA PAG-AKBAY NI Trinity kay Damira, alam niyang naguguluhan pa ito sa mga nangyayari.“T-teka!”Agad na lumapit sa kanila si Lorna at hinawakan sa magkabilang balikat ang pamangkin. Umiwas pa si Damira ng tingin dahil sa galit.“P-paano ‘yong mama ni Damira? Pa’no kapag nalaman niya na hindi na siya sa amin nakatira. Binilin siya ng kapatid ko sa akin.”Tumaas ang kilay ni Trinity. “That’s not your problem anymore. Ang isipin ninyo ay kung paano ninyo mababayaran ang pagkakautang ninyo sa akin. Hindi ko na pababayaran ang interest. Bayaran ninyo ang sampung libo na inutang ninyo.”‘Teka…” Sumunod naman ang asawa nitong si Eddie. “Paano kami makakapagbayad kung kukunin n’yo sa amin si Damira?”Mas lalong tumaas ang kilay ni Trinity dahil para bang isa siyang kontrabida sa sitwasyong ito.“Hindi ako makapaniwalang may mga tao pa palang kagayan ninyo. Aba, magbanat kayo ng buto! Nakakahiya sa mga mas matatanda pa sa inyo na nakakaya pang maghanapbuhay!”“Sandali! Papiliin natin si Damira
Magbasa pa
Kabanata 4
HABANG nakatitig kay Damira ang tatlong lalaki na tila ba sinusuri nito ang kanyang kaanyuan, hinawakan siya ni Trinity sa braso upang maupo at sumalo sa almusal.“By the way, this is my husband, Leo…” Nilapitan nito ang lalaking nasa kabisera.Halata ang katandaan sa mukha ng lalaki dahil sa puting buhok nito ngunit hindi maitatanggi ang kakisigan nito kahit na ganoon. Napansin niya rin na malayo ang agwat ng edad ni Trinity sa asawa nito.“And, this one on my right is Alexander, our oldest son.”Nagtagpong saglit ang paningin nila ng lalaki na nagpabilis ng tibok ng puso niya. His groomed beard fits for him. Kung ibang lalaki ang may ganoon, parang ang dumi tingnan ngunit hindi para sa lalaking ito. Para siyang nakakita ng isang Turkish dahil ganoon ang pagkakagawa sa mukha nito.“The one on my left is Amaury…our youngest.”Tumango lang siya nang matipid siyang nginitian ng lalaki. Iba naman ang itsura ng lalaking nasa kaliwa. Tila ba magkasing-edad lang silang dalawa.“So, like wha
Magbasa pa
Kabanata 5
“GUSTO mo bang sumpain ka ng anak mo, Trinity?” tanong ni Leopoldo habang nasa study room sila.“I know what I am doing so please…” Naupo ang babae sa tabi ng asawa. “I just wanted to help, that’s all.”“Pwede kang tumulong sa ibang paraan. Hindi sa ganito. Akala mo ba hindi napipilitan si Damira sa pinapakiusap mo? Bakit kailangan mo ng kundisyon na ‘yon para lang tumulong sa iba? Kaya naman nating bayaran ‘yon nang walang hinihinging kapalit. Magsabi ka lang.”“I have bigger plans if you would trust me. Kahit ito lang. Wala na akong hihingiing iba sa ‘yo kundi ito lang. This is also for publicity.”Nangunot ang noo ng lalaki. “F-for what?”“May nakapagsabi sa akin na nandito na ang mag-ama sa Pilipinas. Alam mo naman na gustong-gusto ni Genesis na ipakasal si Luanne kay Alexander dahil sa pera at sa apelyido na inaasam ng kahit na sino. Pero si Trinity, wala siyang alam na isa tayong Casablanca. Ni hindi siya nagulat nang makita niya ako, ikaw, sina Alexander, hindi ba?“Hindi siya
Magbasa pa
Kabanata 6
MAAGANG nagising si Damira. Nakasuot pa siya ng pajama at loose t-shirt at dahan-dahang binuksan ang seradura ng pinto. Kaliwa’t kanan pa ang tingin niya sa paligid at dinadalanging hindi magsalubong ang landas nila ni Alexander. Alam niyang mali ang nagawa niya sa binata kagabi pero kung hindi siya na-trigger nito, hindi niya naman gagawin ang buhusan ito ng red wine. She tiptoed until she reached the dining area. Wala pang tao roon at tanging mga kasambahay pa lang ang naglilinis. Kaya naman nagpunta siya sa balkonahe ng bahay. Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa napakagandang view ng tahanan ng mayamang pamilyang ito. “Enjoying the view?” Agad na bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang boses na iyon ng lalaki—si Alexander. Hindi niya alam kung ano ang ikikilos. Magiging agresibo pa siya sa ganito kaaga o hahayaan niya na lang na laitin siya muli ng lalaki para matulak niya ito pababa. Narinig niya ang mga yabag nitong papalapit sa kanya. Aatras na sana siya
Magbasa pa
Kabanata 7
HINDI LANG yata apat na beses na sinumpa ni Damira si Alexander habang naliligo. Naririnig niya ang boses ni Carla na pinamamadali na siya dahil tumawag na naman sa kanya ang lalaki. “Hayaan mo siyang maghintay!” sigaw niya habang palabas ng banyo. “Miss Damira, pasensya na kayo. Napag-utusan lang naman kami ni Sir Alexander.” Nakalatag na sa kanyang kama ang damit sa si Carla mismo ang pumili galing sa mga ibinigay ni Trinity sa kanya. “Bakit ‘yan ang susuotin ko? Pwede namang naka-t-shirt na lang ako at maong na shorts.” Nagkamot-ulo ang dalaga. “Please, Miss. Sundin n’yo na lang ako.” Isa iyong sleeveless V-neck dress na hanggang dibdib ang hiwa. Hindi pa siya nakakapagsuot ng ganyan ka-revealing na damit kahit na hindi naman ganoong makikita ang cleavage niya. “Ayoko niyan!” tanggi nya. “Mabilis lang naman kayo roon, Miss. At saka, si Sir kasi ‘yong susunduin n’yo. Ayaw n’yo naman na magmukha kayong katulong niya, ‘di ba?” pang-e-engganyo pa nito sa kanya. Kaysa makipagtal
Magbasa pa
Kabanata 8
BACK TO NORMAL at tila ba walang nangyaring proposal sa airport habang naglalakad sina Alexander at Damira palabas ng lugar. Tikom ang kanyang bibig habang nakikiramdam sa babae. Manaka-naka pa ang pagsulyap niya ngunit kung sakali man, nakahanda na ang pisngi niya sa malutong nitong sampal. Hindi siya mapakali. What he did is wrong. Una, nagpadalus-dalos siya sa desisyong mag-propose sa harap ng maraming tao para lang lubayan siya ni Luanne. Ikalawa, ni hindi man lang niya nabigyan ng heads up ang babae sa gustong mangyari. At ang ikatlo, ni hindi man lang siya nanghingi ng permiso para halikan ito. Mariin siyang napapikit nang maalala ang tagpong iyon. He is still tasting the sweet and minty flavor of Damira’s mouth which is not good for him. Kakaiba ang sensasyong naramdaman niya habang hinahalikan niya ang babae kanina at maling-mali iyon. Umiling siya upang iwaksi sa isipan ang tila ba isang scene sa pelikula.
Magbasa pa
Kabanata 9
MATAPOS alisan ni Damira si Alexander, dali-dali siyang dinaluhan ni Trinity. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Pasimple niyang tinago sa bulsa ang singsing bago pa ito makita. “What happened? Why did she slapped you?” nag-aalalang tanong pa nito sa kanya. Nasa likod ang kanyang ama na si Leo at mukhang gusto rin nitong malaman kung anong nangyari. “It’s okay. May kasalanan ako sa kanya. Don’t be mad at her.” “Bakit? Ano bang nangyari?” pag-uulit na tanong ng kanyang ama. “Look, I badly want to explain what happened but I am so tired. Can we talk about it later?” Salitan niyang tiningnan ang dalawa. Napabuntong-hininga si Trinity. “Fine.” Pag-akyat ni Alexander ay saka naman ang dating ni Macario dala-dala ang bagahe ng lalaki. “Nasa’n na sina Sir?” maang na tanong pa nito sa mag-asawa. “Macario, may nangyari ba?” nakataas ang kilay na tanong ni Trinity sa kanilang driver. “Naku, hindi n’yo pa ba alam?” Mabilis nitong kinuha ang cellphone sa bulsa at pinakita sa mag-asawa a
Magbasa pa
Kabanata 10
“PARANG napakaimposible naman niyang sinasabi mo,” ani Amelia matapos ikwento ni Damira ang buong pangyayari habang nasa isang café sila.Pagpasok niya pa lang sa mall, hindi na siya mapalagay sa sulyap na natatanggap niya sa mga taong nadadanan niya. Iba ang impact ng nangyari kanina. Ipinakita pa ni Amelia sa kanya kung ilang libo ang nag-share, comment, at nanood ng video nilang dalawa.“Mukha ba akong nagbibiro? No’ng nasa bahay nila, saka ko lang nalaman na gano’n ang magiging set up ko. Ayoko naman na rin umuwi kina Tita. Muntik-muntikan na nga ako no’ng araw na ‘yon kaya pasalamat talaga ako kay Trinity kasi kinuha niya ako.”“Hmm… hindi na naman kita masisisi kung ma-love at first sight ka kay Alexander kasi grabe naman ka-pogi ‘yon, ‘no! Gwapo rin naman ‘yong bunso niyang kapatid kaso mas bet ko si Xander. Kaso, taken na pala,” pagpaparinig nito.“Ha
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status