Share

Chapter 2

Brianna's Office

While we’re going to where his office is, napapaisip na naman ako. Napapaisip na kailangan ko pa palang mag-report sa office ni Mrs. Salazar at sabihin dito ang balitang nai-close deal ko na ang proposal.

I cleared my throat at lumingon naman agad si Dave sa akin. “Uhm, kailangan ko pa kasing dumaan sa office ko, kailangan ko pang mag-report sa boss ko.”

“Sure. May kailangan din akong sabihin sa boss mo,” seryosong sabi nito.

“Uhm, okay.”

After our small chitchat ay tumahimik din agad kami, pero panay ang tingin ni Dave sa cell phone niya na parang may importanteng transaction pa na pinagkakaabalahan doon.

Nang makarating kami sa pakay namin ay magkasabay pa kaming bumaba mula sa kotse niya. It’s only 2 p.m. kaya tahimik ang buong gusali nang tinahak namin iyon papasok.

“Saan ka ba pupunta?” tanong ko nang sumabay siya sa mga hakbang ko.

“Sa office ng boss mo.”

Nag-angat ako ng kilay nang nakapasok na kaming dalawa sa elevator. “Anong kailangan mo sa boss ko?”

Nakakunot ang noo niya nang tumingin sa akin. “Bakit gusto mong malaman?”

Napapahiyang inirapan ko na lang siya. “Okay, wala rin naman akong pake.” Pagkabukas ng elevator ay nauna na akong lumabas. “Pumunta ka sa kaliwa at hanapin mo na lang ang Office of the CEO,” sabi ko nang hindi siya nililingon.

“Then where are you going, Brianna?”

Humarap ako sa kanya nang bahagya.

“Magpapaalam sa boyfriend ko, bakit, sasama ka pa ba?”

Seryoso niya akong tiningnan. “Ten minutes will be fine, then after that, sumunod ka kaagad sa office ni Mrs. Salazar.”

Hindi ko na siya sinagot at nagsimula na muli akong maglakad patungo sa office ko.

Ten minutes lang? Huh, anong magagawa ng ten minutes lang? Ang hilig pa rin talaga niyang mag-demand sa oras. Dave is always Dave, huh.

Hindi naman totoong patungo ako sa kasintahan ko. Yeah, I have a so-called-fling boyfriend, pero hindi sa personal dahil taga-ibang ibayo ng mundo iyon at hindi ko pa nakikita nang personal. The truth is, I’m going to my office, dahil may kailangan akong kuhaning importanteng bagay.

Dahil sa lahat ng ayaw ko ay ang pagsunod sa gusto ni Dave, well, naupo lang naman muna ako sa swivel chair at hinintay hanggang mag-fifteen minutes. After that, tumayo na ako at tumungo na sa office ng kataas-taasan.

“Oh, Brii is already here, Mr. El-Greco,” bungad ng boss ko pagkapasok ko.

“Hi, Ma’am,” I warmly greeted my boss at umupo ako sa upuang kaharap ni Dave. I crossed my legs, dahilan ng pag-angat ng aking hapit na pencil skirt.

“Mabuti at narito ka na, Brii.” Tumango lang ako.  “Anyway, congratulations, Brianna. Job well done,” nakangiting sabi ng boss ko at saglit na inilipat ang tingin sa katapat ko.

“Walang anuman, Ma’am,” sabi ko na lang at napalingon din kay Dave. Nahuli ko pa itong nakatingin sa mapuputi at nakalantad na mga binti ko. “Ahem . . .” Gusto kong matawa nang bigla nitong inalis ang tingin doon.

“Mr. El-Greco and I already decided with our deal.  Nag-usap at nakabuo na kami ng plano habang wala ka.” Lumingon ako sa boss ko. “So, I’d like to inform you that you need to manage personally our deal with Mr. El-Greco’s company. I will transfer you temporarily in his field from one to two weeks.”

“Wha-what? Ba-bakit ganoon ho katagal, Ma’am?” Gusto ko nang magprotesta. “Hindi ho ba pwedeng one week lang? I can work it naman within a week, Ma’am. You know me, right?”

Tumawa ito nang bahagya. “Of course, I know you, hija. Magaling ka. But we already planned and scheduled it.”

Bumuntonghininga ako. “Okay po, wala naman na po siguro akong magagawa, Ma’am?”

Umiling ito. “Wala na.” Humarap ito kay Dave.  “Kailan n’yo po ba balak pag-umpisahin si Ms. Garcia sa pagtatrabaho sa company ninyo, Mr. El-Greco?”

“She can start by tomorrow, Mrs. Salazar.”

I rolled my eyes. “Okay, tomorrow.”

“Good, Brianna. I guess you should visit Mr.  El-Greco’s company today. May oras pa naman kung bibisitahin mo at—”

“She can come with me now, Mrs. Salazar. And you’re right, she must visit my company to familiarize the place and of course her role as a Salazar representative agent and planner.”

“Well, ayan Brii, pwede ka pa lang sumabay sa magiging bagong amo mo sa loob ng ilang linggo.” Pilit akong ngumiti kay Ma’am Salazar.  “So now, can I finally count you in to your new project, Brianna?”

“O-oo naman, Ma’am. Maaasahan n’yo ho ako pagdating sa trabahong ito.” I’m still showing my fake but warm smile to my boss and to the man in front of me.

When we get inside his car, agad niya iyong pinaharurot sa driver patungo sa kung saan.

Tulad ng unang sakay ko roon ay ganoon muli siya. He was busy on his phone, ako naman ay busy sa kalalaro ng mobile game para malibang.

“Shit! Attack! Attack! Elle, attack . . . Yes, nagka-rank din ako! Woo . . .” I was shouting and I also put my right hand up when I win the game and I get a rank on the trend mobile game. Todo pa akong nakangiti nang mag-angat ako ng tingin, then I found Dave that furiously looking at my foolish reaction because of my game. “Oh . . .  Ahh . . . Ano kasi, tsk!”

Dave was frowning at me while shaking his head.

Stupid Brianna! Bakit kasi naglaro-laro ka pa habang nasa tabi mo siya.

“Good afternoon, Sir.”

“Good afternoon, Sir.”

Walang katapusang pagbati ng mga empleyado ni Dave sa kanya nang makasabay ko siya sa paglalakad papasok sa malawak, malaki, at matayog na gusali. The building name is El-Greco Incorporated.

Tahimik na sumunod lang ako sa kanya papasok sa elevator.

Umabot na kami ng 20th floor at nakalabas na rin mula sa elevator ay wala pa rin kaming imik na dalawa.

“Lott—”

“Ah, Si-Sir? Nand’yan na pala kayo.” The woman on her post stand up nang makailang hakbang na kami palapit dito.

“Show Brianna her office, now.”

“Okay, Sir.”

“Have you fixed my schedule?”

Tumango ito. “Yes, Sir. ’Yong flight n’yo po for tomorrow is already moved on Sunday night. At tsaka Sir, nasa mesa n’yo na po pala ’yong mga document na kailangan n’yo.”

“Good. Sige na, ilibot mo na si Brianna sa office, pantry, conference, and other departments.”

“Sige Sir, ako na po ang bahala ay Ma’am Brianna,” sabi nito na nakangiti sa kanyang amo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status