Share

01: Acting CEO

01: Acting CEO

Parang pinupunit na papel ang puso ni Madison habang pinapanuod ang kanyang ina na halos hindi magkaintindihan sa pag iyak habang ibinababa ng mga lalaki ang kabaong ng Daddy niya. Habang si Madison ay tahimik na umiiyak ang kanyang ina naman ay halos marinig sa buong sementaryo ang panaghoy.

Car accident ang kinamatay ng Daddy niya. Natagpuan ang bote ng alak sa loob ng kanyang sasakyan at dahil sa kalasingan ay nabangga ito sa isang puno na naging sanhi ng pagkamatay nito. Ngunit ang sabi sa medico legal na inilabas ng doctor halos kakaonti lang ang tinake na alcohol ng Daddy niya kaya maaaring hindi siya lasing noong siya ay mamatay. It’s either nagpakamatay daw ang kanyang Daddy o naaksidente dahil sa kalasingan.

Ngunit naniniwala si Madison na hindi magagawa ng kanyang ama na magpakamatay. Mahal na mahal sila ng Daddy niya at wala itong rason para magpakamatay.

“Mommy…” nilapitan niya ang kanyang ina na patuloy pa rin ang pag iiyak. Nasasaktan siya sa nakikita niyang sakit sa mga mata ng kanyang ina. Saksi siya kung paano nagmahalan ang kanyang mga magulang. Busy man pareho ang dalawa sa kanilang mga trabaho ngunit sinisigurado nilang dalawa na mayroon silang time para sa pamilya kaya naman hindi niya naramdaman ang kakulangan sa Daddy at Mommy niya.

“Erickson! Bakit mo kami iniwan! Bumangon ka diyan! Damn you!” sigaw ng Mommy ni Madison. Niyakap siya nang mahigpit ni Madison. She doesn’t want to be silly pero mas nakakatakot kung babangon ang kanyang Daddy mula sa kabaong! She thought.

“Mommy…let’s go home please?” she pleaded. Ngunit isang oras na ang nakakalipas mula nang matakluban ng lupa ang kabaong ng Daddy niya ay nanatili pa rin ang Mommy niya doon, nakatulala sa lupa kung saan nilibing ang kabaong ng Daddy niya.

“Mary, tumayo ka na diyan. Mukhang pagod na ang anak mo oh,” sambit ng kanyang Tito Rey sa Mommy niya. Tito Rey is her Mom’s younger brother.

“Tito Rey it’s okay—” hindi na natapos ang sasabihin niya nang tumayo na ang kanyang Mommy at walang salitang pumasok sa van nila. Nagkatinginan lang sila ng kanyang Tito Rey at pumasok na rin sa van. Nanatiling tahimik ang kanyang Mommy at nakamasid lang sa labas ng bintana. She looks sorrowful at kitang kita pa rin ang nangingilid niyang mga luha sa kanyang mata.

“Nakapag enroll ka na ba, Madison?” napabaling si Madison sa kanyangTito Rey sa kanyang tanong.

“Bukas pa po Tito,” walang ganang sinabi ni Madison

“Aba dapat kahapon ka pa nag enroll. Malapit na ang pasukan, Madison. Nasa huling taon ka ng senior high kaya dapat mong galingan sa pag-aaral,” pangaral niya. Hindi na siya umimik. He’s right. She’s now in her Grade 12 year. At malapit na rin siyang mag eighteen. Two months from now ay debut niya na. Nakakalungkot nga lang at wala ang kanyang Daddy sa kanyang debut. Parang noong isang buwan lang ay sabay nilang pinaplano ng kanyang Daddy ang kanyang debut tapos ngayon…bigla na lang siyang nawala.

Nang makarating sila sa mansion ay dumiretso ang kanyang Mommy sa master’s bedroom kung saan ito ang kwarto nila ng kanyang Daddy. Susunod sana si Madison sa kanya sa loob ngunit naka lock na ang pinto.

“Mommy?” she called her. But she didn’t respond. Naisip ni Madison na baka nagpapahinga na ito at gusto nang matulog kaya hinayaan niya na ito. Nagpaalam na ang kanyang tito Rey na aalis na. May sarili na ring pamilya at kompanya ang kanyang tito Rey kaya alam niyang wala silang ibang aasahan kundi ang isa’t isa. Siya at ang Mommy niya.

Bago matulog nakipagkwentuhan muna siya sa isang video call kay Angeline. Angeline is her best friend since elementary. Lagi silang magkasama nito at dahil iisa lang siyang anak kay Angeline niya naramdaman ang magkaroon ng parang kapatid. Pagkatapos nang kanilang maikling kwentuhan ay nagpaalam na sila sa isa’t isa at agad din siyang nakatulog.

Kinabukasan ay agad siyang nagtungo sa dining para sa breakfast ngunit nagtaka siya nang wala pa doon ang kanyang Mommy.

“Where’s Mom?” she asked one of their housekeepers.

“Ilang beses na po naming kinatok, Ma’am pero hindi po kami pinagbubuksan ng pinto natatakot naman po kaming gamitin yung susi kasi po baka po magalit sa amin,” the housekeeper said. Bumuntong hininga si Madison at agad na kinuha ang susi sa kwarto ng kanyang Mommy at umakyat doon para tingnan ang kanyang ina.

Nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa kanya ang kadiliman ng kwarto. Sa bungad pa lang ng pinto ramdam na agad ang kalungkutan sa bawat sulok ng kwarto na ‘yon. Nakaramdam siya ng awa para sa kanyang ina.

“Mommy…” tawag niya sa kanyang ina.

“I’m not hungry, Maddy. Leave me alone for now,” Her Mom said. She sighed. She doesn’t want her mother to be like this. Alam niya na labis itong nasasaktan ngunit ayaw din naman niyang magmukmok ang kanyang ina sa lungkot. Hinding hindi na nila maibabalik ang panahon kung saan buhay pa ang kanyang ama. At kahit kailan hindi na babalik ang kanyang ama.

“Mom…you need to eat. Hindi ako papayag na manghina ka…” malumanay na sinsabi sa kanya ni Madison.

“Wala akong gana, Madison kaya please…”

“Mom…you can’t be like this forever…wala na si Daddy at—”

“Madison!” natigilan si Madison nang biglang bumangon ang kanyang Mommy at matalim siyang tiningnan. Mugto pa ang kanyang mga mata at halatang wala pang tulog.

“Ito lang ang tanging alam kong paraan para maibsan ang sakit na nararamdaman ko pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang!” nanginig ang boses ng kanyang Mommy. Isang kirot ang naramdaman niya sa kanyang dibdib.

“Hindi mo alam kung gaano ako nagsisisi Madison. I have so many what ifs! Ang dami kong pinagsisisihan na dapat ay ginawa ko noon nang buhay pa ang Daddy mo! Sana…hindi ako masyadong naging busy sa kompanya para nasasamahan ko sa hospital ang Daddy mo! Sana naging full time housewife na lang ako para naman lagi akong nandyan sa pag-uwi ng Daddy mo! Sana…nasasamahan ko siya…noong panahong mag-isa siyang nag-aalaga sa’yo!” humagulhol siya sa iyak. Tumulo na rin ang luha ni Madison.

Mabilis siyang niyakap nang mahigpit ni Madison. She feels like she’s so selfish. Dapat inintindi niya ang kanyang Mommy. She didn’t think about her feelings.

“I’m sorry, Mommy…” Madison whispered regretfully.

“At alam mo bang halos walong taon kong nararamdaman na may tinatago ang Daddy mo pero binalewala ko lang ang lahat ng ‘yon?” she cried. Hindi maintindihan ni Madison ang ibig sabihin ng kanyang ina.

“Mom…don’t think too much okay. Kung mayroon mang tinatago si Daddy matagal niya na ‘yong sinabi sa atin. He trusts us, okay?” Madison assured her mother.

Hindi na nagsalita ang kanyang ina at nanatili lang na umiiyak sa kanyang dibdib. Simula noon ay kahit papaano ay kumakain na ng matino ang kanyang ina ngunit sa tuwing pinupuntahan ito ng kanyang tito Rey para pumasok sa kompanya ay umaayaw ito. Dahil doon ay nagkakaroon ng problema sa kanilang kompanya. Without the CEO, the company can’t run effectively.

Kaya naman hindi gaanong makaconcentrate si Madison sa mga unang linggo niya sa school. Kasisimula pa lang ng klase ngunit ilang quizzes na niya ang mababa ang scores. Kung malalaman ito ng kanyang tito Rey ay tiyak na mapagsasabihan na naman siya nito.

“What do you think we can do tito?” tanong ni Madison matapos makipagtalo ng kanyang tito Rey sa kanyang Mommy ngunit katulad ng dati ay wala itong nagawa para kumbinsihin ang kanyang ina.

“I can’t manage the SOMARS Group of Hotel, Madison. Alam mo ‘yan. I am busy with my own kaya hindi magtatagal babagsak ang kompanya kung wala ditong nagmamanage!” problemadong sinabi ng kanyang Uncle. Hindi rin mapakali si Madison sa nangyayari kaya naman ito na lang ang tanging paraan.

“Then…let me handle the company. Susubukan kong maging acting CEO hangga’t wala pang kakayanan si Mommy na lumabas ng kwarto niya,” presinta ni Madison.

“You can’t Maddy. Nag-aaral ka pa! And you’re only seventeen—”

“I’ll be eighteen soon, Tito! Kaya ko ‘yon!” pagpupumilit ni Madison. Napatitig sa kanya ang kanyang tito at wala nang nagawa kundi ang pumayag sa gusto niya. Kaya naman kinabukasan pa lang ay inayos niya na ang schedule niya para bumisita sa kompanya.

“Sigurado ka bang kaya mo ‘yon Maddy? Hindi biro ang kompanya niyo. Alam mong hindi lang sa Pilipinas namamayagpag ang mga hotels niyo. Kahit sa ibang bansa ay mayroon kayong five-star hotels!” hindi makapaniwala ang kanyang kaibigan na si Angeline Cox nang malaman nitong magiging acting CEO siya ng kompanya nila.

“I have no choice, Angeline. Mom is still mourning and I’m here to be strong for us,” Madison said while they are eating in the cafeteria. Sa dinami daming gustong maging kaibigan si Madison si Angeline lang talaga ang naging close niya. Gusto niya kasi ang ugali nito. Katulad niya ay wala itong arte sa katawan. Mahilig din ito sa libro katulad niya. Maraming nagsasabi na nerd daw sila ngunit kahit kailan ay wala silang pakialam sa kung ano mang sabihin ng iba.

“This is your mother’s office,” Tito Rey said as they enter the CEO’s office. Mayroong forty na palapag ang main building ng SOMARS Group of Hotel. Nilibot ni Madison ang paningin sa office ng kanyang Mommy at nalula sa lawak nito. Sa kanang bahagi ng office ay kitang kita ang buong city mula sa glass walls nito. May nakita rin siyang shelves ng mga libro, small sala set, a door to the bathroom, at ang malaki nitong table at malaking swivel chair. Napatitig din siya sa pangalan ng kanyang Mommy na nakaukit sa isang gold tag sa table nito.

Mary Ramos, Chief Executive Officer.

“Are you fine here?” tanong ng kanyang tito Rey sa kanya.

“Yes, Tito,” sagot naman ni Madison.

“Don’t worry I’ll guide you throughout the whole process. And I know you’ll learn it very easy,” her tito assured her.

Pinakita sa kanya ng kanyang Tito ang conference room kung saan ginaganap lahat ng proposals, meeting with the investors and stockholders or even the board members. Pinakilala din sa kanya ang Secretary ng kanyang Mommy na si Miss Sheena Ford.

“Kamusta Miss Sheena may bagong schedule ba?” tanong ng kanyang tito Rey kay Miss Sheena. Tumango si Miss Sheena at tumingin sa kanyang ipad.

“Yes po. Halos isang linggo na pong naka set ang schedule na ito para kay Ma’am Mary…” sambit ni Miss Sheena.

“What is it?” Tito Rey asked.

“The Howard Group of Companies are asking for an appointment—”

“WHAT?!” nagulat si Madison sa reaksyon ng kanyang tito Rey. Howard Group of Companies? She knows that company. It is one of the largest and wealthy company at hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo. Siguro dahil may lahing German ang may ari nito.

“What’s wrong tito? Isn’t it fine? They are known and—”

“You don’t know them very well, Madison,” isang makahulugang salita na sinabi sa kanya ng kanyang tito Rey. Dahil doon ay umusbong ang pagtataka sa kanya. What’s with the Howards that her uncle has this reaction?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status