Share

Bakit Mahal Pa Rin Kita?
Bakit Mahal Pa Rin Kita?
Author: MICAH

Simula

Dahil sa sobrang init ng panahon, bumangon si Caleb sa kama at pumunta sa veranda ng kanyang kwarto. Tiningala niya ang langit. It was peaceful and calm. Napakunot ang kanyang noo nang magawi ang kanyang paningin sa pool. He looked on his wristwatch. It was one o'clock in the morning. Isang sulyap pa muli ang binigay niya kay Zam na kasalukuyang naglulunoy sa may pool bago siya umalis ng veranda.

Naabutan na niya ang dalaga sa may kusina. "You missed dinner," aniya. Kaninang hapunan ay hindi na pinagising ni Marco ang kapatid dahil tulog na tulog ito.

Muntik nang mapasigaw ang dalaga nang magsalita siya mula sa madilim na parte ng kusina. Hindi na kasi ito nag-abala pang buksan ang ilaw.

"I'm sorry, I didn't mean to startle you," hinging paumanhin ni Caleb. Saka inabot ang switch ng ilaw para buksan iyon.

"Bakit naman kasi naririyan ka sa dilim?" pasitang tanong nito sa kanya.

"Hindi ako makatulog, that's why I decided to have a cup of tea," kibit-balikat na sagot niya.

"I see,"

"Hindi ka ba nilalamig?" tanong niya. Hindi niya napigilan ang admiration sa pagkakatingin niya sa kabuuan ni Zam. She was wearing a sexy black two-piece bikini.

Hindi ito sumagot. Sa halip ay naglakad ito papalapit sa refrigerator at binuksan iyon. Bahagya itong yumuko at inabot ang isang bote nang freshmilk mula sa pinaka babang shelves part nang ref. Maagap naman s'yang kumuha ng baso at iniabot sa dalaga.

"T-thanks," mahinang sabi nito.

"Hindi ka rin uhaw, ha?" nakangiting komento niya nang makitang diretsahan nitong ininom ang gatas.

He found it sensual. Hindi aware ang dalaga na parang nang-aakit ito sa ginagawa. At tinablan naman siya dahil hindi lang maganda si Zam, halos hubad na rin ito sa harapan niya at napaka seksing tingnan sa suot nitong bikini.

"Don't do that again," he said in a husky voice. While trying to calm and stop himself from doing anything.

"Do what?" She frowned.

"Licking your lips, it's...it's kinda..." Hindi na n'ya malaman kung ano ang sasabihin. Agad na s'yang tumalikod dahil baka mapansin nang dalaga ang pagkabuhay ng alaga niya sa gitna ng dalawang binti. Medyo fitted pa naman ang suot niyang shorts kaya halata masyado ang umbok doon.

Zamantha lived in a western country. She may still be innocent, but it doesn't mean na wala s'yang alam pagdating sa sexual matter. Agad n'yang nakuha ang connotation sa sinabi ni Caleb.

Napangisi s'ya nang mapagtanto kung bakit ito biglang tumalikod sa kanya. "Did I..." Sadyang ibinitin niya ang sasabihin.

"Did you what?" Slowly he turned to her again.

"Oh, never mind," aniyang ikunumpas pa ang isang kamay. Akmang tatalikod na sana s'ya nang bigla s'yang hawakan ni Caleb sa braso. Sa ginawa nito ay halos mapasubsob na s'ya sa matipunong dibdib nito.

Nag angat si Zam ng tingin. Sandali ay natitigan n'yang muli ang magagandang mga mata nito. Their eyes locked up. Ngunit nakita rin niya sa mga mata ni Caleb ang matinding pagnanasa. Nakaramdam s'ya ng kaba nang makita iyon. Oh shit! Nasambit n'ya sa isip. Pilit s'yang kumawala sa mahigpit na pagkakahawak nito. Subalit sa halip na bitawan ay mas lalo pa s'yang kinabig papalapit. At sa sobrang lapit nila sa isa't isa ay ramdam na niya ang mainit at mabangong hininga nito sa mukha n'ya.

"Did you arouse me? Iyon ba ang gusto mong itanong?" anito habang pinaglandas ang hintuturo sa mga labi niyang nakaawang pa dahil sa gulat.

"Let go off me." mariin niyang sabi.

Lumapit ang mukha ni Caleb sa kan'ya at saka bumulong sa kanyang kaliwang taenga. "Paano kung ayaw ko?" naghahamon na saad nito.

Mas lalong pang lumalakas ang kabog ng dibdib ni Zamantha sa ginawang kilos na iyon ng binata. Hindi na niya mawari kung ano ang gagawin. Nagtatalo ang isip at damdamin n'ya sa sitwasyon. Her mind was warning her to stay away from him, but for some reason, her body liked it.

Gayon pa man, kahit na gusto na n'yang mabuwal sa pagkakatayo ay sinubukan pa rin n'yang magsalita sa matigas na tuno. "Again, I said let me go!" she said frantically.

He laughed. "The last time we're near like this..." Pinag-landas nito ang mga mata sa mukha niya. "You were begging for me to kiss you." Patuloy ito sa panunukso habang unti-unting tinatawid ang gahiblang pagitan ng kanilang mga mukha.

Nagtataas baba na ang dibdib n'ya sa sobrang kaba. Pinagpapawisan na rin yata s'ya ng malamig dahil sa posisyon at sobrang lapit nila sa isa't isa.

"I am willing to do that right now, sweetheart," patuloy pa nito. "And I really dont care if Marco will see us."

"Pwede ba!" She clenched her jaw. Caleb try to kiss her, pero pilit na iniiwas niya ang kan'yang mga labi. Muli s'yang nag-pumiglas sa pagkakayakap nito

"Before, you wanted me to want you.

Naalala mo pa ba?" mahinang tanong nito.

After hearing those words from Caleb. Tila biglang natauhan si Zam at saglit na naalala ang nakaraan. Ngunit sa halip na pagkasabik ay kirot sa puso ang kaniyang naramdaman.

She smiled bitterly. "Tama ka nga sa sinasabi mo, Mr. Dela Fuentes," nanliliit ang mga matang sabi n'ya. "Be-fore," aniyang sadyang inisang bigkas ang bawat syllables sa may katigasang tuno. "And that means now, I'm not interested anymore!" dagdag pa n'ya, saka inipon ang lahat ng lakas upang maitulak ang binata.

"Really?"

"Yes!" matigas na sagot n'ya. Hirap man ay lakas loob n'yang tinitigan ang binata. Ngunit hindi n'ya rin natagalan iyon at, agad ding nag-iwas nang paningin ng makita ang mga mata nitong tila nasaktan sa mga sinabi n'ya. But, it can't be! wala itong dahilan para masaktan.

Umalingawngaw ang tawa nito. "What's so funny?" aniyang nag-uumpisa ng mapikon.

"You," sagot nito na umaalog-alog pa ang balikat gawa nang pagtawa. "You can only convince me kung masasabi mo iyan nang nakatingin nang deretso sa mga mata ko," seryosong saad nito.

"Why you!" Halos umusok ang ilong n'ya sa sobrang iritasyon.

"See what I mean?" Bigla s'ya nitong kinabig muli at siniil nang isang mapusok na halik sa labi. Halik na inaasam-asam n'ya noon.

Hindi agad nakagalaw si Zam sa pagka bigla. Agad na nakaramdam nang mala kuryenteng damdamin na dumadaloy sa bawat ugat n'ya. Damn it! is she turning on? Maya-maya pa ay nadarag na s'ya nito. Sinagot at pinantayan n'ya ang mapupusok na halik ng binata. Then she heard him moaned.

"No! this can't be happening. Wake up, Zam!" sita ng isang bahagi ng isip n'ya. After saying that to herself ay parang may isang projector na automatic na nag-play sa utak n'ya.

She suddenly remembered everything that happened in the past. Lahat nang nangyaring pambabalewala nito sa kan'ya at lahat ng sakit na naramdaman n'ya noon.

Naglahong parang bula bigla ang lahat nang sensasyon nararamdaman n'ya. Napalitan muli ito ng poot at galit para sa binata.

Muli niyang itunulak ito at sinundan nang isang malakas na sampal.

"How dare you!" galit na sabi n'ya.

Napamaang naman sa gulat si Caleb dahil sa ginawa ni Zamantha sa kan'ya. Pag kuwan ay naguluhan s'ya rito.

"I'm s-sorry... I thought..."

"You thought what!?" mangiyak-ngiyak n'yang tanong. "Look, I dont know what's on your mind this time. But, please just leave me alone!" aniya. Saka mabilis na tumalikod. Hindi na n'ya kasi napigilan ang mga luhang nag-uunahan nang tumulo. At ayaw n'yang makita iyon ng binata. Lumakad na s'ya papalabas ng kusina. Subalit nakaka ilang hakbang pa lamang s'ya papalayo ng muli pa itong magsalita.

"Mahal kita..." mahinang sambit nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status