Share

Chapter 1

Force 

Bwisit! Nasaan na ba ’yong ka-meeting ko?  Kingina, kanina pa ako rito, ah. Gosh, anong oras na! That person is really wasting my time!

Naiiritang napasilip ako sa aking relong pambisig. Kaunti na lang at puputok na talaga ang bumbunan ko sa sobrang pagkainip sa paghihintay rito.

It’s over! My almost two hours is enough to wait for that bullshit person.

“Ouch, shit!” Bigla akong napamura nang sa pagtayo ko ay nabunggo ako sa isang naka-corporate business attire na lalaki na may malapad na dibdib at mabangong men’s perfume. “Hindi ka ba marunong ng social distan—” His hand stopped me from talking.

“Where do you think you’re going? I’m here, ngayon ka pa ba aalis?”

Bigla akong nag-angat ng tingin. Napakurap pa ako at napaawang bigla ang bibig ko nang makilala ko ang lalaking nakabungguan ko.

Tipikal na nagulat ako dahil sa isang multo ko ng kahapon na ngayon ay biglang nagpakita sa aking harapan. Ang multo na kahit kailan ay ayoko nang balikan at makita pa.

“Close your mouth and seat yourself, lady,” sabi nito na ikinagising ng diwa ko.

Kinunutan ko ito ng noo. “Excuse me, do I know you, mister?” Nagkunwari akong hindi ko siya kilala.

Umangat naman agad ang gilid ng labi niya. “I surely know that yes, you know me well, so well.”

Tinaasan ko rin siya ng kilay. “Excuse me again, pero hindi kita kilala,” sabi ko saka inayos ang sarili para humanda na sa pag-alis.

“Elle, Brii?” Napahinto ako sa akmang paghakbang ko. “Or is it, Brianna Eleanor Garcia?”

Nalingunan ko itong nakangisi na sa akin.  “Well . . .” Nagtaas muli ako ng kilay. “Anong kailangan mo sa akin, Mr. Prince Dave El-Greco?”  I finally admit that I know him.

“I said, sit down and let’s talk seriously,” pag-uulit nito at naupo na sa katapat kong upuan.

“And who are you to command me?”

“Ako? I’m the employer that you are waiting for.”

Marahas akong napailing. “So, ikaw pala ang walang hiyang hinihintay ko nang halos dalawang oras sa café na ito. Wow, what a kind of unprofessionalism, huh? Pinaghintay mo ako nang sobrang tagal dito!”

“At least I made it,” sabi naman niya.

“I have to go! Wala ka palang kwentang ka-meet—”

“Okay, you may go now. But you should expect that I will complain to the CEO of your company.  Like, what kind of an agent they’re trying to send me to close this deal with my company? Isang walang tiyaga na ahente! Si Mrs. Evelyn Salazar ang boss mo, ’di ba?”

“Aba’t—”

“Sino ang mawawalan ng trabaho? Ako ba?”

Naiinis at namumula akong bumuntonghininga at sinamaan siya ng tingin. I have no choice but to sit down, kaysa nga naman ma-question pa ako ni Mrs. Salazar dahil sa meeting na ito.

“Let’s start . . .”

Lumiit ang buka ng mga mata niyang nakatingin sa akin, wari ay naaaliw sa biglang paglambot ko.

“Good girl?”

“It’s your fault! Kung hindi mo ako pinaghintay rito na parang tanga, sana haharapin kita nang maayos ngayon.”

“You never change. Nasa dugo mo pa rin ang laging nagrereklamo at naninisi.”

Tiningnan ko siya nang matagal saka bumuntonghininga. “Okay.” Hindi ko na lang pinansin ang sinasabi niya, bagkus ay binuksan ko na ang documents na dala ko para sa pag-mi-meeting-an naming dalawa. “Salazar’s group of companies offer—”

“I’ll agree and sign those documents, but in return, you need to live in my house for five days to one week. Deal?”

“Ano?!” gulat na tanong ko sa sinabi niya.

“You heard me, right?” sabi niya saka kinuha at pinirmahan agad ang proposal papers sa aking harapan. “There.” Ibinalik niya ang folder sa akin na may lagda sa bawat pahina. “I will be leaving on the next day, Davvy needs someone’s assistance while I’m not around.”

Nangunot ang noo ko.

Davvy?

I feel a pang on my chest.

“We have a deal then. Let’s go to your house and get your things.” Tumayo ito at sumesenyas sa akin na tumayo na rin ako.

“Ano?!” nanlalaki ang matang turan ko. “Teka nga! Sino ka ba para pasunurin ako sa gusto mo? At sino ’yang D-Davvy na sinasabi mo?”

Tinitigan niya ako nang matagal at seryoso. “I’ll show and introduce her to you later. Just do your thing first, Brianna.”

His words hits me immediately, pero ayokong mag-assume sa mga posibilidad na pumapasok sa isip ko sa mga oras na ito.

“Ayoko!”

He sarcastically smiled at me. “Wala kang magagawa. Alam mo na, mahirap akong kalabanin, right?”

“So gagamitan mo ako ng makapangyarihang ari-arian mo para lang pasunurin ako sa mga pesteng plano mo?”

“Matagal ko na ’tong pinag-iisipan. And this time, I have to, kahit na labag ’to sa parte ko. Kaya ikaw, papayag ka, sa ayaw man o sa gusto mo.”

“Wow. It’s against your will pala, so bakit pipilitin mo pa ang sarili—” Hindi na niya ako pinatapos at agad niya akong tinangay palabas ng café na iyon. “Mr. El-Greco! Ano—”

“There’s a lot of people around here, ayaw mo naman sigurong mapahiya tayo rito ngayon?”

Bigla akong napaayos nang masulyapan ko nga ang mga taong nakatingin sa aming dalawa.  Nasa mukha ng mga ito ang pagtataka.

Wala akong nagawa nang sapilitan niya akong ipinasok sa loob ng kotse niya saka niya ako pinausod at tumabi sa akin. I tried to open the other door but it’s already locked.

“Ang kotse ko!”

“Don’t worry, I know what to do with it. Ibigay mo sa akin ang susi ng kotse mo.” Sabay lahad niya ng kamay sa harapan ko.

Gusto kong magprotesta pero alam ko namang wala akong mapapala rito. Once Dave commands it, dapat masunod iyon kahit hindi naman naaayon sa gusto ng ibang tao o sa gusto ko ang mga desisyon niya.

Kinuha ko sa loob ng bag ko ang susi ng kotse at nanlilisik ang mga mata na inabot ito kay Dave.

“Good. Toby?”

“Yes, boss?” Isang lalaking nasa harapan at katabi ang driver ang lumingon sa amin sa backseat.

“Get her car. Dalhin mo sa bahay.”

Ngumiti ito at tumango. “Noted, boss,” sagot nito na nakatingin pa sa akin.

“Mang Banjo, dalhin mo kami sa Aurora Subdivision, Jackfruit Street,” he commanded.

“Yes, boss.”

Nakaawang ang mga labi na sumulyap ako sa kanya. “How did you know my place?”

“You shouldn’t be surprised. I just know everything about you,” sabi nito sa isang seryosong tinig.

“E di ikaw nang magaling. Bravo!” Pinalakpakan ko pa siya at saka inirapan. Ang driver naman ay mukhang nagtaka sa ginawa ko. Dave just tsked and keep his silence. Kaya tumahimik na lang din ako.

“Aaaaahhhhhhh . . . . . . . . !” matinis na sigaw ko na abot na hanggang ngalangala ko nang pumasok ako sa kwarto ko. “Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin at bakit niya ako pinipilit sa gusto niya! Kingina naman! Nananahimik na ako. He knows everything! Bwisit!” Nanggigigil ako habang napapasalampak sa kama ko.

Umayos agad ako nang tumunog ang cell phone ko na nasa bulsa ng skirt ko. Sinagot ko agad iyon nang hindi man lang pinasadahan ng tingin kung sino ang tumawag.

“Hello.”

“I’ll be giving you twenty minutes to pack all your important things. Kung lalagpas ka sa ibinigay kong oras, aakyatin na kita riyan.” Sa boses pa lang at pagmamando ay alam ko na agad kung sino ’to.

“Really, twenty minutes? Saan kaya aabot ang twenty minutes ko, ’no?” sarkastikong saad ko.

“Just pack your important belongings. Huwag mo nang dalhin ang lahat ng laman ng closet mo dahil may mga damit ka na sa bahay. Just the important belongings, you understand?”

“Huh? Parang pinaghandaan mo, ah. Well,  sabagay.”

“You bet it right, Brianna,” he said in a plain tone.  “I’ll droop the call now. Hurry up!” Then the call was ended.

Hurry up mong mukha mo! Shit! God, why is this happening to me right now?!

Wala akong nagawa kundi ang mag-impake, pero hindi ako nagmadali tulad ng sinabi niya sa akin.   I smoothly packed all the things that I need in fvcking five days. Bahala siya at hindi ako papayag na umabot ako nang hanggang one week sa puder niya.

Sinadya kong lumagpas ng twenty to thirty minutes ang pag-iimpake ko. Magmamatigas ako at ipadadama ko sa kanya na lahat ng sinabi at sasabihin niya ay sasalungatin ko at hindi pakikinggan.

Huh! I am not the Brianna Eleanor Garcia that you used to know. Ibang Brianna na ang kaharap mo ngayon Dave, ibang-iba na ako sa dating kilala mo!

I took almost one hour to packed up my things. Wala akong pakialam kung mainip man siya sa paghihintay niya sa akin sa loob ng kotse niya.

Nang matapos ko ang pagliligpit ay naupo muna ako sa gilid ng kama. I scanned the four corners of my room.

Hay, limang araw akong mawawala sa silid ko na ito. Limang araw na hindi ko matutulugan itong kama ko at limang araw na hindi—Oh my God, si Klara. Si Klara pala. Shit, bakit sa lahat ng makakalimutan ko, ’yong best friend ko pa?

Agad kong hinugot sa aking bulsa ang cell phone ko at agad kong kinontak si Klara na nasa trabaho pa niya.

“Hello, Brii?” Sumagot agad ito sa tawag ko.

“Klara, sorry sa abala. I just call to inform you na hindi muna ako makakauuwi sa bahay mamayang gabi.”

“Huh? Bakit?” nagtataka agad na tanong nito sa akin.

“May biglaang trabaho kasi ako ngayon na kailangan kong puntahan. Nandito ako ngayon sa bahay natin at nag-iimpake ng mga gamit ko.  Mga tatlo o limang araw siguro akong mawawala.”

“Bakit ang tagal naman?”

Kahit hindi ko siya nakikita, alam ko na agad na nakakunot ang noo niya.

“Trabaho, e. Basta mag-usap na lang tayo sa pagbalik ko, okay?”

I know that she’s not convinced in my alibi. Sasabihin ko naman sa kanya, pero hindi muna sa ngayon. Baka sa pagbalik ko na lang.

“Okay, basta mag-ingat ka sa kung saan ka man papunta, ha?”

“I can manage myself, Klara. Ikaw ang inaalala ko.”

“I can also manage myself, so don’t you worry.”

“Basta, you double check the lock in the front and back door for your own safety, okay? Mag-ingat ka sa bahay. Tawagan mo rin agad ako anytime kung may problema man.”

“Oo na. Thank you at mag-ingat ka sa pupuntahan mo, Brii.”

“I will. Thanks, Klara.”

Napabuntonghininga ako matapos kong magpaalam kay Klara. Ayoko talaga sanang pabayaan siyang mag-isa sa bahay dahil sa loob ng apat na taon naming magkasama, ngayon lang siya mapapahiwalay sa akin, except na lang kung may out of town seminar kaming pareho.

Katok ng nasa labas ng silid ko ang pumukaw sa pansin ko. Yeah, I know it’s him and it’s time for me to go out from my room.

Mabigat ang loob na humakbang ako patungo sa nakasarang pinto ng aking silid.

“Brianna!” Kumakatok pa rin ito at tinawag pa ang pangalan ko.

Pinihit ko na ang doorknob at binuksan ang pinto.

My eyes immediately met his impatient and frowning look.

“Stubborn. You nearly reached one hour. Hindi ka talaga marunong sumunod!” aniya na nakakunot ang noo.

“Well, a girl is always a girl! Laging late sa lahat ng bagay,” I said just to make him mad. Ngumisi pa ako, pero ang totoo ay sinasadya ko talaga, at ang totoo ay hindi ko ugali na laging late sa napag-uusapan.

“As always!” sagot niya saka ako tinalikuran at nauna nang bumaba sa hagdan.

Hmp! Napaka-ungentleman, hindi man lang dinala ang maleta ko pababa ng hagdan?  Napakawalang konsiderasyong lalaki!

I have no choice but to carry it alone. Mabigat din iyon ngunit nungkang magpapatulong ako sa kanyang buhatin ’yong bagahe ko. Never!

Inayos ko muna ang gulong niyon saka ko iyon hinatak patungong hagdan, ngunit nakailang hakbang pa lang ako nang may umagaw niyon sa aking kamay. Napatingala pa ako sa taong iyon—na walang iba kundi si Dave.

“Kahit mabigat na, hindi ka pa rin humihingi ng tulong?” Tumaas ang kilay ko. “Don’t you dare to think that I’m rude, hinihintay ko lang na magpatulong ka, but it seems that you’re a hardheaded woman,” sabi nito saka muling naunang lumakad bitbit ang regular size na maleta ko.

Tutulong naman pala pero ang dami pang sinabi.

Buti alam mo na kahit kailan ay hindi ako hihingi ng tulong sa ’yo! Hmp, itaga mo sa bato na kahit kailan ay never akong dadaing sa ’yo!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status