Share

Chapter 8

Swimwear

Nagising ako dahil sa ilang katok na nagmumula sa pintuan ng aking silid. Tinatamad na bumangon ako at binuksan ang pinto.

“Magandang umaga ho, Ma’am Brii. Pinapatawag na ho kayo ni Sir Dave sa baba para daw ho mag-almusal,” sabi ng isang katulong na naka-uniform.

“Sige po Ate, pakisabing susunod ako.”

Magalang na tumango lang ito sa akin saka umalis.

Pagkaayos ko ng higaan ay pumasok na muna ako sa banyo para mag-toothbrush at maghilamos ng mukha. Pinalitan ko rin muna ang nighties ko ng isang pambahay na short at damit saka sinuklay ang alon-alon ko na buhok at nagpulbo nang kaunti sa mukha.

Oh, shit! How can I get there in the dining area? Ang laki pala ng bahay na ito. Dapat pala pinaghintay ko na lang si Ate. Ugh!

Kahit walang alam ay bumaba pa rin ako sa carpeted na hagdan. There I saw Ate, ’yong katulong na gumising sa akin.

“Ate, pwede bang pakituro sa akin kung saan ang dining area ng bahay na ito?” tanong ko rito pagkababa ko ng hagdan.

“Oho Ma’am, sadyang hinintay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status