Share

Chapter 5

Storm POV

Nandito na ako ngayon sa opisina ko kahit 7am pa lang, madalas akong maaga kung pumasok para hindi ako matambakan ng trabaho.

Naalala ko na naman ang sinasabi ng kapatid ko, ano kayang meron sa kanya kung bakit gano'n na lang ang tiwala sa kanya ni Kiara, I know she help my sister last time pero para ipasok siya nito sa kompanya ko ay nakakapagtaka.

Mabait ang kapatid ko pero hindi siya madaling magtiwala at kahit na ayaw ko sa pabor na hinihingi niya ay wala akong magawa kung hindi ang pumayag. Yes I am heartless to other people pero pagdating sa kapatid ko ay nag iiba ako. Hahayaan ko na lang muna siya basta malinaw naman ang naging pag uusap namin na kapag hindi ko nagustuhan ang gawa ng babaeng 'yon ay tatanggalin ko siya.

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng katok mula sa aking pinto. Marahil ay ito na ang sinasabi sa akin ni Kiara." Come in."

Bumukas naman agad ang pinto at pumasok ang isang babae, maganda naman pala siya. 

"Good morning po Mr. Alcantara." bati niya sa akin.

"Ikaw ba ang sinasabi ng kapatid ko?" tanong ko sa kanya.

"Yes ako nga po.

"Maupo ka." utos ko sa kanya na agad niya naman sinunod.

"Siguro naman ay alam mo na ang magiging trabaho mo dahil nasabi na sayo ni Kiara right? Tatapatin na kita ngayon sa totoo lang ay hindi kita gusto na maging sekretarya ko, pinagbigyan ko lang ang kapatid ko kaya sana ayusin mo ang trabaho mo dahil ayaw kung nasasayang ang oras ko at ayaw ko sa mga taong tamad. Maliwanag ba?" saad ko.

"Hindi ko din naman gusto na ipilit ang sarili ko dito Sir, sadyang nahihiya lang din ako tanggihan si Kiara at isa pa kailangan ko para sa nanay ko." sagot niya naman.

Hindi ko inaasahan ang magiging sagot niya sa akin, mukhang palaban ang isang to.

"That's good to hear that, ayaw kung mag aksaya ng pera para sa wala. And my sister also mention about your sick mom, she needs to undergo operation right?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

"Opo, kaya tinanggap ko ang offer sa akin ni Kiara."

Bumuntong hininga naman ako. "Siguraduhin mo lang na aayusin mo ang trabaho mo dahil kaya kitang tanggalin anytime." bilin ko sa kanya at tumango naman ito.

"Since you will be working as my secretary kailangan wala kang makaligtaan sa mga schedule ko lalo na sa mga meetings ko, kailangan updated 'yon everyday. Maliwanag?"

"Yes Sir."

"I will help you pay the operation of your mother at babayaran ko din muna ang mga pinagkakautangan niyo. Is that okay with you?" tanong ko sa kanya.

"H-hindi pa naman ako nakakapagsimula sa pagtatrabaho Sir."

"No need to worry about it, alam kung kailangan ng maoperahan ng nanay mo bago pa lumala ang lahat. At para na din makapag focus ka sa trabaho ng walang inaalala. Ikakaltas ko na lang 'yan lahat sa sahod mo." paliwanag ko sa kanya.

Tumango naman siya at agad ko siyang sinabihan na magsimula na siya ngayong araw at iupdate niya ang mga schedule ko para bukas dahil wala naman akong meeting ngayong araw.

Beatrice POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa table ko ngayon, hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na makakapagtrabaho ako sa Alcantara Company gayong hindi naman ako nakapagtapos ng kolehiyo, malaki talaga ang utang na loob ko kay Kiara.

At isa pa sa wakas ay nakilala at nakita ko na din sa palapitan si Sir Storm, ang gwapo niya pala talaga kagaya ng sinasabi ng mga kababaihan pero ang arogante niya at straighfiorward kung magsalita. Mukhang kailangan ko ng masanay sa ugali niya.

Dumating ang tanghalian at wala namang inutos sa akin si Sir kaya tumayo na ako at kumatok sa opisina niya.

"What is it Bea?" tanong niya pero nanatiling nakatutok sa laptop ang mga mata niya. 

"It's lunch time na Sir, ibibili ko ba kayo ng pagkain?" tanong ko.

"I'm still full, ibili mo na lang ako ng cheese cake at frappe sa starbucks pagkatapos mong maglunch." saad niya.

Bumalik naman ako sa pwesto ko at kinuha ang bag ko para pumunta sa cafeteria nitong kompanya.

Nang makarating ako do'n ay pumila na ako para makabili ng pagkain, grabe naman ang presyo ng mga ulam dito dollars. Hays! Pero wala naman akong choice kung hindi ang bumili dahil ayaw ko naman ang magutom.

Pagkatapos kung makabili ay umupo na ako sa bakanteng table at nagsimula ng kumain.

"Ms. pwede bang makishare ng table?" napatingin ako sa isang babae na nasa harap ko at ng makita ko ang itsura nito ay nanlaki ang mga mata ko.

"Nicole?"

"Bea?"

"Oh my! Ikaw nga!" masiglang saad niya.

"Hindi ko expected na makikita kita dito." saad ko sa kanya. She is my best friend in college.

"Kahit naman ako nagulat, hindi ko alam na dito ka na nagtatrabaho kasi ngayon lang kita nakita." 

"Kanina lang kasi ako nagsimula." wika ko.

"Nakakatampo ka, alam mo bang ilang beses akong nagpunta sa dating bahay niyo pero wala na pala kayo do'n."

"Pasensya ka na, namatay kasi si tatay kaya kailangan namin lumipat sa mas maliit na bahay." paliwanag ko sa kanya.

"Awww, hindi ko man lang alam na wala na pala si Tito. Pero masaya ako dahil nagkita na tayo ulit. Saang department ka ba nakaassign?"

"Secretary ako ni Mr. Alcantara." sagot ko sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata niya. "Seryoso? Naku friend goodluck talaga sayo at sa work mo."

"Oo nga eh, balita ko walang nagtatagal na sekretarya niya." wika ko.

"Eh paano naman kasi 'yong mga nagiging sekretarya niya ay walang ginawa kung hindi magpapansin kay Sir, eh alam mo naman 'yon na seryoso sa buhay at walang pakialam sa paligid tapos mainitin pa ang ulo."

"Sinabi mo pa, kanina nga kung ano ano na agad sinabi sa akin. Na kesyo ayaw niya sa mga tamad sa trabaho dahil hindi daw siya nag aaksaya ng pera sa mga walang kwentang bagay." pagkwento ko.

Natawa naman si Nicole dahil sa sinabi ko. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Je An
Nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status