Storm POV
Napahilot na lang ako sa sentido ko ng makaalis ang kapatid ko. Alam kung hindi niya na naman ako titigilan kakabunganga kapag nanatili pa siya dito kahit na sanay naman na siya sa ugali ko.
Tama siya ng sinabi na walang tumatagal na sekretarya ko dahil palagi ko itong tinatanggal sa trabaho. Ayaw ko sa lahat ng empleyado ang tamad at may tinatagong landi sa katawan. Kung gusto nila magtagal ay kailangan din nilang ayusin ang trabaho nila dahil maayos ko silang binabayaran.
I treasure this company dahil isa ito sa iniwan sa amin ni Daddy habang si Kiara naman ang namamahala sa restaurant ni Mommy at meron din siyang mga boutiques. Ginawa ko ang lahat para mapanatiling maayos at successful ang Alcantara Company dahil ito na lang ang alala na meron kami galing sa mga magulang namin.
I admit that until now I’m still mourning, hindi ko pa din matanggap ang pagkamatay nilang dalawa. Ang sabi nga nila Tito Cain ay malaki ang pinagbago ko, hindi na ako tukad ng dati na masiyahin at jolly. Pakiramdam ko sa pagkawala nila ay kalahati ng pagkatao ko ang nawala din.
I never thought na maaga silang kukunin sa amin but I know na masaya na sila dahil magkasama sila. I admire their relationship na kahit hindi naging maganda ang unang pagsasama nila pero sa huli ay sila pa din ang nagkatuluyan. Too bad for my sister dahil hindi niya man lang nakita ang pagmamahalan ng mga magulang namin kaya ng ilibing sila ay ipinangako ko na aalagaan at poprotektahan ko ang kapatid ko.
Halos ilang buwan din akong nagmukmok matapos ilibing ang mga magulang namin, mabuti na lang at hindi kami iniwan nila Tito Cain, Tito Dark, Tita Calliyah at Tita Monique. Nag aral ako ng Business Administration para mapamahalaan ang kompanya kapag nakapagtapos na ako, hindi naging madali sa akin ang mga bagay bagay at mabuti na lang dahil nandyan ang mga tito’s namin na umalalay sa akin.
Nasa malalim ako ng pag iisip ng bumukas ang pinto at pumasok sina Tito Cain at Tito Dark.
“Kinakausap mo na naman ang picture ng mga magulang mo.” saad ni Tito Cain.
“I just miss them tito.” maikling anas ko.
“Lahat naman tayo na mimiss ang mga magulang mo, iba pa din talaga kapag nandito sila pero alam naman natin na masaya na sila kung nasaan man sila ngayon.” Tito Cain said.
“Ikaw kamusta naman?” tanong ni tito Dark.
“Gwapo pa din ako tito at walang nagbago do’n.” sagot ko sa kanya.
“Balita ko ay napapirma mo ang isang investor na mailap ah.”
“Finally I did it tito, ilang araw ko din siyang niligawan at mabuti na lang napapayag ko siya dahil kung ayaw niya din naman ay hindi ko siya pipilitin, hindi naman siya kawalan.” saad ko.
“Nagmana ka talaga sa ama mo, ganyan din siya mahaba ang pasensya.” pailing iling na wika ni Tito Dark.
“Balita ko nawalan ka na naman ng sekretarya ah, sabi ni Kiara.” singit ni Tito Cain.
“I fired her,” sagot ko naman.
“Bawasan mo ang pagiging mainitin ng ulo mo Stormy, para naman may tumagala na sekretarya sayo. Ngayong buwan pa lang ay nakatalo ka na.” bulalas ni Tito Dark.
“Hindi kasi nila inaayos ang trabaho nila kaya natatanggal sila, magsasayang lang ako ng pera mga tito’s kung hahayaan ko silang manatili dito sa kompanya tapos hindi naman ako satisfy sa gawa nila.” depensa ko.
Hindi din naman sila nagtagal at umalis din dahil susunduin pa nila ang mga asawa nila, samantalang ako ay nag ayos na din para makauwi na.
Inayos ko lang ang mga dokumento sa mesa ko at lumabas na ng opisina. Dumiretso na ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko.
Halos isang oras din ang naging byahe ko dahil sa traffic, minsan talaga mapapamura ka na lang kapag naabutan ka ng rush hour.
Nang makarating ako sa bahay ay mabilis kung ipinark ang sasakyan ko sa garahe at pumasok na sa loob. Nakita ko ang kapatid ko na nanonood ng tv.
“Hi kuya.” bati niya sa akin.
“Himala at nandito ka na sa bahay ng ganitong oras.” saad ko.
Ngumuso naman siya. “Ang sama mo sa akin, palagi naman akong maaga umuwi ah. Kapag nga nalate ako tinatawagan mo na ako.”
“Anong maaga? Mas nauuna pa ako umuwi sayo minsan. Porke’t wala dito si Nigel labas ka ng labas.” sermon ko sa kanya.
“Duh! Hindi nga kami okay no’n, hindi nga siya tumatawag.”
“Paano inuuna mo ‘yang ka malditahan mo. Mabuti nga at pinagtitiisan ka pa ng fiance mo.” wika ko.
“Break nga kami ng kaibigan mo!”
“Ay ewan ko sayo, malaki ka na alam mo na ang tama at mali.” saad ko.
Maglalakad na sana ako paakyat ng pinigilan ako ni Kiara. “Why?” tanong ko sa kanya.
“Eh kasi diba wala ka na ulit sekretarya?”
“So? Ano ngayon kung wala?” tanong ko ulit sa kanya.
“May kilala kasi ako na kailangan niya ng trabaho kaya kinausap ko siya kung gusto niya mag apply sa kompanya.”
Tiningnan ko naman siya ng seryoso. “Seriously? Sino naman ‘yan? May alam ba ‘yan sa pagiging sekretarya? Alam mo ang requirements ko sa isang sekretarya ko.”
Nakita ko naman ang pagkamot niya sa kanyang ulo. “She is an undergrad.”
“Are you kidding me Princess Kiara? Magrerekomenda ka na lang sa akin ang hindi pa graduate?” bulalas ko.
“Sige na kuya, she helped me kasi one time eh.”
“Pwede mo siyang tulungan in other way, pero ang maging sekretarya ko? No way!” anas ko at umakyat na sa taas. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin.
Hindi ko maintindihan ang trip ng kapatid ko, imagine gusto niyang tanggapin ko bilang sekretarya ang kilala niyang hindi naman nakapagtapos ng pag aaral? Hindi ko alam kung nasisiraan na ba siya ng ulo o ano eh.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay dumiretso na ako sa banyo para makaligo at makapagbihis dahil mayamaya ay kakain na kami ng hapunan.
Kiara POV Nakatingin lang ako sa kuya kung paakyat na ng taas, hindi pwedeng hindi ko siya mapilit na tanggapin si Bea bilang sekretarya niya. May tiwala ako sa babaeng ‘yon at alam kung magagampanan niya ng maayos ang trabaho. At dahil desisido akong mapapayag siya at sinundan ko siya sa kanyang kwarto. Pagpasok ko ay hindi ko siya nakita pero rinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo kaya sigurado akong naliligo siya. Umupo muna ako sa kama habang hinihintay siyang matapos. Mayamaya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa banyo at lumabas ang kapatid ko, napatingin naman ito sa akin. "What are you doing here?" He asked. "Hindi pa tayo tapos mag usap kuya!" singhal ko sa kanya. "Kung ipipilit mo pa rin ang sinasabi mo sa akin kanina my answer is still no." Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. "Kuya she needs this work, kailangan maoperahan ng nanay niya." saad ko. "And so? Gusto mo pang gawing charity ang kompanya? You can help her if you want. You have your business right?
Storm POV Nandito na ako ngayon sa opisina ko kahit 7am pa lang, madalas akong maaga kung pumasok para hindi ako matambakan ng trabaho. Naalala ko na naman ang sinasabi ng kapatid ko, ano kayang meron sa kanya kung bakit gano'n na lang ang tiwala sa kanya ni Kiara, I know she help my sister last time pero para ipasok siya nito sa kompanya ko ay nakakapagtaka. Mabait ang kapatid ko pero hindi siya madaling magtiwala at kahit na ayaw ko sa pabor na hinihingi niya ay wala akong magawa kung hindi ang pumayag. Yes I am heartless to other people pero pagdating sa kapatid ko ay nag iiba ako. Hahayaan ko na lang muna siya basta malinaw naman ang naging pag uusap namin na kapag hindi ko nagustuhan ang gawa ng babaeng 'yon ay tatanggalin ko siya. Mayamaya pa ay nakarinig ako ng katok mula sa aking pinto. Marahil ay ito na ang sinasabi sa akin ni Kiara." Come in." Bumukas naman agad ang pinto at pumasok ang isang babae, maganda naman pala siya. "Good morning po Mr. Alcantara." bati niya sa
Beatrice POV Dalawang linggo na ang lumipas simula ng magtrabaho ako sa Alcantara Company bilang sekretarya ni Storm at isa lang ang masasabi ko 'yon ang ang ubod sama ng ugali ng boss ko, walang araw na hindi niya ako nasisinghalan pero kahit gano'n pa man ay nasasanay na din ako sa kanya. Marahil ay ito ang dahilan kung bakit walang nagtatagal sa kanya dahil mabilis uminit ang ulo niya lalo na kapag may mali kang nagawa sa trabaho at hindi ko naman siya masisisi dahil alam kung pinapangalagaan niya lang ang kompanya nila. Masaya pa rin ako kahit papaano dahil nakakasama ko ang matagal ko ng kaibigan na si Nicole, hindi na kasi kami nagkaroon ng komunikasyon simula ng lumipat kami ng bahay at mabuti na lang dito din siya nagtatrabaho kaya kahit papaano ay may kakilala na ako. Tungkol naman sa nanay ko ay naoperahan na siya no'ng isang linggo sa tulong na din ni Sir Storm dahil siya ang gumastos ng lahat sa ospital pati na din ang mga pinagkakautangan namin ay binayaran niya, kaya k
Nigel POV Nandito ako ngayon sa kompanya ng matalik kung kaibigan na si Storm, kakauwi ko lang kahapon galing sa ibang bansa dahil may inasikaso ako do'n. Halos ilang buwan din akong nanatili do'n at ngayon lang nakauwi. Papalapit na ako sa opisina niya ng matanaw ko ang hindi ko kilala babae, mukhang bago na naman niyang sekretarya ito, lumapit ako sa kanya para tanungin kung nasa loob ba ang kanyang boss. "Hi Miss." bati ko. Iniangat niya naman ang tingin niya sa akin. "Good morning po Sir, may kailangan po ba kayo?" magalang na tanong niya. "Is your boss here?" Tumango naman siya. "Nasa loob po siya, may appointment po ba kayo sa kanya?" Umiling naman ako. "I'm his best friend." pakilala ko sa kanya. "Oh, I see, pasensya na po kayo at bago lang ako kaya hindi ko kayo kilala. Pumasok na lang po kayo sa loob at nandyan lang siya." Ngumiti lang ako sa kanya at dumiretso nasa loob. Naabutan ko si Storm na prenteng nakaupo habang nakatutok sa kanyang phone. "Mukhang hindi ya
Beatrice POV Sabado ngayon at wala akong pasok sa trabaho kaya nandito ako ngayon sa ospital at binabantayan ang nanay ko, masaya ako dahil unti unti na siyang nakakarecover at alam kung wala na sa panganib ang buhay niya. "Anak ang lalim yata ng iniisip mo." napabalik ang tingin ko sa nanay ko ng magsalita ito. "Masaya lang ako nay dahil maayos na ang kalagayan mo." saad ko. Ngumiti naman siya sa akin. "At dahil 'yon sayo anak, kung wala ka ay marahil matagal na din ako patay." "Huwag ka nga magsalita ng ganyan nay! Hindi ko pa kayang mag isa." anas ko. "Maiba ako anak, kamusta ka naman sa trabaho mo? Baka naman pinapahirapan ka ng boss mo." "Ayos lang naman ako nay, maswerte na nga ako sa trabaho ko ngayon dahil kahit hindi ako nakagraduate ay natanggap ako kompanya na 'yon at naging sekretarya pa ng CEO. Malaki ang utang na loob ko sa kanilang magkapatid dahil sila ang tumulong sa akin para mailigtas ang buhay mo." wika ko. "Salamat anak, salamat sa lahat ng ginagawa mo para
Kiara POV Kakaalis ko lang sa ospital dahil dinalaw ko ang nanay ni Beatrice at isa pa ay alam kung nando'n din siya dahil wala siyang pasok ngayon sa kompanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang hindi matawa sa mga kwento niya sa akin, mukhang nakakita na ng katapat ang kapatid ko. Hindi ko naman masisisi si kuya kung bakit ganyan siya, alam ko na hanggang ngayon ay nagluluksa pa din siya. He is still longing for their presense at gano'n din naman ako kahit hindi ko sila nakasama ng matagal how much more pa kaya si kuya. Hindi man niya sabihin ay alam kung nasasaktan pa din siya hanggang ngayon kahit na ilang taon na ang nakalipas. Naging okay lang naman siya kahit papaano ng makilala niya si Ate Kaye, I thought they will end up together pero hindi din pala dahil mas pinili niya na iwan ang kapatid ko. Saksi ako kung paano naging miserable ang buhay ni kuya ng maghiwalay sila ni Ate Kaye pero ang alam ko ngayon ay okay na sila kahit papaano, they are friends. Paglaba
Nigel POV Habang kinakausap ko si Kiara ay nanatili lang siyang nakayuko at hindi man lang umiimik, ganito siya kapag ako na ang nagsasalita ng seryoso na kahit may pagkabrat siya ay marunong siyang makinig sa mga sinasabi sa kanya. "Babe?" pagkuha ko sa atensyon niya. Napatingin naman siya sa akin. "I'm sorry." mahinang bulalas niya. "I'm not mad at you okay? Galit lang ako sa mga pinaggagawa mo at ayaw ko ng maulit pa 'yon lalo na't nandito na ulit ako." saad ko. "W-what do you mean?" "Anong klaseng tanong 'yan? Syempre babawiin ko ang dapat sa akin." ani ko. Hindi naman siya agad nakasagot at nanatiling nakatingin lang sa akin kaya ginulo ko ang kanyang buhok. "I told you the last time we talked na aayusin natin ang hindi natin pagkakaunawaan right?" saad ko. "I thought hindi mo na ako babalikan." "Who said that? Alam mong mahal kita." wika ko. Kinuha ko naman ang isang kamay niya at inilagay ang singsing sa kanyang daliri dahilan para umiyak na siya ng tuluyan. "Pinagawa
Storm POV Napahilamos ako ng mukha dahil sa labis na galit kay Beatrice, sa dami dami ng makakalimutan niyang ipaalala sa akin 'yon pa ang isang meeting ko sa kliyente. Kaya hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng frustration. "Dalawang buwan ka na nagtatrabaho dito diba? At palagi kung ipinapaalala sayo na lahat ng schedule ko ay dapat na ayusin mo! Anong mahirap intindihin do'n?" singhal ko sa kanya. "At ilang beses ko na din sinasabi sayo Sir, kahapon ko pa ipinaalala sayo ang meeting na 'yan. Hindi ko naman po alam na hindi ka nakikinig at hindi mo itinatak sa isip mo." "Ako pa ang sisisihin mo? Sekretarya kita 'yan na nga lang ang trabaho mo hindi mo pa magawa ng tama? Iba ang kahapon sa ngayon at sana pinaalala mo ulit! Tangina lang! Alam mo ba kung gaano ka importante ang kliyente na 'yon? At dahil sa katangahan mo nawala!" sigaw ko sa kanya. "Ginagawa ko ng tama ang trabaho ko at isa pa niremind ko ulit 'yan sayo kanina, siguro naman ay hindi ko na kasalanan na kinalimu