Share

CHAPTER SIX(PART 2)

"ATE Kathleen, sigurado ka bang darating ang kaibigan mo?" Tanong ni Phoenix kay Kathleen habang magkasama silang naglalakad patungo sa main road kung saan naghihintay ang kaibigan ng huli. 

Ngumisi si Kathleen bago tumango. "Trust me, guys..." she answered. 

May mahigit tatlong daang metro rin ang layo ng Hunter's camp sa main road. At, dahil wala silang dalang sasakyan ay kailangan muna nilang maglakad. Alerto din sila sakaling may matanaw na sasakyang parating at kaagad na nagtatago sa likod ng malalaking punong nasa gilid ng daan. 

Nang makarating sa main road ay sandaling nagpalinga-linga sa paligid si Kathleen. Kaagad na gumuhit ang masayang ngiti mula sa gilid ng mga labi niya nang matanaw ang kulay puting sasakyan, hindi kalayuan mula sa kinatatayuan nila. Tatlong beses ding nagpatay-sindi ang ilaw sa harapan nito na mas lalong nagpalawak ng ngiti ni Kathleen. It was their signal. 

"It's her!" Ani ni Kathleen sabay hakbang palapit sa naghihintay na sasakyan. 

Napasunod naman sina Alexus, Phoenix, Thorn at Ryland kay Kathleen na pare-pareho ding nakangiti. 

It's been a while since they last came to Besmoth City to enjoy. And, they're excited! 

Nang tuluyang makalapit sa sasakyan ay dahan-dahang bumaba ang bintana ng kotse at bumungad sa kanila ang nakangiting kaibigan ni Kathleen. 

"Hey, Kath!" nakangiting bati nitong bahagyang isinungaw ang ulo sa bintana. 

"Yhanna!" masayang bati rin ni Kathleen sa babae. 

Mangha namang napatitig ang apat kay Yhanna lalo na ng ilabas nito sa bintana ang nakakuyom na kamao at nakipag-fist bump kay Kathleen. That's a little different from the typical greeting gestures of the girls. They usually saw girls kissing each other from cheek to cheek whenever they see their friend.

"Let's go?" turan ni Yhanna kay Kathleen na mabilis namang tumungo. 

Hahakbang na sana si Kathleen patungo sa kabilang bahagi ng sasakyan nang nito ang halos sabay-sabay na pagtikhim ng apat na nakatayo pa rin sa likuran nito. Natigilan si Kathleen at bahagyang napangiwi nang lingunin nito sina Alexus na parang iisa amg mukhang pare-parehong lukot ang ilong at nakasimangot. They're waiting for her to introduce them to Yhanna. 

"Oh, wait!" ani ni Kathleen bago pa man tuluyang lumuha sina Alexus, Ryland at Thorn na matatalim na rin ang mga matang nakatingin sa kanya. "Before I forgot, meet my new friends first." aniya kay Yhanna na napatingin naman sa apat na kaagad ding tumayo ng tuwid at iniliyad pa ang mga dibdib. 

Well, maliban kay Phoenix na tahimik lang na nakatayo sa tabi ni Thorn habang nakahalukipkip. 

"Hi, I'm Yhanna," ani ni Yhanna sa mga ito sabay labas ng kamay at inilahad sa apat na nag-unahan pa sa pag-abot. 

"Alexus..." Mabilis na turan ni Alexus. At, dahil ito ang pinakamalapit kay Yhanna ay kaagad nitong naabot ang kamay ng babae. 

"Ryland here," Ani naman ni Ryland at hindi rin nagpahuli kay Alexus. Mabilis din nitong inabot ang kamay ni Yhanna para makipagkamay. 

"It's Thorn," Sabad naman ni Thorn at inabot din ang kamay ni Yhanna. "And, that standing statue right over there is Phoenix." ani pa nitong inginuso si Phoenix na bahagya lang tumango kay Yhanna. 

Ilang sandali pa ay pare-pareho na silang nakasakay sa sasakyan ni Yhanna. Nakaupo sa backseat ang apat at dahil pare-parehong may kalakihan ang mga katawan, bukod pa sa matatangkad ay nagsiksikan ang mga ito roon ngunit hindi naman nagreklamo. 

Pasado alas-nuebe ng gabi na sila nakarating sa Besmoth City at kagaya ng inaasahan ay puno na ang kahabaan ng lansangan. May mga nagsasayawan at nagkakantahan habang ang iba naman nagku-k'wentohan habang nag-iinuman. 

"Ngayon ang gig nina Crystal. Doon tayo." ani ni Yhanna nang tuluyan silang makababa ng sasakyan nito pagkatapos na maiparada ng maayos ang kotse sa isang tabi. 

Maglalakad na lamang sila dahil hindi na makadaan ang mga sasakyan sa malawak na kalsada. Punong-puno ng iba't-ibang nilalang ang paligid at halos hindi na magkarinigan dahil sa sobrang ingay. Halo-halo na ang amoy at kung hindi sanay sina Kathleen ay tiyak na kanina pa sila nagsuka dahil sa nakakahilong amoy ng paligid. 

"Yo, Kath!" tawag ng isang lalaking nakatayo sa isang bahagi kasama ang ilan pang kalalakihan. May hawak itong bote ng alak gayundin ang mga kasama nito. "Long time no see, huh." ani nitong nakangiti. 

"Hello there, Nathan!" pansin ni Kathleen sa lalaki sabay taas ng kanang kamay para kumaway. Nakilala niya si Nathan dalawang taon na ang nakakaraan. He was her ex-boyfriend. Things didn't work out for both of them and they end up parting ways. 

Tuloy-tuloy na naglakad sina Kathleen at paminsan-minsang tumitigil kapag may nakikitang kakilala.

"Mukhang kilalang-kilala ka rito, Ate Kathleen, ah." puna ni Alexus na nakasunod sa dalawang babae kasabay ang tatlong kaibigan. 

Natawa si Kathleen. "Kinda..." she answered as she looked back at them. 

Malayo na rin ang narating nila bago sila lumiko sa isang eskinita at mula roon ay bumungad sa kanila ang hindi kalakihang stage na nasa gitna ng kalsada. May babaeng kumakanta sa gitna ng stage at nasa likod nito ang mga kasamahan sa banda na abala sa pagtugtog habang nakikisabay ang mga ulo sa pag-indak ng mga nanonood. 

"Wow! This is cool..." tuwang sabi ni Thorn na kaagad na nakisayaw sa isang grupo ng mga babaeng sumasayaw din. 

"Hey, boys," tawag ni Kathleen sa apat. "Enjoy the night!" Nakangiti niyang turan bago lumapit sa stall na nasa isang tabi para kumuha ng beer. 

"Kath," kaagad na bati ng lalaking nakatayo roon. "Yhanna!" baling naman nito sa katabi ni Kathleen na tumango lang. 

"Dating gawi, Japs!" nakangiting turan ni Kathleen na kaagad namang naunawan ng lalaki. 

Kumuha ito ng disposable cup at sinalinan ng beer bago inabot kay Kathleen na kasalukuyang sumasayaw kasama si Yhanna. Kumaway pa ito sa babaeng kumakanta sa ginta ng stage na kaagad namang itinuro si Kathleen at nagflying kiss. 

"Here's your drink, Kath." Ani ni Japs sabay abot ng basong may lamang beer bago inabot ang isa kay Yhanna. 

"Thanks, man!" ani ni Kathleen na kaagad na dinala sa mga labi ang basong may alak at uminom. "Anyway, they're with me." turan ni Kathleen pagkaraan ng ilang sandali at inginuso sina Alexus, Ryland, Thorn at Phoenix na abala na sa pagsayaw. 

Humakbang si Kathleen patungo sa harap ng stage kasunod si Yhanna. Itinaas niya ang baso nangangalahati pa ang laman bago sumayaw. She moved hips and danced like a pro. Umikot siya at bahagyang ikiniling ang ulo bago bago muling iginiling ang beywang. 

"Go, Kath!" sigaw ng mga naroroong nakakakilala na kay Kathleen. 

Napangisi naman si Kathleen at mas lalong iniliyad ang katawan. Itinaas niya ang dalawang kamay bago tumingala sa buwan na nakasilip mula sa isang kumpol ng mga ulap. Ngumiti siya ng matamis bago lumingon ngunit kaagad ding natigilan. Tumigil siya sa pagsayaw at ikinurap ang mga mata ng ilang ulit. Bahagya siyang kinabahan. 

Alec... 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status