Share

04: Her mother met the savior

04: Her mother met the savior

Naalala niya tuloy ang sinabi ni Solomon sa kanya. Sinabi nitong…her father changed after the death of Solomon’s wife. May kinalaman kaya ito dito?

Hindi niya na alam. Naguguluhan siya kaya sa huli hinayaan niya na lang ang tiyuhin niya. Kahit gusto niya pang malaman ang lahat ngunit hindi na ito nagsasalita tungkol doon. Nirespeto na lang ni Madison ang kagustuhan ng kanyang tiyuhin.

Kaya naman pinilit na lang ni Madison na kalimutan ang tungkol sa mga Howard. Siguro nga dapat na niyang hindi na ‘yon pagtuunan ng pansin. Wala na ang kanyang ama at dapat patahimikin na rin ang kung ano pa mang nangyari noon…kung mayroon nga.

Dumaan ang mga araw at kahit papaano ay nagiging maayos na ang kanyang ina. Ngunit ayaw pa rin talaga nitong umalis sa mansion. Alam nitong siya ang nagmamanage ng kompanya at minsan pa nga itong umiyak at humingi ng tawad sa kanya dahil sa kapabayaan nito. But Madison understands her mother. At kahit mahirap kakayanin niya ang lahat para sa kanyang ina.

Ngunit isang pangyayari ang hindi inaasahan. Madison was crossing the street. She texted her kuya Nelson to just wait for her in the van dahil palabas na rin naman siya ng school ngunit sa pagtawid niya sa kalsada hindi niya namalayan ang mabilis na pagharurot ng isang motor. Kinabahan siya dahil alam niyang mababangga siya pero imbis na makaramdam ng sakit ay isang matigas na katawang ang naghila sa kanya paalis sa kalsada.

Nagulat siya nang mahagip ng motor ang kung sino mang nagligtas sa kanya!

“Shit! Are you okay?” nag-aalala niyang tanong sa lalaki at nanlaki ang mata niya nang makita si Solomon Howard!

“Aray! Magkakarayuma ata ako nito,” d***g niya. Hindi makapaniwala si Madison. Sa dami ng taong magliligtas sa kanya ay si Solomon Howard pa. Hindi niya rin naman inaasahan na makikita siya nito dito. This old man is business tycoon and seeing him hanging around this area is weird.

“Dadalhin ko po kayo sa hospital,” sambit ni Madison at tinawagan na nga si Nelson para sabihin ang nangyari.

Ginamot ng mga nurse ang naging sugat ni Solomon Howard habang nag-iintay si Madison na matapos ito ngunit hindi niya inaasahan ang pagkakakita sa kanyang Mommy sa hospital!

“Mommy! What are you doing here?!” tanong niya ngunit nagulat siya sa lumuluha nitong mata.

“I heard from Nelson what happened! Pinag-alala mo ako Maddy! May masakit ba sa’yo? Sino ba kasi yung bwisit na motorista na ‘yon? Naalala mo ba plate number?” sunod-sunod na tanong ng kanyang ina.

“Mom…calm down. I’m fine. See?” pinakita ni Madison ang malinis niyang uniform. Walang kagalos galos. “Someone saved me…” Madison said. Agad siyang niyakap ng kanyang ina. Halatang sobra-sobra ang pag-aalala nito sa kanya. Ito ang unang beses na lumabas ito sa mansion matapos ng libing ng kanyang Daddy. Hindi niya inakala na mapapalabas ito sa nangyari sa kanya.

“Who saved you? We have to thank him!” mabilis na sinabi ni Mommy at nagpalinga linga hanggang sa tuluyan na ngang lumabas si Solomon Howard sa isang room kung saan ginagamot siya kanina nung nurse.

“He saved me, Mommy…” tinuro ni Madison ang lalaki. Nagkatinginan ang kanyang ina at si Solomon. Hindi niya alam kung bakit napatanga ang kanyang ina sa lalaki. Alam naman niyang gwapo at matipuno talaga si Solomon Howard para sa kanyang edad. Sa totoo lang pwede itong maging artista at gumanap ng isang Don sa pelikula.

“M-Mr. Howard?” bulalas ng kanyang Mommy. Hindi na nagtaka si Madison na kilala ng kanyang Mommy ang lalaking ‘to. Her mother and the Howards are in the same circle. Business.

“It’s nice to finally meet you Miss Mary Ramos,” magalang na bumati si Solomon Howard. Mas lalo lang natulala ang kanyang Mommy. Feeling tuloy ni Madison na star struck ang kanyang ina sa lalaki. Mary Ramos. Dahil nasa mundo ng business ang kanyang Mommy at dahil hindi naman businessman ang kanyang Daddy kahit noong nagpakasal ang kanyang Mommy at Daddy hindi nagpalit ang kanyang Mommy ng apelyido. Ramos pa rin ang ginamit nito lalo na sa business world.

Nag-aya ang kanyang Mommy sa isang dinner sa gabing ‘yon para daw mas lalo pang mapasalamatan si Solomon sa kabaitang ginawa nito kay Madison. Hindi inakala ni Madison na mabilis magkakamabutihan ng loob ang kanyang Mommy at si Solomon.

“Nag-alala nga ako kanina kasi akala ko rarayumahin ako eh,” pagbibiro ni Solomon sa kanyang Mommy. Tumawa naman si Mary Ramos. Bentang benta sa Mommy niya ang mga jokes ni Solomon Howard. Hindi tuloy maiwasan ni Madison na paningkitan ng mata ang kanyang ina.

“Hindi naman halata na may rayuma ka! You look so young and fresh in your age!” malaki ang ngiti na sinabi ni Mary Ramos. Namamangha na napatingin si Madison sa kanyang ina. Sa unang beses matapos ang libing ng kanyang ama ito ang unang beses na ngumiti at humalakhak ang kanyang ina.

“I’m so thankful to you Solomon. Now I owe you my daughter’s life,” sincere na sinabi ng kanyang Mommy. Nagulat din si Madison dahil first name basis na sila! Bakit ang bilis naman yata?

“You’re very welcome, Mary. Madison is like a daughter to me since I only have a son,” Solomon said. Ngumiti naman si Mary Ramos. Kitang kita ni Madison ang tamis doon.

Kaya naman nang umuwi sila ay hindi niya mapigilang komprontahin ang kanyang ina.

“What was that Mommy?” tanong ni Madison, naniningkit ang mga mata.

“What?” inosente pa nitong tanong. Akala yata hindi niya napapansin ang lahat.

“Do you like Sir Solomon?” hindi na nakatiis si Madison at diretso nang tinanong ang ina. Humalakhak ang kanyang ina at hinalikan siya sa noo.

“You’re just tired, you need to rest, hon.” She whispered softly and left Madison unanswered.

Why does Madison feel like…something big will come?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status