Share

Simula

Simula

“Doc, nasa office niyo po si Doktora Heidi,” sambit ng isang babaeng nasa mid 30’s kay Erickson. She’s Fey, isa siyang head nurse sa wing ni Dr. Erickson Brown.

“Sige, I’ll just put it off,” sambit ni Dr. Brown sa head nurse bago pumasok sa isang room kung saan niya tinanggal ang surgical scrub, surgical gown and gloves. Katatapos lang kasi ng isang operasyon niya na umabot ng halos limang oras. Medyo pagod pa siya at gusto sanang magpahinga ngunit hindi niya rin kayang tanggihan ang asawa ng matalik niyang kaibigan na si Solomon.

He’s now wearing his lab coat as he approached his office. Bubuksan na niya sana ang kanyang office nang tumunog ang kanyang phone para sa isang tawag. A smile curved on his lips when he saw the name of his wife.

“Yes, honey?” he answered the call.

“Anong oras ang uwi mo?” tanong ni Mary, ang kanyang asawa.

“My duty is almost done, why?” nagtatakang tanong ni Erickson sa asawa. Madalang kasi itong magtanong sa kanyang pag-uwi dahil alam naman nito ang schedule niya.

“Madison is having tantrums she wants to go to the park but I’m still busy with the company, honey,” malungkot na sinabi ni Mary. Ito ang nagiging madalas na problema nilang mag-asawa. Simula nang dumating si Madison ipinangako nila na hindi sila magkukulang ng oras para dito. Napag usapan nilang kapag may isang hindi pwede kailangan ng isa na magpaubaya para daluhan ang nag iisang anak.

His wife owns a company na ipinamana pa ng ama nito at siya naman ay isang doctor and this is why they need to compromise for their daughter who is only five years old.

“Okay, matatapos na ako dito. Pupuntahan ko kaagad siya. Don’t worry,” he assured his wife.

“Thank you honey…please take care,” malamyos na sinabi ni Mary sa asawa.

“I love you…” Erickson bid goodbye.

Matapos ang tawag ay binuksan na ni Erickson ang pinto ng kanyang office at agad napakunot ang kanyang noo nang makita si Heidi Howard. Ito ay asawa ng matalik niyang kaibigan na nagmamay ari ng hospital kung saan siya nagtatrabaho ngayon. Heidi is also a doctor at ang alam niya ay papunta ito sa kababata nitong si Jenny. Solomon told him that it’s Jenny’s birthday today.

“Heidi,” tawag niya sa babae na ngayon ay hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan. Palakad lakad ito at halatang may gumugulo sa isip nito.

“Erickson!” may takot sa mga mata nito. Nagulat siya nang mabilis na nilock ni Heidi ang pinto ng office niya.

“What’s wrong?” nagtatakang tanong ni Erickson at inalalayan si Heidi na halatang panghinang panghina. Gusto niyang magtanong kung nasaan ang asawa nitong si Solomon ngunit maaaring hindi ito ang tamang panahon para sa tanong na ‘yon.

“I…I…s-saw something…” nanginginig ang boses nito. Hinawakan ni Erickson ang magkabilang balikat ni Heidi para pakalmahin ito dahil ramdam niya ang panginginig ng katawan nito.

“You have to breathe properly, Heidi—”

“J-Jenny is dead…Erickson…p-pati ang asawa niyang si Gervan Watson! T-They…killed even their daughters!” nagpapanic at mabilis na sinabi ni Heidi. Halos hindi ‘yon masundan ni Erickson ngunit isa lang ang naintindihan niya.

Jenny is dead.

“What are you talking about? Di ba doon ang punta mo ngayon? It’s Jenny’s birthday!” Erickson said. Umiling si Heidi at tuluyan nang tumulo ang mga luha.

“Yes! I…visited their place…but…I saw…them…murdering Jenny and Gervan Watson and their…daughters!” mas malinaw na ngayon ang pagkakasabi ni Heidi. Natigilan na lamang si Erickson sa narinig. Gervan Watson is also a friend of him. Isa ito sa mga barkada nila ni Solomon noon. Naalala niya pang nakainuman pa nila ito kasama ang kapatid nitong si Landon Watson.

“T-Then…they saw me! K-Kaya tumakbo ako ng mabilis. They chased me! So, I hide myself at nang mawala ko sila ay mabilis akong nag commute patungo dito sa hospital. A-Anong gagawin ko, Erickson?!” umiiyak nitong tanong. Nanlalamig ang mga kamay nito.

Hindi niya rin alam ang dapat gawin sa mga oras na ‘yon. Hindi siya makapaniwala na ganoon ang pinagdaanan ni Heidi bago makarating dito.

“W-We need to inform Solomon about this—”

“No!” nagulat siya sa bayolenteng pagsigaw ni Heidi sa kanya. Muli na naman ‘tong umiyak.

“I…heard them talking…the murderers, Erickson…n-nakilala nila ako. Ang sabi nila…papatayin din nila ang asawa ko at ang anak ko kapag pinagsabi ko ang nakita ko! H-Hindi ko kayang madamay si Solomon at Rocco dito, Erickson!” umiiyak na sambit ni Heidi. Pumikit nang mariin si Erickson. Hindi na rin alam ang kanyang gagawin.

“Kung ganoon…we need to report this to the police,” Erickson suggested. Umiling na naman si Heidi.

“The police can’t handle them…” puno ng pighati na sinabi ni Heidi.

“What do you mean?” naguguluhang tanong ni Erickson. Ito lang ang tanging paraan na nakikita niya para matahimik si Heidi. Sa ganoon ay magkaroon ng katarungan ang pagkamatay ng pamilya ni Gervan!

“I have long kept it a secret from Solomon, but my father was once one of them, Erickson. You heard the word ‘Mafia’? They are dangerous people. They do underground business; they kill for power. At kahit ang gobyerno ay hindi sila makakaya, Erickson. Kung magiging mahina ka at pababayaan ang iba na lumakas paniguradong mamamatay ka. At ‘yon ang pagkakamaling nagawa ng aking ama and because of that he was killed by the other mafia org. Actually…my name is listed on the block list…and I have a bounty on my head.”

Tumitig si Heidi kay Erickson na nananatiling nakikinig sa kanya. Kitang kita ang gulat sa mukha ni Erickson.

“But I changed my name and lived normally,” dagdag ni Heidi.

“Are you trying to say that…a mafia group killed Gervan’s family?” hindi maiwasang pangilabutan ng katawan si Erickson. He heard about Mafias but…he never imagined that they are true.

“Yes…” mas lalong naiyak si Heidi.

“Listen to me, Heidi. I’ll drive you home. Mag impake ka ng gamit at isama mo si Rocco sa ibang bansa. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Solomon—”

“Tomorrow is Rocco’s tenth birthday, Erickson…” humagulhol si Heidi sa kanyang balikat. Hindi mapigilang maawa ni Erickson sa kaibigan at niyakap ito ng mahigpit.

Kagaya ng sinabi niya ay hinatid niya ito sa bahay. Ngunit bago ito lumabas ng kanyang sasakyan ay isang videotape ang binigay nito sa kanya.

“Ano ‘to?” Erickson asked in confusion. Tumitig sa kanya si Heidi.

“I want you to hide this…at siguraduhin mong maaalala ng ‘yong anak kung saan mo ‘yan itatago,” ngayon ay medyo mahinahon na ang boses ni Heidi pero halata pa rin sa mga mata nito ang matinding pag-iyak kanina.

“Why? I don’t understand—”

“Kahit anong gawin ko…Solomon and Rocco…at maaaring ikaw ay nasa panganib na ang buhay. They recognized me at hindi lang ‘yon they recognized me as an heiress of my mafia father. Kaya habang nabubuhay pa ako kailangan kong gumawa ng paraan…para maprotektahan kayo,”

Hindi na makaimik si Erickson. Masyado nang malalim ang sinasabi ni Heidi. Mula sa likod ni Heidi ay nakita niya ang mag sasampung taong gulang na si Rocco na nag iintay sa paglabas ng kanyang ina. Sa likod nito ay ang nag aalaga dito habang wala si Heidi.

“Ipangako mo sakin Erickson…” ibinalik niya ang mata kay Heidi. Her eyes were full of determination. Wala na ang takot na ipinakita nito kanina.

“What is it?” Erickson asked.

“You have to promise me to keep everything a secret. And this secret will remain a secret until our death,”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status