Share

KABANATA 24

MAANG na nakatingin si Zarina sa papalayong kabayo sakay ang lalaking tila may pinapasan na malaking suliranin sa buhay. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang kasalanan kung bakit hindi siya nito pinapansin at parang iwas na iwas ito sa kaniya. Ni hindi rin siya nito nagawang hintayin man lang o ‘di kaya isakay sa kabayo gaya ng magpunta sila rito kahapon. Sa halip ay isang kotse ang naghihintay kaniya para maihatid siya sa hacienda.

Naniningkit ang mata niya sa inis habang paliit nang paliit ang tingin niya sa papalayong kabayo.

"Señorita, aalis na po ba tayo? Wala na po ba kayong nakalimutan na gamit sa itaas?" isang tanong ang nagpabalik sa naiinis niyang diwa.

Nilingon niya ang lalaki na sa tingin niya ay kaedaran lang niya o mas bata nang kaunti sa kaniya. Kapagkuwan ay napakunot-noo pa siya habang mataman niya itong tinitingnan dahil parang pamilyar sa kaniya ang mukha nito. Yumuko siya at napahawak sa baba habang iniisip kung saan at kailan niya ba nakita ang lalaki. Nan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status