Share

Kabanata 4

HABANG nakatitig kay Damira ang tatlong lalaki na tila ba sinusuri nito ang kanyang kaanyuan, hinawakan siya ni Trinity sa braso upang maupo at sumalo sa almusal.

“By the way, this is my husband, Leo…” Nilapitan nito ang lalaking nasa kabisera.

Halata ang katandaan sa mukha ng lalaki dahil sa puting buhok nito ngunit hindi maitatanggi ang kakisigan nito kahit na ganoon. Napansin niya rin na malayo ang agwat ng edad ni Trinity sa asawa nito.

“And, this one on my right is Alexander, our oldest son.”

Nagtagpong saglit ang paningin nila ng lalaki na nagpabilis ng tibok ng puso niya. His groomed beard fits for him. Kung ibang lalaki ang may ganoon, parang ang dumi tingnan ngunit hindi para sa lalaking ito. Para siyang nakakita ng isang Turkish dahil ganoon ang pagkakagawa sa mukha nito.

“The one on my left is Amaury…our youngest.”

Tumango lang siya nang matipid siyang nginitian ng lalaki. Iba naman ang itsura ng lalaking nasa kaliwa. Tila ba magkasing-edad lang silang dalawa.

“So, like what I said, she’s going to live with us—“

“Naghahanap ka na naman ng kasambahay?” tanong ni Alexander habang nagpupunas ng bibig.

“No, she’s not going to be my helper…you’ll know soon. Anyway, can we just have a breakfast first? Hindi maganda ang naging umaga namin ni Damira.”

Naupo ito sa kanyang tabi at sabay silang nagsipagkain.

“What do you do for a living, Damira?” tanong sa kanya ni Leo.

“Ah…cashier po ako sa isang convenience store,” matipid niyang sagot.

“Hindi ka maniniwala na pamangkin siya nina Eddie at Lorna. Do you remember them?” tanong pa ni Trinity sa asawa.

Nangunot ang noo ng lalaki. “Eddie at Lorna…” Mariin pa itong nag-isip. “Hmmm, naalala ko na sila. Sila ‘yong sumugod dito sa gitna ng ulan para manghiram ng pera sa kapatid nilang may sakit.”

Nahinto siya sa pagnguya at mahigpit na hinawakan ang kubyertos. Hindi niya maipaliwanag ang galit na nararamdaman sa ginawa sa kanila ng mag-asawa.

“She’s the one who’s paying for the debts and working for them! Unbelievable. Sabi pa sa akin ni Lennon, si Damira ang sumasalo ng lahat ng gastusin nila sa bahay,” sabi pa ng babae.

Naalala niya ang lalaking iyon na napagbuntunan niya kahapon ng inis.

“Buti na lang sumama ako kay Lennon kanina. Kung hindi, baka hindi lang ‘yan ang inabot niya sa mag-asawa.”

“Are they hurting you?” tanong pa ni Leo sa kanya.

Tumikhim pa siya bago magsalita. “H-hindi naman po palagi. Kapag ano lang po…”

“Bakit hindi ka na lang umalis kung sinasaktan ka naman pala nila?” tanong ni Alexander sa kanya.

Halos mapataas ang kilay niya dahil iba ang tono ng pagtatanong na iyon. Para bang kasalanan niya pa na nag-stay siya sa bahay ng tiyahin.

“H-hindi ganoon kadali ang umalis sa poder ng tita ko. Kung ako lang, hindi naman ako mag-stay ro’n, eh. Mama ko kasi ang iniisip ko.” Nilagyan niya pa ng emphasis sa salitang “mama”. “Kung hindi dahil sa kanya, kahit sa lansangan ako matulog, ayos lang.”

“What a lame excuse,” bulong ng lalaki ngunit sapat para marinig niya. Ikinapanting iyon ng kanyang tainga.

“A-ano’ng sinabi mo?”

Nagtinginan din ang mag-asawa nang marinig ang buwelta ni Damira. Sa pagkakaalam ni Leopoldo, wala pang gumagawa nang ganoon sa anak. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil sa wakas ay mukhang nahanap na nito ang katapat.

“Nevermind. I hope that Trinity is right in letting you live here.” Pinanood niya kung paano nito punasan ang bibig at tumayo. “Now, if you’ll excuse me, I am going to work.”

Muli siyang nakatikim ng saglit na sulyap sa lalaki bago ito umalis. Ngayon pa lang, parang gusto niya na lang umuwi. Damang-dama niya na hindi siya gusto ng lalaking ito na doon tumira.

“I am so sorry for his attitude. May pinagdadaanan lang siya kaya ganyan. You’ll get used to it. Huwag mo na lang siyang pansinin,” sabi pa ni Trinity at niyaya siya muli na magpatuloy sa pagkain.

“By the way, since Alexander is no longer here. I want to tell you that Damira is going to be his fiancée.”

Naibuga niya ang tubig na iniinom dahil sa pagkasamid. Mabilis naman na kumuha ng table napkin si Trinity at ibinigay iyon sa kanya.

“What the hell are you talking about?” hindi makapaniwalang tanong ni Leo sa asawa.

“Why? That’s not a wrong idea, right, Amaury?”

Nagkibit-balikat lang ang bunso. Ngunit si Damira, iiling-iling na tumayo.

“P-pwede n’yo po akong maging kasambahay, tagaluto, tagalinis ng kotse, tagatanggal ng peste sa garden…kaya kong gawin lahat huwag n’yo lang ako ipakasal sa lalaking hindi ko kilala.”

“She’s right, honey. Huwag naman tayong magdesisyon sa mga bagay na sila dapat ang nag-de-decide.”

Tumayo rin si Trinity at bumugtonghininga.

“Damira, this is your only chance. Ayaw na kitang bumalik sa dati mong buhay. Dito, walang mang-aapi sa ‘yo. Lahat ng gusto mo, pwede mong bilhin. Makakakain ka nang hindi ka nagtitipid. Walang ibang taong mag-de-degrade sa ‘yo rito.”

Tumingin ang ginang sa kanilang tatlo. “This is just for a year. Look, I promise that I will shoulder all the medical and hospital bills of your mom once the wedding is done. Itaga mo sa bato, Damira, your mother’s bill will be all cleared.”

“Huwag mo siyang madaliin, Trinity. Kadarating niya lang sa bahay na ‘to,” saway ni Leo sa asawa.

“I am sorry. I just feel that you and Alexander need help that’s why I decided to arrange the marriage. Pero kung sakaling hindi mo naman talaga gusto ang ganitong sitwasyon, I’ll respect your decision.”

Naging payapa ang isang buong araw na iyon ni Damira. Hindi muna niya inisip kung ano ang susunod na mangyayari. She just wanted to live her life right now. Napakatagal niyang pinagdasal ang kalayaang ito. Halos oras-oras yata siyang tinatawag ng mag-asawa upang kumain.

“Ganito po ba talaga rito sa inyo? Every one hour, may dumarating na pagkain?”

Natawa ang dalawa sa tanong niyang iyon. Nandito sila ngayon sa hardin at nilalasap ang sariwang hangin kasabay ang bango ng iba’t ibang bulaklak na naroon.

“Masanay ka na, Damira. Araw-araw kaming ganito rito.”

“HAVE you heard?” bulong ng sekretaya at best friend ni Alexander na si Steve.

“About what?” tanong niya naman habang nakatingin sa mga papeles na pinipirmahan.

“Genesis called a while ago. He’s already here in the Philippines…with Luanne. Alam mo naman siguro kung ano’ng ibig sabihin no’n, ‘di ba?”

Huminto siya sa ginagawa at huminga nang malalim.

“Maybe I can have an agreement with him—“

“Humanap ka na ng babaeng ipapakilala mo dahil kung hindi, itutuloy pa rin niya ang desisyon na ipakasal ka kay Luanne.”

“Alam mong hindi ko kayang gawin ‘yan! Are you crazy?!” Bahagyang tumaas ang boses nito.

“Ikaw ang bahala. I am just saying what the best is for you. Hindi mo naman siguro nakikini-kinita ‘yong sarili mo na mapakasal sa kanya, ‘di ba?”

Hindi siya umimik ngunit alam na nito kung ano ang sagot kaya naman naglakad na ito patungo sa pinto.

“Huwag ka munang uuwi ng villa ngayon. Alam mo naman siguro kung ano ang dadatnan mo ro’n.”

Isang buong araw na silang magkasama ni Steve pero hindi pa niya nakukwento sa lalaki ang dagdag na miyembro ng kanilang pamilya.

Hindi maalis sa isip niya ang nanlilisik na mga mata ng babae sa kanya kanina na tila ba balak siyang kainin nito ng buhay. Napangiti siya. Iyon ang unang beses na may babaeng gumawa ng ganoon sa kanya. He likes that kind of woman.

Nope. Nope. Hindi ikaw ‘yan, Alexander.

Muli niyang ibinalik ang sarili sa ginagawa. Nahihibang na siya. Nahihibang nang talaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status