Share

Kabanata VIII

Ako naman ang natigilan, kusang humaplos ang palad ko sa aking dibdib ng saglit itong manikip. Tumalikod ako pansamantala upang itago ang hindi ko maipaliwanag na kirot na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa hindi niya kayang kalimutan ang first love niya o dahil sa ramdam ko ang sakit sa puso niya. Ako ba ang nasasaktan o naaawa lamang ako sa pinagdadaanan niya? Ngunit ano nga bang pakialam ko, hindi naman kami close lalo at wala naman akong pakialam sa kanya.

“Johara was the only girl I’ve ever loved. Mula pagkabata, palagi syang nasa tabi ko, kailanman ay hindi niya ako iniwan. We both loved each other and we promise na kailanman ay hindi maghihiwalay. She was everything to me, she was my life. So how can I forget her?”

Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon kay Jiro. Sa pagkakakilala ko sa kanya hindi siya ang tipo ng lalaki na magkokwento ng nakaraan nya lalo na sa akin na hindi naman niya lubos na kilala. Ngunit hinahangaan ko ang pagmamahal na meron siya pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status