Beatrice POV Sabado ngayon at wala akong pasok sa trabaho kaya nandito ako ngayon sa ospital at binabantayan ang nanay ko, masaya ako dahil unti unti na siyang nakakarecover at alam kung wala na sa panganib ang buhay niya. "Anak ang lalim yata ng iniisip mo." napabalik ang tingin ko sa nanay ko ng magsalita ito. "Masaya lang ako nay dahil maayos na ang kalagayan mo." saad ko. Ngumiti naman siya sa akin. "At dahil 'yon sayo anak, kung wala ka ay marahil matagal na din ako patay." "Huwag ka nga magsalita ng ganyan nay! Hindi ko pa kayang mag isa." anas ko. "Maiba ako anak, kamusta ka naman sa trabaho mo? Baka naman pinapahirapan ka ng boss mo." "Ayos lang naman ako nay, maswerte na nga ako sa trabaho ko ngayon dahil kahit hindi ako nakagraduate ay natanggap ako kompanya na 'yon at naging sekretarya pa ng CEO. Malaki ang utang na loob ko sa kanilang magkapatid dahil sila ang tumulong sa akin para mailigtas ang buhay mo." wika ko. "Salamat anak, salamat sa lahat ng ginagawa mo para
Kiara POV Kakaalis ko lang sa ospital dahil dinalaw ko ang nanay ni Beatrice at isa pa ay alam kung nando'n din siya dahil wala siyang pasok ngayon sa kompanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang hindi matawa sa mga kwento niya sa akin, mukhang nakakita na ng katapat ang kapatid ko. Hindi ko naman masisisi si kuya kung bakit ganyan siya, alam ko na hanggang ngayon ay nagluluksa pa din siya. He is still longing for their presense at gano'n din naman ako kahit hindi ko sila nakasama ng matagal how much more pa kaya si kuya. Hindi man niya sabihin ay alam kung nasasaktan pa din siya hanggang ngayon kahit na ilang taon na ang nakalipas. Naging okay lang naman siya kahit papaano ng makilala niya si Ate Kaye, I thought they will end up together pero hindi din pala dahil mas pinili niya na iwan ang kapatid ko. Saksi ako kung paano naging miserable ang buhay ni kuya ng maghiwalay sila ni Ate Kaye pero ang alam ko ngayon ay okay na sila kahit papaano, they are friends. Paglaba
Nigel POV Habang kinakausap ko si Kiara ay nanatili lang siyang nakayuko at hindi man lang umiimik, ganito siya kapag ako na ang nagsasalita ng seryoso na kahit may pagkabrat siya ay marunong siyang makinig sa mga sinasabi sa kanya. "Babe?" pagkuha ko sa atensyon niya. Napatingin naman siya sa akin. "I'm sorry." mahinang bulalas niya. "I'm not mad at you okay? Galit lang ako sa mga pinaggagawa mo at ayaw ko ng maulit pa 'yon lalo na't nandito na ulit ako." saad ko. "W-what do you mean?" "Anong klaseng tanong 'yan? Syempre babawiin ko ang dapat sa akin." ani ko. Hindi naman siya agad nakasagot at nanatiling nakatingin lang sa akin kaya ginulo ko ang kanyang buhok. "I told you the last time we talked na aayusin natin ang hindi natin pagkakaunawaan right?" saad ko. "I thought hindi mo na ako babalikan." "Who said that? Alam mong mahal kita." wika ko. Kinuha ko naman ang isang kamay niya at inilagay ang singsing sa kanyang daliri dahilan para umiyak na siya ng tuluyan. "Pinagawa
Storm POV Napahilamos ako ng mukha dahil sa labis na galit kay Beatrice, sa dami dami ng makakalimutan niyang ipaalala sa akin 'yon pa ang isang meeting ko sa kliyente. Kaya hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng frustration. "Dalawang buwan ka na nagtatrabaho dito diba? At palagi kung ipinapaalala sayo na lahat ng schedule ko ay dapat na ayusin mo! Anong mahirap intindihin do'n?" singhal ko sa kanya. "At ilang beses ko na din sinasabi sayo Sir, kahapon ko pa ipinaalala sayo ang meeting na 'yan. Hindi ko naman po alam na hindi ka nakikinig at hindi mo itinatak sa isip mo." "Ako pa ang sisisihin mo? Sekretarya kita 'yan na nga lang ang trabaho mo hindi mo pa magawa ng tama? Iba ang kahapon sa ngayon at sana pinaalala mo ulit! Tangina lang! Alam mo ba kung gaano ka importante ang kliyente na 'yon? At dahil sa katangahan mo nawala!" sigaw ko sa kanya. "Ginagawa ko ng tama ang trabaho ko at isa pa niremind ko ulit 'yan sayo kanina, siguro naman ay hindi ko na kasalanan na kinalimu
Beatrice POVKakarating ko lang dito sa ospital para bantayan ang nanay ko, dito na kasi ako dumidiretso pagkatapos ng trabaho ko. Hanggang ngayon ay hindi pa din mawala sa isip ko ang mga katagang sinabi sa akin ng boss ko. Tama naman siya hindi ko dapat siya sinasagot ng gano'n dahil kahit baliktarin man ang mundo ay malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang dahilan para mailigtas ang buhay ng ina ko.Hindi ko alam kung bakit gano'n ang ugali niya dahil mabait naman ang kapatid niyang si Kiara, marahil hindi talaga magkakatulad ng ugali ang isang tao kahit pa na magkapatid sila. Sana lang ay matutunan niya ding tumawa kahit minsan man lang."Anak may problema ba?" Napatingin ako sa nanay ko ng bigla itong magsalita at agad naman akong napailing. "Wala po nay, masyado lang maraming trabaho na ginawa sa opisina." sagot ko."Baka naman masyado ka ng nagpapakapagod o kaya maraming ipinapagawa sayo ang boss mo.""Hindi po nay, madali lang naman ang trabaho ko sa opisina bilang
Storm POV Lunes ngayon pero nandito pa din ako sa bahay. Maagang umalis ang kapatid ko dahil may pupuntahan sila ni Nigel, mas mabuti ng nandito ang best friend ko sa Pilipinas dahil kahit papaano ay nagtitino si Kiara. Nandito lang ako sa kwarto ko dahil katatapos ko lang maligo, plano ko kasing bisitahin ang mga magulang ko ngayong araw, matagal na din ng huli ko silang mapuntahan dahil sa naging busy ako sa kompanya at sa sunod sunod na mga meetings. Nang tapos na akong mag ayos ay kinuha ko na ang wallet ko at susi ng sasakyan saka lumabas na sa kwarto. Nagdrive muna ako papunta sa isang flower shop at bumili ng sariwang bulaklak na maborito ng mommy ko. Hindi din naman nagtagal at nakarating na ako sa kung nasaan ang magulang ko at binuksan ang gate, inilapag ko ang bulaklak na dala ko sa tapat ng kanilang lapida at umupo sa tabi nito. "Happy Aniversary Mom and Dad How are you there in heaven? Masaya ba kayo diyan? I am working hard for the company at hanggang ngayon ay nasa
Kiara POV Nawala ang ngiting nakapaskil sa mukha ko ng umalis si kuya, hindi ko kayang maging malungkot sa harap dahil ayaw ko na makadagdag sa sakit na kinikimkim niya sa tuwing sumasapit ang araw na ito. Alam kung sobrang na mimiss niya na ang mga magulang namin kaya nilalaan niya na lang palagi ang oras niya sa pagtatrabaho para hindi niya gaanong maalala ang mga ito. I admit that I'm also hurting dahil lumaki ako na wala na ang mga magulang namin pero dahil nandyan si Kuya ay pinaramdam niya sa akin na walang kulang, hindi ko man nakita at nakasama sila Mom and Dad I'm still happy kasi minahal at inalaagan ako ng kapatid ko. Pero I can measure the pain he is feeling right now, simula ng magkaedad ako ay naikwento niya sa akin how amazing our parents is lalo na 'yong mga pinagdaanan nilang dalawa. My brother is close to the both of them kaya hindi ko masisisi si kuya kung bakit hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya. Nakasama niya ng matagal ang mga magulang namin at nasanay
Beatrice POV Tatlong araw ang nakalipas simula ng huling pag uusap namin ng boss ko at hanggang ngayon ay hindi pa din ito pumapasok. Ang akala ko ay may sakit ito pero ang sabi naman ni Kiara ay mag importante lang itong inaayos kaya minsan siya ang nandito sa opisina kagaya na lang ngayon. "Hi Bea." nakangiting bati niya sa akin. "Napadalaw ka Kia? May kailangan ka?" tanong ko sa kanya. "Wala naman, binisita lang kita dahil baka na miss mo na si kuya." natatawang bulalas niya. "At bakit ko naman mamimiss ang kapatid mong pinaglihi sa sama ng loob?" saad ko at iniran siya na kinatawa niya pa lalo, madalas siyang ganito sa akin inaasar asa kapatid niya. "Easy ka lang masyadong mainit ang ulo mo, tatlong araw mo pa nga lang hindi nakita si Storm. Anyway, papasok na 'yon ngayon." "Talagang papasok 'yon kasi siya ang may ari ng kompanyang 'to." anas ko. "Ininform lang kita. Para naman alam mo." bakas sa kanyang boses ang pang aasar. "Hindi mo naman kailangan gawin 'yan kasi alam