Share

Kabanata 6

MAAGANG nagising si Damira. Nakasuot pa siya ng pajama at loose t-shirt at dahan-dahang binuksan ang seradura ng pinto. Kaliwa’t kanan pa ang tingin niya sa paligid at dinadalanging hindi magsalubong ang landas nila ni Alexander.

Alam niyang mali ang nagawa niya sa binata kagabi pero kung hindi siya na-trigger nito, hindi niya naman gagawin ang buhusan ito ng red wine.

She tiptoed until she reached the dining area. Wala pang tao roon at tanging mga kasambahay pa lang ang naglilinis. Kaya naman nagpunta siya sa balkonahe ng bahay. Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa napakagandang view ng tahanan ng mayamang pamilyang ito.

“Enjoying the view?”

Agad na bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang boses na iyon ng lalaki—si Alexander.

Hindi niya alam kung ano ang ikikilos. Magiging agresibo pa siya sa ganito kaaga o hahayaan niya na lang na laitin siya muli ng lalaki para matulak niya ito pababa.

Narinig niya ang mga yabag nitong papalapit sa kanya. Aatras na sana siya ngunit huli na…pareho na silang nakatanaw sa ganad ng kapaligiran.

Hindi niya ito nilingon. Diretso lang ang tingin niya sa kung ano ang nakikita. Pareho silang tahimik na nakatanaw sa malayo.

“Look.” Tuluyan siyang napaatras nang humarap ito sa kanya. “Hindi ako masamang tao, Damira. I came here to say sorry about what I said last night. Pero hindi ibig sabihin no’n ay papayag na akong magpakasal sa ‘yo. Alam kong below the belt ang mga nasabi ko kagabi at aminado naman ako ro’n. Ayoko lang talaga na may ibang nagdedesisyon para sa akin.

“Naiintindihan mo naman siguro ako, ‘di ba? I hope you’d change your mind, too. Ano na lang ang sasabihin sa ‘yo ng mama mo kung malaman niyang dahil sa kanya kaya napagdesisyunan moa ng arranged marriage na ‘to?”

Huminga siya nang malalim.

“Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman mo dahil okay ang mama mo. ‘Yong mama ko, hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya makakasama kaya kahit na ano gagawin ko para madugtungan pa ‘yong buhay niya.”

Umiling naman ang lalaki.

“Trinity is not our biological mother. Our mother died…” Nahinto ang lalaki dahil naalala nitong pareho ng sakit ang ina at ina ni Damira. “…of cancer.”

Nanahimik ang babae. Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa sinabi ni Alexander pero hindi niya maiwasang matakot dahil doon din naman ang hantungan ng ina.

“Wala akong pakialam. Desisyon ko ‘to. Hindi naman ako ang nagpipili sa ‘yo na pakasalan ako. Kung hindi mo kayang makasama ako sa iisang bahay, hindi ko na problema ‘yon. Pwede mo naman akong ituring na hangin…daan-daanan mo lang. Walang problema sa akin ‘yon. Pero ‘yong kagabi na ang una’t huli na pagsasalitaan mo ako ng gano’n.”

Dire-diretso siyang naglakad patungo sa kwarto. Napasandal pa siya sa pinto matapos i-lock iyon.

Sa totoo lang, iba ang karismang nasa katauhan ni Alexander. Sa ngayon, kaya niya pang kontrolin ang sarili sa mapupungay na mga mata nito, sa labi nitong tila ba masarap humalik, at saka mga bisig nitong para bang poprotektahan siya sa kahit na anong panganib.

On the first night that their eyes met, she quickly admitted that she is attracted to him. At kahit na ganoon ang nasabi sa kanya ng lalaki kagabi, hindi niya pa rin maiwasan na humanga rito.

Sa ngayon, mukhang titiisin niya muna ang sarili sa ganitong sitwasyon. Mukhang wala pa itong balak na magkaroon ng sariling pamilya at nakatuon lang ang atensyon sa negosyo.

Sa kabilang banda, mukhang hindi rin sila magiging okay kung sakali man na matuloy ang pagpapakasal nilang dalawa. Paniguradong magkakagulo lang sila dahil para bang wala silang magkaparehong ugali o interes na pwedeng mapag-usapan.

HALOS ihagis na ni Alexander ang cellphone kahit na naka-mute ito. Ilang oras na siyang tinatawagan ni Luanne kahit na kabababa lang niya ng eroplano. Sa tatlong araw niyang nag-stay sa Singapore, walang oras na hindi ito nag-cha-chat sa kanya.

Nagsisisi talaga siya noon pa man na naging close silang dalawa at dumating pa sa puntong gusto nitong magpakasal sa kanya. Si Luanne ang tipo ng babaeng napakahirap makasama sa “hirap at ginhawa” man. Napakareklamador, napakaarte, hindi marunong makisama.

Huminga siya nang malalim at saka sinagot ang tawag matapos huminto sa waiting area.

“Hello…”

“Where are you? Nasa lobby na ako,” masayang sabi pa nito sa kanya.

“Sinabi ko nang huwag mo na akong susunduin dahil may susundo sa akin mayamaya lang.”

“Who? Do you have a girlfriend?”

“O-of course not! Wala…” Nautal pa siya.

“Then, I am going to pick you up. Wait for me. Sagutin ko lang ‘tong tawag ni Dad.”

Then she hung up.

Kailangang makahanap ni Alexander ng paraan para naman kahit papaano ay makatakas siya sa pagiging linta ng babae. Habang nag-scroll siya ng contacts sa phone, napahinto siya sa isang pangalan na wala dapat doon.

“Sino ang naglagay sa ‘yo riyan?” tanong niya pa sa pangalang nakalagay roon.

Mas lalo siyang namrublema. Hindi niya pwedeng tawagan si Trinity dahil kilala na ito ni Luanne. Hindi niya rin naman pwedeng tawagan si Steve upang magpasundo dahil may presentation ito ngayon.

“Bahala na.”

He’s fingers are crossed while he tap Damira Pascual’s number. Hindi niya alam kung ang idadalangin niya ba ay sagutin ng babae ang tawag o hindi.

Ilang beses pang nag-ring ito. Tulog pa siguro ang babae dahil alas sais pa lang ng umaga. Samantalagang si Luanne, para bang hindi pa natutulog, makita lang siya.

“H-hello…” As he heard her bedroom voice, hindi niya maintindihan kung anong ritmo ng tibok ng dibdib ang mararamdaman.

Napakagat-labi siya.

“Hello. Sino ‘to?”

Tumikhim siya bago sumagot, “Damira, it’s me…Alexander.”

He heard her chuckle. “Prank ba ‘to?”

“Do I look like I am joking?” naiiritang sabi niya.

“Paano mo nakuha ang number ko?” pang-uusisa pa nito sa kanya.

“Hindi ko alam kung bakit nasa contacts ko ang number mo, okay? Can we talk about it later? I can explain.” Nilunok niya muna ang ego niya bago muling magsalita. “I need your help. Can you pick me up? Nandito ako sa airport.”

“Bakit? ‘Di mo kayang umuwi mag-isa? Na-holdap ka ba?”

“I can answer your questions later, woman. Bumangon ka na at ibigay kay Macario ‘tong cellphone mo. Faster!”

Narinig niya ang kaluskos sa kabilang linya at hindi niya maiwasang mapangiti sa pabulong na reklamo nito.

“Oh, nandito na ako kay Macario.” Narinig niya pa ang iilang kaluskos bago niya narinig ang boses ng amo.

“Hello, Sir. Good morning po.”

“Pick me up at the café here in the airport. Kausapin mo si Carla na ayusan si Damira. ‘Yong saktong ayos lang, please…”

“Sige po, Sir. Nandiyan po ba?”

Alam niya na kung sino ang tinatanong nito.

“Yes. That’s why I need her. Please get in here as fast as you could. Baka mawalan na ako ng amor sa babaeng ‘to.”

“Got it, Sir—“

“Teka! Hindi pa nga ako pumapayag—“

Naputol ang tawag. Muli siyang napangiti dahil na-train niya talaga sina Macario at Carla nang maayos kapag may mga ganitong sitwasyon.

Ang poproblemahin niya na lang ay kung anong pagpapakilala ang gagawin niya kapag nagkaharap sina Luanne at Damira. Napaupo siya sa waiting area.

“Bakit parang mas lalong sumakit ang ulo ko sa desisyon kong ‘to?”

DonyaLoryanna

Thank you po sa pagbabasa.

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status