Share

CHAPTER FIVE

Dahan-dahang pinihit ni Alec ang seradura ng pinto at kaagad na bumungad sa kanya ang babaeng nakahiga sa papag. Mahimbing ang tulog nito at bahagya pang naka-uklo ang katawan. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang damit niyang nakapatong nang maayos sa katawan nito. Hinubad niya iyon kagabi at nakalimutan niyang ilagay sa marumihan. 

Mabibigat ang mga hakbang naglakad si Alec palapit sa natutulog na babae. Sa bawat paglapat ng mga paa niya sa sahig na kawayan ay lumilikha iyon ng langitngit. Nang marating ang papag ay sandaling nameywang sa Alec. Nagda-dalawang-isip siya kung gigisingin niya ba ito o hahayaan na lang munang matulog. Napailing pa siya nang makitang payapang-payapa ang tulog nito at may bahagyang ngiti pa sa mga labi. Pagkaraan ng ilang sandaling pag-alinlangan ay ipinasya niyang gisingin ito. 

"Wake up..." bagot na turan ni Alec habang mahinang niyuyog ang balikat ng babae. "Hey, wake up, sleepy witch!" pag-ulit niya ngunit wala siyang nakuhang tugon mula rito. 

Lukot ang mukhang tumigil si Alec sa pagyugyog sa babaeng tulog-mantika. Natuon ang paningin niya sa kanyang T-shirt na tila ginawa nitong kumot. Tumayo siya at kinuha ang damit. Nang mailagay sa marumihan ang damiy ay muling bumalik sa tabi mg papag is Alec. Muli niyang hinawakan ang balikat ng babaeng bahagya nang nakanganga habang mahimbing pa rin ang tulog. 

"Kathleen, you witch!" May gigil na turan ni Alec at muling niyugyog ang babae. Nilakasan na niya iyon para masigurong gigising na ito. "Wake up!" halos pasinghal niyang turan. 

Bahagyang umungol si Kathleen ngunit sa halip na gumising ay tinapik lang nito ang kamay ni Alec bago tumalikod ng higa sa lalaking kaagad namang nagbuhol ang mga kilay. 

"Gumising ka nga muna, Kathleen! We need to talk!" paasik niyang turan at muling niyugyog ang balikat nito ng malakas. 

Kathleen hissed. "C'mon, popcorn! Stop acting like a nagging husband. Let me sleep first, please." Ani nito na ang mga mata ay nanatiling nakapikit. 

"No! You wake up now or I'll throw you out of here myself!" 

Hindi naman natinag si Kathleen sa banta ni Alec. Sa halip na dumilat ay itinuloy lang nito ang pagtulog. 

"You crazy woman!" Napipikon nang turan ni Alec. 

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa gilid ng papag at inis na pinagmasdan ang natutulog pa ring si Kathleen. Nauubos na ang pasensiya niya rito. Wala siyang sapat na oras para sa kung anong kalokohan nito lalo na ngayong may importanteng misyong ibinigay sa kanya si Caelan at Priam. At, kung naroon ito para manggulo dahil may nag-utos dito ay sisiguraduhin niyang hindi iyo magtatagumpay. Ngayon pa lang ay itatapon na niya iyo palabas ng Hunter's Camp. 

"Hindi ka talaga gigising, ha..." bulong ni Akec bago yumuko. 

Bahagyang inangat ni Alec ang katawan ni Kathleen para ibangon. Kung ayaw nitong gumising nang matino ay gagawan niya ng paraan. 

"I already told you to—" 

Hindi natapos ni Alec ang sasabihin nang biglang pumulupot sa leeg niya ang mga braso ni Kathleen. Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkabigla ay sumunod namang pumulupot sa beywang niya ang mga binti nito. At, dahil hindi niya inaasahan ang ginawa nito ay nawalan siya ng panimbang. Bumagsak sa papag si Alec at napadagan siya sa katawan ni Kathleen na nakalingkis pa rin sa kanya ang mga braso at binti. 

"What the fuck, Kathleen?!" 

"Hush...you are too loud, popcorn. I'm sleeping." saway ni Kathleen kay Alec na sinundan pa nito ng mahinang paghilik. 

Laglag ang pangang napaawang ang mga labi ni Alec. Nakalimutan niyang nakadagan nga pala siya kay Kathleen at nasa hindi kanais-nais na posisyon sila. 

Ang tagpong nakita nina Alexus, Phoenix, Thorn at Ryland. Papunta ang mga ito sa kubo ni General Yamamori na katabi lang ng kubo ni, Alec. Bukas ang bintana kaya kitang-kita ng mga ito na nakadagan si Alec kay Kathleen na para namang tuko na nakakapit sa katawan ng batang heneral. 

Sabay na napatigil sa paglalakad ang apat at napatunganga. 

"My virgin eyes!" bulalas ni Thorn na nagtakip pa ng mga mata ngunit nakasilip naman sa siwang ng pagitan ng mga daliri nito. 

"Rated SPG pala ang eksena." ani naman ni Phoenix na humalukipkip pa. 

"Sana all may kalampungan, General!" Sigaw ni Alexus na ikinalingon ng nagulat na si Alec. 

Nanlaki ang mga mata ni Alec nang makita si Alexus kasama ang tatlong trainee. Pare-parehong nakatunganga sa kanila ni Kathleen ang apat habang ang mga ngiti ay kasing lapad yata ng bilao. 

"Assholes!" singhal ni Alec sa apat na bigla namang napatayo ng tuwid. Nagkatinginan pa muna ang mga ito bago mabilis na nagpulasan ng takbo. 

"Enjoy your time, General!" pahabol pa ni Ryland bago tuluyang nawala sa paningin niya ang apat. 

Nang masigurong wala na ang mga ito ay muling bumalik ang atensyon ni Alec kay Kathleen na nakapilit pa rin ngunit halatang gising na dahil sa hindi mapigilang ngiti na sumilay mula sa magkabilang sulok ng mga labi nito. 

"Witch!" Galit na usal ni Alec at pabaklas na inalis ang mga braso ni Kathleen na nakapulupot sa leeg niya pati ang mga binti nitong nakalingkis naman sa kanyang beywang. "Shameless!" ani pa niya bago tiningnan ng masama ang babaeng nagkibit lang ng balikat. 

Umayos naman ng upo si Kathleen sa papag bago nakangiting tinitigan si Alec. "I wasn't expecting my husband to be this hot-tempered. Though, I found it cute—"

"Stop calling me 'husband' and enough with your game now, Kathleen Vadeenberg!" May diin at medyo malakas ang boses na sabi ni Alec kay, Kathleen, na napatigil naman sa pagsasalita at nawala ang ngiti. 

"And, who's playing games with who, General  Akec Villarreal?" May bahid ng pagkainis na ani naman ni Kathleen. 

Madilim ang mukhang dinuro ni Alec si Kathleen. 

"P'wede ba, Kathleen o kung sino ka man, huh—stop messing with my life already. I ain't have spare time to play games with you. Go and find someone else!" 

Humalukipkip si Kathleen at ang mga matang kulay berde ay nagkaroon ng talim. 

"Wala namang nakikipaglaro sa iyo, Alec..."

"Wala?! Eh, ano ito? You just came into my life out of nowhere, claiming that I am your husband. Kissing me in public and you are not even contented about it yet. Pumunta ka pa rito para dito naman ipagkalat na asawa kita. Kailan kita naging asawa? Ni hindi nga kita kilala!" mahabang turan ni, Alec. Bakas sa kanyang tinig ang hindi mapigilang galit para kay Kathleen. 

Bahagyang lumamlam ang luntiang mga mata ni Kathleen nang marinig ang mga sinabi ni Alec ngunit sa halip na magpa-apekto ay huminga siya ng malalim bago tuwid ang mga matang tinitigan si Alec. 

"I am just claiming what's rightfully and legally mine, General Alec Villarreal. What's wrong with that?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status