Share

Chapter 4

“So, sino yung ama n'yan?”

Napatahimik si Akira sa tanong ng kaniyang kaibigan na kauupo lang matapos siyang abutan ng maiinom. Mas pinili muna ni Akira na tumuloy sa bahay ni Aia kaysa dumiretso sa bahay mismo nila.

“H-hindi ko alam…” halos bulong na ni Akira at lumagok ng kaonting tubig.

“Anong—“ hindi na lang ni Aia ipinagpatuloy ang kaniyang sasabihin at mas piniling ibahin na lang ang usapan. "Sorry beb, ha?”

“Ha? Bakit naman?” takang tanong ni Akira at nakita niyang naiiyak ito. “Hoy, ba’t ka naman ganiyan Beb,” naramdaman na rin ni Akira ang pag-init ng kaniyang mga mata.

“Sorry kasi wala ako doon, eh. Sorry kasi ikaw lang mag-isa. I’m so sorry, Beb. Hindi mo talaga deserve to,” tuluyan nan gang naiyak ang dalawa.

“Ano ka ba,” saad ni Akira at niyakap ang kaibigan. “Kakayanin ko lahat, Aia. Kakayanin ko ‘to. Ako na ‘to, eh,” pagbibiro pa nito at napatawa na lang din ng mahina si Aia.

“Promise ko sayo, Aki. Andito lang ako. Promise ‘yan. Kahit anong mangyare, susuportahan kita at tutulungan kita, ha?” pangako ni Aia sakaniya at tumango naman si Akira.

Matapos ng kanilang emosyonal na pag-uusap ay nagpahinga na muna si Akira at nagluto naman na si Aia. Sa hapag-kainan ay nagsalita na si Akira tungkol sa lalaking nakabuntis sakaniya.

“Isa siyang Yakuza…” saad nito.

“Huh? Ano ibig sabihan niyan?” takang tanong ni Aia habang nilalagyan ng kanin ang plato ng kaibigan.

“Parang sila yung mga mafia na tinatawag pero magkakapamilya sila,” pag-eksplika ni Akira.

“Paano mo nalamang Yakuza siya? Eh ‘di ba sabi mo ‘di mo naman nakita yung mukha niya?” takang tanong ni Aia.

“Oo pero…” napatigil ito at napa-isip. “Meron siyang malaking tattoo ng dragon sa likuran niya,” pagkaalala nito. “’Yun lang ‘yong naalala ko,” dagdag niya.

“Eh ‘di ibig sabihin mayaman ‘yun? Bakit hindi mo hinanap? Responsibilidad niya iyang bata,” saad ni Aia.

“Kasi nga isa sigang Yakuza,” sagot ni Akira. “Dalawa lang yan, babayaran niya buhay ko o ipapatay niya ako.”

“Mas okay pa rin naman yung first choice.”

“Ito parang tanga naman eh,” pag-sita sakaniya ni Akira.

Napatawa si Aia. “Joke lang,” saad nito. “Eh, kailan ka naman uuwi sainyo?”

“Sa makalawa siguro…”

“Handa ka na ba sa bunganga ni tita?” tanong ni Aia na ikinatigil naman ni Akira.

“Bahala na…”

Matapos ang dalawang araw na panunuluyan ni Akira sa bahay ni Aia ay umuwi na nga ito sa bahay nila. Halos lahat ng kapit-bahay ay sakanila ang mga mata at rinig na rinig na ang mga bulungan habang naglalakad sa eskinita si Akira kasama si Aia.

“Nay…” pagtawag ni Akira sa nanay niyang nagwawalis sa maliit na bakuran.

“Ate Aki!” sigaw ni Alisa na nakababatang kapatid niya at ngayon ay nasa koleheyo na nga.

“Aki?” pag-uulit ng kaniyang ina at saka hinarap sa may labasan. Kaagad na bumaba ang tingin nito sa tiyan ng anak niya. “P*tang*na naman talaga oh, Akira Lea!”

Naglakad si Akira kasama si Aia papasok sa bahay. “Nay, dito na lang po tayo sa loob…” saad niya at sinundan naman siya ng kaniyang ina.

“Bakit umuwi ka pa rito, ha? Eh alam mo naman kung gaano kailangan ang pera, Aki! Tapos ayan? Ano ‘yan!? Huwag na huwag mong sasabihing walang ama ‘yan?” pagtatalak ng ina niya sakaniya.

“Wala nga po…”

“Dios ko naman talaga,” napapikit ang kaniyang ina sa sakit ng ulo. “Ipalaglag mo ‘yan at bumalik ka sa Japan—“

“Nay!” pagpigil na sigaw ni Akira.

“Oh ano!? Wala kang maipapakain sa batang iyan, Akira. Tandaan mo ‘yan! Ipalaglag mo ‘yan!” sigaw ng ina niya sakaniya at walang pakielam kung naririnig man ng mga kapit-bahay.

“Hindi ako papayag. Aalagaan ko siya at palalakihin ko. At huwag po kayong mag-aalala dahil ako naman po ang gagastos para sa batang ‘to.”

Matagal ng may lama tang relasyon ni Akira at ng kaniyang ina bagama’t ginawa rin naman ni Akira ang lahat para maayos ang kanilang pagsasama ay hindi na nangyare pa.

Lumipas ang ilang buwan at sinimulan na ni Akira bumili ng mga gamit para sa bata. Si Aia rin ang palagi nitong kasama sa mga check up niya at sa iba pang preparasyon.

“Malapit na lumabas ang baby boy namin na ‘yan,” nakangiting pag-usap ni Aia habang hawak-hawak ang walong buwang tiyan ni Akira. “Ano nga palang ipapangalan mo sakaniya, Beb?”

“Azi… Aziyuki,” nakangiting sagot ni Akira.

“Lakas naman maka tunog Japanese niyan!” panunukso ni Aia at napatawa silang dalawa. “Sana maganda ugali nung ama niya, ano? Mahirap kasi pag-hindi at mamana niya pa…”

Naitikom ni Akira ang kaniyang bibig. “Kinakabahan nga ako, Aia. Baka kasi ‘pag lumaki siya mas makukuha niya yung ugali ng tatay niya at hindi ko rin kasi alam kung sino siya,” saad niya.

“Beb,” pagtawag ni Aia at hinawakan ang kamay ng kaibigan. “Ano pa man ang ugali ng ama ni Azi, basta maayos natin siyang pinalaki, magiging mabuting bata siya, okay? Chill lang. Good boy ‘tong si Azi, for sure!”

Sana nga… sana nga ay lumaking mabait, bibo, at masiyahing bata si Aziyuki.

Dumating na nga sa mundo si Aziyuki Montero. Ang kaagad na napansin sakaniya hindi lang ng mga doktor at pamilya ni Akira ay yung mukha nang bata. Hindi kamukha ni Akira. Iilan lang ang nakuha ng bata sakaniya. Sara tang mata, matangos ang ilong, at manipis ang mga labi. Sa unang tingin ay alam mo ng hindi talaga purong Pilipino.

Gayunpaman, kahit habang lumalaki si Aziyuki na mas nakikita at nabubuo na ang pagkatao nito ay ginawa pa rin ni Akira lahat para alagaan at bigyan ng magandang buhay si Aziyuki. Nang natututo na itong maglakad ay sinasama-sama na nito ang bata sa palengke kung saan siya nag tatrabaho bilang tinder ng mga damit at tsinelas.

Sapat pa rin naman ang ipon nito para sa anak ngunit kailangan niyang magtrabaho para sa pang-araw-araw na pagkain nila at pangmatrikula ni Alisa na kaniyang kapatid.

“Yuki?” tawag ni Akira sa anak na busy sa paglalaro ng mga stufftoys sa kama.

“Mama!” tawag din sakaniya ng anak at nakangiti naman ang bata na inaantay ang paglapit ng kaniyang ina sakaniya.

Niyakap ng mahigpit ni Akira ang anak at kinausap na parang ani mo’y makakasagot na ito sakaniya ng dire-diretso. “Mahal ka ni mama, okay? Kaya lumaki kang may mabuting puso, ha? Yuki. I love you, anak.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status