Share

02: Encounter with a Howard

02: Encounter with a Howard

Hindi mapigilang mag isip nang malalim ni Madison habang nakatitig sa mala toreng papeles na nakalapag sa kanyang table sa loob ng office ng Mommy niya. Noong bata pa siya madalas na siyang isama ng kanyang ina sa opisina at mayroon siyang ilang alam sa kalakaran sa kanilang kompanya.

Kaya lang hindi niya in-expect na ganito karami ang ginagawa sa kompanya! O baka naman dahil matagal nawala ang kanyang ina kaya tambak talaga ang mga gawain?

Hindi niya na alam. Ang gusto niya na lang ay matapos ang lahat ng ito at makauwi na sa bahay nila at makapagpahinga. Binuksan niya ang kanyang laptop at doon ay nagbasa ng ilang emails na pinasa lang kanina ng secretary ng mommy niya na si Miss Sheena.

Kumunot ang noo niya nang makita ang apelyidong Howard doon. She opened the email and saw an invitation for appointment. Napaisip tuloy siya ng malalim. Naalala niya na kitang kita niya ang matinding pagtutol ng kanyang Uncle Rey sa mga Howards. Hindi niya ‘yon maintindihan dahil paniguradong makakatulong ang kompanya ng mga Howard lalo na’t bagsak ang kompanya ngayon.

Hindi niya alam kung anong gusto ng mga Howards pero siguradong for business stake lang din naman ang lahat. Pero dahil nga sa kanyang Uncle ay mabilis itong tinurn down. Nagkibit balikat na lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Nang dumating ang 12 noon ay mabilis siyang nagligpit ng gamit dahil may pasok siya sa school ng ganoong oras.

Kahapon niya pa inayos ang schedule niya sa school at napagdesisyonan niyang magpalipat sa afternoon classes dahil papasok naman siya sa kompanya tuwing umaga. Pinili niya rin ‘yon dahil may tinatake si Angeline na dalawang subjects tuwing hapon kaya magkakasama pa rin sila.

“Ikaw na ang bahala dito Miss Sheena. Aalis na ako,” paalam niya kay Miss Sheena habang sinusukbit ang kanyang bag. Medyo nagmamadali na rin siya dahil napansin niyang late na siya sa kanyang afternoon classes.

“Sige po Ma’am! Take care po!” masiglang sinabi ni Miss Sheena kay Madison. Mabilis namang kumaripas ng alis si Madison. Agad siyang sinundan ng kanyang personal bodyguard na si Nelson. Nasa mid 40’s na ito at bihasa ito sa kahit anong klase na labanan. Hindi na rin maalala ni Madison kung anong edad siya nang nagsimula itong paglingkuran ang pamilya.

“Ma’am akin na po bag niyo,” suhestyon ni Nelson nang makitang nahihirapang ayusin ni Madison ang kanyang necktie dahil sa kanyang bag.

“Salamat kuya Nelson,” medyo nagpapanic na sinabi ni Madison at inayos ang kanyang necktie na parte ng uniform ng kanilang school. Nang makarating sila sa basement ng building ay agad siyang giniya ni Nelson sa van na maghahatid sa kanya patungo sa school.

“Kuya Nelson medyo bilisan niyo na po ha. Late na ako eh,” nag aalalang sinabi ni Madison sa kanyang personal bodyguard. Nakita niya rin ang text ni Angeline sa kanya nang buksan niya ang kanyang cellphone. Nagtatanong ito kung nasaan na siya kasi malapit nang magsimula ang klase.

Buti na lang kahit papaano ay nakahabol siya sa klase at sabay silang pumasok ni Angeline. Hindi inakala ni Madison na simula ngayon ay ganoon na ang magiging buhay niya hangga’t hindi pa nakakatayo ng maayos ang kanyang ina. Kaya naman nang matapos ang klase ay halos maubusan na siya ng kaluluwa sa sobrang pagod. Nauna na ring umuwi si Angeline dahil dalawa lang naman ang subject niya tuwing hapon.

Lantang gulay siya nang pumasok siya sa loob ng van. Nandoon na si Nelson para ipagdrive siya pauwi. Dapit hapon na rin. Kitang kita ito sa kulay kahel na kalangitan.

“May gusto pa po ba kayong puntahan, Ma’am?” tanong ni Nelson kay Madison. Bumuntong hininga si Madison.

“Daan tayo sa malapit na bookstore kuya,” sambit ni Madison.

“Sige po,” mabilis naman na tugon ni Nelson.

Ramdam ni Madison ang pagod at stress sa kanyang katawan. Hindi niya na alam kung anong uunahin niya. Ngunit wala naman siyang magagawa. Dadating talaga ang panahon na siya ang magmamanage ng kompanya ng Mommy niya ngunit…alam niya sa sarili niya na hindi ito ang totoong hinahanap ng puso niya.

Nang makapasok sila sa bookstore ay nanatili lamang si kuya Nelson niya sa kanyang tabi habang siya ay tumigil sa tapat ng isang shelf na puno ng medical books. Umupo siya sa sahig at kumuha ng libro para magbasa. Ever since she was a child sa tuwing napapagod at naiistress siya ito ang takbuhan niya. Ang magbasa ng mga libro na hilig niya.

Natatandaan niya pa noon ang araw na unang beses siyang dinala ng kanyang Daddy sa office nito. Agad siyang natuwa sa mga larawan at body structures na nakita niya sa loob ng office ng kanyang ama. Gustong gusto niya rin ang lab coat na palagi nitong suot tuwing nasa trabaho. Noong bata pa siya…palagi niyang pinagmamasdan ang kanyang ama na may kislap sa kanyang mga mata.

And that’s when she knew…that she also wants to be like her father. She wants to be a doctor someday. Ngunit hindi niya ‘yon sinabi kahit kanino. Kahit sa kanyang ama ay hindi niya ‘yon sinabi. Dahil madalas niyang marinig na siya lang ang magmamana at aaku ng responsibilidad sa kompanya ng kanyang Mommy.

Habang nagbabasa ay nakita ni Madison ang pagpatak ng tubig sa page ng libro na binabasa niya. Mabilis niyang pinalis ang luha na lumandas sa kanyang pisngi. Hindi niya namalayan na tahimik na siyang umiiyak. Her vision was blurred because of the tears in her eyes. Simula nang mamamatay ang kanyang ama hindi niya namamalayan na palagi na siyang tahimik na umiiyak. Ayaw niya kasing maging mahina rin sa harap ng kanyang ina.

Ayaw niyang sabayan sa pagluluksa ang kanyang ina dahil alam niyang mas manghihina ito kapag nakita siya nitong malungkot at umiiyak. Gusto niyang maging malakas sa harapan ng kanyang ina para naman magkaroon din ito ng lakas para bumalik sa sarili nitong mga paa.

Hinayaan lang siya roon ng kanyang kuya Nelson. Pakiramdam niya alam ng kanyang personal bodyguard ang ginagawa niya pero kahit isang salita ay wala itong sinasabi. Sa tagal na nito sa serbisyo para na rin itong naging silbing ama sa kanya sa tuwing may duty ang kanyang Daddy sa hospital noon.

Kumuha ng isang libro si Madison para hiramin sa bookstore. Kaya naman lumapit siya sa nagbabantay ng bookstore. Nakita niyang may customer pa sa unahan kaya pumila siya sa likod nito.

“Ano pong name nila?” rinig niyang tanong nung babae sa counter. Napansin niyang titig na titig ito sa lalaking nasa unahan niya. Hindi tuloy maiwasan ni Madison na mapatingin sa likod ng lalaking nasa unahan niya. Napansin niyang matangkad ito at matipuno pa rin ang katawan kahit may kaunting uban na siyang nakikita sa buhok nito.

“Solomon…Howard. This is my I.D,” natigilan si Madison sa narinig. Tama ba ang pagkakarinig niya? Howard? Hindi ba’t…ang pangalan na ‘yon ang may nagmamay ari ng isa sa mga tanyag na kompanya ngayon? Bakit nandito ang isang Howard sa bookstore na ‘to? Hindi mapigilang magtaka ni Madison.

“Please come back again, Sir!” maligayang sinabi nung babae sa counter. Tumango naman yung lalaki at tuluyan nang humarap kay Madison para umalis. Natigilan si Madison nang makita ang lalaki. Mga nasa 40’s na ito or going 50 o siguro kasing edad lang halos ng kanyang ama pero nakakamangha ang halos dilaw nitong mga mata dahil sa pagka light ng color brown nitong mga mata.

Mukhang may lahi.

Sa pagkakataong ito sigurado na si Madison na maaaring Howard nga ito. She heard that Howards are German.

Nilampasan lang siya nito. Akma na sana siyang lalapit sa counter nang maramdaman niyang tumigil ang matanda sa likod niya. Hindi niya napigilang lumingon dito.

“You’re…Dr. Brown’s daughter, aren’t you?” nanlaki ang mata ni Madison nang marinig niya ‘yon sa matandang Howard! Paano niya nakilala ang kanyang ama? Kilala niya ba ito? Kaya ba gusto niyang magpa appointment sa kompanya nila?

“H-How did you know my father?” tanong ni Madison.

“I own the hospital he was working at,” he replied. Mas lalong hindi na makapaniwala si Madison sa narinig. Kung ganoon ang office na ipinakita sa kanya noon ng kanyang Daddy ay pag-aari ng matandang ‘to?

Kaya naman nang imbitahan siya nito sa dinner ay hindi siya tumanggi dahil gusto niya itong makausap pa ng masinsinan. Kampante rin siya dahil nasa tabi niya ang kanyang kuya Nelson in case of emergency.

“Unang tingin ko pa lang sa’yo alam kong anak ka niya,” nakangiting sinabi ni Solomon Howard sa kanya. Nakatitig ito sa kanya na para bang binibilang ang mga bagay na pagkakahawig nila ng kanyang ama. Namangha rin si Madison nang marinig ang fluent nitong pagtatagalog.

“B-Bakit…hindi ka ni Daddy pinakilala sa amin noon kung Boss ka niya?” tanong ni Madison. Dahil naaalala niya na kahit minsan walang pinakilala ang kanyang ama na boss nito. Basta ang sabi lang nito ay nagtatrabaho ito sa isang sikat na hospital.

“You know your father…he likes everything to be private, especially with his work,” he said and sipped his wine. He ordered wine kanina. It was just dinner, but he brought her to one of the fancy restaurants in the city.

Ganoon nga ang kanyang ama. Kahit kailan ay nito dinadala sa bahay ang trabaho nito. Sa tuwing umuuwi siya kay Madison lang palagi ang atensyon niya. Hindi nga man lang niya nakita o narinig itong tumanggap ng tawag sa tuwing magkasama sila ng kanyang ama.

“Tell me more about my father…” sambit ni Madison kay Solomon Howard. Alam niyang hindi dapat siya basta-basta nagtitiwala sa lalaking ito ngunit hindi niya mapigilang magtanong dahil sa kaunting panahon na nakasama niya ang kanyang ama hindi niya maipagkakaila na kakaunti lang ang alam niya sa kanyang ama. Dahil wala nang panahon magkwento ang kanyang ina at hindi rin nagkekwento ang kanyang sariling ama.

“Ang totoo simula nang magkaroon kami ng sari sariling pamilya hindi na kami gaanong nakakapag usap…ngunit hindi ‘yon naging hadlang sa pagkakaibigan namin na kahit ang asawa ko naging close niya. Erickson is not hard to be with. He’s kind in all perspectives,” he said. Madison suddenly remembers the memory of his father smiling at their staffs here in the mansion. Ganoon kabait ang kanyang ama. Wala itong pakialam kung palaboy ka sa kalye. No matter what you are he’ll treat you equally.

“I’ve known him for years but…the remaining years before he died, I feel like I didn’t know him anymore…” he said meaningfully. Napatingin si Madison kay Solomon Howard. Hindi niya maintindihan ang dilim sa mga mata nito.

“He changed…after my wife got murdered,”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status