“Johara nandiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Ang sabi mo babasahan mo ko ng kwento bago ako matulog. Si Jiro na naman ang kasama mo, nagtatampo na talaga ko sa sayo,”Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi matapos marinig ang boses ni Doña Melissa. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago ako nagtangkang lumingon sa kanya. Nang magkaharap kami ay saka ko lang napansin na nakasuot na pala ito ng pajama at tila handa na upang matulog, dala na rin kase nito ang manikang palagi niyang yakap sa pagtulog. Hindi ko nais na malaman ni Jiro na narito ako sa labas ng kanyang silid, lalo na ang isiping nakita at narinig ko ang lahat. Kaya naman agad akong lumapit at hinawakan sa braso ang Doña upang igiya pabalik ng kanyang silid bago pa kami abutan ni Jiro.Habang naglalakad kami ay nakahawak ako sa braso ng Doña, hindi ko maiwasan ang magtaka dahil sa pananahimik nito kayat naisipan kong marahil ay nagtatampo na nga ito sa akin gaya ng sabi niya kanina.Bigla
Maliwanag na ang labas ng magmulat ako ng mga mata, marahil kung hindi tumama sa mukha ko ang liwanag ng araw ay hindi pa ako magigising. Ang plano ko sana ay gigising ako ng maaga upang magluto ng breakfast ni Jiro at ni Doña Melissa ngunit naalala kong malamang ay hindi rin iyon papansinin ni Jiro. Isa pa hindi rin ako sigurado kung makakagising ako ng maaga dahil madaling araw na ata ng makatulog ako, dahil sa pag-iyak. Kagabi ay lumabas pa ako ng kwarto upang doon umiyak, hindi ko kase napigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit nagiging emosyonal ako nitong mga nakakarang araw. Kung bakit nasasaktan ako kahit wala man akong karapatan.“Nababaliw na ata ako,” Awtomatikong napatingin ako sa gilid ko ng maalala si Jiro, ngunit na-disappoint lang ako matapos makitang mag-isa na lamang ako sa kwarto. Ano pa nga bang aasahan ko tanghali na, malamang pumasok na iyon sa trabaho.“Hindi ka naman tunay na asawa para magpaalam sayo bago pumasok,” sigaw ng utak ko. Napatango tuloy
“Hmmn you smell good Hon, you still have your natural scent which I like the most,” nanindig ang mga balahibo ko hindi dahil sa sinabi ni Jiro, kundi dahil sa ginawa nito. Kasalukuyan akong nakasandal sa kanya dahil ang isang kamay niya ay naroon sa likod ko at nakayakap sa bewang ko. Ramdam ko ang paghaplos nito sa tagiliran ko kayat hindi ako mapakali. Hindi ako kumportable dahil sa takot na baka may makakita sa amin, idagdag pa na kakaibang init na rin ang nararamdaman ko dahil sa panay na paghalik niya sa balikat ko.Hindi matalo ng lamig mula sa sasakyan ang init na nagmumula sa sa kanyang hininga sa tuwing lumalapit ang labi niya sa balat ko.Agad kong sinulyapan ang mga kasama namin sa sasakyan, nakahinga ako ng malalim ng makitang halos lahat ay natutulog. Nasa unahan namin si Doña Melissa at Nay Ising, habang kami ni Jiro ay naupo sa bandang dulo. Si Jiro ang nag- insist na dito kami maupo, pero kung ako ang tatanungin ay mas gusto kong makatabi si Doña Melissa. Bakit? Upang
“Natatakot ako, hindi ko kakayanin kung mawala ka sa akin!”“Hindi ako mawawala, ipinapangako ko sa’yo lahat ay gagawin ko para manatili tayong magkasama. Hindi ako mawawala sa tabi mo dahil mahal na mahal kita Haira,”“Mahal din kita, sobrang mahal,”Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko, ngunit patuloy sa paglandas ang mga luha ko at tila wala itong planong tumigil. Muli, ang masakit na panaginip na iyon ang siyang gumising sa akin. Halos tatlong buwan na rin nang magsimula akong managinip ng mapanakit na eksena ng dalawang magkasintahang hindi ko naman kilala. Gustuhin ko man silang kilalanin ay hindi ko naman makita ng malinaw ang mga mukha nila sa aking panaginip.“It’s just a dream, pero bakit ang sakit?” pabulong kong sambit saka muling ipinikit ang aking mga mata. Ngunit agad din akong napadilat at muling napatitig sa kisame ng aking kwarto.“Teka nasaan ako?”Mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga sapagkat hindi ito ang kwarto ko. Nasaan ba ako? Inilibot ko ang mga
“Ara, buti naman dumating kana,” Lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko ng pagkababa ko sa taxi ay agad akong sinalubong ni Anie, isa sa mga kasambahay namin at kaibigan ko.Madating pa lamang ako ay natatanaw ko na siya sa labas ng gate namin na tila hinihintay talaga ang pagdating ko.“Anong problema Anie?” nagawa ko pang itanong ngunit sa totoo lang ay nakakaramdam na ako ng takot. Paano kung nalaman na nila ang nangyare sa akin? Hindi ko pa batid kung paano ako humantong sa ganong sitwasyon kaya’t hindi ko magagawang ipaliwanag sa kanila ang totoo. Paano ko ipagtatanggol ang sarili ko kung maging ako ay hindi ko alam kung ano nga ba ang nangyare ng gabing iyon. Ngunit ang pinaka kinatatakutan ko ay ang malaman ni Theo, siguradong manganganib ang relasyon naming dalawa.“Si Sir Theo kanina kapa hinihintay,mukang galit ito at-“Si Theo?” halos pabulong kong tanong ng marinig ang pangalan ng nobyo ko. Isang tango ang isinagot sa akin ni Anie, ngunit takot ang mababakas sa kanyang
“Walanghiya ka Sarah! Bakit mo ginawa sakin to?” umiiyak sa gigil na tanong ko kay Sarah. Hindi ko naisip na hahantong sa ganito ang galit niya sa akin. “Sorry na sis, ikaw naman kase masyado kang epal sa buhay ko. Lahat na gusto mo sayo, kayamanan at Daddy ko inaambisyon mo samantalang sampid lang naman kayong mag-ina!” “Wala akong kasalanan sayo Sarah, wala akong kinukuha sayo. Kailangan malaman ito nila Theo,” impit akong napasigaw ng sipain ni Sarah ang binti ko dahilan upang mapaupo akong muli buhat sa pagtangka kong tumayo. Agad niyang hinaplot ang buhok ko saka nanlilisik ang matang pinakatitigan ako.“May maniniwala kaya sayo? Halika sasamahan pa kita,” nakangisi niyang wika, lalo akong naiyak dahil sa inis. Hindi na niniwala sa akin si Theo ng sabihin kong hindi ko ginusto yun, malamang hindi rin nila paniwalaan ang pagsusumbong ko kay Sarah. Marahil ay lalo lamang sila magagalit sa akin, hindi ko dapat ubusin ang oras ko sa pagbunyag sa ginawa ni Sarah. Kailangan mapataw
“Anak kamusta kana?” Napahinto ako sa pagkain ng magtanong si Mommy, kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata.Ang daming naganap sa buhay ko, inakala kong pababayaan na ako ng Panginoon ngunit nagbigay parin ito ng awa sa akin. Matapos kong umalis sa amin ay ilang araw akong nagpalaboy laboy sa kalye. Nagawa kong mamalimos upang may makain. Sinubukan kong lumapit kay Theo noong una ngunit paulit-ulit niya akong tinataboy kasama ng masasakit na salitang binabato niya sa akin. Alam kong galit siya ngunit hindi ko matanggap na kaya niya akong husgahan ng ganon, ang akala ko mahal niya ako ngunit tila mali ang lahat ng akala ko. Gaya ng inakala kong pagmamahal sa akin ng nakagisnan kong ama.Halos tatlong linggo na ang nakakalipas simula ng iwan ako ng lahat. Laking pasasalamat ko ng hinanap ako ni Anie at pansamantalang pinatuloy sa bahay nila. Isang araw ay binalita nito na gusto akong makausap ng Mommy ko kayat pasikreto kaming nagkita.“Mom, hindi mo ba ko tunay na anak? Ampon
“I don’t care how much it cost, ubusin nyo ang lahat ng pera ko mahanap lang siya! Halughugin nyo ang buong Pilipinas kung kinakailangan!” galit na galit sigaw ni Jiro sa mga private investigator na hinire niya matapos ibalita ng mga ito na hindi parin nila nahahanap ang pinapahanap nito.“Yes sir, we will do everything para mahanap siya,” magalang na sagot ng isa sa mga ito.“You better do, dahil kapag may nangyareng masama sa kanya, ako mismo ang tatapos sa mga buhay nyo! Now get out of my sight and do your work!” muli ay bulyaw nito kayat nag alisan na ang mga lalaki.Tila apoy ang mga mata ni Jiro dahil sa labis na galit. Tumayo siya mula sa kanyang swivel chair upang magpalakad lakad. Isang suntok ang pinakawalan niya kayat umagos ang dugo mula sa kanyang kamao na naroon parin sa pader na sinuntok niya.“Stop messing your life, sa tingin mo ba matutuwa si Johara sa ginagawa mo!” Isang magandang babae ang pumasok sa opisina ni Jiro kayat napilitan ang binatang bumalik sa harap ng