Share

Chapter 5

Became Soft

Bumuntonghininga ako at sumulyap sa bata na nasa sofa at naglalaro ng mga manika.

“I don’t know if I can handle it well, Dave. Hindi ko alam ang ugali at mga pag-uugali niya at hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan.”

“I still have my two days stay before my flight in Bahrain. Magsanay ka lang and you can ask anytime to Ate Sheryl about her behavior. And you can ask me, too.”

Humarap ako rito. “Parang siguradong-sigurado ka na papayag ako, ano?”

“Papayag ka man o hindi, wala ka pa ring magagawa dahil wala kang choice kundi ang sumunod sa gusto ko. Now, practice your behavior, Brianna. I am warning you, huwag lang darating sa puntong pagbubuhatan mo ng kamay ang anak ko.”

Nakipagsukatan ako ng masamang tingin sa kanya saka napapailing na nagsalita. “Really, Dave? Tingin mo talaga ay ganoon na ako kasama at pagbubuhatan ko ng kamay ang bata?”

“That’s I don’t know if you really can or not.  Nasikmura mo ngang iwanan, saktan pa kaya?”

His words hit me. Para bang isang sumbat ang sinabi nitong iyon sa akin. I was about to open my mouth when Dave already get up from his chair. Hinabol ko na lang siya ng tingin. Dave was going to his daughter. Binuhat nito ang bata.

Nagtaas-baba ang dibdib ko sa sinabi nito bago pa ako tinalikuran.

Their relationship as a father and a daughter is tied up—full of happiness and love. Sa aking nasaksihan ay para akong nilamon ng inggit, inggit na hindi ko alam kung saang dako nanggaling.

Inalis ko agad sa aking puso ang aking naramdaman. I showed my hard as rock emotions when Dave and Davvy looked in my direction.

“You get up there and follow us,” maawtoridad nitong utos sa akin.

Kahit ayoko ay wala akong nagawa kundi ang sundan ang mag-ama sa paglabas. Nauna si Yaya Sheryl dahil ito ang nagbukas ng pinto.  Nagpasalamat naman ako rito nang hinintay pa ako nitong makalabas.

“Lott, we are going now. Mag-out ka na rin.”

“Okay, Sir. Bye, baby Davvy, Ate Sheryl and bye, Ma’am Brii.” Sa akin ito huling tumingin. May pagtataka pa itong pinaglipat-lipat ang tingin sa amin ni Davvy.

I didn’t mind her reaction at tumango na lang ako nang bahagya sa kanya.

“Bye, Ate Lott. Take care po sa pag-uwi mo,” paalam ng Davvy.

“Sure baby, I will . . .”

Wow, may favoritism itong batang ’to, huh. Kapag ako, napakaraming irap at may ‘I don’t like you!’ pang nalalaman . . . Tsk, tsk, tsk.

Dahil 5 p.m. na sa mga oras na iyon ay marami na akong namamataang empleyado sa gusaling iyon. Uwian na kasi ng ilan sa kanila.

Malamang na maraming makakakita sa aming pagdaan, at iyon nga ang nangyari. All of the employees greet their boss at ang mas pinuna ng mga ito ay ang anak nitong kalong sa bisig.  Davvy also says goodbye to all.

See that? Duh!

I just want to roll my eyes.

Marami ring napapatingin at tila nagtataka kung sino ako at bakit ako kasama ng mag-amang ito.  I just don’t mind those eyes. Hindi ko naman kilala ang mga ito at hindi rin ako kilala ng mga ito.

ღ❤ღ

Dave brings them in the Burger Houz. Iyon ay dahil sa request ng anak nito. Bukod sa burger na isini-serve, may mga special menu rin ang naturang kainan, like lunch and dinner dishes.

I let him order the foods, hindi ako nagsasalita dahil wala naman akong sasabihin sa mga ito.  Magpapaiwan na lang sana ako sa loob ng kotse at hindi na na lang sana sasamang kumain dahil sa ramdam ko ang pag-ayaw ng anak nito na sumama ako, but Dave insist me to follow them instead.

Nang nai-serve na ang lahat na in-order nito ay halatang natatakam agad si Davvy. I was looking at Davvy’s cute face that time, and I noticed that she loves eating a burger patty and the potatoes.

“Here, your favorite?”

Napatda ako at biglang inalis ang mga mata ko sa masaganang pagkain ng bata. Napatingin ako sa pagkain na nasa harapan namin. There’s a Pasta and a whole roasted chicken and other foods. Napatingin din ako sa inaabot nitong isang big burger na katulad ng kay Davvy.

“As always,” pagtanggap ko rito niyon. “T-thanks,” I said at iniiwas ang tingin ko rito.

I peacefully eat my meal. Si Dave ganoon din.  Davvy is busy talking with her yaya. Kahit iniiwasan ko mang sumulyap sa bata ay napapasulyap pa rin talaga ako. Dumating sa punto na gusto ko itong subuan ng pasta o chicken o kahit ano, but then I have no enough courage to do it dahil sa palagi pa rin akong sinisinimangutan at iniirapan ng bata sa tuwing nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya. Isa pa, nakakahiya rin ’pag tinanggihan ako at masabihan ulit ng, ‘I don’t like you!’

“Daddy, ang sikip po,” reklamo ni Davvy nang tulad kaninang pagtungo namin ng restaurant. Pinagitnaan kasi namin ito ni Dave.

I rolled my eyes. Halos idikit ko na ang aking sarili sa gilid ng pinto para lang hindi ko masagi kahit dulo ng buhok nito, pero nag-iinarte talaga ang isang ito.

“Kung alam ko lang na ganito, nag-commute na lang ako. Arte kasi e,” bubulong-bulong na wika ko.

“Baby, I think you had enough space, right?” baling dito ni Dave.

“But I want you and me to sit here together, Daddy.”

Biglang nag-iba ang pakiramdam ko. 

“Mang Banjo, pakihinto nga ho ng kotse sa gilid ng kalsada.”

“Brianna! Mang Banjo, proceeded to the mansion at huwag mo siyang pakinggan.”

“Ihinto n’yo ho, Mang Banjo!” muling sabi ko.

“What’s wrong with you?” Masama akong tinitigan ni Dave. “Sige na Mang Banjo, ituloy mo na ang pagmamaneho.” He then closed the tiny window.

“Bakit ba nakikialam ka sa gusto ko?  Mag-co-commute na lang ako kaysa magreklamo ang anak mo sa ’yo na masikip dito.”

Davvy was looking at me when I was talking, and then she looked at her dad kung ito naman ang magsasalita.

Bumuntonghininga ito. “Don’t mind my daughter, intindihin mo na lang siya.”

“Kanina pa ako intinding-intindi diyan, Dave! Kung alam mo lang,” naiinis niyang sabi.

“She’s only young, Brianna!”

“Ganoon na nga e, bata lang siya kaya iniintindi ko siya. Kaya nga bababa na nga ako at ako na lang ang ma-ga-adjust sa sitwasyong ito! Bakit ba kasi ang arte niyan pagdating sa akin, e!”

“Shut up, naiintindihan ka ng bata!”

“Ipahinto mo na kasi ito at—” I sighed and I stopped talking when I heard some sobs.

“Daddy . . .” Humihikbi itong yumakap sa ama nito. Akala naman kung inano na.

“Looked what you’ve done.”

“Ayan, mas nag-iinarte na naman sa ’yo ’yang anak mo at ngayon, ako na naman ang may kasalanan!”

“I said, shut up!”

Mas humikbi si Davvy sa pagtatalo naming dalawa ni Dave.

Namula at galit na umirap ako rito. Hindi ko na lang din sinulyapan ang mga ito at sa labas na lang ng bintana nakatanaw. Somewhere inside me became soft, iyon ay dahil sa pag-iyak ni Davvy sa dibdib ng ama nito.

Hindi nagtagal ay humina nang humina ang paghikbi ni Davvy hanggang sa nakaidlip na nga ito.

“Usod ka na rito.”

Tumingin ako at umirap lang kay Dave. Hindi ko ito sinunod.

“No need. Okay na ’ko rito!”

Dave just sighed. “Pagpasensyahan mo na lang si Davvy.”

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Joche3134s
anak mo nga pala taLaga Bri Pero bakit mo iniwan kaY Dave ang anak nyo
goodnovel comment avatar
Jennefer Fernandez
anung malakingvrason bakit mo nagawang iwanan ang anak mo brii,Sana katanggap tanggap naman...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status