Share

Chapter 3

Portrait

Tumaas ang kilay ko sa secretary ni Dave na masyadong manang manamit, may makapal na kilay, braces, makapal na salamin at may buhaghag at nakapusod na buhok.

Hmm . . . sounds like they’re so close to each other, huh. Well, tama lang na ganitong kaitsurahan ang maging secretary niya, para naman hindi niya manyakin.

“You go with her, Brianna.” Tumango lang ako.  “Lott, after mo siya ilibot, dalhin mo siya sa office ko.”

“Noted, Sir. Tara na po sa opisina mo, Ma’am.”

Tumango na lang ulit ako at sumunod dito.

“Ma’am Brianna, tama ho ba ako?” I nod. “Ako nga pala si Lottie, but you can call me Lott. Heto na pala tayo sa magiging office mo, Ma’am.”

Lott opened the door for me, it’s also located on the same floor, kung saan ako dinala ni Dave.  Medyo nasa dulo nga lang ang office ko. Una akong pumasok at sumunod naman ito.  Pumasok ako sa loob habang inilibot ko ang mga paningin ko sa buong opisina.

“Wow, it looks like na pinaghandaan talaga ng amo mo itong magiging opisina ko ah,” sabi ko.

Ngumiti si Lott. “Actually, Ma’am, kahapon at noong isang araw lang ito ipinagawa at ipinaayos ni Sir sa akin para nga raw ho sa inyo na bagong magtatrabaho rito as a Salazar representative.”

Napapatango na lang ako habang nilalapitan ko ang aking magiging mesa. I even take a sit to check if I will be comfortable doing paper works with that swivel chair.

“Okay na ho ba sa inyo itong opisina n’yo, Ma’am Brianna?”

Pormal akong humarap sa kanya habang nakaupo pa rin. Umangat ang gilid ng mga labi ko saka tumango rito nang bahagya. “Okay siya, wala akong mairereklamo,” I said. Totoo naman kasi, at nagustuhan ko ang ambiance at ang lawak ng opisina. Sa tingin ko nga ay mas maganda pa iyon kaysa sa office ko sa Salazar field.

“Masaya ako at nagustuhan n’yo, Ma’am,”  magalang nitong pahayag.

Tumayo ako at lumapit sa sofa at doon naman naupo. I’m glad at mayroong sofa sa opisina kong ito. I crossed my legs and look at Lottie.  “Pwede bang maupo muna bago mo ako ilibot sa company na ito? I am tired at kasalanan ito ng boss mong masama ang ugali.”

“Ho?”

“You also need a break, so you better seat yourself here at samahan mo muna ako.”

Napapakamot ito ng ulo. “Hala, Ma’am, hindi pwede, e. Malalagot ako—”

“Ako ang bahala sa ’yo. Come on.”

“Pero baka—”

“Lottie . . .”

“Sige ho, pero sandali lang po?”

“Ten minutes will be fine with me,” saad ko rito.

“Sige po.” Nasa mukha pa rin nito ang pag-aalinlangan.

“Lott . . . Pwede mo ba akong bigyan ng impormasyon ng boss mo? I mean, short background para naman madali akong makasabay sa agos ng pagpasok ko ng trabaho rito, pwede ba?”

“Uhm, mabait si Sir Dave, Ma’am. Istrikto nga lang siya pagdating sa trabaho, at saka hindi kuripot si Sir pagdating sa mga empleyado.”

Napapatango ako. “Other than that?”

“Seyosong tao at mapagmahal na ama.” My heart immediately pang. “Ay, masyado na pala akong madaldal.”

Agad kong inalis sa dibdib ko ang huling isiniwalat nito at pinatigas ko ang aking anyo.  Tumayo ako at inayos ang aking damit. “That’s enough. Let’s go, Lott.”

Tumayo na rin ito at nauna nang lumabas. Tulad ng bilin ni Dave, inilibot nga niya ako sa dapat at importante kong libutin. Ipinakilala rin ako nito sa iba’t ibang department ng kompanya, tulad na lang sa planning and engineering department.  Ang huling pinuntahan naman namin ay ang conference room.

Napagod ako sa halos isang oras na paglalakad-lakad sa buong office. After that, we proceed to the private elevator. Ito rin ’yong sinakyan namin ni Dave kanina.

“Napagod ka ba, Ma’am?” tanong nito pagkalabas nila ng elevator.

“Yes. This is so very tiring day of my life. Inilibot mo na ’ata ako sa buong building na ito.”

Ngumiti ito na parang nahihiya sa akin. “Limang department lang naman ’yon Ma’am, to think na may fifteen department ang mayroon ang kompanyang ito.”

Umawang ang aking bibig. “Wow, e di mabuti at hindi mo ako dinala sa lahat ng department.  Lima pa lang, suko na ako.”

“Ma’am, kung may kailangan man kayo, puntahan mo lang ako dito sa post ko, ha? Hindi naman masyadong malayo ito sa office ninyo.”

“Sure, Lott.”

“So, here we are.” Itinuro nito ang saradong pinto.  “CEO Office. Ito ang office ni Sir, Ma’am Brianna.”  Kumatok ito nang tatlong beses saka iyon binuksan. “Tara Ma’am, pasok na tayo sa office ni Sir.” Nauna itong pumasok sa akin.

Sa aking pagpasok, ang una kong napansin ay ang lapad at ang ganda ng opisina nito. I also scan the glass wall on the corner. Sa buong sulok ng opisina nito ay iyon ang sobrang nakakatawag ng pansin sa mga taong makakapasok doon.  Humakbang ako papasok sa carpeted floor.   Sobrang lapad ng opisina nito. May malaking sofa bed na parang nasa living area ka lang ng isang sopitikadang bahay na may mamahalin na kagamitan, ngunit ang mas nakatawag sa aking pansin ay ang isang portrait na may saktong laki na nasa dingding. Napalunok ako at napakurap.

Dave cleared his throat kaya agad kong inalis doon ang aking mga mata. Then there, I saw him.  He’s in the table holding his pen while seriously staring at me.

Nagtama ang aming mga mata.

“Sir, narito na ho kami.”

“Leave us,” maawtoridad niyang utos.

“Okay, Sir.” Lumabas nga agad si Lott.

“You, sit down there.” Tinuro nito ang upuan na nasa harapan nito.

Bumuntonghininga ako at tinigasan ko ang aking loob.

“You are not just here as Salazar representative, but you’re also here for some other reason,” sabi nito na nakatingin sa aking mga mata. “I am going to  Bahrain for some important business transactions.”

“So?”

“Let me finish first.”

I crossed my legs. “Go on.”

“I will be there for three to five days. Wala lang talaga akong choice sa pagkakataong ito, so I accept the Salazar here in my company for a purpose.”

Tumaas ang kilay ko rito. “Diretsuhin mo na ako. Ano ba talaga ang sadya mo sa akin, Dave?”

“I need you to take care of my daughter when I am not around her.” Bigla akong nanigas sa aking kinauupuan and my heart is nearly stop functioning dahil sa pinigilan kong paghinga.

“A-ako? Bakit ako?!”

“Ikaw? Bakit, hindi ba pwede?” sarkastiko nitong saad. Hindi ako nakasagot at bigla akong nanghina at nanlamig. “Davvy need someone beside her, kaya habang nagtatrabaho ka rito, kailangan mo rin siyang mabantayan at sa bahay ka dapat umuwi.”

“I’m not a nanny, Dave!”

Biglang nalukot ang noo nito. “She has a nanny, and you’re not hired as one. Kailangan ko lang ng taong pwedeng pagbilinan ko sa anak ko bukod sa mga tao ko na nakapaligid sa kanya,” sabi nito sa medyo mataas na boses.

Hindi ako nakakibo na para bang namamanhid ang aking mga dila.

“Brianna, I hope you will comfort her while I’m still not around.” He lower down his voice. “And I hope you will not say anything to her about—”

“Ganon naman pala, e bakit ako ang gusto mong tatao sa a-anak mo?”

“As I’ve said, wala akong choice.”

“At ako ang huling choice mo, kaya pinipilit mo akong gawin ito ngayon, ganoon ba?”

Tumitig siya sa akin nang walang emosyon a ng mga mata. “Yeah, I know I can surely feel that you can look at her very well, that’s because you are —”

“Daddy . . .

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status