Share

Bearing The Psychopath's Son
Bearing The Psychopath's Son
Author: kriingkles

Chapter 1

“Tell me the truth Akira, is he my son?”

Nanlaki naman ang mga ni Akira ng tanungin na siya ng lalaking nasa harapan niya. Ramdam na rin niya ang lamig ng pader na humahalik sa kaniyang likuran. Biglang nanuyo ang kaniyang lalamunan at tila nakalimutan ng mag-salita pa.

“A-ah…” hindi nito mahanap ang tamang isasagot.

Napatayo naman ng matuwid ang lalaki at saka inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang suot na trouser at saka mataimtim na tinitigan ang natatakot na babae. “I just gave you the chance to be  honest with me,” saad nito at napabuntong-hininga.

“H-hindi mo siya anak,” pilit na tinatapangang sagot ni Akira kahit nanginginig na ang boses nito. Ikinuyom niya ang mga palad hanggang sa maramdaman niya ang mga kuko na bumabaon rito. “Patay na ‘yong ama niya,” dagdag pa nito.

Bahagyang napatawa ang lalaki sa kaniyang itinuran. “Ah,” napatango ito, umaaktong kumbinsido. “Then how about the DNA result then? Ah, did the doctor forged it or something?” inosenting tanong nito at saka napakamot sa kaniyang batok. “How about that, Akira?”

Napa-awang ang bibig ni Akira habang nanlalaki ang mga mata at nanginginig. “H-hindi… Hindi— hindi ikaw iyon,” pagpupumilit nito at naluluha na, pilit lang na pinipigilan.

“So you still choose to lie, huh? Okay then,” tumango-tango ito at napangiti na kaswal nitong binibigay sa babae. “Then I’m going to lie too,” saad niya, “You’re not going to get out from this house anymore. You and your son will stay here. You and your son will be under my possession.”

Dahil sa panginginig ng tuhod ay bumagsak na si Akira sa kaniyang kinatatayuan at sunod-sunod ng tumulo ang kaniyang mga luha. Hindi alam kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon at mas lalong hindi niya alam kung paano niya matatakasan ang mapanlinlang na taong nasa harapan niya.

Wala na siyang takas pa.

Narinig ni Akira ang bahagyang pagtawa ng lalaki at saka ito ibinaba ang sarili upang magka-lebel na ang kanilang mata. Hinaplos nito ang kaliwang pisnge ng babae at pinahiran ang luha nito gamit ang kaniyang hinlalaking daliri.

“There are really things that are inevitable, Akira and one of those are meeting me and ending up with this situation,” muli itong tumawa ng mahina at saka ngumiti ng kay tamis na umabot pa sakaniyang mga mata. “Let’s have fun, tho? I remember how feisty you were when you said that you won’t be assigned to me if you’re not good at your job. Let me see that again because,” lumapit ito sa bandang tainga ng babae at bumulong, “I love seeing you get so wild, Akira.”

Hindi na makagalaw pa at makapagsalita si Akira. Mistula siyang estatwa sa kinauupuan niyang malamig na sahig. Tumayo naman na ang lalaki at saka siya binigyan ng munting ngiti bago naglakad papalayo. Ang tanging nagawa lamang ni Akira ay ang sundan ng mata ang lalaki hanggang sa mabuksan nito ang pinto ngunit mas ikinalula ni Akira ng pagbukas niya ng pinto ay nakita nito ang anak niyang nakatingin sakaniya.

“Nak…” halos bulong na nito. Nakita nito ang pagbulong ng lalaki sa kaniyang anak at saka tumango ang bata, hinawakan ang kamay ng nakatatanda at saka sila naglakad palayo. “A-anak… I’m sorry, anak… Sorry kung siya pa talaga…”

Paano nga ba umabot sa ganitong sitwasyon si Akira at paano niya matatakasan ang isang lalaking katulad nito gayong… mayroon silang anak?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status