Kiara POV
Nakatingin lang ako sa kuya kung paakyat na ng taas, hindi pwedeng hindi ko siya mapilit na tanggapin si Bea bilang sekretarya niya. May tiwala ako sa babaeng ‘yon at alam kung magagampanan niya ng maayos ang trabaho.
At dahil desisido akong mapapayag siya at sinundan ko siya sa kanyang kwarto. Pagpasok ko ay hindi ko siya nakita pero rinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo kaya sigurado akong naliligo siya. Umupo muna ako sa kama habang hinihintay siyang matapos.
Mayamaya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa banyo at lumabas ang kapatid ko, napatingin naman ito sa akin.
"What are you doing here?" He asked.
"Hindi pa tayo tapos mag usap kuya!" singhal ko sa kanya.
"Kung ipipilit mo pa rin ang sinasabi mo sa akin kanina my answer is still no."
Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. "Kuya she needs this work, kailangan maoperahan ng nanay niya." saad ko.
"And so? Gusto mo pang gawing charity ang kompanya? You can help her if you want. You have your business right? Bakit hindi mo siya pagtrabahuin sayo?"
"I already offer her some help pero ayaw niyang tanggapin, gusto niya magtrabaho at hindi umasa sa ibang tao. At isa pa kuya walang bakante sa boutique ko." paliwanag ko sa kanya.
"But she is not a degree holder right? Hindi siya nakatapos ng pag aaral."
"But she is hard working, I'm sure naman na magagawa niya ng maayos ang trabaho niya. Hindi ba 'yon naman ang gusto mo sa isang sekretarya?" pagpupumilit ko.
Bumuntong hininga naman siya. "Pagbibigyan kita sa bagay na ito Kiara pero kapag hindi ko nagustuhan ang trabaho niya ay tatanggalin ko siya. Okay?"
"Talaga kuya? Wala ng bawian yan ah." masiglang saad ko at niyakap niya.
"Let me go! Hindi ako makahinga." reklamo niya.
"Pwede mo na siyang tulungan sa operasyon ng nanay niya right?" saad ko.
Kumunot naman ang noo niya. "What do you mean?"
"Eh kasi kuya kanina sinamahan ko siya sa hospital, naaawa ako sa kanya kasi sila na lang na dalawa ng nanay niya tapos may sakit pa ito at sabi ng doctor ay kapag hindi pa ito maoperahan ay baka mamatay siya." pagkwento ko.
"Saan mo ba nakilala 'yan? Baka mamaya hindi 'yan magpagkakatiwalaan at ginagamit ka lang."
"Mabait siya kuya, tinanggihan niya nga ang alok kung tulong sa kanya diba? Sabi niya kasi gusto niyang pagtrabahuan ang perang kikitain niya para sa nanay niya. At alam mo ba na halos apat na trabaho ang pinapasukan niya para lang makaipon ng pera at ayaw niya na din mangutang kasi hindi pa sila nakakabayad sa ibang nautangan nila." anas ko.
"Ewan ko sayo Kiara, iwasan mo ang masyadong pagiging mabait dahil minsan naabuso 'yan ng ibang tao."
"I know kuya, it's just mabait lang talaga siya sa akin kasi tinulungan niya din naman ako kahit hindi niya pa ako kilala noon." wika ko.
"Tell her that she needs to go to the office tomorrow. Ayaw ko ng late."
"Alright kuya I will." nakangiting saad ko.
Tumango naman siya. "Bumaba na tayo at kumain."
FASTFORWARD ...
Nang matapos na kaming kumain ay agad akong pumanhik sa kwarto ko para tawagan si Reign, kailangan kung sabihin sa kanya ang magandang balita.
"Hello, sino 'to?" bungad sa akin ng nasa kabilang linya.
"Hey Bea it's me Kiara." sagot ko naman sa kanya.
"Ay ikaw pa lang 'yan Ki. Bakit ka napatawag?"
"I have good news." saad ko.
"Ano 'yon?"
"Pumayag na si kuya na magtrabaho ka sa kanya." masiglang anas ko.
"T-talaga? Paano?"
"Sinabi ko naman sayo na ako ang bahala diba? Pumunta ka sa opisina niya bukas and please huwag kang malate dahil ayaw niya pa naman na pinaghihintay siya." saad ko.
Pagkatapos kung sabihin 'yon sa kanya ay ibinaba ko na ang tawag at nahiga na sa kama. Biglang pumasok sa isipin ko si Nigel, na mimiss ko na siya. It's been a month simula ng nag cooloff kami, ginagawa ko ang lahat para lang kausapin niya ako ulit. Nagpakabrat ako at naging laman ng bar pero sadyang matigas siya. Kasalanan ko naman kasi kung bakit kami nagkaganito.
Mayamaya ay tumunog ang phone ko, kinuha ko ito at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pangalan ng taong iniisip ko.
"Nigel!" sigaw ko ng sagutin ko ito.
"How are you Princess?" he asked me.
"I-im fine, still alive and kicking. How about you?" sagot ko sa kanya.
"I'm okay, medyo busy lang nitong mga nakaraang linggo."
"Good to hear that." anas ko.
"Ahm, Princess I wanna talk to you."
"Nig, kung tungkol ito sa engagement you don't need to worry about it." malungkot na anas ko.
"It's not about it. I will not call off the engagement we have Princess. That's why I call just to talk to you."
"W-what do you mean?" tanong ko sa kanya.
"I'll be home next week. So, see you."
"T-talaga?" masayang turan ko.
"Yes, tatapusin ko lang 'yong projects dito at uuwi na ako."
"Akala ko magtatagal ka pa diyan eh." ani ko.
"Pwede ba 'yon? Eh nandyan ang main branch ng kompanya namin. Alam mo naman na hindi naman ako pupunta dito kung hindi lang nagkasakit si Dad."
"I know, akala ko lang talaga matatagalan ka pa o kaya hindi na bumalik." saad ko.
"Pwede ba 'yon eh nandyan ang fiance ko."
"Fiance ka diyan, parang hindi tayo naghiwalay ah. Ni hindi mo nga ako tinawagan man lang ng halos isang buwan." puno ng hinanakit na sambit ko.
"Hindi naman talaga tayo naghiwalay, iba ang cool off sa hiwalay okay? At isa pa ginamit ko ang oras na 'yon para tapusin ang projects dito pero alam ko ang nangyayari sayo diyan at alam ko ang mga ginagawa mo."
"What? Sigurado akong si kuya 'yan!" bulalas ko dahil wala naman ibang magsasabi sa kanya kung hindi ang kapatid ko dahil mag best friend sila.
"Hindi ko gusto ang mga ginagawa mo Princess."
"I'm sorry about it, I'm just sad to what happen kaya nagawa ko ang mga bagay na 'yon para makalimot kahit papaano." paliwanag ko sa kanya.
Nag usap pa kaming dalawa ng halos ilang oras bago kami nagpaalam sa isa't isa dahil gabi na at kailangan na namin matulog.
He is Nigel Monteverde my fiance, best friend sila ng kapatid ko kaya madalas siyang nasa bahay dati hanggang sa naging close kami at niligawan niya ako. Hindi naging madali sa kanya ang lahat dahil sobrang protective ng kapatid ko pero kalaunan ay napapayag niya din si Storm.
Storm POV Nandito na ako ngayon sa opisina ko kahit 7am pa lang, madalas akong maaga kung pumasok para hindi ako matambakan ng trabaho. Naalala ko na naman ang sinasabi ng kapatid ko, ano kayang meron sa kanya kung bakit gano'n na lang ang tiwala sa kanya ni Kiara, I know she help my sister last time pero para ipasok siya nito sa kompanya ko ay nakakapagtaka. Mabait ang kapatid ko pero hindi siya madaling magtiwala at kahit na ayaw ko sa pabor na hinihingi niya ay wala akong magawa kung hindi ang pumayag. Yes I am heartless to other people pero pagdating sa kapatid ko ay nag iiba ako. Hahayaan ko na lang muna siya basta malinaw naman ang naging pag uusap namin na kapag hindi ko nagustuhan ang gawa ng babaeng 'yon ay tatanggalin ko siya. Mayamaya pa ay nakarinig ako ng katok mula sa aking pinto. Marahil ay ito na ang sinasabi sa akin ni Kiara." Come in." Bumukas naman agad ang pinto at pumasok ang isang babae, maganda naman pala siya. "Good morning po Mr. Alcantara." bati niya sa
Beatrice POV Dalawang linggo na ang lumipas simula ng magtrabaho ako sa Alcantara Company bilang sekretarya ni Storm at isa lang ang masasabi ko 'yon ang ang ubod sama ng ugali ng boss ko, walang araw na hindi niya ako nasisinghalan pero kahit gano'n pa man ay nasasanay na din ako sa kanya. Marahil ay ito ang dahilan kung bakit walang nagtatagal sa kanya dahil mabilis uminit ang ulo niya lalo na kapag may mali kang nagawa sa trabaho at hindi ko naman siya masisisi dahil alam kung pinapangalagaan niya lang ang kompanya nila. Masaya pa rin ako kahit papaano dahil nakakasama ko ang matagal ko ng kaibigan na si Nicole, hindi na kasi kami nagkaroon ng komunikasyon simula ng lumipat kami ng bahay at mabuti na lang dito din siya nagtatrabaho kaya kahit papaano ay may kakilala na ako. Tungkol naman sa nanay ko ay naoperahan na siya no'ng isang linggo sa tulong na din ni Sir Storm dahil siya ang gumastos ng lahat sa ospital pati na din ang mga pinagkakautangan namin ay binayaran niya, kaya k
Nigel POV Nandito ako ngayon sa kompanya ng matalik kung kaibigan na si Storm, kakauwi ko lang kahapon galing sa ibang bansa dahil may inasikaso ako do'n. Halos ilang buwan din akong nanatili do'n at ngayon lang nakauwi. Papalapit na ako sa opisina niya ng matanaw ko ang hindi ko kilala babae, mukhang bago na naman niyang sekretarya ito, lumapit ako sa kanya para tanungin kung nasa loob ba ang kanyang boss. "Hi Miss." bati ko. Iniangat niya naman ang tingin niya sa akin. "Good morning po Sir, may kailangan po ba kayo?" magalang na tanong niya. "Is your boss here?" Tumango naman siya. "Nasa loob po siya, may appointment po ba kayo sa kanya?" Umiling naman ako. "I'm his best friend." pakilala ko sa kanya. "Oh, I see, pasensya na po kayo at bago lang ako kaya hindi ko kayo kilala. Pumasok na lang po kayo sa loob at nandyan lang siya." Ngumiti lang ako sa kanya at dumiretso nasa loob. Naabutan ko si Storm na prenteng nakaupo habang nakatutok sa kanyang phone. "Mukhang hindi ya
Beatrice POV Sabado ngayon at wala akong pasok sa trabaho kaya nandito ako ngayon sa ospital at binabantayan ang nanay ko, masaya ako dahil unti unti na siyang nakakarecover at alam kung wala na sa panganib ang buhay niya. "Anak ang lalim yata ng iniisip mo." napabalik ang tingin ko sa nanay ko ng magsalita ito. "Masaya lang ako nay dahil maayos na ang kalagayan mo." saad ko. Ngumiti naman siya sa akin. "At dahil 'yon sayo anak, kung wala ka ay marahil matagal na din ako patay." "Huwag ka nga magsalita ng ganyan nay! Hindi ko pa kayang mag isa." anas ko. "Maiba ako anak, kamusta ka naman sa trabaho mo? Baka naman pinapahirapan ka ng boss mo." "Ayos lang naman ako nay, maswerte na nga ako sa trabaho ko ngayon dahil kahit hindi ako nakagraduate ay natanggap ako kompanya na 'yon at naging sekretarya pa ng CEO. Malaki ang utang na loob ko sa kanilang magkapatid dahil sila ang tumulong sa akin para mailigtas ang buhay mo." wika ko. "Salamat anak, salamat sa lahat ng ginagawa mo para
Kiara POV Kakaalis ko lang sa ospital dahil dinalaw ko ang nanay ni Beatrice at isa pa ay alam kung nando'n din siya dahil wala siyang pasok ngayon sa kompanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang hindi matawa sa mga kwento niya sa akin, mukhang nakakita na ng katapat ang kapatid ko. Hindi ko naman masisisi si kuya kung bakit ganyan siya, alam ko na hanggang ngayon ay nagluluksa pa din siya. He is still longing for their presense at gano'n din naman ako kahit hindi ko sila nakasama ng matagal how much more pa kaya si kuya. Hindi man niya sabihin ay alam kung nasasaktan pa din siya hanggang ngayon kahit na ilang taon na ang nakalipas. Naging okay lang naman siya kahit papaano ng makilala niya si Ate Kaye, I thought they will end up together pero hindi din pala dahil mas pinili niya na iwan ang kapatid ko. Saksi ako kung paano naging miserable ang buhay ni kuya ng maghiwalay sila ni Ate Kaye pero ang alam ko ngayon ay okay na sila kahit papaano, they are friends. Paglaba
Nigel POV Habang kinakausap ko si Kiara ay nanatili lang siyang nakayuko at hindi man lang umiimik, ganito siya kapag ako na ang nagsasalita ng seryoso na kahit may pagkabrat siya ay marunong siyang makinig sa mga sinasabi sa kanya. "Babe?" pagkuha ko sa atensyon niya. Napatingin naman siya sa akin. "I'm sorry." mahinang bulalas niya. "I'm not mad at you okay? Galit lang ako sa mga pinaggagawa mo at ayaw ko ng maulit pa 'yon lalo na't nandito na ulit ako." saad ko. "W-what do you mean?" "Anong klaseng tanong 'yan? Syempre babawiin ko ang dapat sa akin." ani ko. Hindi naman siya agad nakasagot at nanatiling nakatingin lang sa akin kaya ginulo ko ang kanyang buhok. "I told you the last time we talked na aayusin natin ang hindi natin pagkakaunawaan right?" saad ko. "I thought hindi mo na ako babalikan." "Who said that? Alam mong mahal kita." wika ko. Kinuha ko naman ang isang kamay niya at inilagay ang singsing sa kanyang daliri dahilan para umiyak na siya ng tuluyan. "Pinagawa
Storm POV Napahilamos ako ng mukha dahil sa labis na galit kay Beatrice, sa dami dami ng makakalimutan niyang ipaalala sa akin 'yon pa ang isang meeting ko sa kliyente. Kaya hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng frustration. "Dalawang buwan ka na nagtatrabaho dito diba? At palagi kung ipinapaalala sayo na lahat ng schedule ko ay dapat na ayusin mo! Anong mahirap intindihin do'n?" singhal ko sa kanya. "At ilang beses ko na din sinasabi sayo Sir, kahapon ko pa ipinaalala sayo ang meeting na 'yan. Hindi ko naman po alam na hindi ka nakikinig at hindi mo itinatak sa isip mo." "Ako pa ang sisisihin mo? Sekretarya kita 'yan na nga lang ang trabaho mo hindi mo pa magawa ng tama? Iba ang kahapon sa ngayon at sana pinaalala mo ulit! Tangina lang! Alam mo ba kung gaano ka importante ang kliyente na 'yon? At dahil sa katangahan mo nawala!" sigaw ko sa kanya. "Ginagawa ko ng tama ang trabaho ko at isa pa niremind ko ulit 'yan sayo kanina, siguro naman ay hindi ko na kasalanan na kinalimu
Beatrice POVKakarating ko lang dito sa ospital para bantayan ang nanay ko, dito na kasi ako dumidiretso pagkatapos ng trabaho ko. Hanggang ngayon ay hindi pa din mawala sa isip ko ang mga katagang sinabi sa akin ng boss ko. Tama naman siya hindi ko dapat siya sinasagot ng gano'n dahil kahit baliktarin man ang mundo ay malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang dahilan para mailigtas ang buhay ng ina ko.Hindi ko alam kung bakit gano'n ang ugali niya dahil mabait naman ang kapatid niyang si Kiara, marahil hindi talaga magkakatulad ng ugali ang isang tao kahit pa na magkapatid sila. Sana lang ay matutunan niya ding tumawa kahit minsan man lang."Anak may problema ba?" Napatingin ako sa nanay ko ng bigla itong magsalita at agad naman akong napailing. "Wala po nay, masyado lang maraming trabaho na ginawa sa opisina." sagot ko."Baka naman masyado ka ng nagpapakapagod o kaya maraming ipinapagawa sayo ang boss mo.""Hindi po nay, madali lang naman ang trabaho ko sa opisina bilang