Share

Kabanata 24

Abala muli si Nanay Josie sa kusina ng dumating doon si Caleb.

“Good Morning Nanay Josie," bati nito sa matanda.

“Magandang umaga rin sa iyo," sagot nito ng lingunin si Caleb. Saka nagtataka itong tumingin sa orasan. “Ang aga mo naman yata masyado magising ngayon, anak, aba'y mag-a-ala singko pa lang ng umaga, ah, na alimpungatan ka ba?" tanong nito.

Hindi man sadya ngunit mahinang natawa si Caleb ng marinig ang sinabi at tanong na iyon ni Nanay Josie sa kanya.

Sa isip-isip niya, mas tama yatang sabihin o itanong kung nakatulog na ba siya. Pero hindi niya iyon isinatinig. Sa halip ay nagdahilan na lamang siya sa matanda.

“Balak ko po sanang tumakbo ngayong umaga," sagot niya.

“Gano'n ba? Oh, sige maupo ka na lang muna diyan at ipagtitimpla kita ng kape. Magpainit ka muna ng tiyan bago tumakbo," suhestiyon naman nito sa binata. Habang nakasunod lamang siya ng tingin sa binata na abalang ibinabalik ang compress bag na hawak sa lalagyan nito.

“Okay lang po, Nay. Mamaya na lang po siguro.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Aliyah Fadilah Malayao
after decades na update Rin s wakas Sana tuloy² na to .hehe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status