Share

Chapter 3

“Argh!” pag-ungol ni Akira matapos niyang ibukas ang mata niya.

Kaagad niyang inilibot ang mga mata at nasa kama pa rin siya kung saan nangyare ang lahat. Hirap itong gumalaw, masakit ang buong katawan, at nahihilo rin ang kaniyang ulo. Tiningan nito ang sarili sa ilalim ng kumot at wala itong suot na damit. KItang-kita rin ang pasa at pamumula ng kaniyang hita. Napabuntong hininga na lang ito at pinilit na umalis sa kama para hanapin ang damit niya.

Napansin niya rin ang sobreng nasa lamesa at kaagad niya itong kinuha. Namilog ang mga mata ng makita kung gaano ito kakapal. Itinago niya ito sa kaniyang likuran at saka na lumabas. Malapit na palang sumikat ang araw at nag-uumpisa na ring maglinis ang iba.

May iilang bumati kay Akira at bahagya lang siyang ngumiti. Inayos nito ang mga gamit, nagpaalam at nagbigay ng komisyon sa manager niya at saka na umalis sa club. Nakarating ito sa kaniyang tinutuluyang maliit na apartment at saka napiling matulog na lang muna upang mas makapagpahinga.

Dapit hapon na ng muling magising si Akira. Kaagad na nakaramdam ng uhaw at pagkagutom kaya ay naligo na ito at nagluto. Muli niyang binilang ang pera at hindi pa rin ito makapaniwala. Habang naupo sa upuan ay napaisip ito.

“Ah,” singhal niya. “Hindi ko maalala yung mukha niya… pero hindi ba parang ang dami naman nito?” takang tanong niya habang nakatingin sa pera pero napangiti na lang ito. “At least, worth it naman yung mga pasa ko,” napatawa na lang siya sa sarili niya.

“Gusto ko ng umuwi…” bulong niya sa sarili at ipinikit ang mga mata.

Kinagabihan ay muli itong pumasok sa trabaho kahit masakit pa ang katawan niya ngunit dahil sa mga pasang meron siya, hindi muna siya ipinasayaw at maging sa table ay ipinagbawalan na rin muna siya. Tumulong na lamang siya sa kung ano ang kaya niyang magawa para may sweldo pa rin siya kahit papano.

Pagkagising na pagkagising ni Akira ay kubeta kaagad ang kaniyang tinungo dahil pakiramdam nito ay nasusuka siya. Paglabas niya rito ay uminom siya ng gamot at isinawalang bahala na lang ang iniindang sakit ng ulo.

“Lea, you will dance today, okay?” saad ni Sozu.

“Yes ma’am,” mahinang sagot lang din naman ni Akira.

“Hey, are you okay? You not feeling well?” kunot-noong tanong ng manager.

Bahagyang ngumiti si Akira. “I’m good, ma’am. No worries,” sagot nito.

Dumaan ang iilang araw ngunit parang palala na lang din ng palala ang pagsusuka at pagkahilo ng ulo ni Akira. Kahit anong gamot pa ang inumin niya ay parang walang epekto.

Isang gabi habang nasa waiting room ito ay pinuntahan siya ni Sozu. “Be honest with me, Lea. Are you sick?” tanong niya.

“Uhm… little?” hindi niya siguradong sagot.

Lumingo-lingo sa pagkadismaya si Sozu. “You will go home tonight and come back if you are okay. Go home now and take care of yourself,” saad niya.

“I-I can handle it, ma’am. I’m fine,” pagpupumilit ni Akira.

“No, it’s not a good thing for the customer and the other girls,” sabat ni Sozu.

“But ma’am—“ hindi na nito napatapos ang sasabihin ng muling makaramdam ng pagsusuka at kumaripas ng takbo papuntang banyo at muling sumuka.

Hindi nito napansin na sinundan pala siya ng kaniyang manager. “Lea, who was your last VIP customer?” tanong niya.

“Po?” sagot nito at pinunasan ang bibig. “W-what do you mean? I-I don’t know him, ma’am. W-why?” naguguluhang tanong nito.

“Go home and buy a pregnancy kit on your way,” sabi niya at saka na tumalikod.

“H-huh?” ito lamang ang kaniyang naging reaksyon.

Umuwi nga si Akira sa kaniyang apartment ngunit hindi siya bumili ng PT tulad ng bilin sakaniya ng kaniyang manager. Naupo ito sa kama at pilit na inaalala ang nangyare nung gabing iyon. Alam niyang ilang beses iyon nangyare sa loob lang ng isang gabi pero ang problema, hindi niya na matandaan kung mayroon ba silang ginamit na proteksiyon.

Tumayo ito at tiningnan ang drawer niya kung asan nakalagay ang pills na iniinom niya. Namilog ang mata nito ng makitang may nakaligtaan siyang araw. Nanginginig ang mga mata’t kamay na tiningnan ang kalendaryo, “Sh*t,” mura nito ng ma-realized na hindi pa rin pala siya dinadatnan ng buwang araw ngayong buwan.

Napailing ito, naiiyak. “H-hindi, hindi pwedi,” giit niya sa sarili at saka tumakbo paalis sa apartment niya at bumili sa pinakamalapit na botika.

Halos gumuho ang mundo nito ng makita ang dalawang linya sa PT na hinahawakan niya. Sunod-sunod na tumulo ang luha nito dahil hindi matanggap ang nangyare sakaniya. “Buntis ako,” hagulgol nito.

Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha at patuloy na umiyak. Hindi niya alam kung kanino niya ba dapat sasabihin ang bagay na ito. Alam niyang pagagalitan lang siya ng kaniyang ina. Ang mas masakit pa ay baka matanggal siya sa trabaho at sapilitang uuwi sa Pilipinas.

“You’re pregnant, right?”

Hindi alam ni Akira kung aamin ba siay o hindi kay Sozu. Kagaad namang nabasa ni Sozu ang expression ng mukha ng dalaga at nakita niya na nga itong umiiyak.

Napakamot sa noo si Sozu. “You still have two years, Lea. Why?” tanong nito at bakas sa boses ang pagkadismaya.

“I-I d-don’t know,” pag-iyak nito. “I-I need the job, ma’am. P-please let me stay,” pagmamakaawa niya.

“Abort the child,” suhesyon nito.

Napaawang ang bibig nito at umiling. “H-hindi pwedi. No, I-I can’t.”

“Then you are not allowed in here anymore,” saad ni Sozu.

“I-I can wash the dishes instead. I can clean the club too. P-please just make me earn more before I go back to Philippines,” pagmamakaawa niya.

“This is why I hate careless woman,” giit ni Sozu. “From now on, you’ll help the maintenance team, okay?” saad niya.

Tumango-tango naman si Akira at pinunasan ang luha. “Y-yes ma’am.”

Walang kasalanan ang bata. Nabuntis siya dahil hindi siya naging maingat at labas na roon ang bata. At malaking konsensiya ang haharapin niya kapag ipinalaglag niya ito. Kung kaya’t mas pinili ni Akira na dalhin ang bata.

Hindi naging madali ang mag sumunod na araw para kay Akira. Mula sa pagiging mananayaw at entertainer ay naging taga-hugas ito ng pinggan at tagawalis at punas ng mga lamesa. Lumalaki na rin ang kaniyang tiyan at nahihirapan na rin siya minsan dahil madalas ng sumasakit ang kaniyang ulo.

Sa bawat gabi ay lagi niyang inaabangan ang lalaking nakabuntis sakaniya. Nagbabakasakaling baka muli itong dumalaw. Tinanong niya rin ang kaniyang maneger tungkol sa lalake ngunit wala din itong alam sakaniya dahil mas inuuna niya ang pera kesa kilalanin ang tao.

Apat na buwan na ang dinadala ni Akira. Malaki na talag ang tyan niya at hindi na siya dapat pang makitang nagtatrabaho sa club. “Here’s your last pay…” inabot sakaniya ang sobre kalakip na rin ang sobrang bayad sa mga OT niya at tulong ng kaniyang manager. “And here’s your ticket for next month…”

“Thank you so much, ma’am…” nakangiting inabot ni Akira ang sobre.

“Make sure to take care of the kid, okay? And your health too. You’re not going to see the father of that. I’m really sorry,” saad ni Sozu.

“I-it’s fine, ma’am. Thank you so much again,” ngumiting nagpapaalam si Akira sa kaniyang manager at sa mga malalapit sakaniya na mula sa club.

Inayos ni Akira ang kaniyang mga gamit at sinubukang tawagan si Aia at sinabing uuwi siya ngunit huwag sabihin sa kaniyang mga magulang. Sumuko na rin si Akira sa paghahanap sa lalaking nakabuntis sakaniya. Hindi naman sinasadya ang lahat at kasalanan niya rin naman. Mabuti na lang at may sapat na siyang ipon hanggang sa makaanak ito.

“Sorry baby, ha? Wala kang papa,” naluluhang sabi nito habang hinahaplos ang lumulubong tiyan. “’Wag kang mag-alala, aalagaan ka ni mama, okay?” Ngumiti ito at pinahiran ang luha sa kaniyang pisnge at ipinagpatuloy na ang pag-aayos.

“Gate 2 siya ‘di ba…” kausap ni Aia sa kaniyang sarili habang hawak-hawak ang cellphone at nagbabantay sa matalik na kaibigan sa pag-labas sa pintuan. “Ayan na, ayan na, may mga lumalabas na!”

Inisa-isa nitong tingnan ang mga lumalabas sa arrival gate 2 ng airport. Hinahanap ng kaniyang mata ang isang babaeng maganda, maputi, sexy, at may katangkaran rin. Excited na itong makita ang kaniyang bestfriend matapos ang mahigit tatlong taon.

“Aia!”

Napalingon si Aia ng marinig ang boses ng kaniyang kaibigan na ngayon niya lang muling narinig sa personal. “Aki—“ natahimik ito ng makita ang kaibigang may maletang hinihila, mga paperbag at box na nakatungtong sa cart na inaalalayan naman siya ng isang staff. Pero ang mas ikinagulat nito ay ang kaniyang kaibigan na may suot na bestidang umabot na sa paanan, naka suot ng sweater at hawak-hawak ang malaking tiyan.

Ngumiti si Aia at tumakbo sa kaniyang kaibigan at niyakap ito habang hinihimas ang likod niya. Narinig niya ang mahinang hikbi ni Akira. “Welcome home, Aki… Welcome home rin sa baby mo.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status