Tahimik na nakaupo si Alec sa loob ng isang coffee shop na nakatayo sa isang bahagi ng abalang lansangan ng Besmoth City. Kagaya ng madalas mangyari ay kasama niya uli si Ryland na kagaya niya ay tahimik lang din habang sinisimsim ang kapeng laman ng kulay puting tasa. Kanina pa sila naroon at palihim na nakamasid sa paligid.
May nangyaring pagpatay kagabi sa bahaging iyon ng lungsod ngunit walang nakakita o nakaka-alam kung sino ang may gawa. Isang lalaking taong-lobo ang natagpuang walang buhay sa isang madilim na eskinita. Sunog ang kalahati ng katawan nito mula ulo hanggang tiyan kaya hindi hindi kaagad natukoy ng mga otoridad ng Besmoth kung sino ang lalaki. Ngunit malaki ang kutob ni Alec na may kinalaman ang nangyari sa kasong palihim niyang hawak.
"General, sigurado ka bang nasa paligid lang ang gumawa ng krimen?" tanong ni Rylang pagkalipas ng ilang sandali.
Isa ito sa nagustuhan niya sa lalaki. Hind
Tahimik na tahimik si Kathleen habang ang mga mata ay nakatutok sa kaharap na baso ng nagye-yelong iced tea. Hindi niya mapigilang mapangiwi habang nilalaro ang straw na nakalagay sa loob ng mataas na baso. Pinitik-pitik niya ito na tila ba sa pamamagitan ng ginagawa niya ay mababawasan ang tensiyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.Kagaya ng iced tea ay nagye-yelo din ang mga titig ni Alec sa kanya. Wala iyong kasing lamig kaya kahit malamig sa loob ng coffee shop na pinagdalhan sa kanya ng lalaki ay pinagpawisan pa rin siya. Pakiramdam tuloy ni Kathleen ay si Alec ang iced tea. Nagye-yelo na kagaya ng malamig na inumin. Siya naman ang baso. Pinagpapawisan kahit malamig."What were you thinking?" malamig ang tinig na tila nagpipigil sa galit na tanong ni Alec kay Kathleen.Kunot na kunot ang noo nito habang ang mga mata ay nakatitig sa kanya. Wala siyang makitang ibag emosyon doon maliban sa malamig nitong mga. Tingin.
Pagdating sa billard house na sinasabi ni Ryland ay kaagad na hinanap ni Alec ang lalaki. "What are we going to do here?" tanong ni Kathleen kay Alec na hawak pa rin ang kamay niya habang nakasabit naman sa balikat nito ang shoulder bag niya. Muntik na siyang matawa kanina dahil sa anyo nito. Awkward tingnan ang lalaking kagaya ni Alec na may nakasabit na bag ng isang babae sa balikat. Ngunit nang mapansin ni Kathleen ang naiinggit na mga tingin ng mga babaeng nadaanan nila ay kaagad siyang nakadama ng pagmamalaki. Umangat pa ang kilay niya nang makita ang klase ng titig ng mga ito kay Alec. Ngali-ngaling ihawin niya ang mga ito dahil sa gigil. Well, sorry na lang sila dahil hanggang tingin na lang ang mga ito sa asawa niya. Yes, asawa niya! Napangisi pa si Kathleen nang muling pumasok sa kanyang isipan ang katotohanang iyon. Taas-noo siyang umismid ng palihim at bahagya pang umirap. Alec Villarreal
Patamad na nangalumbaba si Kathleen habang nakaupo sa tatlong baitang na hagdan sa kubo nila ni Alec. Mahigit isang linggo na rin siyang naroon sa Hunter's camp. Hindi siya pinayagan ng lalaki na bumalik sa apartmennt niya dahil baka raw doon naman siya puntahan at guluhin ni Simon o kung sino man raw sa mga ex niya. Take note, ipinagdiinan pa talaga ng walang-hiya ang salitang ex na para bang nakagawa siya ng malaking kasalanan dito. Sabagay, oo na. Aaminin na niyang mali nga na nakipagrelasyon pa siya sa iba kahit kasal na sila ng lalaki. Aba, nasaan ba ito? Saka hindi naman nito alam na kasal ito sa kanya.'Bakit, hindi mo rin ba alam?'Ah,basta! Kailangan din niya ng kalambingan, ah.'Lulusot ka pa, Kathleen. Maharot ka lang talaga.' Naka-ismid na kontra ng isang bahagi ng kanyang isipan. 'Mangangatwiran ka pa.' Dagdag pa ng kontrabidang bahagi ng kanyang pagkatao.Napanguso si Kathleen bago bumuga ng hangin. Sa t
Naiiling na bumaba si Alec mula sa dala niyang kotse. Pinauna na niya si Ryland sa Hunter's camp dahil kailangan pa niyang daanan si Kathleen na ayon sa kaibigan nitong si Yhanna ay lasing na. Of course, he knew it. He saw her every actions on his cellphone. Lingid sa kaalaman ng lahat pati ni Kathleen ay may apat na maliliit na camera na naka-install sa kubo niya. He won't be the Claws And Arrows United's head in security and intelligence kung hindi siya maingat at sigurista. Sa kubo niya nakalagay ang mahahalagang impormasyon tungkol sa secret mission na ibinigay sa kanya ni Priam at Caelan kaya kailangan niyang magdoble-ingat. Naglagay din siya ng alarm sa isang bahagi ng kubo kung saan niya itinago ang mga reports na natatanggap niya tungkol sa mission na kapag mati-trigger ay kaagad niyang malalaman dahil naka-attach iyon sa mismong cellphone niya. Katulad ng karaniwang tanawin sa malawak at mahabang lansangan ng Besmoth City tuw
Sa gitna ng magulong lungsod ng Besmoth kung saan nakapalibot ang iba't-ibang libangan, makikita ang napakaraming tao sa gilid ng malawak na kalsada. Walang gabing hindi napupuno ang bahaging iyon kung saan masaya ang lahat. Pawang may masayang mga ngiti sa mga labi na para bang kahit katiting na problema ay wala ang mga ito. They were there to enjoy. The place was made for everyone to have fun and forget about everything. Everyone was there to escape from the reality of life. They were there to enjoy and feel the temporary ecstatic happiness.Ang Besmoth City ang tanging lugar sa buong Midland kung saan matatagpuan ang iba't-ibang klaseng nilalang. Ordinaryong tao, taong-lobo, bampira at mga mangkukulam. Ang lugar kung saan hindi malalaman kung sino at ano ang mga nakakasalumuha, araw at gabi. Ang lugar kung saan walang pakialam ang lahat sa kung ano at sino ka. Ang mahalaga lang ay ang pandaliang kasiyahang doon lang nila mararamdaman.Sa is
Bumaba si Alec sa sinasakyang motorbike at nagpasyang iwanan na lang iyon sa parking lot sa harap ng isang establishment. Lalakarin na lang niya ang lugar dahil sa sobrang dami ng nasa paligid ay mahirap nang magdala ng sasakyan, kahit ng motorbike. Nagpasya siyang maglakad-lakad sa bahaging iyon ng Besmoth kung saan buhay na buhay ang buong paligid pagsapit ng gabi.Habang naglalakad ay hindi mapigilan ni Alec na hindi mapangiwi. Napuno ang ilong niya ng pinaghalong amoy ng beer, sigarilyo at iba't-ibang klase ng pabango. Nakakahilo iyon at masakit sa ulo. Humapdi rin ang mga mata ni Alec dahil sa makapal na usok na nagmumula sa mga sigarilyo. Hindi niya alam kung tama ba ang pasya niyang doon unang maghanap pero alam niyang wala nang ibang perpektong lugar kundi iyon lang. Hindi lingid sa lahat na ang lungsod ng Besmoth ay lungga ng iba't-ibang klase ng nilalang.The perfect place to hide and also the most dangerous city in Midland. The place wherein everyone i
"Do the building blocks, both of you!" sigaw ni Alec sa dalawang trainee na kaagad namang sumunod.Naroon siya sa malawak na training ground ng Hunter's Cavalry camp. Katatapos lang din niyang mag-ensayo kasama si Alexus at naisipan niyang dumaan muna sa ground para tingnan kung mayroon bang improvements ang mga trainees. Tatlumpo ang mga ito at kasalukuyan pang sumasailalim sa mahigpit na training at screening. Bago matapos ang tatlong buwan ay iilan lamang sa mga ito ang tiyak niyang matitira dahil bawat linggo ay may nagpapaalam na ang kadalasang dahilan ay hindi nakayanan ang mahigpit na training. Kung hindi naman ay dahil hindi nakitaan ng improvements.Nagpatuloy sa pag-iikot si Alec hanggang sa mapansin niya ang isang trainee. Nag-iisa ito at maliit ang katawan. Kung pagbabasehan niya ang tindig at ayos ay natitiyak niyang wala itong kahit na basic background sa martial arts. He's doing it the wrong way as he continues punching the wood
NANG masigurong wala na si Alec ay nakangising isinara ni Kathleen ang pintong gawa sa plywood. Sumandal siya roon pagkuwa'y nangingislap ang mga matang itinaas ang kanang braso habang nakalahad ang kamay. Pinagmasdan niya ang kulay pulang pintura sa kuko niya at ibinaba ang kamay. Hinipan niya ang mga kuko bago bumungisngis.Kathleen look around the small hut. Simpleng-simple lang iyon. Gawa sa pinagdikit-dikit na mga kawayan ang dingding niyon at pinatuyong talahib naman ang bubong. May dalawang bintana sa magkabilang bahagi at ang sahig naman ay gawa rin sa kawayan. Bahagya iyong nakaangat sa lupa kaya mayroon iyong maliit na silong. Walang aircon at tanging ang nag-iisang ceiling fan lang ang naroroon. May hindi kalakihang papag sa isang bahagi na may sapin na manipis na kutson. Isang personal refrigerator at isang maliit na mesang gawa rin sa kawayan pati ang dalawang upuan. Bukod doon ay wala nang ibang gamit sa loob ng kubo ni Alec.Bum